Pagkatapos ibaba ni Jacob ang tawag ay hindi maitago ang mga ngiti sa labi ni Cali, tila ba nakalimutan na nito kaagad ang mga masasakit na sinabi sa kanya ni Jacob pagkatapos nitong marinig ang paghingi nito ng tawad. Nagpapagulong gulong pa siya sa kama sa sobrang kilig niya noon at tila ba nawala ang sama ng kanyang pakiramdam.
Hindi niya kasi talaga inaasahan na ang isang Jacob West ay hihingi ng tawad sa kanya, base kasi sa mga usap usapan sa kompanya ay hindi ito ang klaseng ng taong humihingi ng tawad dahil mataas ang tingin nito sa kanyang sarili dahil akala niya ay palaging siyang ang tama.
Kinabukasan ay maagang pumasok si Cali, ngunit nagulat siya dahil pagbukas niya ng pinto ay napansin niyang nakabukas na ang mga ilaw, ibig sabihin lang nun ay andun na si Jacob at mas maagang pumasok ito sa kanya, mas lalo pa niyang ikinagulat nang meron kape at isang box ng donut sa ibabaw ng kanyang mesa.
Ipinagtataka naman niya kung saan galing iyon dahil malamang ay hindi naman iyon para sa kanya, naisip na lamang niya na baka para kay Jacob yun at iniwan lang ito sa kanyang mesa. Kayat ang ginawa niya ay nagtungo siya sa opisina na ni Jacob na dala dala ang mga pagkain na ‘yon, hindi na siya kumatok katulad ng bilin nito, kaya’t dumeretso na lamang siyang pumasok.
“Goodmorning sir Jacob!” Bati naman ni Cali sa kanyang boss na katulad ng dati ay nakatutok lang ito sa kanyang ipad at may binabasa.
Nag angat ito ng tingin ng marinig ang boses ni Cali.
“Goodmorning.” Matipid na bati rin naman ni Jacob.
“Ibibigay ko lang po sana sa inyo ‘to,” sabay ibinaba ni Cali sa mesa ni Jacob ang dala dala niyang pagkain.
“Meron po sigurong nag iwan nito sa mesa ko para sa inyo.” Dugtong pa nya.
Tinignan naman ni Jacob ang pagkain na yon, yon kasi ang binili niyang almusal para kay Cali kanina kaya nga siya maagang pumasok para mailagay niya yon sa mesa nito ng di nito nakikita.
“Yan ba? Tira ko lang yan kanina, sayo nalang” deretsong sabi ni Jacob, “If you don't like it, then throw it away.” Dugtong pa nito at muli ng binalik ang tingin sa kanyang binabasa.
Wala naman ng nagawa si Cali dahil wala na sa kanya ang atensyon ni Jacob at hindi na siya nito pinansin pa kaya’t nagpasalamat na lamang siya at tuluyan ng lumabas ng opisina nito.
Pagkabalik niya sa kanyang upuan ay agad niyang binuksan ang donut, napakunot naman ang kanyang noo at nagtataka siya dahil paanong naging tira iyon kung kumpleto pa naman ito. Napangiti na lamang siya sa kanyang iniisip na marahil ay binili talaga iyon ni Jacob para sa kanya bilang peace offering nito, kaya’t muli na naman siyang kinilig dahil sa isiping iyon.
SA KABILANG BANDA...
Si Jacob naman ay napatakip na lamang ng mukha pagkalabas na pagkalabas ni Cali ng pinto, dahil sa dahilan niyang walang ka sense sense.
“Stupid Jacob,” Wika pa niya sa kanyang sarili at napapabuntong hininga na lamang dahil sa sinabi niya kay Cali na walang kwentang dahilan. Wala na kasi siyang maipalusot pa sa dalaga dahil ayaw naman niyang aminin na siya talaga ang bumili noon para kay Cali.
Magtatanghali na noon ng biglang mag ring ang cellphone ni Cali galing sa hindi kilalang numero, nagtataka naman siya kung sino iyon ngunit agad rin naman niya itong sinagot.
“Hello po?” Wika ni Cali.
“Is this Cali?” Tanong ng lalaki galing sa kabilang linya.
“Yes po, sino po sila?” Magalang na tanong ni Cali.
"Ang bilis mo naman makalimot ng utang" wika ulit ng lalaki. Doon naman ay narealize na ni Cali kung sino ang lalaking kausap niya.
"Oras na siguro para bayaran mo ako" pagpapatuloy pa ng lalaki.
"Opo sir, sige po pahingi nalang po ng Gcash niyo" seryosong wika naman ni Cali, noon naman ay napatawa ng malakas ang lalaki sa kabilang linya ng marinig ang sinabi ni Cali.
“You're so funny, Cali! Anyway, meet me at lunch, ite-text ko sayo kung saan”
“Sir hindi po ako-”
“I won’t take no for an answer, Cali! Alalahanin mong may utang ka pa sakin,” pananakot pa ng lalaki.
"See you and don’t be late" wika pang muli nito, at binaba na ang tawag, napabuntong hininga na lamang muli si Cali
Ilang sandali pa ay nakatanggap na siya ng isang text, nakalagay doon kung saan niya tatagpuin si Ace. Malapit lang naman sa opisina ang lokasyon noon. Kaya’t hindi na rin siya nabahala, nag aalala lang kasi siya dahil baka malayo ang kanilang pagtatagpuan dahil baka hindi siya makabalik agad at hanapin siya ni Jacob.
Pagkalipas ng isang oras ay naghahanda na si Cali upang umalis patungo kay Ace, lunch break narin kasi noon. Abala siya sa pag aayos ng kanyang gamit ng lumabaas mula sa pinto si Jacob.
“Ms. Fernandez! I already sent to your account your salary!” Wika nito sa kanya.
“Thank you po sir!” Sagot naman ni Cali,
“With 10 thousand bonus!” Pagyayabang pa ni Jacob.
“No need to thank me,” dugtong pa nito na noon ay pangisi ngisi pa kay Cali.
Nanlaki naman ang mata ni Cali ng marinig yon at talaga naman nabigla siya na may bonus pa pala siya.
“Let's have lunch together!” Wikang muli ni Jacob na mas lalo pang ikinagulat ni Cali ng marinig iyon.
Akala niya ay nabibingi lamang siya.
“Ano po ulit yon sir?” Tanong ni Cali upang makasigurado.
“I said lets have lunch together! Let's celebrate! Because starting today, you're now my official Assistant.” Deretsong wika ni Jacob.
Mababakas sa mukha ni Cali ang kasiyahan ng marinig na opisyal na siyang assistant ni Jacob, gusto niyang magtatalon sa saya ngunit nahihiya lamang siya kay Jacob kaya pinigilan niya ang kanyang sarili.
“Salamat po sir Jacob sa pagtitiwala niyo sakin,” masayang wika ni Cali.
“Okay then, so let’s take a lunch break together?” Pag aaya pang muli ni Jacob.
Papayag na sana siya dito ng bigla niyang maalala na magkikita nga pala sila ni Ace. Doon ay nawala ang kanyang mga ngiti at hindi niya alam kong paano niya ipapaliwanag kay Jacob na hindi siya pwede na noon aymay nag hihintay na sa kanya.
“Ah sir, Pasensya na po kasi may nakaset na po pala kaming lunch ngayon ng kaibigan ko,” kinakabahang wika ni Cali na noon ay pinapanalangin na lamang niya na wag magalit si Jacob.
“Okay then.” Maikling sagot ni Jacob.
Tinignan siya muna nito sa mga mata, pagkatapos ay tumalikod na ito at bumalik na sa kanyang opisina, hindi naman alam ni Cali kung galit ba ito o ano, dahil hindi niya ito makitaan ng expression.
Pagkatapos noon ay umalis narin si Cali at nagtungo na sa restaurant na tinext ni Ace. Pagdating niya doon ay nakita niya agad itong kumakaway sa kanya kaya’t lumapit na siya dito.
“Hello sir, bakit niyo po ba ako pinapunta dito?” Tanong ni Cali ng makaupo ito.
“Kasi babayaran moko ng utang mo,” mapangasar na wika ni Ace.
“Umoder na pala ako ha!” wika nito sa kanya.
Kasabay din noon ang paghatid sa kanila ng mga mamahaling pagkain! Napalunok na lamang si Cali ng makita kung gaano iyon kadami.
“May iba pa bang darating bukod satin sir?” tanong naman ni Cali dahil hindi siya makapaniwala sa dami ng order nito.
"Wala sa atin lang yang dalawa, kumain na tayo at gutom na din ako” wika pa ulit ni Ace na noon ay nagsimula ng kumain.
Samantalang si Cali ay hindi maka kain ng maayos dahil iniisip niya na agad kung gaano kalaki ang babayaran niya sa mga pagkaing inorder ni Ace. Kinakabahan na siya dahil limang daan lamang ang dala niyang pera, iniiwan niya kasi ang ibang pera niya sa bahay at sapat lamang ang kanyang dinadala.
Naiwan niya din doon ang kanya credit card na bigay ni Madam Lyn at maging ang kanyang debit card.
Hindi na siya mapakali noon sa kakaisip kumg paano siya magbabayad, samantalang ang lalaking kasama niya ay sarap na sarap pa sa pagkain at aakalain mong ito’y patay gutom sa sobrang lakas kumain.
Masama na rin ang tingin niya dito, dahil ang utang lang naman niya dito ay isang kape at wala pang limang daang piso iyon, kaya’t hindi na siya naghanda pa ng malaking pera. Dahil sa totoo lang ay nakahanda na ang pambyad niya dito, at naghihintay nalang ito ng tawag mula kay Ace.
Napansin naman ni Ace na nakatulala na lang si Cali at hindi na ito kumakain.
“May problema ba? Bakit hindi ka kuma-kumakain? Eh ang sarap sarap ng mga pagkain kong inorder ah” wika pa ni Ace.
“Ah eh sir kasi wala po akong ipangbabayad dito,” mariin namang giit ni Cali.
“Limanng daan lang po kasi yung dala kong pera sir, wala padin naman po kasing limang daan yung utang ko sa’yo, hindi ko po ine-expect na ganito pala ang gusto mong ibayad ko sayo,” naluluhang wika ni Cali.
Noon din ay hindi na napigilang mapatawa si Ace sa sinabi ni Cali.
“Wag kang mag alala dahil bayad na yan mga inorder ko.” Tumatawang sagot ni Ace.
“Ano naman akala mo sa akin. Wag mo nang isipin pa yan at kumain ka na. Lalamig na ung pagkain. Bakit akala mo ba maghuhugas ka na mga plato?” Tanong pa ni Ace at tumawa pang muli, kaya noon ay nakahinga na ng maluwag si Cali at nagtawanan silang dalawa.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may isang lalaki ang pinagmamasdan silang dalawa habang sila ay nagtatawanan, walang iba kundi si Jacob.
Itutuloy...