Chapter 8

1995 Words
DISAPPOINTED na pumasok si Jacob sa kanyang opisina dahil sa pagtanggi ni Cali na kumain sila ng lunch. Ilang oras din niya kasing pinagisipan kung paano niya ito aayaing kumain sa labas, wala naman na siyang nagawa dahil naiintindihan naman niya na may ibang plano ito. Naisipan niyang bumaba na din upang bumili ng maka-kain sa labas dahil hindi siya nakapagpahanda ng makakain dahil sa inaasahan nga nito na magkasabay silang kakain sa labas ni Cali. Nagugutom na rin siya noon at naisipan niyang magpunta sa paborito niyang restaurant. Ngunit papasok pa lamang siya ng restaurant ay natanaw na niya doon ang isang pamilyar na babae, at may kasama itong lalaki, hindi niya nakikita ng mukha ng lalaki dahil ito ay nakatalikod sa kanya, ngunit sa nakikita niya ay masayang masaya si Cali at kitang kita niya kung paano mawala ang mga mata nito sa kakatawa. Tatalikod na sana siya ng mapansin niyang lumingon ang lalaking kasama ni Cali dahil tumawag ito ng waiter, at doon ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala kung sino ito, walang iba kundi ang kaibigan niyang si Ace. Tila ba noon ay nawala na sa mood si Jacob at muli ng nag-iba ang aura nito, hindi na siya tumuloy sa restaurant at nawalan na siya ng ganang kumain. Salubong ang kilay nitong sumakay sa kanyang kotse pabalik ng opisina. Habang nagda-drive ay iniisip niya kung bakit magkasama ang dalawa na tila close na close na agad, eh kakakilala palang naman nila sa isa’t isa halos dalawang linggo palang ang nakakaraan. Sa pagkukwentuhan ni Cali at Ace ay hindi na nila namalayan ang oras, pagtingin ni Cali sa kanyang relo ay laking gulat niya na alas dos na pala noon at 30mins na siya late agad naman siya napatayo at mabilis na nagpaalam kay Ace, ngunit nag offer ito na ihahatid na siya sa opisina. Hindi na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ni Cali noon dahil 30mins na syang late at pinapanalangin na lamang niya noon na sana ay hindi siya hinahanap ni Jacob dahil kung hindi ay malamang sa malamang ay yari na namana sya. Ilang minuto pa ay nakarating na din sa opisina at dahan dahan niya pang binuksan ang pinto. At halos mapatalon siya ng makita si Jacob na nakaupo sa kanyang upuan at prente itong nakaupo doon na tila ba kanina pa siya hinihintay. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin ng magtapo ang kanilang mga mata. Napalunok na lamang siya dahil hindi niya alam kung anong salita ba ang kanyang sasabihin. “Mukang late ka yata Ms. Fernandez! Napasarap ba ang kwentuhan niyo ng KAIBIGAN MO? O Kaibigan ko?” tanong ni Jacob na noon ay binigyang diin pa niya ang salitang KAIBIGAN. At noon ay deretso niyang tinignan si Cali sa mga mata . Noon naman ay nanlaki ang mga mata ni Cali ng marinig ang sinabi ni Jacob, iniisip niya kung nakita ba siya netong kasama si Ace. Lalo namang hindi siya makapagsalita noon dahil sa hiya, kaya’t napayuko na lamang siya at tanging paghingi na lamang ng tawad ang kanyang nasabi. Mainit parin ang ulo noon ni Jacob, ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mapagsalitaan ng masama si Cali, hindi rin niya kasi maintindihan kung ano ang nararamdaman niya, at tila ba ay inis na inis siya na makita si Cali na may kasamang iba. Lalo na at tinanggihan siya nito kanina dahil makikipagkita pala ito sa kanyang kaibigang si Ace. Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa, habang si Cali ay nakayuko at tahimik na nakatayo. Ayaw na lamang magsalita noon ni Jacob dahil baka kung ano pa ang kanyang masabi. Isang boses ng babae ang bumasag ng katahimikan. “Jacob!” Tawag ng babae ng makita niya si Jacob pagpasok niya ng pinto. “Mom! What brings you here?!” Tanong ni Jacob dito na noon ay napatayo na sa pagkakaupo at inaya ang kanyang ina papasok ng kanyang opisina, hindi narin niya pinansin noon si Cali. Naghanda noon si Cali ng maiinom para sa bisita ni Jacob na noon din ay nalaman niyang ina pala ni Jacob ito, matanda na ito ngunit makikita parin dito ang taglay nitong kagandahan. Pumasok na siya sa opisina ni Jacob dala dala ang kape ng kanyang tinimpla. Nakita niyang nagkukwentuhan ang mag ina. Napansin naman ng ina ni Jacob ang pagpasok ni Cali at tinignan siya ito. “Siya ba ang new assistant mo anak?” Tanong ng ina ni Jacob, habang humihigop ito ng kape na tinimpla ni Cali. “Yes Mom” sagot naman ni Jacob. “So Young!” Wika pa ng ina Jacob na muling tinignan si Cali bago lumabas. “Akala ko ba ayaw mo ng assistant na halos kaedad mo lang? Seems that you broke your own rules” muling wika pang muli ng kanyang ina na noon ay nagtataka kay Jacob. Ang totoo kasi ay ayaw talaga ni Jacob ng batang Assistant, gusto niya ay mga taong beterano na sa pagiging Sekretarya, upang mas marami na itong nalalaman, ayaw niya pa sanang gawing Official Assistant si Cali, ngunit wala na siyang ibang maidahilan pa upang maaya niya itong kumain kanina, gusto niya lamang kasing bumawi sa dalaga. Ngunti hindi niya alam na init lang pala ng ulo ang maidudulot nito sa kanya na noon ay aktong nakita pa nitong kasama si Ace na kumakain. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagpaalam na din ang ina ni Jacob dahil may importante pa daw itong pupuntahan, dumaan lamang ito sa kompanya upang ipaalala kay Jacob ang Team Building ng kanilang kompanya na taon taon nilang ginagawa. Nalalapit rin kasi iyon. Alas sais na ng gabi noon at palabas na si Jacob ng kanyang opisina ng mapansin nitong andoon pa si Cali, at mahimbing na natutulog, buong akala niya ay umuwi na ito kanina pa. Sa palagay niya ay napagod ito sa pinagawa niya kanina, pinaikot niya kasi ito sa iba’t ibang departamento ng kompanya upang paalalahanan ang mga Department Head para sa team building na gaganapin, upang makapaghanda na sila. Pinagmasdan ni Jacob si Cali, nakapatong ang ulo nito sa lamesa at humihilik pa, hindi na namalayan ni Jacob na nakangiti na pala siya habang pinagmamasdan ang dalaga. Sinundot niya ng daliri ang pisngi nito at hindi man lamang ito nagising, kaya’t alam niyang malalim ang pagkakatulog nito. Hinawi nito ang buhok na tumatakip sa mukha ni Cali, at doon niya nasilayan ang mukha nito na talaga namang nakapagpabighani sa kanya. Muling napangiti ang lalaki, ngunit ilang sandali lang ay napatigil siya dahil pamilyar sa kanya ang amoy ni Cali! Ang pabango nito ang naamoy ni Jacob, pamilyar iyon sa kanya hindi niya lang alam kung saan niya iyon naamoy. Hinayaan niya munang matulog si Cali at balak niya ay hintayin nalang itong magising, dahil alam niyang pagod ito, kaya’t umupo muna siya sa kalapit na sofa. Naisip niyang maghintay lamang ng ilang minuto sa pag aakalang magigising din si Cali maya maya ngunit hindi niya namalayang sa pag hihintay niya ay nakatulog narin pala siya. Pagkalipas ng isang oras ay nagmulat na si Cali ng kanyang mga mata, napatingin siya sa paligid at doon niya narealize na nakatulog pala siya sa opisina, agad niyan tinignan ang kanyang relo at laking gulat niya kung anong oras na. Alas 7 na noon ng gabi, dapat sana ay nakauwi na siya ng bahay, dalawang oras rin pala siyang nakatulog. Hindi niya alam kung bakit madalas siyang antukin ngayon at tila ba napakadali niyang makatulog. Nag ayos na si Cali ng kanyang gamit at aalis na sana siya ngunit pagtayo niya ay napansin niya si Jacob na mahimbing na natutulog sa sofa, iniisip niya kung bakit andito pa ito kaya’t naisipan niya ng gisingin ito. “Sir Jacob,” tawag niya dito habang hawak ito sa balikat at mahinang tinatapik ito. Ngunit tanging ungol lamang ang sagot nito sa kanya. Kaya’t muli niya itong tinapik, at doon ay tuluyan ng nagising si Jacob. “Did I fell asleep?” Tanong nito kay Cali. “Opo sir.” Sagot naman ni Cali. “Sa susunod kasi wag kang matutulog sa opisina,” muling pagsusungit ni Jacob. “Pasensiya na po" wika ni Cali at napayuko ito, ‘yon na lamang ang tangimg nasabi nya dahil nahihiya siya dito. Alam din naman niyang mali ang matulog sa opisina, ngunit walang siyang magawa dahil antok na antok tlaga siya. ***** Sabay na bumaba ang dalawa, magmula sa elevator ay walang imik ang dalawa. Nang makababa ay dumeretso na si Jacob sa Car Park at hindi man lang ito nagpaalam kay Cali. Samantalang si Cali ay papalabas na ng building, at doon niya napansin ang sobrang lakas na buhos ng ulan. Wala siyang payong noon kaya’t wala siyang choice kung hindi magpatila ng ulan, medyo malayo layo pa kasi ang lalakarin niya papunta sa sakayan ng Jeep. Naiinis pa siya sa kanyang sarili dahil kung hindi siya nakatulog ay malamang nakauwin na siya ng bahay. Ilang sandali pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa tapat niya. Mula doon ay bumaba ang isang lalaki at nakapayong ito! Napansin naman iyon ni Cali, at unti unti ay naging malinaw sa kanya kung sino ang lalaking papalapit sa kanya, hindi niya kasi ito makilala nung una dahil gabi narin noon at sobrang lakas pa ng ulan. “Sir Jacob?” Mahinang wika ni Cali sa kanyang sarili ng makilala ang lalaking papalapit sa kanya. “Let’s go!” Wika nito sa kanya. Hinawakan siya ni Jacob papalapit sa kanya upang magkasya sila sa payong, gulat na gulat naman si Cali noon at napasunod na lamang kay Jacob. Hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Cali noon, para bang bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Kalapit na kalapit niya si Jacob at hawak pa siya nito sa braso at parang yakap siya nito. Pinagbuksan siya nito ng kotse at inalalayang makapasok sa loob upang hindi siya mabasa. Nang makaupo siya ay nagtungo na si Jacob papunta sa driver seat. Napansin naman ni Cali na nabasa ang damit nito dahil siya ang mas pinayungan ng binata. “Thank you sir,” wika ni Cali kay Jacob! “Nabasa pa tuloy kayo dahil sakin.” Muling wika pa nito. “I'm okay, Dont mind me.” muling wika naman ni Jacob at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan. “I just don’t want you to get sick,” wika pang muli ni Jacob at doon naman ay napalingon si Cali ng marinig iyon, at tila ba namula pa ang kanyang pisngi dahil sa kilig. Ngunit nawala rin iyon ng biglang dugtungan ng lalaki ang kanyang sinabi. “Kailangan kita sa preparation ng team building kaya iwasan mong magkasakit dahil marami akong ipagagawa sayo.” Dugtong pa ni Jacob. Bigla namang nalungkot si Cali noon, dahil akala niya ay may pakialam talaga sa kanya ang Boss niya, yoon pala ay dahil lamang sa trabaho. Nanahimik na lamang siya at nakatanaw na lamang sa labas ng bintana. Nagtataka naman si Cali dahil hindi man lang siya tinanong ni Jacob at wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin, nahihiya naman na siyang magtanong dahil seryoso ang mukha nito sa pagmamaneho. Ngunit napansin niya na ang bawat nilalampasan nilang daan ay patungo kung saan siya nakatira at ilang sandali pa nga ay nanlaki ang kanyang mga mata ng tumigil ang sasakyang sa tapat pa ng bahay nila mismo. "We're here, pumasok kana sa loob, and rest well because tomorrow is a big day.” wika pa ni Jacob sa kanya, Nagtataka naman si Cali sa kung anong tinutukoy ni Jacob na Big Day, pero hinayaan na lamang nya ito at nagpasalamat na lamang siya dito sa paghatid sa kanya at bumaba na ng sasakyan. Tumila narin naman kasi noon ang ulan. Nang makaalis ang sasakyan ni Jacob ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay at iniiisip parin niya kung paano nalaman ni Jacob ang mismong bahay nila. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD