Chapter 9

2041 Words
INIISIP ni Cali na marahil ay may tampo parin ito sa kanya dahil sa nakita nito na magkasama silang dalawa ni Ace. Ngunit nakangiti parin niya itong pinagmasdan papalayo sa kanya dahil kahit ganon ay hindi siya nito iniwang mag isa sa opisina noong natutulog siya. Kasalukuyang nakahiga sa kama si Cali, hindi parin niya alam kung paano nalaman ni Jacob ang mismong bahay nila. Dahil hindi naman iyon nakalagay sa resume niya at kahit i-waze pa ang bahay nila ay hindi nito malalaman kung saan ba mismo siya nakatira. Napukaw ang atensiyon ni Cali ng marinig ang katok sa labas ng kanyang kwarto, agad naman siyang tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang kanyang ina. “Anak, maaari ba akong pumasok?” Tanong ng kanyang ina. “Oo naman Nay!” Sagot naman ni Cali. Pumasok nga ang kanyang ina ng kanyang kwaryo at sabay silang naupo sa kama. “Nakita ko kanina, may naghatid sayo anak, kasintahan mo ba iyon?” Usisa pa ng kanyang ina. “Hindi ho, Nay.” mariing pagtanggi naman ni Cali. “O siya kung ganon! Hindi ko na uusisain,” nakangiting wika ng kanyang ina. Napansin naman ng kanyang Ina ang suot na kwintas ni Cali. “Wag mong masyadong isuot anak ang kwintas na yan dahil baka mawala, at mahablot sayo, alam mo naman ngayon ang pagsakay sa jeep e delikado din. Palagi mo iyang iingatan dahil yan lamang ang pamana ko sayo.” Natatawang wika pa ni Aling Nancy. “Opo Nay, Itatabi ko na po ito.” Sagot naman ni Cali. Teka Nay, maalala ko lang may nakapagsabi po kasi sakin na mahal daw ‘tong kwintas na ‘to. Thousand Dollars daw po ito, totoo po ba yun Nay?” Wika naman ni Cali na noon ay hinubad na ang kwintas at hawak hawak nya ito habang pinagmamasdan. “Sino namang nagsabi sayo niyan? Saan naman ako kukuha ng malaking halaga para maibili kita ng mamahaling alahas. Alam mo namang kapus din tayo sa pera, mabuti nga noon nagkatrabaho kay ay nakaluwag luwag tayo, anak.” Sambit pa ng kanyang ina. “Malay ko ba Nay kung meron kang tinatagong kayamanan.” Natatawang wika pa ni Cali sa ina. “Ikaw lang ang kayamanan ko anak.” Wika naman ng kanyang ina. Noon ay niyakap ito ng mahigpit ni Cali at nagpasalamat siya dito. Buong buhay niya ay ang kanyang ina lamang ang nagtaguyod at nagpaaral sa kanya hindi kasi niya nakilala ang kanyang ama dahil hindi naman iyon binabanggit sa kanya ng kanyang ina, kaya’t laking pasasalamat niya dito dahil pinag aral siya nito at binigay ang kanyang mga pangangailangan kahit isa itong hamak na nagtitinda lamang ng balot. Kaya naman ngayon ay siya naman ang bumabawi dito at binibigay ang pangangailangan nito ngunit patuloy padin ang kanyang ina sa paglalako ng balot sa kanilang barangay dahil naiinip ito pag nasa bahay lamang. At paminsan minsan din ay tinutulungan niya itong maglako tuwing wala siyang pasok sa trabaho. Kinalakihan narin kasi niya ang maglako ng balot at masaya niya itong ginagawa lalo na at natutulungan niya ang kanyang ina. KINABUKASAN ay pumasok na si Cali ng opisina, ngunit nagulat siya dahil pagpasok pa lamang ng companya ay maingay na at may mga tugtugin. Nakita rin niyang masigla at masaya ang mga empleyado, nagtataka naman siya kung anong meron, at doon ay bigla niya naalala niya ang BIG DAY na tinutukoy ni Jacob. Naisip naman niya na hindi pa naman ito ang team building dahil bukas pa iyon gaganapin kaya’t ganun na lamang ang kanyang pagtataka. Maya maya pa ay nakita siya ng kanyang mga kaibigan at tinawag siya nito. Nang makita ang mga ito ni Cali ay agad siyang nagtungo doon. Agad naman niyang tinanong ang mga ito kung ano ang kaganapan sa kompanya at tila ba lahat ay nagsasaya. “Ano bang meron ngayon bakit may ganito? Nabago ba ang date ng team building.” Seryosong tanong ni Cali! “BIG DAY ngayon!” Sagot naman ng isang babae. “Anong BIG DAY?” muling tanong ni Cali. “Ay sabagay wala ka nga palang ganito last year dahil diba may kinaharap na krisi ang kompanya.” Wika muli ng babae. Wala talagang ideya si Cali sa kung ano ang BIG DAY dahil magdadalawang taon pa lamang naman siya dito at nung unang taon niya dito ay walang event na naganap, kaya’t ngayon lamang ito muling naulit. Ngayon kasi ang kaarawan ng Ama ni Jacob! Kahit yumao na ito ay pinagdiriwang parin nila ito bilang pag alala sa yumaong CEO, dahil kahit noong ito ay nabubuhay pa e, ginagawa na nila ang ganitong pagdiriwang! May mga palaro at papremyo ngayon, at may mga intermission number din ang bawat departamento at isa pa ay bayad din ang sahod ngayong araw kahit wala silang gawing trabaho. Habang nagsasaya ang mga tao ay, kabaliktaran naman noon si Jacob! Habang siya ay nasa byahe papasok sa trabaho ay hindi niya maiwasang maisip ang kanyang ama at ang biglaang pagkamatay nito dahil nga sa isang ambush noon. Pinagbabaril ang sinasakyan nito ng hindi pa nakikilalang mga sindikato. Labis ang kanyang pagdadalamhati noong namatay ito, at dala parin nya iyon hanggang sa kasalukuyan. Ayaw niya sanang ipagpatuloy pa ang BIG DAY kung tawagin, ngunit mapilit ang kanyang ina dahil gusto nitong ipagpatuloy ang tradisyon ng kompanya. Ngayon lamang ulit nila ito magagawa, bukas naman ay ang Team Building isinunuod talaga ito sa kaarawang ng ama ni Jacob. Upang mabigyan naman ng ilang araw na kasiyahan ang kanilang mga empleyado. Nakarating na si Jacob sa kompanya at bumungad sa kanya ang mga taong nagsisiyahan sa groud floor. Natahimik naman ang mga ito ng makita siyang paparating, lahat ng madaanan nito ay bumabati sa kanya. Nadaanan din niya noon si Cali kasama ang mga kaibigan nito. Saglit lamang niya itong tinignan at nagtama ang kanilang mga mata, agad rin naman umiwas ng tingin si Jacob at nagdere deretso na sa elevator. Iniisip ni Jacob na marahil ay nagtataka si Cali kung bakit niya alam ang bahay nito, Sinundan niya kasi ito noong makita niya ito sa bar, nag aalala kasi siya dito, dahil anong oras na din noon. Sumakay lang ito ng taxi kasama ang kaibigan nito, nag aalala siyang baka kung saan sila dalhin ng taxi driver lalo na at alam pa ng driver na galing sa bar at isa pa ay nakainom ang kaibigan ni Cali. Kaya naisip niyang baka kung ano ang mangyari sa dalawa, upang makasigurado ay sinundan niya ito. Masayang nakikipagkwentuhan si Cali sa kanyang mga kaibigan. Wala rin naman kasing trabaho kaya’t nagpagpasyahan niyang makipagkwentuhan muna sa kanyang mga kaibigan at dating katrabaho na minsan na lamang niyang makasama o makausap. Ilang sandali pa ay napukaw ang kanyang atensyon ng biglang tumunog ang kanyang cellphone, may mensahe siyang natanggap mula kay Jacob. "Where are you" yon ang nakasulat sa text ni Jacob. Nagta-type pa lamang siya ng ire-reply dito ng bigla itong tumawag. Agad naman niya yung sinagot at hindi pa man siya nakakaimik ay nagsalita na ang lalaki sa kabilang linya. “What are you doing? Why you didn’t reply to me? Are you busy?” Sunod sunod na tanong nito. “Sorry sir kasi po-“ “I don’t need your sorry, just come up here. Immediately!” Mariing wika ni Jacob kay Cali Noon naman aya agad agad na nagpaalam si Cali sa mga kaibigan niya, at umakyat na sa opisina ni Jacob. Pagdating niya doon ay agad siyang dumeretso sa opisina ni Jacob, naabutan niya itong nakaupo at nakatalikod habang nakatanaw sa labas. “Goodmorning sir, ano pong kailangan niyo?” Wika ni Cali, nang marinig iyon ni Jacob ay agad itong umikot at humarap kay Cali. “Hmm, Don’t you remember? I need coffee right now!” mataas na boses na wika ni Jacob. Noon naman ay nagtaka si Cali, dahil may nakita siyang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa ni Jacob, napansin naman ng lalaki na tinignan ni Cali ang tasa ng kape na kanyang pinagkapehan kanina lamang. "Gusto ko pa ng isa" wika pa ni Jacob, nang makita nito ang expression ni Cali na para bang nagtataka na makita ang tasa ng kape na nasa table niya, wala naman nagawa si Cali kundi ang sundin si Jacob, nagpaalam lang ito at lumabas na sa opisna niya upang magtimpla ng kape. Napakagat labi na lamang at napatakip ng kanyang muka si Jacob. Wala kasi siyang ibang maisip na maiutos kay Cali, gusto lang talaga niya itong masilayan, ilang sandali pa ay bumalik na si Cali dala dala ang kape ni Jacob. Nilapag lang niya iyon sa table nito at agad ng nagpaalam umalis, ngunit agad itong pinigilan ni Jacob. “Wait, Miss Fernandez! What do you think you’re doing? We will go to the mall, we will buy some stuff for the event tomorrow” saad ni Jacob. Pagdadahilan lamang iyon ni Jacob, dahil sa totoo lang ay pwedeng pwede naman niyang iutos na lamang iyon sa iba, ngunit dahil gusto nga niyang makasama si Cali kaya gumagawa talaga siya ng paraan. Hindi narin niya maintindihan ang kanyang sarili, dahil sa mga pinag gagawa niya, tila bang gusto niya laging natatanaw ang dalaga dahil sa tuwing hindi niya ito nakikita ay hindi siya mapakali. ***** Pagkalipas ng ilang oras na byahe ay nakarating din sila sa Mall. Hindi naman talaga kalayuan ang mall na pinuntahan nila ngunit sa sobrang traffic ay inabot sila ng mahigit isang oras sa daan. Nakasunod lamang si Cali kay Jacob, nakailang ikot na din sila ng department store ngunit tila ba hindi alam ni Jacob kung ano ang kanyang bibilhin dahil wala naman talaga siyang ideya kung ano ba ang bibilhin niya. Maya maya pa ay nagsalita si Cali dahil pagod na pagod na ito kakalakad, dahil halos naikot na nila ang bawat sulok ng department store ngunit si Jacob ay wala padin nais bilhin. “Sir, Bakit hindi nalang po tayo bumili ng mga appliances para sa raffle draw?” Suhestiyon naman ni Cali, noon naman ay nagkaroon na ng ideya si Jacob. “Good Idea, Ms Fernandez! Dapat kanina mo pa sinabi yan para di na ako napagod kakalakad.“ Pagsusungit pa nito sa kanya, imbes na matakot si Cali sa sinabi ni Jacob ay mahinang napatawa ito at tila ba nagpipigil pa ito ng tawa, dahil kanina pa mukhang iritable si Jacob dahil wala itong maisip na bibilhin. Nagtungo na sila sa bilihan ng mga appliances, at napadaan sila sa isang photobooth. Hinarang sila doon ng isang babae. “Ma'am, Sir! Couple po ba kayo? Meron po kami promo ngayon for Valentines! Pipicturan lang po namin kayo then, may chance na po kayong manalo ng brand new camera pag ang picture niyo po ang nabunot sa raffle. One time event lang po ito! Itry niyo na po.” Paliwanag ng babae. Tatanggihan na sana ito ni Cali dahil naisip niyang baka naiirita na si Jacob dahil baka ayaw nito ng mga ganung bagay. Ngunit laking gulat niya dito ng mabilis pa sa alas kwatro itong pumayag. “Okay miss, we will try this” wika naman ni Jacob na noon ay pumapagayag magpapicture. Nagtatakang tinignan naman ito ni Cali. “Okay, mam, sir, 3 copy po ito! Then yung isa po maiiwan samin yun ang gagamitin sa raffle draw. Pwesto na po kayo, give your best pose!” Pagkasabi naman noon ng babae ay hindi maipaliwanag sa dalawa ang pagka ilang dahil hindi nila alam kung anong pose ba ang gagawi nila. Magkalayo pa silang nakatayo, at talaga namang nagkakailangan sila. “Mam, sir, yan po ba yun? Quarrel po ata kayo ngayon ah.” Natatawa pang wika ng babae sa kanila. “Closer naman po.” Wika pang muli ng babae. Doon naman ay medyo naglapit ang dalawa ngunit may space parin sa kanilang pagitan. “Okay ready 1, 2, 3,” Pagkatapos noon ay isang click ng camera ang kanilang narinig, kasabay noon ang pag hawak ni Jacob sa kabilang balikat ni Cali at hinigit ito papalapit sa kanya, at doon din ay nakuhanan ang isang napakagandang ngiti ni Jacob samantalang si Cali ay gulat na nakatingin kay Jacob. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD