Nagulat si Cali sa biglang paghawak ni Jacob sa kanyang kanang balikat at marahang hinigit siya nitopapalapit at kasabay noon ang pagflash ng camera. Sa gulat ni cali sa ginawa ni Jacob ay hindi na niya nagawang makangiti pa ng maayos dahil napatulala na lamang siya, habang si Jacob naman ay masisilayan ang kanyang magandang ngiti sa litrato
Nakauwi na ng bahay si Cali at Hawak niya ang kopya ng kanilang picture ni Jacob, hindi mawala ang kanyang ngiti
hababg pinagmamasdan ito dahil ngayon lamang niya nakitang nakangiti si Jacob, hindi rin niya inasahan ang ginawa nito kanina, at palaisipan parin sa kanya kung bakit ginawa iyon ni Jacob,
pagkatapos nga lang ng picture taking nila kanina ay tila bumalik muli ang kanilanf pagkailang sa isat isa at hindi sila nagimikan pa hanggang makabalik ng opisina.
Pagkatapos pagsawaang pagmasdan ni cali ang litraro ay Itinabi nya na ito at isiningit sa paborito niyang libro, matutulog na sana siya noon ngunit palagi siya nakakaramdam ng gutom at tila ba gusto niya lang laging kumain, at ang paborito niyang kainin ay ang balot na tinitinda ng kanyang ina, pasimple pa siyang kumukuha nito dahil tiyak napapagalitan siya ng kanyang ina pag nakita nitong kumakain nanaman siya nito halos yata ay gabi gabi na niya iyong nakahiligan at naglalaway siya pag hindi siya nito nakaka- kain!
Kinabukasan ay alas sais pa lang ng umaga ay nakarating na si Cali ng kompanya, ngayon kasi ang team building nila at maagap silang aalis patungo sa isang private resort na pag mamay ari ng mga west! Doon kasi talaga ginaganap ang team building ng kompanya. Inaantay niya si Jacob dahil doon siya sasabay, bilin kasi nito sa kanya ay wag siyang hihiwalay dahil baka kailanganin nito ng assistant.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay nag aalisan na ang mga empleyado sakay ng kani kanilang reserve na van, 6:30 kasi ang planong alis dahil dalwang oras din ang byahe papunta sa resort at alas nuebe ang simula ng program.
Unti unti ng nauubos ang tao sa groudfloor dahil nakaalis na ang iba, hanggang sa ang matira na lamang doon ay si Cali! At ilang staff na hindi naman kasama sa team building, tanging ang guard na lamang doon ang kanyang nakakausap.
Mam bakit hindi po kayo sumabay kanina sa mga umalis? Tanong ng guard sa kanya.
Ah iniintay ko po kasi si sir jacob, kuya - sagot naman ni Cali, Mag aalas otso na noon ngunit wala pading jacob na dumadating, nag aalala na siya dito dahil baka kung ano na ang masamang nagyari kay jacob! Hindi rin naman ito tumatawag o nagtetext sa kanya. Nahihiya naman siyang tanungin kung nasaan na ito, dahil parang ang lagay noon ay hindi siya makapagintay at baka magalit pa ito sa kanya.
Si Sir Jacob ba mam? Ay nakita ko ng umalis ang kotse ni sir kanina pa,
Ha? Totoo po ba? Paningurado ni Cali at gulat sa kanyang narinig.
Oo mam dahil sumaludo pa nga ako kanina, nung umalis ang kotse niya. Mga alas sais ay andito na yon tapos saglit lang ang tinagal dito at umalis din agad. Sagot ng guwardya.
Noon naman ay hindi na maipaliwanag ang pagkabahalang nararamdaman ni Cali, Iniisip niyang baka iniwan na talaga sya ni Jacob at hindi siya nito naalala, iniisip niya tuloy ngayon kung paano siya makkarating sa venue dahil wala siya sasakyan. Malungkot na Lumabas si Cali ng building at umaasa paring babalikan at maalala siya ni sya ni Jacob! Naisip niyang tawagan na ito, kayat dinukot na niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. Hinahanap pa niya ang numero noon ni Jacob ng biglang may humintong itim na sasakyan sa tapat niya, biglang umaliwalas ang kanyang muka ng makita iyon dahil sa pag asang baka iyon na nga si Jacob, Ngunit pagbaba ng lalaki sa sasakyan ay hindi ito ang kanyang inaasahan, pero kilala niya kung sino iyon at naglakad ito papalapit sa kanya.
Why are you outside Cali? Tanong nito sa kanya.
Iniintay ko po kasi si sir jacob! Team building po kasi namin ngayon, sabay daw po kaming aalis kaso mukang hindi na siya dadating e. Malungkot na wika ni Cali.
Yah Right! I totally forgot, ngayon nga pala ang team building niyo. Andito pa naman ako para kausapin si Jacob! wika naman ni Ace. Ihatid na kita dun, kung okay lang sayo? Alam ko naman kung san yun e. Wika pang muli ni Ace.
Ah nako hindi na po sir, maabala ko pa kayo, tsaka baka naman dumating din si sir jacob e, baka mgalit siya pag di niya ako naabutan dito. Sagot naman ni Cali.
Nako, Wag ka ng umasa, minsan sa daming iniisip ni jacob nakakalimutan na niya ang ibang bagay, kesa naman mag intay ka dito hanggang gabi? Gusto mo ba yun? Wika ni ace.
Ilang pilit pa ni Ace, ay pumayag na rin si Cali na ihatid siya nito. Nawala na rin kasi siya ng Pag-asa , dahil mag aalas otso na noon at mahaba pa ang byahe.
Tuluyan na ngang umalis ang dalawa. Noon naman ay nangangamba parin si Cali na baka biglang dumating si Jacob, hindi narin niya kasi tinuloy ang pagtawag dito. Panalangin na lamanh niya ay sana pagdating niya sa resort ay nandun na ito nang sa ganun ay tama ang naging desisyon na magpahatid siya kay Ace.
Ngunit ang hindi nila alam ay makalipas lamang ang ilang minuto ay dumating na doon si Jacob! Ngunit wala siyang Cali na nadatnan doon, Natagalan kasi siya sa byahe dahil naabutan na siya ng traffic hindi naman niya matawagan si Cali dahil sa pagmamadali ay nakalimutan niya ang kanyang cellphone sa bahay. Nagkaron kasi sila ng hindi pagkakaintindihan ng kanyang driver niya kanina lamang niyang umaga nalaman na na wrong sent pala siya sa kanyang driver, buong akala tuloy ng driver niya ay sa companya nalang niya susunduin si Jacob, dahil sa natanggap niyang mensahe ngunit para talaga yon kay Cali.
Kaya buong akala ng guard kanina ay dumating na si Jacob dahil nakita nga niya ang sasakyan nitong umalis na, ngunit ang hindi niya alam ay hindi naman sakay doon si Jacob.
Kanina ay Tinawagan ni Jacob ang driver niya dahil nga kanina pa siya nag iintay dito ngunit laking gulat nya ng kanyang malaman na ito pala ay nasa kompanya na. Hindi na siya makapag intay pa sa kanyang driver dahil anong oras na din noon at paniguradong matatraffic pa ito, kayat hinanda na niya ang kanyang sasakyan at inilagay na doon ang kanyang gamit, Alam niya kasing nag iintay na si Cali sa kanya, ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay lalo siyang naipit sa trapiko dahil nagkaron ng kaunting aksidente sa kanyang dinaanan, Tatawagan niya na sana si Cali, ngunit hindi niya mahanap kung nasaan ba ang kanyang cellphone, at napamura na lamang siya ng maalala na naiwan niya pala ito sa coffee table noong naghahanda siya ng kanyang gamit kanina, at nakalimutan niya itong kunin doon.
Pagdating niya ay tinanong niya, ang guard kung nakita niya ba si Cali, doon naman ay nakwento ng guard na sinundo ito ni Sir Ace at nagtungo na sa resort, doon naman ay naginit muli ang ulo ni jacob pag iniiisp na muli nanamn magkasama ang dalawa. Pagkatapos marinig iyon sa guwardya ay agad siyang bumalik sa saksakyan at nagmanahe na paalis.
Mag aalas 10 na ng makarating si Cali at Ace sa resort! Naabutan naman nila doon ang ibang empleyado at nagsisimula na ang mga ito sa mga palaro, naabutan nila itong naglalaro ng tug of war Kahit sobrang init ay enjoy na enjoy ang mga ito at parang mga batang naglalaro.
Hinanap naman agad ni Cali kung andoon na ba si Jacob, ngunit hindi niya iyon nakita. Kayat nagtanong siya doon sa isang babae kung nakita na ba nitong dumating si Jacob, ngunit wika nito ay hindi pa daw ito dumadating, Tila ba nanghina si Cali ng marinig iyon, dahil iniisip niyang baka puntahan pa siya nito sa companya. Hindi na maipaliwanag ang kabog ng kanyang dibdib. Di na siya nag alinlangan pang tawagan ito, muli na niyang dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at muling hinanap ang numero ni Jacob, ng makita ito ay agad niya itong denial, ngunit nakailang tawag na siya ay walang jacob na sumasagot, ang kanyang takot sa galit ni Jacob ay napalitan ng pag aalala dahil naisip niyamg baka kung ano na ang nangyari dito.
Naupo naman sila ni Ace at pinanunod ang mga naglalaro, Masayang masaya ang lalaki sa panunuod, ngunit kabaliktaran naman noon si Cali na hindi na maipaliwanag ang labis na pag aalala kay Jacob, kada makalipas yata ang limang minuto ay tinatawagan niya ito ngunti wala pading jacob na sumasagot kahit isang oras na ang nakalipas noon.
Naghanap si Cali ng Cr dahil naiihi na siya at plano din niyang magpalit ng damit, nasa loob siya ng banyo noon ng marinig ang isang announcement ng emcee doon, Inanusyo nito ang pagdating ng lalaking kanina pa niyang iniintay walang iba kundi si Jacob.
Muling bumilis ang t***k ng kanyang puso ng marinig ang pangalan nito, nagmadali siyang bumalik doon sa venue at doon nga niya nasilayan si Jacob na nasa taas ng stage at magsasalita ito.
I am really sorry that I am late! There are just some circumstances that happened on my way herr, but Thank you all for making this event succesful, Please enjoy the day. - matipid na wika ni Jacob, habang nagsasalita siya ay hinahanap na kanyang mata ang isang babaeng kanina pa niya gustong makita, at doon nga ay natanaw niya itong kalapit ni Ace, nagtama ang kanilang mga mata ng sandaling iyon, at tila ba si Cali ay na estatwa sa malalim na tingin ni Jacob.
Pagkatapos ng speech ni Jacob ay bumaba na ito ng stage at nagtungo sa direction ni Cali at Ace. Nang makalapit ito sa dalawa ay agad namang siyang binati ni Ace!
Hey Bro! Anong nangyari bat ang tagal mong dumating? Tanong nito sa kanya.
Well it's because of someone. I just thought who will wait for me, pagkasabi noon ni jacob ay saglit itong tumingin kay Cali, samantalanag hindi naman noon makatingin ng deretso ang dalaga dahil nahihiya ito sa pag iwan niya kat Jacob.
Anyway, what brings you here, Ace?
I went to your office, Gusto sana kitang makausap, about some business. But I totally forgot na ngayon nga pala ang team building niyo, then I saw Cali! Sinabay ko na siya papunta dito. I just want to show you some support! That's why I am here.
Wika ni Ace.
Hindi parin ni Jacob pinapansin si Cali, Nagusap at nagkwekwentuhan sila ni Ace sa isang tabi, habang si Cali noon ay nakasali na lamang sa mga naglalaro.
Okay guys! Lets start our new game! Group yourself into five!! Simulan niyo ng maghanap ng kagrupo, - pagkasabi noon ng host ay agad na nagtakbuhan ang mga kasali at kanya kanyang higitan na sila ng mga kagrupo, samantalang si Cali noon ay hindi alam kung kanino siya sasama, ang grupo kasi ng mga kaibigan niya kumpleto na noon hanggang sa matira na lang siya kasama ang dalwang babae, sila nalang sana ang bubuo ng grupo ngunit dahil lima ang kailangan ay hindi sila makakalaro dahil disqualified sila, babalik na sana silang tatlo sa kanilang upuan ng magsalita ang isang lalaki at nagtaas ito ng kamay
We will join them! Wika ni Jacob na noon ay nag presintang lumaro kasama si Ace! Nagulat naman ang lahat sa pagpresinta ng dalawang CEO.
Itutuloy...