Chapter 3:Friends
Destiny's POV
"Gotcha!",sa pangatlong beses ay hindi ko na naman alam kung ano ang naisip ko't hinablot ko na naman ang kamay n'ya.
Lumabas s'ya mula sa pinto ng restroom ng Horizon II.
Bago na ang suot n'yang uniform.Wala ng dugo sa white long sleeves n'ya.Mas presentable na s'yang tignan kaysa kanina.
'mukha kasi s'yang bipolar bear na lumamon ng tao kanina haxhachax'
Isang bagay lang ang hindi nagbago.
Wala pa rin s'yang suot na name pin.
Sinalubungan n'ya ako ng ngiti.At hindi ko alam kung bakit.
Nang magwakas ang ngiti n'ya ay s'ya naman ang humila sa'kin.
"T-teka where are we going huh?",pamalditang tanong ko.
"I want you to meet my friends",tugon n'ya na ikipinanlaki ng mata ko.
"Y-you have friends???"
'Eh bakit ganon na lang yung pakikitungo n'ya sa'kin?Parang uhaw sa pagmamahalng kaibigan'
"Ofcourse.Sino ba namang tao ang walang kaibigan?",sarkastikong tanong n'ya na ikinatigil ko sa paglalakad.
~Flashback~
Destiny's POV
Mr.Yoso and I entered the same room.
'so kaklase ko nga ang feeling close na lalaking ito'
Pagkahakbang ko pa lamang papasok ay napansin ko na ang mga matang nakatitig sa'min.
Hindi ko na lang iyon pinansin saka dumeretso sa itinurong bakanteng upuan sa'kin ni Mr.Yoso.
'kainis nasa unahan tuloy ako'
Nagsimulang magkaroon ng mga bulung-bulungan.Pero ni isa sa mga bulong na 'yon ay wala akong naintindihan.
A wave of silence approached our classroom when a woman entered.She looks like an anime character wearing black eyeglasses.
Sakto lang ang laki ng dibdib n'ya.Balingkinitan.Maputi at mukhang model.
Tumingin-tingin muna s'ya sa'min pero sa'kin napako ang mga mata n'ya.
"Good morning cass.I'm Miss Courage McNon.Some calls me Miss Cora.I am going to be your Science teacher.I want you to introduce yourselves in front of the class.Let's start with you... boy at the back",she said as she points the boy at the leftmost part of our classroom.
Lumingon ako upang malaman ang lalaking itinuturo n'ya.
Sa HINDI inaasahang pagkakataon ay nagkatinginan kami ng katabi ng lalaking itinuro ni Ma'am Cora.
Si Mr.Yoso.
S'ya ang nakatinginan ko.Nakatingin lang s'ya sa'kin na para bang kaming dalawa lang ang tao sa room.
Walang emosyon.Na naman.
'nakakairita'
Pinandilatan ko s'ya ng mata n'ya na dahilan ng pagtaas ng kilay n'ya.
"Why??",walang boses na sabi n'ya.
Sa halip na pansinin pa s'ya ay ibinaling ko na lang ang nakabusangot kong mukha na lang ako sa unahan.
"Hmm Ms.Alqua.Is there something wrong?",nakangiting tanong sa'kin ng teacher namin.
'Bakit alam n'ya agad ang pangalan ko?'
Umiiling ako ng tatlong beses saka ako tumungo.
'Nakakahiya.Lagot ka sa'king lalaki ka mamaya'
"Thank you Mr. Kim.So you're next...hmmm....oh her..."
Napagtanto kong ako pala ang tinutukoy n'ya.
"Please stand up Miss Alqua"
I stood up and started walking in front of the class immitating the first student did and said.
"I'm Destiny Schai Elioson Alqua.And it's my first time here at the campus."
Pagkasabi na pagkasabi ko n'yon ay kaagad akong naglakad pabalik sa kinauupuan ko.
Hindi pa man 'ko nakakaupo nang biglang magsalita si Ms.Cora.
"Wait Destiny.Come back here in front.I'll ask you some questions since it's your first time here".
And so I go back beside her.
"Hmm...Ms. Alqua,do you have friends or some students you may know here at Class A?",she asked me curiously na para bang gustong gusto niyang halungkatin ang buhay ko.
"I don't have any Ma'am",mabilis na tugon ko.
Ganon na lang ang pagkagulat ko nang may nagtaas ng kamay.
Yung lalaking nakajacket para matakpan ang dugo sa uniporme n'ya na itago na lang natin sa pangalang Mr.Yoso.
Sabi n'ya kasi mamayang break time na lang s'yang pupuntang clinic.
'Ayaw n'ya raw malate dzuh'
"Since when Mr.Alfonso?"
'Shocks?Alfonso pala huh?'
'Teka bakit alam din ni ma'am yung pangalan nung lalaking 'yon?Bakit parang kilala n'ya naman lahat kami?Ano 'yon sinaulo n'ya agad?'
"Since birth",tugon ni Mr.Alfonso na ikipinanlaki ng mata ng mga kaklase ko.
Napailing na lang si Mr.Cora pero sa pag-iling n'ya naman ay may halong ngiti.
'Ano na ma'am?Wala bang punishment sa pagiging disrespectful?'
Muli nilang ibinaling sa'kin ang mga mata nila.
"Then why did you chose this school?"
Pusinginik naman kaya ayokong nagsasalita sa harap ng maraming tao eh.Parang mga nanghuhusga yung mga mata nila .May mga nakakunot ang noo.May mga parang naaawa at may mga parang may x-ray vision na napakalalim ng titig.
'Weirdos'
"I did not",maikling tugon ko.
"Then who chose?"
"My parents did,Miss"
They all seemed curious and thirsty for the informations about my life.
Ayoko na sanang magsalita eh.
I took a sigh and said,
"Since I don't have friends and I have no one to stay with. It's fine with me wherever I study".
Kainis parang kinaawaan tuloy ako.
"Ah?you don't have any friend?As in since birth?",my teacher asked as she looks very curious.
"I have once Ma'am"
I smiled,remembering my Aki.
May nagtaas na naman ng kamay.S'ya ulit.
"Ms.Alqua.Is that me?"
"No",malamig na tugon ko.
~End of flashback~
"Ey?What's funny?",nakakunot na naman ang noo n'ya.
Imbis na tumigil ay lalo ko pang ipinangalandakan sa kaniya ang matalim na ngiti ko.
"Ey Jus!",naagaw parehas ang atensiyon namin sa lalaking makakasalubong namin.
Pamilyar ang mukha n'ya.
'kaklase ko yata s'ya'
"Ey Tin------Hi Destiny",bungad n'ya sa'kin pagkatapos ay iniabot sa'kin ang kanang kamay n'ya.
'sabi ko na kaklase ko s'ya kaya kilala n'ya ako'
"I'm Andrew",isang ngiti ang kumawala sa mga labi n'ya.
Parehas ng ngiti ni Justin ay may kutob rin akong may itinatago ang ngiti nitong Andrew.
'there's something I can't figure out'
Weird talaga.
Dinala n'ya kami sa cafe kung saan may isang table na may nakaupong dalawang lalaki at tatlong babae.
"Hi guys,I'm sorry I'm late.I want you all to meet Destiny,my...my new friend",napatingin ako sa kaniya sa sinabi n'ya.
'kaibigan nga talaga yata agad ang turing n'ya sa'kin'
"Hi Destiny,I'm Bont"
Bont.Medyo matangkad at moreno.Napakalawak ng ngiti n'ya sa'kin.Pero tulad ng kanina.
'may kakaiba talaga'
"I'm Cj,nice to meet you Destiny".
Madalas kong marinig ang pangalan nila ni Justin habang nag iikot-ikot ako kanina
Cute pero parang cold.
"Hi Des,I'm Alex,Cj's girlfriend",
I bet she meant to hug her boyfriend like a snake protecting her home stem.
Pero teka?Familiar din ang mukha nila.
S'ya yata yung babaeng naka black heels na nakita ko sa labas ng library na yumakap dun kay Cj na kasama ng babaeng naka itim na salamin.
"Hi,I'm Alexis"
S'ya.S'ya yung nakita kong tumitig sa'kin sa library na parang may gustong sabihin.Silang dalawa 'yon ni Cj.
I heard she's the top one of class A last year.Sabi kanina sa room.
"Lucy,introduce yourself", Bont tried to convince a girl wearing an all-black cool outfit with black lipstick. And in my amazement,my eyes biged when I saw her holding an antique book of spells.
"Lucy",she whispered.
Halos hindi ko na marinig ang sinabi niya.
"She loves book of spells,magic and anything about darkness.",paliwanag ni Andrew
"Nice to meet you all",I smiled.
"You can sit here by my side",sambit ni Andrew habang humihigop ng milktea.
"T-teka pero kung ayaw mo,ayos lang",sambit niya habang kakamot-kamot ng ulo.
"No. It's alright. Thank you Andrew."
Nakita ko na naman ang freaking smile ni Justin habang pinagmamasdan kung paano ako iwelcome ng mga kaibigan nya.
Magaan silang kasama.Luckily,kaklase ko silang lahat.
"Wait what is this?",tanong ni Andrew habang inuusisa ang sugat ni Justin.
Halata ang pag-aalala sa kanilang lahat.
"Sugat bro",sarkastikong sagot ni Justin .
"Masakit?",dugtong ni Cj.
"Malamang ginagalaw n'ya eh"
"Ayusin mo nga sagot mo",sermon ni Bont na akmang babatukan si Justin.
"Seryoso Jus?Anong nangyari diyan?",seryosong tono ang narinig namin kay Lucy na kanina pa tahimik.
"Nadali",maikling tugon ng engot.
"Tsk.Liar",napatingin silang lahat sa'kin.
"Oh,inumin mo raw sa tuwing sumasakit sabi ni Nurse Gia",malamig na sambit ko habang ibinibigay sa kaniya ang pain killers na ibinilin sa'kin ng nurse kanina.
"Seriously?",nakakunot ang noo ni Andrew na para bang hindi makapaniwala.
"Gaano ba kalala 'yan at kailangan pa ng pain killers?",dugtong n'ya.
"Tsk.Itapon n'yo na 'yan",walang halong emosyon ang pagkakabigkas n'ya.
"Nako",bulong ng tatawa-tawang si Alexis.
"Bakit?",kunot-noong tanong ni Cj.
"Hindi naman rin n'ya magagamit 'yan"
"Bakit?"
"Hindi s'ya marunong uminom ng capsules",nakakalokong pagbubunyag ni Alexis.
Nakita ko naman ang panlalaki ng mata ni Justin.
'Ang tapang tapang mong bipolar ka.Takot ka naman pala sa capsules tsk tsk.'
"Seriously???Was that true Jus?",hindi makapaniwalang sambit ng naguguluhang si Alex.
"N-no",protesta ni Justin.
Para s'yang nililitis sa harapan ng mg husgado.
Ramdam ko na na rin ang pamumula ng mukha n'ya.
Sa mga oras na ito'y hindi ko na nakikita sa kaniya ang halimaw na Justin katulad ng una ko s'yang nakita.
Nagbabago ang ugali n'ya depende sa taong kausap niya.
"Prove it",mapanghamon na pahayag ni Cj.
"Oh sige paano?"
"Take one...now in front of us"
"Hindi naman sumasakit ngayon eh.Bawal 'yon.Bawal."
"Palusot tsk",muli na namang nabaling ang atensiyon nila sa bulong ko.
"Oiii hindi ako palusot.T-totoo kaya 'yon"
"Prove it",ganti ko.
"Just one capsule to erase those thoughts"
Kumuha s'ya ng isa sa mga capsule d'on saka manginig-nginig na sinuri.
"Are you alright?",mapang-asar na tanong ni Andrew.
Inabutan ko s'ya ng tubig saka nginisian.
Kinunutan naman n'ya ako ng noo.
"Ang laki nito",pahayag n'ya habang tinitignan kami isa-isa.
Isinubo n'ya 'yon saka nginuya.
"What the freak Jus?'Di 'yan nginunguya!",tatawa-tawang sermon ni Alexis.
"Anong lasa?"
"Mapait",sambit n'ya habang nginunguya ang capsule nang walang kare-reaksiyon.
Ininom n'ya ang tubig na inalok ko at naubos n'yang lahat 'yon saka hinablot ang milktea na iniinom ni Andrew.
"Ano ba?That's mine"
"Kailan ka pa natutong uminom ng milktea?",usisa ni Bont na hindi napigilang matawa.
"Ngayon lang"
"Was that enough to prove myself",nagyayabang na tanong n'ya.
"Capsules are ideally made to be swallowed.Hindi para nguyain.Therefore,'di ako satisfied."
"Kaniya-kaniyang trip 'yan.What matters is to be taken it seriously for the sake of the country."
'Ano raw?Tsk.Nasiraan na talaga'