Chapter 2

685 Words
Chapter 2:Weird Destiny's POV ~Break Time~ "Let's go",hindi ko alam kung ano ang naisip ko kung bakit imbis na yayain nang maayos ay hinigit ko s'ya. "T-teka.Gutom na 'ko.Mag break muna tayo",angal n'ya. 'Break??!Agad?Wow ha!' "H-huh?" "Break.Recess.Kakain ganon." "A-ah." "Oh why are your cheeks red huh?",nakangiting sambit n'ya habang sinisilip ang mukha ko. 'N-namumula?Addict ka bruh?Hampasin kita ng libro diyan eh' ~~~~~~~ Nandirito kami sa clinic na parang hospital sa sobrang laki.Maraming rooms,nurses at doktor. Weird. Gaano ba karaming nagkakasakit sa school na 'to para magkaroon sila ng ganito? "Ms.Alqua" Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lang ang mga reaksiyon ng mga kaklase namin nitong lalaking 'to ng makita akong pumasok ng pinto. Isa-isa silang nagpakilala sa unahan pero bakit kaya parang kilalang kilala na nila ang isa't-isa? "Uy Destiny" Bakit parang normal lang ang araw na ito?Bakit wala man lang programs o orientation?Hindi ba sila familiar sa student and teacher introductions 'pag first day of school? Snap. "Uy Destiny.Is there something wrong?",naibalik ako sa realidad nang titigan ako ni Justin sa mismong harap ng mukha ko. Si Justin.Justin ang totoong pangalan ni Mr.Yoso at Mr.Ayokoditolangako. "N-nothing",sambit ko sabay lingon palayo sa mukha n'ya. "Kanina pa kita tinatawag eh.Seems like you hear nothing",halatang may halong tampo sa boses n'ya. 'Feeling close talaga.' "Kailangan ko ng moral support",inosenteng pahayag n'ya habang ginagamot ng isang doctor at isang nurse ang sugat n'ya. 'wow ha?VIP yata 'to at nagsanib pwersa pa ang doctor at nurse sa paggamot sa kaniya' "What can I do?",halos masiringan ko s'ya kaartehan n'ya. 'Kanina parang wala s'yang pakialam sa ulo n'ya tapos ngayon aartehan n'ya ako na kailangan n'ya ng moral support?' "Hmm",ipinatong n'ya ang ulo n'ya sa kamao n'ya umaktong tila nag-iisip. "Sir.Please don't move",sambit ng lalaking doctor na seryoso sa ginagawa n'ya. 'Sir???Sino ba s'ya at sir ang tawag sa kaniya ng doctor???' "I need a hug" "Who do you think you are?!",halos maibato ko sa kaniya ang bag na hawak ko. 'kapal!' Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko. Palabas na sana ako ng ward nang marinig kong magsalita s'ya. "I am Justin.Who's in pain.Your friend who needs a hug",seryoso ang tono n'ya. Lumingon ako sa kinauupuan n'ya pero hindi ko naman mabakas ang sakit na sinasabi n'ya sa mukha n'yang blangko lang kanina pa. Nagpasiya akong muling maglakad palayo pero may kung anong pumipigil sa'kin na gawin 'yon. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko palayo sa kaniya. At sigurado akong hindi ito dahil sa konsensiya o awa. Pikit mata ko na lang na inilihis ang katawan ko saka bumalik sa kinauupuan ko kanina. Bakas ang saya sa mata n'ya. 'siguro'y wala s'yang kaibigan kaya't sabik sa atensiyon ko' Sinenyasan ko ang doktor at nars na gumagamot sa kaniga na itigil muna ang ginagawa nila saka ako unti-unting tumayo at lumapit sa nakapikit na si Justin. Siguro'y masakit nga talaga ang ginagawang panggagamot sa kaniya. Marahan kong inilapit sa kaniya ang katawan ko at sandaling ikinulong s'ya sa mga braso ko. Sa sandaling iyon ay naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko at panlalambot ng mga balikat ko. 'ano bang nangyayari sa'kin?' Nanatili s'yang nakapikit at tila dinadama pa rin ang saglit na yakap na ibinigay ko sa kaniya. "Was that enough?",malumanay na tanong ko. Sandaling nabalot ng katahimikan ang kwartong ito. "Completely more than enough",bulong n'ya bago imulat ang mga mata. Mabilis s'yang tumayo at kinuha ang bag n'yang nakapatong sa table saka lumakad papapalayo sa'min. "Where is he going?",tanong ng babaeng nurse na nagtataka rin sa ginawa ni Justin. "Nurse Gia please clear this place" "But doc,he's not yet done" "Don't worry.He can handle himself",sambit ng doctor bago kami iwan ng nurse na nagkakatinginan at nagtataka sa mga nangyari. 'Sa'n ba siya nagpunta?Bakit n'ya ako iniwan sa clinic?Bakit s'ya umalis agad?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD