Chapter 1:First Day
December 13,2010
Destiny's POV
"Tin,baby are you sure dito na lang kami?"
Tumango ako sa kanila habang nililingon-lingon ang b****a ng gate.
"We love you,enjoy the campus huh?"
"Y-yah...byee love you Mommy,Daddy",tugon ko sabay lakad paatras.
I started entering the main gate.As usual,isang malapad at matarik na gate.
Mukha lang namang normal na campus,ano bang mayroon dito at ang mahal mahal ng tuition fee?
Balita ko'y dito nag-aaral ang mga anak ng mayayaman at mga makapangyarihang tao.Mga anak ng CEO ng kompanya,successful businessmen and women.Yung mga anak ng high-ranked armies,navies and airforces.Yung mga anak at apo ng kasalukuyan at nagdaang mga presidente.Kaya't alam kong hindi na rin malabo na dito rin nag-aaral yung mga anak ng big time terrorists at con artists.Yung mga anak ng d**g syndicates at mafias.
'I don't care'
From the main gate,there was a long pathway covered with green grass with lined cherry blossoms trees on the both side.
I was like a princess walking on a green carpet with blooming trees around me.
'Sabi nila Mommy,sikat daw itong school na 'to.Pero bakit parang kaunti lang ang mga tao?'
Patuloy kong tinahak ang landas na pinaglalatagan ng mga malulusog at maiikling damo.Buti na lamang at may dala akong school map sapagkat ngayon pa lamang ako nakarating sa lugar na ito.
Pagkatapos ng halos sampung minutong paglalakad,sa wakas ay narating ko na ang mga minor gates.
Mayroong minor gate A,B,C,D,E,F at G.Kung saan kailangan munang dumaan ng bawat taong papasok sa isang matangkad na detector.
Lumapit ako nang mabilis sa minor gate F;ang minor gate na pinakamalapit sa'kin.
Sa bawat minor gate ay may nakatalagang guwardiya.
"Good day Ma'am De---",bati sa'kin ng guwardiyang naka unipormeng itim.
'huh?De?Destiny?kilala n'ya 'ko?'
"Deretso lang po kayo",pagpapatuloy n'ya.
Tumango naman ako at saka pinakitaan s'ya ng isang malawak na ngiti.
Marahan akong dumaan sa detector.Pagkalampas na pagkalampas ko ay may 'di kalakasang tunog ang naggaling doon.
Napalingon ako.
"It means,you're present for this school day",saad naman ng guwardiya.
'ay naging englishero?'
Napakunot ang noo ko.
'Posible ba 'yon?Ganon ganon lang present agad ako?'
Bahagya naman siyang napangiti.
"These detectors are designed to detect body structures,temperatures,blood types,and DNA.So once you passed under this detector,you're records for a specific day,including your time of arrival and departure would be automatically recorded to the Central Attendance Units on the Central Office of the school's head."
"A-ah...t-that was amazing...thank you",tugon ko sa guwardiyang nagpaliwanag sa'kin ng kahulugan ng isang simpleng tunog.
'ang galing n'yang magpaliwanag'
"You still have lots of things to explore inside the campus...",sambit niyang muli.
Tumango ako't mabilis na naglakad patungong isang malaking pinto;isang malaking pintong gawa sa makapal na salamin.
Sumilip ako't sinubukang aninagin kung ano ang nasa loob.Ngunit wala akong nakita.Gayon na lamang ang aking pagkagulat nang biglang magbukas ang pinto.
Ramdam kong nakatingin silang lahat sa'kin.Nakakahiya.
'May sensor pala 'yon?!'
Bagaman nahihiya ako sa nagyari ay napawi ang lahat ng iyon nang tuluyang magbukas ang pinto.
Ito pa lamang ang unang sulyap ko sa nakamamanghang lugar na ito.
Maraming gusali...may mga matatatayog at may mga mababa lamang.Agaw-pansin ang pinakamatayog na gusaling may nakasulat na Sky G.
Mukhang isang modernong siyudad ang paaralang ito.
May apat na cafes,limang library,may malaking cantene,may clinic na singlaki ng hospital at apat na laboratoryo.Sa likuran ng mga gusali ay may tatlong malalaking garden na may falls at river na malamang ay man-made,
pinag-uugnay ang tatlong hardin ng eleganteng tulay na gawa sa makintab,maiitim at makakapal na kahoy.
Kahit nakatayo lamang ako sa isang gilid ng malaking lugar na ito'y tanaw ko nang lahat ang mga iyon.Ano pa kaya kung nagsimula na akong maglibot-libot?
Sinimulan ko ang kauna-unahang hakbang ko sa loob ng campus.Dahan-dahang lumapat ang aking sapatos sa mga luntiang damo na nagsisilbing sahig ng malawak na campus field.Sa aking tantiya ay kasing lawak ng apat na pinagdikit-dikit na football field ang campus field na ito.Hindi pa kasama yaong pinagtatayuan ng mga cafes,clinics garden at kung ano ano pang mga gusali.
Manghang-mangha ako sa isang malawak na entabladong nakalutang.Nilapitan ko iyon at dahan-dahang tiningala.
Napahawak ako sa aking dibdib nang mapagtantong ang buong paaralan palang ito ay napaliligiran at nababalutan ng napakakapal na salaming nagsisilbing dingding at bubong na sumasakop sa buong eskuwelahan.
Mas mataas pa ito sa pinakamatarik na gusaling nakatayo rito,gayon din ay mas malawak pa ito sa buong lupang pinagkatitirikan ng buong paaralan.
Sa sobrang tarik at lawak nga ay hindi ko na matanaw pa ang kabilang dulo.
Hugis pabilog ang dambuhalang salamin kaya't mukhang nakataob na mangkok.
Isang malaking school,sa loob ng isang mangkok?
'The Magical School of Inverted Bowl'
Nakita kong nakaukit sa pinakamatayog na gusali.
Iyon nga pala ang kilalang tawag sa lugar na ito.Sa wari ko'y narinig ko na ito dati ngunit,hindi ko alam kung kailan at saan.
Ang sabi nila Mommy,maaari raw tanggalin ang higanteng salaming iyan ng mga members ng General Control Units ng school.Ito rin yung kinukwento ni Daddy na bubong na nagiging malaking screen sa tuwing may film showing.
Lalo pa akong nananabik na magalugad ang buong paaralang ito.
Naglakad ako patungo sa pader na pinakamalapit sa'kin.
Marahan ko 'yong hinawakan gamit ang aking kaliwang hintuturo.
Makinis at malinaw iyon kaya't kitang kita ko ang mga nangyayari sa labas.
May mga naglalakad patungo sa malaking pinto.Mayroon din namang parating na mga magagarang kotse pagkatapos ay may bababang estudyante.
Malakas ang loob ko na magpatuloy sa pagsilip sapagkat alam kong walang nakakakakita sa'kin mula sa labas.
Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsimula akong maglakad patungo sa alinmang gusaling pagdadalhan sa'kin ng aking mga paa.
Wala pang isang minuto nang marating ko ang Library A na sa tantiya ko ay pinakamalaki sa lahat.
Pagkapasok ko pa lamang ng pinto ay malamig na hangin ang sumalubong sa'kin.Galing 'yon sa aircon na nakatayo sa tabi ng pinto.
Biglaang nagsitayuan ang balahibo ko.
Pero hindi dahil sa lamig kundi dahil sa mangha nang makita ko ang loob ng library.
Nakapanlalalaglag ng panga ang silid-aklatang ito.
Matatayog na bookshelves na punong-puno ng mga libro.
Sa sobrang dami ng libro dito ay mapagkakamalan itong bookstore.
Pumasok ako sa siwang sa na mistulang iskinita na ang pader ay mga nakasalansang libro.
Agaw pansin ang mga nakasabit na bakal na animo'y plaka kung saan nakasulat ang mga kategorya ng libro.
May mga specific parts ng library na para sa mga academic books at old books.
Ang bookshelf A-3 naman ang naglalaman ng mga librong gawa ng mga estudyante ng paaralang ito.Tungkol sa mga sariling karanasan,discoveries,own methods at formula na likha nga ng mga estudyante rito.
Basta yung bookshelf A-5.Iyon ang tahanan ng mga nobela.
Nagmistulan namang ginto ang plaka na nakasabit sa tapat ng bookshelf A-9.Also known as "the shelf of wattpadian".
'kzkzkzkz 'dun kasi nakalagay yung mga libro ng mga stories sa w*****d'
Kumpleto from first to latest seasons.
'Buti 'di inuuwi ng mga humihiram?Tsk.Nakalimutan ko,lahat nga pala ng nag-aaral dito ay kayang bumili ng publishing company'
Sigurado akong ito ang magiging pinakapaboritong lugar ni Alexis sa buong campus.
'Teka?Sino nga ba si Alexis?'
Nako...heto na naman ako.Marahil ay isa lang s'ya sa mga karakter ko sa mga pagpapantasya ko.
Naagaw ang pansin ko sa isang babaeng nakasalaming itim na dumaan sa isang pinto.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Parang may gusto s'yang sabihin.Pero sa halip na kausapin ako'y nginitian n'ya lamang ako.
May iba akong nararamdaman sa ngiti n'ya.Parang napakaraming itinatago.
Sino kaya s'ya?At ano kayang gusto n'yang sabihin sa'kin?Kilala n'ya siguro ako.Pero paano?Lalo na't unang araw ko pa lang dito.
Habang nakatitig ako sa kaniya'y hindi ko mapigilang mapansin ang matangos n'yang ilong na unti-unting namumula.
"Alexis ayos ka lang?',isang lalaki ang lumabas sa pintong pinanggalingan n'ya.
Matangkad 'yon at may matangos ding ilong.Bitbit n'ya ang tatlong libro ng architecture.
'teka?Alexis ba ang sabi n'ya?Pamilyar ang pangalan n'ya.Kaparehas n'ya yata ng pangalan ang ngalan na nabanggit ko kanina.Weird but cool.'
Hindi kumikilos ang tinatawag n'yang Alexis na nakatitig lang sa'kin.Kaya't tiningnan n'ya rin kung anong tinitignan ng malamang ay kaibigan n'ya.
Gaya ng babaeng naka itim na salamin ay nagpanagpo rin ang mga mata namin.
Pansin kong bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya.
'Tsk.Ngayon lang nakakita ng maganda?'
Tatanungin ko sana kung ayos lang sila pero naunahan akong magsalita nung lalaki.
"Let's go...I'm sure Alex is waiting"
Kaagad naman n'yang hinawakan sa balikat yung babae saka sila naglakad palabas ng library.
Pero bago sila tuluyang makalabas ay binalikan nila ako ng tingin.Parang ang lalim ng mga iniisip nila.
Habang ako rito naiwang nakatayo kasama ng mga tanong ko.
Sa labas ay nakita kong may sumalubong sa kanilang isang babae.Na imbis na black boots ay black heels ang suot na sa palagay ko'y nasa six-inches.
Kaagad n'yang niyapos yung lalaking matangkad.
'Baka ayun yung babaeng nakaheels ang Alex na tinutukoy nila?Tapos yung Alexis?Ayun yung nakasalamin?'
Bigla na lang sumulpot sa isip ko yung pintong dinaanan nila.
Lumapit ako doon saka sinipat ang loob.
Isang malawak na kwarto na may tables at chairs.
'reading room 2'
Malamang ay extension 'yon ng library.
'Bakit ganoon ba talaga kasipag ang mga estudyante rito ay kailangan pa nilang magdagdag ng lugar na maaaring pagbasahan?'
Tiningnan ko ang guide map ko pagkatapos ang relo ko.
Labin-limang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase kaya't nagmadali na akong magtungo ng Horizon II.
'pero sa tingin ko mas mapapabilis ako kung maghahanap ako ng shortcut'
~~~~~
Narating ko ang Sky D Building na may five floors.Ito kasi ang pinakamalapit na building sa pinanggalingan kong library.Inakyat ko ang 5th floor gamit ang elevator B na gawa sa bakal at transparent glasses,kaya't kahit nakasakay na ako sa loob ay nakikita ko pa rin ang mga nangyayari at tanawin sa labas ng kuwadradong sasakyan.
Nang marating ko ang rooftop ay kaagad kong sinilip ang tanawin sa ibaba.Mula rito'y kitang kita ang mga dambuhalang letrang kristal.Kitang kita ang mga batong nasa loob niyon.Binasa ko ang guide na hawak ko.
Sabi rito'y gawa raw iyon sa resin.At ang mga batong nasa loob niyon ay mga piraso ng meteorites.
Hobameteorite,Willamette,Allende,Allan Hills 84001, CapeYork,Peeksill,
Murchinson,Canyon Diablo,Mbozi,Bacubirito,Fukang,
Brenham,Hukitta,Chassigny,Seymchan,
Imilac,Sylicauga,Kaidun,Northwest Africa 7034,Gibeon,moon meteorite at marami pang iba.
May napansin akong isang maliit na pinto sa isang gilid ng rooftop.Marahil iyon ang shortcut.
Nilapitan ko 'yon.
Mayroong hagdang nakakabit sa dingding niyon ngunit napakatagal kung iyon ang gagamitin ko pababa kaya't nagpasiya na lamang ako na gamitin ang mahabang steel pole.Hinigpitan ko ang pagkakasakbit ng aking backpack at dahan-dahang niyakap ang steel pole...unti-unti akong bumitiw sa pinaghahawakan kong bakal at saka nagpadausdos tulad ng isang bumbero.
Inayos ko ang suot kong palda at saka pinagpag ang kaliwa kong kwelyo kung saan nakakabit ang magarang badge ng aming paaralan.Inayos ko rin ang pagkakakabit ng makintab,maliit at itim na rectangular pin kung saan nakaukit ang aking pangalan,pangkat at baitang sa kulay ng ginto.
White longsleeves,dark blue na coat,knee-long checkered mini skirt,freaking long socks,black boots,school badge at maliit na pin.Sa lahat ng suot ko ngayong araw na ito'y ang pin na ito ang pinakanagustuhan ko.Malas nga lang at medyo nagasgasan nang dahil sa pagbaba ko.
Lumingon ako sa paligid at napahinto ang kilos ko nang mapagtanto kung nasaan ako.
Bukod sa'kin ay ang mga lalaking topless at nakaswim wear lamang ang nandirito sa isang napakalawak na swimming pool.Isang olympic size swimming pool.May nakamarkang '3m' at '40m' na marahil ay ang sukat ng pool.Nakatingin silang lahat sa'kin.Ang iba nama'y napahinto sa paglangoy nang makita ako.
'freaks?anong tinitingin-tingin nila?'
Luminga-linga ako sa paligid at kaagad na hinanap ang daan palabas.
May nakita akong mga pintong salamin sa paligid.
Papalapit na sana ako roon nang mapansin ko ang isang karatula.Isang karatulang gawa sa inukit na tanso.
Mabilis kong binasa ang nakasulat roon at labis na ikipinanlambot ng tuhod ko ang aking nabasa.
"Swimming Room B(Men's pool)"
Iyon ang nakasulat.
Sa sandaling iyon ay tila nagkaroon ng sariling buhay ang kanan kong kamay na tinakpan nang bahagya ang aking mukha.
Dali-dali akong naglakad ngunit napagpasiyahan kong rahanan at umarteng wala akong pakialam sa mga nangyayari.
"How dare you to enter my place?!",napatigil ako nang may magsalita sa likuran ko.
Lumunok muna ako saka dahan-dahang lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang babaeng naka two piece.Nakataas ang kaniyang mga kilay at halata ang inis sa kaniyang mukha.
"Answer me!Why are you here?!",sa puntong ito'y nakumpirma kong galit nga s'ya.
Nakatingin lang ang lahat ng tao sa'min na specifically ay puro lalaki.
'relax Destiny.Baka anak ng terorista 'yan.'Wag mo na lang pansinin'
"Hey!Are you deaf or what?!"
Sa halip na sumagot ay naglakad na lang ako sa kaniya palayo dahil ayoko ng gulo.
Nagulat na lang ako nang higitin n'ya ako pabalik.
"Are you deaf or what?Dumb?",muli n'yang sigaw sa mukha ko na ikipinagpanting ng tainga ko.
"You?Are you blind?",mahinahong tanong ko na ikinakunot ng noo n'ya.
"What are you saying?",naguguluhang tanong n'ya.
"Can't you see?",matigas kong itinuro ang karatulang nagsasabing panlalaki lamang ang pool."This is men's pool.How come that this place is yours?",pagpapatuloy ko.
Nakitang kong bahagyang nalaglag ang panga n'ya sa sinabi ko.
"How dare you talk to me like that!Don't you know who I am?"
"Please wear your name pin so that I could know who you are",sarkastikong sagot ko lalo pa't naka two piece s'ya.
'haxhaxhax sa'n niya nga naman ikakabit 'yon'
Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko nang aktong sasampalin n'ya ako.Mahaba ang mga daliri n'ya kaya alam kong magiging masakit 'yon.
"Trixie",isang malamig na boses ang narinig namin bago pa man dumapo sa'kin ang palad ng babaeng malamang ay Trixie ang pangalan.
Nakatayo s'ya sa pinto ng malamang ay dressing room.
Bagaman nakauniporme s'ya ay may tumutulo pa ring mga patak ng tubig mula sa basang buhok n'yang nakabagsak kaya't nakataklob sa mata n'ya.
Bagaman nakatayo lang s'ya ay nakakakaba pa rin ang presensiya n'ya.Nakakakaba pero hindi nakakatakot.
Mabilis s'yang humakbang papalapit sa'min.May ilang pagkakataong nahahawi ang buhok n'ya dahil sa bilis ng paglalakad kaya't nasusulyapan ko ang mata n'ya.
Doon sa mata n'ya.Doon lang ako nakakita ng tanging reaksiyon na mababakas sa kaniya.
'galit ba s'ya?Kanino?Sa'kin?'
"Y-you're here?",nanginginig-nginig pa ang babaeng ito na naistatwa simula nang marinig ang tinig ng lalaking tumawag sa kaniya.
Sumilay sa misteryosong lalaking ito ang isang kakila-kilabot na ngiti.
Nakasisindak ang ngiti n'ya.Parang may ibinubunyag na hindi na dapat pang malaman.
Tumalikod s'ya sa amin.Saka nagsimulang humakbang palayo. Habang itong nagmamatapang na babaeng ito'y hindi pa rin naigagalaw ang napirmi n'yang katawan.
'bakit kaya parang takot na takot s'ya sa lalaking 'yon?'
Hindi pa man nakakalayo si 'Mr.Yoso' nang biglang may dumating na lalaking may dalang baseball bat.
Parang bumilis ang oras na sa isang punto ay nasa likod na n'ya agad ang may hawak ng bat.Bumuwelo muna ito bago hampasin ang ulo ng lalaking pumigil sa pagsampal sa'kin ng bruhang 'yon.
Sa sobrang lakas ng palo ay halos mabali ang hawakang parte ng bat.Nanatili s'yang nakatayo bagaman kita naming lahat ang pag-agos ng dugo mula sa ulo n'ya.
Lalapit sana ako pero napahinto ako ng isang malakas na sigaw galing sa lalaking may hawak ng pamalo.
"How dare you threaten my Trixie?!",dinig ang sigaw na 'yon sa buong paligid.
'Baliw yata ang mokong na 'yon!Anong pagbabanta ang sinasabi n'ya?'
Nananatili s'yang nakatalikod sa amin.Kaya't kitang-kita ko kung paano gumulong pababa sa puting longsleeves n'ya ang dugo mula sa ulo n'ya.
Nakakahiyang isipin na dahil sa'kin ang mga nangyayari.
Nang matapos nang magsabi ng hinanakit ang baliw na lalaking iyon ay unti-unti n'yang iniharap sa'min ang ulo n'ya.
Umiling-iling pa ito.
"Are you scaring me with your stick?",natatawang sambit n'ya habang nakatitig sa lalaking pumalo sa ulo n'ya.
'How????!Parang wala lang sa kaniya yung nangyari sa kaniya.'
Hindi makagalaw ang dalawang hibang.Ramdam ko ang panginginig ng katawan nilang dalawa.
'lagot kayo kay Mr.Yoso whahakaskzkx'
Nahulog ang bat sa kamay ng duwag na lalaki.Pinulot naman iyon ng duguang lalaki na blangko pa rin ang mukha.
'Manhid yata 'to.Kung ako do'n baka nasa hospital na 'ko ngayon 50 50'
"Sa susunod 'wag kang gagamit ng mahuna.Para hindi kaagad nasisira",pangaral nito na halatang nakainsulto sa lalaking duwag.
Nagkuyom ito ng kamao habang halatang nag-iipon ng tapang saka sinuntok ang lalaking duguan pero nakaiwas.
"That's too much",nakakalokong sambit ni Mr.Yoso.
Umakto s'yang sinusuri ang nasirang bat na ipinanghampas sa ulo n'ya saka iyon ibinato sa sahig.Lumikha iyon ng napakalas na tunog na umalingawngaw sa paligid.
Pumulot muna s'ya ng isang pirasong kahoy mula sa nagkalat-kalat na piraso ng kahoy galing sa bat na para bang pinasabugan ng bomba.
"Remembrance",sambit n'ya habang ipinasok sa bulsa ng lalaking nagmamatapang ang pinulot na kahoy.
Paalis na sana si Mr.Yoso nang bigla s'yang sunggaban ng saksak ng lalaking halatang nagulat nang makailag sa saksak n'ya ang pambihirang lalaking iyon.
Naihulog n'ya ang kutsilyong hawak n'ya na pinulot naman ni Mr.Yoso at ibinalik sa kamay ng lalaking nagtangkang manaksak sa kaniya.
'For real?Binalik mo pa boi?Seryoso?!'
Hinubad ng lalaking halos mamutla ang kaniyang name pin.Malakas ang pakiramdam kong itutusok n'ya 'yon kay Mr.Yoso.At hindi ako papayag!
Kaagad akong tumakbo sa naglalakad sa lalaking manhid.
Wala sa sariling hinawakan ko s'ya sa kamay saka hinila palayo sa lugar na 'yon.
Hindi ko alam kung pa'no pero nadala ko s'ya sa Garden B.Kung saan kita ang man-made falls at river.
Kaming dalawa lang ang nandirito.Ew.
Nilakasan ko ang aking loob na tignan ang mukha n'ya.
'Freak! kanina pa pala s'ya nakatingin sa'kin'
Nakakunot ang noo n'ya.At hindi na ako nagtataka.
"Why did you brought me here?",tanong n'ya na ikipinanlamig ng dulo ng mga daliri ko.
"K-kas-----hoy yung ulo mo dumudugo!"
'shi* wala na.Katapusan na ng mundo mo Destiny.Papatayin na niya ba ako?Bakit ko s'ya sinigawan?'
Nagulat na lang ako nang ngumuso s'ya saka humalukipkip.
"Dapat nga sa clinic mo ako dinala eh hmp"
'Luhmeh?!Anyare?Totoo ba 'to?Ba't ganon?Ibang tao yata ang kaharap ko?'
"Dadalhin kita sa clinic.Let's go Mr..."
'Tsk.Tulad din pala s'ya ni Bikini Trixie.Walang suot na name pin.Hindi ko naman makita ang ID n'ya kasi nakataob sa hita n'ya'
"Ayoko dito lang ako",
"Mr.Ayokoditolangako please stand up.I'll bring you to the clinic"
"Oh sige",tugon n'ya pero naka upo pa rin.
"So please stand up"
"No.You said you'll bring me there kaya sige dalhin mo na ako",pagkasabi niya'y pumuwesto s'ya na parang nagpapabuhat.
'Addict ka bruh?'Di kita kayang buhatin engot!'
"See?You can't bring me",kung umasta s'ya parang close kami.
"I just want to rest",sambit n'ya habang lumilinga-linga na parang may hinahanap.
"What are you looking for?"
"Gusto ko ng sandalan",bigla s'yang tumingin sa'kin.
'Hey boiiii!No wayyyy!I know what you're thinking'
"Just for a couple of minutes",bakas ang kainosentehan sa blangko n'yang mukha.
"Ayo----"
"Ahh",hinawakan n'ya ang ulo n'yang dumudugo pa rin na ikinabigla ko.
'Shocks?!Mamatay na yata s'ya'
"A-are you okay?"
"No",mabilis na sagot n'ya.
"Halika na kasi sa clinic!"
"Hindi ko kayang maglakad"
"Tsk.Hoy!Ulo ang masakit sa'yo hindi paa!",sigaw ko na mas ikipinanguso n'ya.
"Masakit rin ang paa ko eh"
"Bakit???",nadagdagan ang bigat sa dibdib ko lalo pa't alam kong ako ang dahilan ng lahat.
"Kasi madamot ka"
'Ay gags!'
"Sandalan lang ipinagdadamot mo pa.Saglit lang naman akala m-------"
Natigilan s'ya nang umupo ako palapit sa kaniya.
Nakita ko ang unti-unting pagkurba ng labi n'ya na halatang pinipigilan pa.
'Abnormal!Anong iniisip nito?Ba't nakangiti ang engot?!'
"Ayos lang?",nagtatakang tanong n'ya habang sinisilip ang nakabusangot kong mukha.
'Pasalamat ka may sugat ka na ako ang dahilan kung hindi! Nako hahambalusin kita ng boots ko'
"Ayos lang.",tipid na sagot ko.
"Wag na pala"
Ganon na lang ang gulat ko nang bigla s'yang tumayo nang maliksi na para bang walang umaagos na dugo sa ulo n'ya.
"Hoy!'Wag ka namang masyadong malikot!Baka mamatay ka nang maaga eh!"
"Bakit?Takot kang mawala ako?",nakita ko ang ngiti n'ya.Ngiting aso.
'Bruh?Naapektuhan na yata ang utak n'ya.'
"Biro lang",dugtong n'ya.
"Iwanan kita dito eh",pagbabanta ko na alam ko namang walang silbi.
"Huwag naman ganon",sambit n'ya sabay hablot sa kamay ko.
"Lika na.Malelate na tayo",pahayag n'ya na ikipinanlaki ng mata ko.
'Kaklase ko s'ya?Sino ba s'ya?Ano ba talagang pangalan n'ya?Bakit parang takot na takot sa kaniya ang dalawang 'yon?Bakit wala man lang pumigil sa kanila ni isa sa mga lalaking naroon?Bakit n'ya ako iniligtas sa sampal ng bruha?Bakit biglang nagbago ang ugali n'ya nang kami na lang dalawa?'
Hays.