September 14, 2010
Destiny's POV
"R-rhian don't do that...I'm...I'm here I'll...I'll help you...ako...ako ang magiging tatay n'yan...",kakatok na sana ako ng pinto nang marinig kong parang may pinagtatalunan sila ng girlfriend n'ya.
Naiwanan kasi ni Axcel yung flashdrive n'ya na nakasalpak sa laptop ko.S'ya pa naman ang magrereport bukas.
'Tsk wrong timing.Bukas ko na nga lang ibibigay...maaga na lang akong papasok.Hindi ko dapat sila pakialaman.'
Tinalikuran ko na lang ang pinto saka nagsimulang humakbang palayo at pinigilang mag-isip isip ng kung ano ano sa kabila ng mga narinig ko.
"I am really sorry Axcel...If only I know it'll went this far...I should have let you go earlier",napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong umiiyak si Rhian habang nagsasalita.
'freak?!mukhang magbebreak sila...imposible'
Pero hindi pa rin ako nagpatinag.Pinilit ko pa ring ihakbang ang mga paa kong parang nakapako sa kinatatayuan ko.
"No..."
'schocks?si Axcel umiiyak?'
Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili.Masyado nang maraming tanong ang nabuo ko at kailangan kong masagot lahat ng 'yon.Kung hindi,ay paniguradong hindi ako makakatulog kakaisip ngayong gabi.
Bumalik ako sa harapan ng pinto.Hindi ko napansing nakabukas pala 'yon kaya't may kaunting siwang.
Maingat akong sumilip doon.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
'kutsilyo?!'
"No...we'll continue our life with the baby...I'll...I'll be the father Rhian.You don't have to do that",halata ang pagmamahal at takot sa mata ni Axcel habang nakatingin kay Rhian na may hawak na kutsilyong nakatutok sa sarili n'yang leeg.
"Tapos ano?Itatakwil ako ng mga magulang ko dahil sa batang 'to?Ipapanganak at bubuhayin natin?Para saan?Para maging tulad ko na bunga ng kababuyan?"
"Ano ba Rhian?Do you really hear yourself?!Hindi ka naman ganiyan"
"Kasi hindi naman talaga ako tulad ng iniisip mo!Hindi ako mabait,hindi ako matino!Wala akong balak na maging disente!Sadyang binago mo lang ako Axcel"
"Y-yun naman pala...a-ano bang problema mo?Tell me...let's fix that togethe----"
"Axcel!How could I fix myself?!...When I started loving you,I thought I already fixed myself...that I'm no longer the bad Rhian they know.Pero hindi...nagkamali ako.Ako...ako lang problema dito.Hindi ko na rin makilala ang sarili ko.Hindi ko alam kung pa'no ko nagawa lahat ng 'yon."
"After all,I still love you Rhian.You're still my angel...baby...",maging ako'y hindi napigilang maluha nang marinig ang tinig ni Axcel na unti-unting nababasag.Ang isa sa mga pinakamatapang na tao sa campus.
Lalo pa't kilalang kilala ko s'ya at alam ko ang lahat ng mga pinagdaanan n'ya para baguhin ang babaeng dating walang direksiyon ang buhay.
Sinubukan n'yang humakbang papalapit kay Rhian ngunit mabilis n'yang inilipat ang pwesto ng kutsilyo.Mula sa leeg niya'y itinutok n'ya ang kutsilyo sa lalaking alam kong mahal n'ya.
"D-diyan ka lang.'Wag kang lalapit sa'kin kung ayaw mong masaktan"
Ganon na lamang ang pagkakagulat ko nang biglang humakbang si Axcel na 'tila hindi natitinag sa kutsilyong maaring tumarak sa kaniya.
"D-diyan ka lang Axcel!",maluha-luhang pagbabanta ni Rhian habang pasimpleng umaatras.
"Wise...men...say..."
'teka kumakanta ba s'ya?'
"Only fools...rush in",nagpatuloy s'ya sa paghakbang habang mahinang kumakanta.
"No...Axcel stop"
"But I can't help...falling in love wit--"
"Si Killian ang ama",napahinto sa pagkanta si Axcel saka mahigpit na kumapit sa sandalan ng silyang malapit sa kaniya.Halata ang panlulumo sa kaniya.Para bang sa kahit anong oras ay mabubuwal na s'ya.
Maging ako'y nagulat sa narinig ko.
Si Killian ang pinakamatalik na kaibigan ni Axcel at long-time boyfriend ng nag-iisang bestfriend ni Rhian.
"Si Killian?",nabasag ang boses n'ya. Halatang-halata ang sakit sa mga mata n'yang unti-unting napupuno ng luha.
"Kaya sabihin mo sa akin Axcel,can you still call me your angel?"
Napakarami kong nalaman sa gabing ito na hindi ko naman ginustong malaman.
Nais ko lang namang ihatid ang flashdrive na naiwan ni Axcel sa bahay habang gumagawa kami ng report.
Simpleng mga tanong lang ang gusto kong masagot.Pero masyado yatang mapagbiro sa'kin ang tadhana at sa'kin n'ya ibinulong lahat ng mga gustong malaman ng iba.
Isa lang 'to sa mga nasaksihan ko.Mula sa panaginip hanggang sa totoong mundo.
Marami silang tanong na nasa akin ang sagot.
Paano ko sila mabibigyan ng sagot?Hanggang kailan ko itatago ang mga nalalaman ko?Manahimik na lang kaya ako?O baka mas maigi pa nga yatang makalimutan ko na lang lahat ng ito.
~~~~~~
No One's POV
"Mr.Axcel Rutherford,you are under arrest for ending the life of Ms.Rhian Hunters.You have the right to remain in silence.Any words from you could be use against you in a court of law."