CHAPTER 8: INSTANT MOM

3195 Words
KAILLE ORTEGA NAPATINGIN ako sa sarili ko sa monitor kaya naman naisipan ko nalang na magpacute rito. Kanina pa kasi ako pindot nang pindot sa doorbell na 'to na may camera, pero hanggang ngayon ay hindi parin ako pinagbubuksan ng pinto. "What are you doing?" biglang salita ni Mr. Castellano mula sa likuran ko kaya halos malaglag ang puso ko sa gulat. "K-kanina ka pa dyan?" nahihiya kong tanong. Hindi ko kasi naramdaman ang presensya dahil cute na cute ako sa sarili ko sa monitor. "Kakarating ko lang, and maybe Blaze's already asleep. That's why no one opens the door for you," sagot niya habang naglalakad palapit sa harap ng pinto. May pinindot-pindot siya sa smart lock. "Register your fingerprint here," utos niya kaya mabilis ko namang sinunod. "Try to open it," sabi niya matapos niyang taposin ang registration. Nilapat ko ulit ang hintuturo ko sensor at nagbukas naman kaagad ang higanteng pinto. Pagpasok namin sa pinto ay awtomatikong bumukas ang mga ilaw. Napanganga ako sa laki, lawak, at ganda ng pagkadisenyo ng bahay ni Mr. Castellano—it's a three-storey modern house. "Mag-isa lang si Blaze rito bago tayo dumating?" tanong ko habang nakasunod sa kanya. "Yeah, Blaze had had several nannies before, but none of them worked. They can't handle my son's behavior. Mostly, naglalast lang sila for nearly a week, kaya hindi nalang ako kumuha na ng panibago." "Sino pala ang naglilinis at nagpapanatili ng kaayosan dito?" "Maintaining this house was not a problem. There are a lot of on-call companies that offer home cleaning services." "Ah." "Would you like a quick tour of the house?" tanong niya habang niluluwagan ang neck tie niyang suot nang marating namin ang sala. "I would love to, Mr. Castellano." "We are going to live under the same roof from now on, Miss Ortega. So stop calling me "Mr. Castellano." Just call me "Alec." " "I am your employee and you are my employer. Are you sure I can call you by your nickname?" "You're not just my employee, Miss Ortega. You're my son's mom." "Instant mom," pagtatama ko sa kanya. "Kung gano'n ay huwag mo nalang din akong tawaging "Miss Ortega." Tawagin mo nalang akong "Kai" para patas tayong dalawa," dagdag ko pa. "Follow me, Kai," sabi niya kaya sumunod naman ako sa kanya. Ang una naming pinuntahan ay ang kitchen nilang halos lahat ng mga kitchen tools, utensils, and equipments ay nandoon na. Pangalawa ay ang pantry nilang parang mini grocery store na. Pangatlo ay ang courtyard na kung saan nandoon ang swimming pool, ang garden, at ang fitness gym. Pang-apat ay ang dining area nila kung saan mayroon itong napakahabang lamesa at may kinseng mga upuan. Pagkatapos namin sa ground floor, gamit ang glass elevator ay umakyat kami sa first floor. Ang una naming pinuntahan sa first floor ay ang home office niyang tambak ng mga papeles. Huminto kami sa harap ng pinto na katabi lang din ng opisina niya. Hindi niya ito binuksan. "This door leads to the basement. There's a mini wet bar there, so if you want to drink, this door will lead you there, or you can just ride in the elevator." "Am I really allowed to go there?" "Yeah, but you just need to be careful because that is where we store our firearms, weapons, and other dangerous equipment. And there were lots of important documents and things that were stored there, so I'm warning you, don't be a curious cat and lay your finger on those things." "H-hindi naman ako pakialamera," nauutal kong sabi habang binabasa ang natutuyo kong lalamunan dahil sa habilin niya. "This is the surveillance room," sabi niya matapos niyang buksan ang pinto nito. Maraming CCTV monitors na flat screen dito at nakadikit ang mga ito sa pader ng sunod-sunod at nakahilera. Sa baba naman niyan ay may mga computer, mouse, at keyboards na nakapatong sa pacurve na lamesa. Lahat ng anggulo at sulok sa labas at loob ng bahay niya ay kitang-kita rito. "Pati ang loob ng mga kwarto ay may CCTV rin?" tanong ko nang makita si Blaze sa monitor na mahimbing ng natutulog. "Yeah." "Sino ang nagmomonitor dito araw-araw?" usisa ko kasi parang walang privacy. "Walang nagmomonitor dito, but I always check the footages when I have free time. If you're worried about being caught doing adult stuff inside your room, don't worry. I will teach you how to turn off your CCTV later." "Excuse me, hindi kaya ako gumagawa ng kababalaghan sa sarili ko." "It's for your safety. Whether you like it or not, you need to get used to being watched when you are here in our home." Pagkatapos namin sa surveillance room, ang sunod naming pinuntahan ay ang kwarto ni Blaze. Hindi na kami nagtagal doon dahil natutulog na si Blaze. Katabi ng kwarto ni Blaze ay ang kanyang playroom na kung saan sabi niya ay doon palaging naglalaro si Blaze at doon rin nakalagay ang mga toy collections niya. Iba't-ibang koleksyon ng mga laruan ang meron siya. Bukod sa mga anime niyang koleksyon ay meron din siyang koleksyong ng mga laruang armas at kotse na iba't-iba ang haba at laki. At no wonder kung bakit matalinong bata si Blaze. Marami rin kasi siyang mga story books, encyclopedia, dictionary, at iba pang mga babasahin doon. Sunod naming pinuntahan ay ang kwarto ni Alec na kaharap lang ng kwarto ni Blaze. Kahit silip lang sa pinto ang ginawa ko ay amoy na amoy ko parin ang amoy Alec niyang kwarto. Lalaking-lalaki ang amoy at ang bango-bango. "And this is your room," sabi niya sabay bukas ng pinto nito. Katabi lang ito ng kwarto niya. "Kung tama ang bilang ko, walo lahat ang mga pinto na nakita ko rito sa first floor. Pangpitong kwarto palang ito na nabuksan natin. Ano 'yong isa? Guess room?" tanong ko habang nakasunod sa kanya. "The rest door is for the other room you won't need to go into. The guest rooms are on the second floor." Huminto kami sa harap ng queen size na kama. "Sure ka bedroom ko ito?" tanong ko habang nililibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Hindi ko nanaman maiwasan na hindi bahagyang mapanganga. Bukod kasi sa malaking kama ay ang rangya ng kwarto na ito. Magmula sa mga disenyo hanggang sa pinakamaliit na detalye ay sumisigaw mamahalin. May flat screen tv pa rito. "Yeah, this is your bedroom. Let's have a quick tour of your room," aya niya at muli nanaman siyang naglakad kaya sumunod naman ako. May dalawang pinto pa na nandito sa loob ng kwarto ko. Ang unang pinto, gamit ang glass partitions ay nahati sa tatlo ang spaces sa loob—bathroom, comfort room, at powder room. Sa pangalawang pinto ay ang walk-in closet na nagmistulang department store dahil sa laki at dami ng mga kagamitan dito katulad ng mga iba't-ibang klase ng kasuotan, bags, undergarments, sapatos, heels, accessories, at etc. "I don't think I can accept all of these," sabi ko nang makaramdam ng hiya. "Of course you can," pamimilit niya. "Sobra-sobra naman yata ang mga 'to? Mukhang mamahalin pa lahat. Hindi ko kayang bayaran lahat ng mga 'to. Okay na ako kahit sa guest room nalang." "Who told you na sisingilin kita? It's my welcome gift as well as my thank you gift for accepting my offer." "Per—" "No buts, Kai. Just accept it. Don't make me mad," putol niya sa pagsasalita ko kaya bigla akong naintimidate ulit sa kanya. "S-salamat," napipilitan kong pasasalamat sa kanya. "Feel free to use all," sabi niya sabay talikod at naglakad na palabas sa walk-in closet pabalik sa bedroom. Sumunod nalang din ako sa kanya. "Is this supposed to be Kate's room?" usisa ko. "How did you know?" "Just a guess. This room was beside your room and it was fully furnished. Parang may pinaglaanan ka ng kwarto na ito." "Sadly, I never got a chance to bring her here." "Bakit?" "This house was still under construction before she died," sabi niya sabay dampot sa mga remote na nakalagay sa side table. Ang isang remote ay para sa CCTV at ang isa naman ay para sa aircon. Pareho niyang itinuro sa akin kung ano-ano ang mga dapat kong pipindotin. "I think you should rest now. The contract is on the top of your vanity table," sabi niya kaya pinasadahan ko naman kaagad 'yon ng tingin. Pagkaalis ni Alec ay nagshower muna ako bago ko pinirmahan ang kontrata. Hindi ko na binasa at pinirmahan ko na lamang iyon. Limang pahina kasi lahat ng 'yon kaya tinamad na akong basahin at isa pa ay pagod na ako sa biyahe. Gusto ko na makapagpahinga. Pagkaakyat ko sa kama ay lumubog kaagad ang katawan ko sa sobrang lambot nito. Ito na ang pinakamalambot na kama ang mahihigaan ko sa tanang buhay ko. Malalambot at mababango din pati ang mga unan. Kinabukasan, paggising ko ay nakaramdam ako ng gaan ng pakiramdam. Ito kasi ang unang beses na nakatulog ako ng komportable at mahimbing magmula noong nahospital si Lily. Pagkatapos kong ayosin ang hinigaan ko ay bumaba na rin ako sabay dumirecho sa kusina para sana magluto ng umagahan, pero naabotan kong kumakain na si Blaze kasama si Alec at si kuyang nagsundo sa akin. Hindi pa aware si Blaze sa presensya ko at hindi ko rin alam kung alam na niya na nandito ako, pero tinakpan ko parin ang mata niya gamit ang mga kamay ko mula sa kanyang likuran para sorpresahin siya. "The scent is very Ate Kai. Is it what I think it is, paps? Is she my Ate Kai?" tanong niya habang hinahawakan niya ang kamay kong nakatakip sa mata niya. "Ask her," sagot naman ng ama niya sa kanya. "Is that you, Ate Kai?" "Ano ba ang amoy ko at nakilala mo ako kaagad? Mabaho ba ako?" pagbibiro ko habang tinatanggal ang kamay ko. Bumaba siya sa upuan sabay yumakap siya sa bewang ko. "It's really you!" masaya niyang sabi. Kumawala siya sa pagyakap niya sa akin. "No. Your smell is not bad, Ate Kai. Amoy strawberry ka kaya nakilala kita kaagad." "Talaga? Amoy ako strawberry? Hindi naman ako nagpabango, ah." "Yes. Maybe that's your natural scent. Right, paps?" paghahanap niya ng kakampi. "Yeah, you smell like strawberries just like her," sabi ni Alec habang tinititigan ako. Naiilang ako sa titig niya kaya yumuko ako. Bumalik si Blaze sa pagkain at ako naman ay umupo sa tabi niya at kumain na rin. "Mhmm! fshh mlkvva mgmagl," pagsasalita ni Blaze habang puno ng pagkain ang bibig niya kaya wala akong naintindihan. "Blaze, you should not talk when your mouth is full," natatawang saway ko sa kanya dahil sa kakyotan niya. "Sorry..." paumanhin niya naman kaagad. "Kuya, simula ngayon hindi niyo na kailangang hatiran si Blaze ng pagkain. Ako na ang bahala para hindi na rin kayo maabala at baka may iba pa kayong mga ginagawa." "Walang problema, Miss." "Why are you here, Ate Kai? And what do you mean by, ikaw na ang magluluto ng foods ko?" "Hindi ba't ang sabi mo ay kahawig ko ang mommy mo?" tanong ko at tumango-tango naman siya. "Simulan ngayon ay isipin mo nalang na ako siya dahil magiging instant mommy mo na ako. Okay lang ba 'yon sayo?" "Ibig sabihin dito ka na titira sa house namin?" tanong niya kaya nginitian at tinanguan ko siya bilang sagot. "For real?" masaya niyang tanong. "Yes, for real." "Can I call you "Mommy" then?" "Oo naman." "Yey!" sabi niya habang nagtatatalon sa tuwa. "Stop jumping, son. Kakatapos mo lang kumain," saway ng ama niya sa kanya na kaninang nakikinig lang sa usapan namin. "Is this the surprise that you were talking about, paps?" tanong niya sa ama niya habang abot tenga ang ngiti niya. "Are you happy?" "Very much, paps. Thank you for bringing her here in our home," sagot niya kaya abot tenga rin ang ngiti ko. Masaya ako na nagustuhan ako ni Blaze bilang mommy niya. "By the way, Gino will be your new driver and he will serve as your bodyguard as well," tukoy ni Alec sa kay kuya. "But, paps. I don't like your men following me around, especially in that suit." "This time, buts are out, son. It's for your own safety. Gino is fine. He can protect you." "I don't like any of your men in suits following me around. It's awkward." "My decision is final. You can't change my mind now." "No, paps." "Yes, son." "I said, no!" sabi ni Blaze at bigla na lang siyang nagtantrums. "And I said what I said, son!" Tumaas ang tono ng boses ni Alec kaya nilakasan na ni Blaze ang iyak niya sabay naglupasay na siya sa sahig. "Hindi solusyon sa tantrums ng bata ang pagtaas ng boses, Alec. Lalo mo lang pinalala," singit ko na sa usapan nila dahil nahilo na ako sa pagpalipat-lipat ko ng tingin. Sa tingin ko ay walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa. "He won't listen to me if I don't raise my voice." "Nakinig ba siya matapos mo siyang taasan ng boses?" pakikipagtalo ko sa kanya. Nanay na ako ng anak niya ngayon kaya may karapatan akong kontrahin ang pagdidisiplina niya sa kanya. Nilapitan ko si Blaze na patuloy parin ang pagngawngaw at pagwawala sabay umupo ako sa sahig paharap sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. Kapag kasi nagtatantrums ang isang bata ay ikalma dapat ang sarili. Huwag iinit ang ulo. Tapos ay alokin sila ng yakap o pwede ring hawakan ang kamay nila para kumalma sila. "May dapat ba akong gawin para makatulong sayo? Just answer me yes or no," tanong ko sa kanya nang matigil na siya sa paglulupasay. Bigyan dapat sila ng choices para malaya silang makapili ng gusto nilang mangyari. "Yes, mommy," sagot niya habang humihikbi. "Pwede mo bang sabihin kay mommy kung ano ito?" Tiningnan niya ng matalim si Alec. "I want you to convince him," sabi niya sabay galit na itinuro ang ama niya. "Okay, kakausapin ko ang paps mo at susubukan ko siyang kumbinsihin, but can I give you a word first?" tanong ko sa kanya kaya tumango-tango naman siya bilang sagot. "What you did earlier to your paps is not good. Don't give him that look ever again, okay? Every time you do that, it will appear that you are disrespecting him. He's still your paps no matter what. Do you understand me?" pangaral ko sa kanya. "Yes, mommy," mahina niyang sagot habang nakayuko. "Okay ka na ba ngayon?" tanong ko sa kanya nang tuluyan na siyang tumahan. "Yes, mommy." "Let's see if you're really fine. Inhale and exhale ka nga," sabi ko at mabilis niya naman itong ginawa. "Very good! Play muna kayo ni Kuya Gino, ha. Kakausapin ko na ang paps mo." "Let's go, Gino." "Blaze, call him "Kuya Gino" because he's older than you." "Okay, mommy. Let's go, Kuya Gino." "He is always like that, throwing tantrums every time I don't want to give him what he wants." "Normal behavior na talaga 'yan ng mga bata." "I don't know what I'm supposed to do every time he's like that, so basically I just gave him what he wanted, pero ngayon ay hindi ko na siya pwedeng pagbigyan sa gusto niya. Ayoko ng ipagkatiwala siya sa iba. Mas mabuti nang isa mga tauhan ko ang magbantay sa kanya. I trust Gino; he's good at his work and he is responsible too. Blaze's safety in his hands is guaranteed." "Hindi mo ba tauhan ang previous driver ni Blaze?" "When he starts schooling, I just hired someone from the agency to be his driver. Ayaw niya kasi na ang mga tauhan ko ang magdrive at magbantay sa kanya kaya hindi ko na siya pinilit dati, pero simula nang magsunod-sunod ang pangingidnap sa kanya ay mukhang hindi na maganda na ipagkatiwala ko pa siya sa iba." "Ang ayaw lang naman ng anak mo ay ang suot ng mga tauhan mo, hindi ba? Hindi niya naman sinabing ayaw niya sa mga tauhan mo, literal. Wag mo nalang kaya ipasuot ang suit na 'yon kay Gino habang siya ang driver ni Blaze para matapos na ang problema niyong mag-ama tungkol dyan," suhestyon ko sa kanya. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para tanggapin ni Blaze si Gino bilang driver niya. "I can't do that." "Bakit naman hindi? Boss ka nila at sa tingin ko naman ay lahat ng sasabihin mo sa kanila ay susundin nila." "That suit is their symbol of pride as one of my men as well as part of our organization. Kahit pa sabihin kong huwag na nila isuot 'yon ay hindi nila gagawin and I can't boss them around about what they want to wear. It's their free will." "Pwede mo namang kausapin si Gino ng masinsinan. Papayag naman siguro siya." "It looks like you don't get it. Okay, let's say that the suit is comparable to a "rainbow flag." " "Flag ng l***q+?" "Yeah, it's their symbol of pride, right?" "Anong connect niyan sa usapan natin?" "Let's say you're one of them, and then there you are, raising your symbol of pride proudly, and then suddenly I come to you to say to take down your flag. What should you feel?" "I will feel offended. The rainbow flag is not just a mere flag for the l***q+ community. Simbolo 'yon ng pakikipaglaban nila para sa pantay na karapatan at pagtanggap sa kanila." "And that flag also symbolizes that they are part of an l***q+ community, right?" "Tama. Mabilis ko silang narerecognize dahil diyan. Kapag nakakakita ako ng tao na may bitbit na rainbow flag ay iniisip ko kaagad na miyembro siya ng l***q+ community." "That's what I'm trying to say. The suit that my men are wearing is like a rainbow pride flag for the l***q+ community. That suit is my men's symbol of pride as the members of our organization, the Blue Aces, and I will not take that pride away from them. Besides, that suit is well-known in the underworld." "Thank you for enlightening me. Dahil diyan ay hindi na kita kukulitin tungkol sa suit na 'yon. Ako na ang bahalang kumumbinsi kay Blaze na pumayag para maging driver niya si Gino." "Yes, please. Sa tingin ko mas makikinig siya sayo kumpara sa akin. Ikaw na yata ang makakapagpaamo sa anak ko. I'm impressed with what you did earlier regarding his tantrums." "Wala 'yon. Maliit na bagay lang 'yon sa akin. Aanhin ko pa ba ang bachelor's degree ko kung tantrums lang ni Blaze ay hindi ko pa kayang ihandle?" pagbibiro ko. "I'm glad I offered you to be his instant mom. You're really a big help to both of us." "Ginagawa ko lang ang trabaho ko kaya masaya akong marinig na nakakatulong ako sa inyong mag-ama." "You gave me even more reason not to let you go for life." "What do you mean by not letting me go, Alec?" kinakabahan kong tanong. Parang hindi kasi maganda ang kutob ko sa sinabi niya. "I guess you didn't read the terms and conditions of our contract before signing it," nakangising sabi niya kaya para akong binuhusan ng isang timba ng yelo. Nanigas at nanlamig ang buong katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD