CHAPTER 7: THE STORY BEHIND

3175 Words
KAILLE ORTEGA NANGUNGUPAHAN lang kami ni Lily ng apartment at sa second floor ang pwesto namin kaya naman buhat-buhat ko ngayon pababa sa apartment building ang maleta ko. "Saan punta natin, Ma'am?" tanong ni Aleng Lara, isa rin sa mga tenant dito. Paakyat siya sa hagdan na tinatahak ko ngayon. "Sa bagong trabaho po." "Hindi ka pa ba nakabalik sa pagtuturo?" Nilapag ko muna ang maleta ko para makapag-usap kami. Magkapit-bahay lang kasi kami, pero bihira lang kaming mag-usap at magkita. "Hindi pa po, eh." "Hindi pa siguro gumagaling ang kapatid mo, ano?" "Sa kasamaang palad po, hindi pa." "Osya, sige na, Ma'am. Naistorbo pa yata kita. Mag-ingat ka, ha. Pasabi sa kapatid mo magpagaling siya." "Salamat po. Alam niyo po ba kung bakit parang ang ingay sa baba?" tanong ko dahil kanina pa ako may naririnig na kantsawan. Baka alam niya dahil galing naman siya sa baba. "Hay naku! Ang mga dalagingging natin sa apartment na ito ay nandoon lahat sa ibaba. Paano, may gwapong binatang lalaki doon na may dalang magandang kotse. Parang may hinihintay yata siya." "Aalis na po ako, Aleng Lara. Pasuyo nalang din po ng tingin sa bahay namin." "Walang problema, Ma'am," sagot niya at ipinagpatuloy na niya ang pag-akyat sa hagdan. Puro damit at undergarments lang ang laman ng maleta ko at hindi naman kabigatan kaya hindi ako nahirapang bumaba. Diredirecho at mabilis akong nakababa. "Sige na, sabihin mo na ang pangalan mo," pangungulit ng anak ni Mang Jun, pero pangiti-ngiti lang ang lalaki. "Kung ayaw mo kahit number mo nalang," pangungulit rin ng kapatid ni May, pero ngiti lang din ang sagot na binigay ng lalaki. Tumingin sa gawi ko ang lalaki sabay naglakad siya palapit sa akin at iniwan na ang mga kabataang nakapalibot sa kanya. "Excuse me, Miss. Ikaw ba si Miss Kaille Ortega?" tanong niya sa akin. Nakasuot siya ng midnight blue na suit kaya siya na siguro ang sinasabi ni Mr. Castellano na susundo sa akin. "Ako nga 'yon." "Pinapasundo kayo ni Boss A sa akin, Miss," sabi niya sabay buhat ng maleta ko. Naglakad siya pabalik sa kotse niya kaya sumunod naman ako sa kanya. "Wala na, nanalo na si Ma'am Kai. Magsiuwi na tayo," pagbibiro ng anak ni Mang Jun. "Ikaw talaga! Kurutin kita sa singit, eh. Lakad na, magsiuwi na kayo. Tanghaling tapat humaharot kayo, ha!" pagbibiro ko rin sa kanila kaya nagkanya-kanya naman silang uwi. "Pasensya ka na sa mga 'yon. Napopogian lang sila sayo kaya pinagpyestahan ka," paumanhin ko sa lalaki habang nilalagay niya ang maleta ko sa trunk ng kotse. Binuksan ng lalaki ang pinto ng kotse sa back seat. "Okay lang, Miss. Sakay na po kayo," sabi niya kaya mabilis naman akong sumakay. Matapos niyang isara ang pinto ay punasok na rin siya sa driver's seat. "Tara na, kuya," aya ko sa kanya matapos kong isuot ang seat belt ko kaya pinaandar niya naman kaagad ang kotse. "Uniform niyo 'yang suot mo, kuya?" usisa ko para basagin ang nakakabinging katahimikan. "Oo, Miss. Lahat kaming Blue Aces ay ganito ang suot." "Blue Aces ang tawag sa organisasyon niyo, tama ba?" pagkumpirma ko dahil narinig ko na 'to sa lalaking kumidnap sa amin ni Blaze. Nakita ko naman sa rearview mirror ang pagkagulat niya. "Alam mo na ang tungkol sa amin, Miss?" "Oo, at si Mr. Castellano ang boss niyo. Magkwento ka na, kuya, para may pag-uusapan naman tayo. Huwag kang mag-alala dahil sinisiguro ko sayo na ang lahat ng sasabihin mo sa akin ay safe." "Kapag may nakita kang ganitong suit ang ibig sabihin ay mga tauhan kami ni Boss A. Naiiba ang disenyo nitong suit namin kaya sigurado akong unique 'to." Madami na akong nakitang sumusuot ng midnight blue na suit pero napansin ko ngang naiiba ang disenyo ng sa kanila. "Hindi naman sa nangingialam ako, pero bakit mo pinasok ang ganyang trabaho?" usisa ko. Marami naman kasi siyang pwedeng pasukan na trabaho lalo na't may itsura siya. Pwede nga siya maging modelo nalang. "Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, ito ang pinaka hindi ko pinagsisihan, Miss. Isa na kasi akong ulilang lubos kaya palaboy-laboy lang ako sa kalsada noon hanggang sa napadpad ako sa harap ng building ng Castellano Corporation. Siguro nakitaan ako ni Boss A ng potential kaya inalok niya akong maging tauhan niya." "Hindi halata na naging palaboy ka," komento ko kaya nakita ko naman sa rearview mirror na naningkit ang mata niya dahil sa pagngiti niya. "Actually, lahat kaming miyembro ng Blue Aces ay mga ulilang lubos na. Bago pa namin nakilala si Boss A ay lahat kami mga palaboy na nanggaling sa iba't-ibang kalsada. Ang iba sa amin ay sina Boss Draco, Boss Boris at Boss Damon ang nagrecruit at hindi naman sa pagmamayabang, pero ako lang ang nag-iisa na mismong si Boss A ang umalok." "Edi, favorite ka pala ni Mr. Castellano?" "Walang favoritism si Boss A, Miss." "Ituloy mo na kwento mo, kuya." "Mahirap makuha ang tiwala ni Boss A kaya noong una ay nahirapan kaming pakisamahan siya. Sa tulong nila Boss Boris, Boss Draco at Boss Damon, kahit unti-onti ay nagawa naman naming kuhanin ang loob ni Boss A. Silang apat din mismo ang nagtitraining sa amin. Binigyan din kami ni Boss A ng komportableng tirahan na hindi namin inaasahang mangyayari sa talambuhay namin. May separate bahay po kami na nandun lang din malapit mismo sa bahay niya. Sama-sama na kami doon sa iisang bahay dahil malaki naman ang ipinagawa niya para lang sa amin. Sagana kami kay Boss A dahil Lahat ng pangangailangan namin ay ibinibigay niya kaya sobra ang pasasalamat namin sa kanya at sinusuklian naman namin 'yon ng loyalty at ginagalingan namin sa trabaho para huwag lang namin siya madisappoint." "Ano ba exactly ang ginagawa ninyo?" "Hindi kami kasing sama katulad ng iniisip mo, Miss. Ang tanging kasalanan lang namin ay ang pagpatay dahil hindi kami ang tipo ng organisasyon na may mga illegal activities na ginagawa, katulad ng mga extortion, smuggling, at kung ano-ano pang mga illegal activities para lang kumita ng pera. Lahat ng yaman ni Boss A ay galing sa mabuti. Kaya huwag kang magalala, Miss, dahil ang matatanggap mong pera mula sa kanya ay pinaghirapan niya iyon." Sa totoo lang, isa rin talaga sa dahilan ko kung bakit kumalas ako sa deal namin ni Mr. Castellano matapos kung malaman na isa pala siyang kriminal ay dahil sumagi rin talaga sa isip ko na baka ang perang sasahorin ko ay galing sa masama. Hindi ko kasi maaatim na ang perang gagamitin ko na pangbayad sa hospital bills ni Lily ay galing sa masama. Habang buhay ko kasi 'yan dadalhin sa puso ko kaya matapos kung marinig ang huling sinabi ni kuya ay pakiramdamdam ko nawala na ang malaking nakabara sa puso magmula ng tanggapin ko ulit ang alok ni Mr. Castellano. "Isa ako sa pinakaunang naging miyembro ng Blue Aces kaya kahit papano ay may alam ako sa family background ni Boss A. Gusto mo bang ikwento ko sayo, Miss? Malayo pa naman tayo para hindi ka maburyo." "Sige, kuya. Pagchismisan natin si Mr. Castellano," natatawa kong sabi sa kanya kaya natawa na rin siya. "Gusto ko lang rin talaga na malaman mo na hindi kasingsama si Boss A katulad ng kung ano man ang iniisip mo sa kanya." "Grabe ka naman, kuya. Para mo na rin sinabing judgemental ako, pero may tama ka naman dahil masama talaga ang tingin ko sa pagkatao ni Mr. Castellano noong nalaman ko ang tungkol sa pagiging kriminal niya. Idagdag mo pang binantaan ng boss niyo ang buhay ko." "Tingnan mo, matic na kasi 'yan, Miss, na masamang tao si Boss A sa mata ng mga taong hindi naman siya lubusang kilala, pero kahit gaano pa kasama ang tingin ng ibang tao kay Boss A ay para sa aming Blue Aces siya na ang pinakamabuting taong nakilala namin." "Masyado niyo naman yatang hinahangaan si Mr. Castellano?" "Kulang pa nga ang salitang paghanga, Miss." "Sige, kuya. Simulan mo ng ipakilala sa akin si Mr. Castellano nang mabawasan manlang ang masamang tingin ko sa pagkatao niya." "Alam mo ba, Miss, na isa sa mga pinakakinakatakotan si Boss A ngayon sa underworld?" "Hindi ko alam," sagot ko, pero hindi ko alam kung bakit siya natawa. "Nagsimula siyang katakutan sa underworld dahil sa ginawa niya sa mga miyembro ng Lahire. Nasa lahi na talaga nila Boss A ang pagiging mafia at ang Lahire ay isang organisasyon na itinatag mismo ng mga ninuno pa ng pamilya nila Boss A." "Ano bang ginawa ni Mr. Castellano sa mga miyembro ng Lahire?" "Dati pang kilala ang Lahire sa underworld, pero mas lalo itong umugong noong si Don Miguel na ang namuno. Lahat kasi ng illegal activities ay naisip na niyang pasukin, katulad ng mga murder, firearms trafficking, auto theft, Arson, at kung ano-ano pang mga illegal activities na maisip mo, lahat ng 'yon ay ginagawa nila Don Miguel." "Ganyan kasama ang tatay ni Mr. Castellano?" "Kulang na nga lang, Miss, ay palitan niya si satanas sa trono," sagot niya kaya bahagya akong natawa. "Sa edad na disiseis ay naging independent na si Boss A. Matapos kasi siyang magkamalay sa lahat ng masamang gawain ng ama niya ay umalis kaagad siya sa poder nito." "Nasaan naman ang nanay ni Mr. Castellano?" "Ang ina naman ni Boss A ay si Don Miguel mismo ang pumatay dahil sinubukan niyang tumakas mula sa mga kamay ni Don Miguel. Gano'n lang kadali kay Don Miguel na patayin ang ina ni Boss A kasi ginagawa niya lang naman siyang parausan." "Ibig sabihin nabuo lang si Mr. Castellano na walang pagmamahal sa pagitan ng mga magulang niya?" "Gano'n na nga, Miss. Gusto mo rin ba malaman kung paano itinayo ni Boss A ang Castellano Corporation?" "Paano, kuya?" "Nagsimula si Boss A sa wala. Wala siyang backer at hindi siya tumanggap kahit na katiting na tulong mula sa ama niya. Itinayo ni Boss A ang Castellano Corporation gamit ang sarili niyang pera na naipon niya sa pagpapart-time sa Japan habang siya'y nag-aaral doon." "Niloloko mo ako, kuya. Akala ko ba kaunti lang ang alam mo kay Mr. Castellano? Alam mo na yata ang buong talambuhay ni Mr. Castellano, eh," biro ko sa kanya. "Kasama kasi sa training namin ang life history ni Boss A, Miss. Si Boss Damon ang may pakana. Hindi nga alam ni Boss A na pinagsasabi sa amin ni Boss Damon ang tungkol sa talambuhay niya. Dahil sa mga nalaman namin patungkol kay Boss A ay mas lalo pa namin siyang hinahangaan at nirerespeto." "Since mukhang alam niyo naman yata ang buong talambuhay ni Mr. Castellano, matanong ko lang kung may alam rin ba kayo patungkol Kate?" "Hindi namin nameet si Miss Kate at wala rin kaming alam tungkol sa love story nila ni Boss A. Ang tanging alam lang namin ay si Miss Kate ay ang dating kasintahan ni Boss A na siya ring mommy ni Boss Blaze." "Ituloy mo nalang ang kwento mo, kuya." "Sa edad na bente ay nagsimula ng makilala si Boss A sa business world. Tinagurian siyang world's youngest self-made billionaire at doon na nagsimulang mamayagpag ng husto ang Castellano Corporation." "Paano naging mafia boss si Mr. Castellano?" "Bago pumanaw si Don Miguel ay hinabilin niyang si Boss A ang papalit sa trono niya bilang boss ng Lahire." "Akala ko ba ay ayaw ni Mr. Castellano sa masamang gawain ng ama niya? Kaya nga siya umalis sa poder ng ama niya, hindi ba? Bakit niya tinanggap ang habilin sa kanya ng ama niya?" "Gusto na kasing putulin ni Boss A sa henerasyon niya ang masamang gawain ng lahi nila. Dahil nga pumanaw na ang ama ni Boss A, ang pinroblema niya nalang dati ay ang mga natirang mga miyembro ng Lahire. Naisip dati ni Boss A na makakatulong ang posisyon niya bilang boss ng Lahire para mas madali niyang mapaslang ang mga miyembro nito kaya tinanggap niya ang habilin ng ama niya." "Paano niya pinaslang ang mga miyembro ng Lahire?" "Minassacre." "Si Mr. Castellano lang mag-isa ang nagmassacre sa kanila?" "Hindi, Miss. Bago isinagawa ni Boss A ang balak niyang pagpaslang sa miyembro ng Lahire ay palihim pa muna siyang gumawa ng sarili niyang organisasyon, at kami 'yon na Blue Aces kasi hindi naman sila posibleng mapatumba ni Boss A kung siya lang mag-isa." "Paano niyo posibleng namassacre ang Lahire?" "Matapos mabuo ng Blue Aces, gamit ang posisyon ni Boss A bilang boss ng Lahire ay nagawa niyang pagsama-samahin ang lahat ng mga miyembro nito sa iisang lugar lang. Walang kapawis-pawis niyang napagsama-sama ang mga ito dahil ang buong akala nila ay kakampi talaga nila si Boss A. Sa lugar na 'yon ay doon na sa wakas naputol ang kasamaan na matagal ng gustong wakasan ni Boss A. Umusbong sa underworld ang balitang pagmassacre namin sa Lahire kaya dito na nagsimulang makilala at katakotan ang Blue Aces, lalong-lalo na si Boss A." "Okay, gets. Ginamit lang ni Mr. Castellano ang posisyon niya bilang boss ng Lahire para mapaikot niya ang mga miyembro nito sa mga kamay niya at maging sunod-sunuran sila sa kanya para madali niyang mapatay sila. Tama ba?" "Tama, Miss. At maniwala ka man o sa hindi. Ang lahat ng kayamanang iniwan ng ama niya sa kanya ay ipinamahagi niya sa iba't-ibang charity at sa pamilyang naiwan ng mga miyembro ng Lahire." "Lakas naman pala maka Robin Hood ni Mr. Castellano," komento ko. "Ang Lahire ang puno't dulo kung bakit sinimulang yakapin at pasukin ni Boss A ang mundo ng mga kriminal. Sila lang ang rason kung bakit pinasok ni Boss A ang underworld kaya noong natapos na ni Boss A ang misyon niya sa kanila ay wala na siyang iba pang makitang dahilan para manatili pa sa dilim." "Naguguluhan ako, kuya. Ibig mo bang sabihin ay dati ng umalis si Mr. Castellano sa pagiging kriminal niya?" "Gano'n na nga, Miss. Matapos wakasan ni Boss A ang kasamaan ng Lahire ay kaagad din niyang nilisan ang underworld." "Kung gano'n ay bakit isa parin siyang kriminal ngayon?" "Bumalik siya ulit noong may nangyari kay Miss Kate at nalaman pa niya na isa ring organisasyon ng mafia ang may pakana." "Talagang mahal ni Mr. Castellano si Kate, ano, kuya? Handa kasi siyang maging kampon ng demonyo ulit para sa kanya." "Sobra niya talagang mahal si Miss Kate, Miss. Biruin mo, anim na taon na ang nakakalipas, pero hindi parin niya siya malimutan ni Boss A kahit nasa kabilang buhay na ito." "Malayo pa ba tayo, kuya?" pag-iiba ko na sa usapan. Masyado na akong maraming nalalaman tungkol sa madilim nilang mundo. Nababahal na ako, na baka may kapalit pala ang mga impormasyong 'yan. Baka mamaya niyan ay hindi na ako makalabas ng buhay sa poder ni Mr. Castellano kapag nalaman niyang marami na akong alam tungkol sa pagkatao niya. "Isang liko nalang, Miss." Ang layo pala talaga ng bahay ni Mr. Castellano. Noong hinatid kasi ako ni Draco, sa tansya ko ay humigit kumulang tatlong oras kami bumiyahe. Gabing-gabi na rin 'yon kaya hindi ko na matandaan ang mga dinaanan namin. "Paano pala kayo nagkakilala ni Boss A, Miss? Hindi kasi matiwalang tao si Boss A, pero ang ipagkatiwala niya si Blaze sayo ay sobrang big deal." "Sabi nila Mr. Castellano at Blaze ay kahawig ko si Kate, kaya baka dahil diyan kaya ako inalok Mr. Castellano na maging mommy ni Blaze." "Sayang! Hindi ko kasi nameet si Kate kaya hindi ko masasabi kung talaga nga bang kahawig mo siya." "Nandito na tayo, kuya, ano?" tanong ko habang tinuturo ang mataas na gate na dinaanan din namin ni Draco dati noong hinatid niya ako. "Dito na nga, Miss." Nang nasa harap na kami ng gate ay bigla itong awtomatikong nagbukas. Malawak ang sakop nitong property ni Mr. Castellano kaya pagkatapos naming pumasok sa gate ay tuloy parin sa pagdadrive si kuya. "Doon kami nakatira, Miss. Iyon ang bahay namin," sabi ni kuya habang tinuturo ang bahay nila. Malaki ang bahay nila. Mas malaki pa nga ang bahay nila kung ikukumpara sa kabuuan ng building ng apartment kung saan kami nangungupahan ni Lily. "Ang ganda ng bahay niyo, kuya. Ang laki pa," puri ko. Ang ganda rin tingnan lalo na't hapon na. Nakabukas na kasi ang mga ilaw. "Kaya sobra-sobra ang pasasalamat namin kay Boss A dahil diyan, Miss. Nararanasan naming tumira sa ganyan karangyang bahay. Walang-wala kasi 'yan sa tabi ng kalsada na dating tinutulugan namin." "Ilan kayo ang nakatira doon, kuya?" "Bente kami, Miss. Bente kwatro lang kasi kaming lahat na Blue Aces kasama na sina Boss Boris, Boss Draco, Boss Damon, at Boss A." "Ang konti niyo naman yata, kuya? Hindi ba kayo natatakot kapag kumakalaban ng mas marami sa inyo?" "Wala sa dami 'yan, Miss, kundi sa performance. Hindi lang din naman kasi kami basta-basta nalang pinulot nila Boss A sa kalsada. Lahat kaming miyembro ng Blue Aces ay may kanya-kanyang kakayahan kaya madalas sa mga naging misyon namin ay successful." "Wala kayong nasawi na miyembro kahit isa?" "Wala, Miss. At huwag sanang mangyari." "Ang galing niyo palang Blue Aces." "Kapag may kailangan ka sa amin, Miss, ay huwag kang mahiyang kumatok sa bahay namin." "Kakatok talaga ako sa bahay niyo kasi manghihingi ako ng ulam," pagbibiro ko kaya tumawa siya. "May magaling na cook ang Blue Aces, Miss. Siya palagi ang naghahanda ng pagkain namin sa bahay. Minsan nga sa amin nakikikain si Boss A kasi hindi siya marunong magluto. May trust issue kasi si Boss A kaya wala silang mga cook pati na mga helpers. Simula ring tuluyan na nawalan si Boss Blaze ng yaya ay tuwing umaga dinadalhan nalang namin siya ng breakfast at kapag wala naman siyang pasok sa school ay pati lunch at dinner niya kami na rin ang nagluluto sabay nakikipaglaro na rin kami sa kanya. Ang ayaw lang ni Boss Blaze sa amin ay kapag sinusundan namin siya sa school lalo na't pormadong-pormado kami sa mga suot namin kaya ayaw niyang maging bodyguard niya kami o kahit na maging driver niya manlang." "Magaling ako sa mga gawaing bahay, kuya, kaya ako na ang bahala sa bahay nila Mr. Castellano." "Hayan na ang bahay nila Boss A, Miss. Doon nalang tayo sa parking area bumaba." "Hindi na bahay 'yan, kuya, kundi mansyon na," sabi ko nang makita ang laki nito. Triple kasi ang laki ng bahay ni Mr. Castellano sa bahay nila kuya. Moderno ang disenyo at ang ganda ring tingnan dahil bukas na rin ang mga ilaw. Nakapunta na ako dito noong araw na niligtas kami nila Mr. Castellano mula sa mga kidnappers, pero wala akong malay no'n at nasa sala na ako paggising ko. Noong gabi namang umalis na ako ay hindi ko naman natingnan ang kabuuan nitong bahay niya kasi dumiretso lang naman kami ni Draco sa parking area kaya hindi na ako nagkaroon ng oras at kahit pa nga may oras ako, sa tingin ko ay hindi ko na rin nagawang magmasid-masid pa sa paligid dahil ang nasa isip ko nalang kasi noong gabing 'yon ay ang makaalis na sa poder ni Mr. Castellano dahil sa takot ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD