CHAPTER 6: AMBUSH

3179 Words
KAILLE ORTEGA "STAY down!" saway niya sa aking nang subukan kong umalis mula sa ilalim niya. "Mr. Castellano, ang bigat mo atsaka nararamdaman ko yung ano...yung ano mo." Nahihiya akong banggitin sa kanya kaya hindi ko masabi. "My what?" Huminga muna ako ng malalim at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Nararamdaman ko ang p*********i mo na dumadampi sa hita ko." Ngumisi siya. "Are you afraid that if we continue like this, you'll get wet?" panghahamon niya. "Hindi ako natatakot, Mr. Castellano." "If you don't want to die, stay there, Miss Ortega," seryoso niyang sabi. "Alam kong pinoprotektahan mo lang ako pero kasi kanina pa ako nabibigatan sayo, Mr. Castellano," reklamo ko kaya inangat niya naman konti ang katawan niya. "It's safe now," sabi niya nang huminto na ang pangbabaril sa amin. Tumayo siya mula sa pagkakapatong sa akin sabay tinulungan niya rin ako na tumayo. Biglang bumukas ang sira-sirang pinto ng kwarto na may mga tama ng bala kaya sabay kaming napatingin ni Mr. Castellano doon. Niluwa doon sina Draco, Boris, at Damon na hinihingal at may mga talsik ng dugo sa mga damit nila. "Boss A!" tawag ni Boris kay Mr. Castellano na para bang nabunotan siya ng malaking tinik sa dibdib matapos niyang makita na nasa maayos na kalagayan ito. "Putangina! Mabuti okay kayo, Boss A!" pagmumura naman ni Damon. "What are you three doing here?" tanong niya sa tatlo na para bang wala lang sa kanya ang nangyaring pang-aambush sa amin at para bang normal na lang sa buhay niya ang ganitong pangyayari. "Nabalitaan kasi namin na susugod sila kaya nagmadali kaming pumunta rito." Draco. "Sino naman ang gagawa nito sayo? Kung hindi mo ako dinapa kaagad ay malamang pinaglalamayan na ako ngayon," inis kong singit sa usapan nila. "Those damn Black Cartels!" galit niyang sabay tulis ng paningin niya at kuyom ng kamao niya. "Sino naman ang Black Cartels na 'yon?" nagtataka kong tanong. "Isang grupo ng mga drug lord, Miss Ortega." Damon. "Kauri niyo rin," pagtataray ko. "Grabe naman! We do unlawful things, pero hindi kami mga drug addict. We hate drugs." Boris. "Ang ibig kong sabihin ay kauri niyo ring mga kriminal. Hindi ko naman sinabi na mga drug addict kayo." "Linawin mo kasi, Miss Ortega. Malay ba namin kung ano na pala ang iniisip mo sa amin." Boris. "Bakit ka naman nila gustong patayin?" usisa ko kay Alec. "Ayaw ni Boss A sa ginagawa nila. Kapag kasi napatumba nila si Boss A ay mas mapaparami ang mga territoryo nila at kapag dumami na ang mga territorya nila ay malaya na silang makakapagpatakbo ng mga business nila na walang kumakalaban sa kanila," paliwanag ni Damon kahit hindi naman siya ang tinatanong ko. "Nice! Isang kriminal na kumakalaban ng isa pang kriminal. Dapat na ba akong pumalakpak sa bilib o pumalakpak habang tumatawa?" sarkasrikong sabi ko kaya tiningnan ako ni Mr. Castellano ng masama. "Cut your sarcasm, Miss Ortega," seryosong sabi ni Mr. Castellano dahilan para makaramdam ulit ako ng takot sa kanya. "Nasa garden lang kami, Boss A, kapag kailangan mo kami," paalam ni Boris sabay alis kasama ang dalawa. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Mr. Castellano?" "I want you to reconsider my proposition. You still haven't found a job, right?" "Paano mo naman 'yan nalaman? Pinapaispiyahan mo ba ako, Mr. Castellano?" "This is what I meant when I said I'd be watching you." "Ako nagtataka lang ako, Mr. Castellano, ha. May kinalaman ka ba kung bakit sa dami ng pinasahan ko ng resumé ay wala pa ni isa sa kanila ang tumatawag sa akin?" "Why would I do such a stupid thing?" "Naisip ko lang naman since madami kang koneksyon. Madali lang sayo gawin 'yan. Malay ko ba kung gusto mo pala gawing miserable ang buhay ko matapos kung malaman ang tungkol sa pagiging kriminal niyo." "Maybe you're just not competent enough for them." "If you were them, Mr. Castellano, would I be competent enough?" "I won't ask you for this job if you're not." "Why can't you hire me in your company instead?" "Blaze and I need you in our home more than in my company." "Akala ko si Blaze lang ang obligasyon ko? Bakit pati ikaw ay kasama?" natatawa kong tanong sa kanya. "I'm waiting for your decision, Miss Ortega," pang-aapura niya kaya nag-isip-isip na ako. Habang nag-iisip ako ay napapakagat ako ng labi. Nakatatlong rounds na si Lily ng chemo, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung saan ako hahagilap ng pera. "Can you stop biting your lips, Miss Ortega? It's like you were inviting me to kiss you." "Huwag kang magulo, Mr. Castellano. Mannerism ko 'to kapag nag-iisip." Pag-angat ko ng ulo ko ay namilog ang mga mata ko. Nasa harapan ko na kasi siya at nakatingin siya sa mga labi ko. Ipinulupot niya ang kanang kamay niya sa bewang ko at hinikit niya ako papalapit sa kanya dahilan para wala ng matirang ispasyo sa pagitan naming dalawa. Ang kaliwang kamay naman niya ay ginamit niyang panghawak sa baba ko. "I told you to stop biting your lips," sabi niya. Napapikit ako ng maramdaman ko na ang labi niya na nasa labi ko na. Dahan-dahan niya akong hinahalikan, pero hindi ko pinapatulan ang mga halik niya. Hinawakan niya ang batok ko para laliman ang mga halik niya, pero hindi parin ako rumisponde. Sinasapo niya ng halik ang itaas at ibabang labi ko at kinakagat pa niya ito na para bang hayok siyang patulan ko ang mga halik niya, pero ayoko, pinipigilan ko ang sarili ko. Nilagay ko ang dalawang palad ko sa matigas niyang dibdib para itulak siya, pero hindi siya natinag. Nang kumawala siya sa paghalik sa akin ay pakiramdam ko nawala ang lahat ng lakas ko. Napaupo ako sama habang kinakapos ang hininga. Akala ko ay tapos na siya, pero nilapitan pa niya ako. Sa kagustuhan kong umiwas sa kanya ay napahiga ako habang ang mga paa ko ay nakalambitin sa kama. Iniyuko ni Mr. Castellano ang katawan niya sabay itinukod ang dalawa niyang kamay sa kama. Napapikit ulit ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. "I want you, Miss Ortega," sabi niya sa boses niyang may halong pagnanasa habang hinaplos ng hinlalaki niya ang labi ko. Iminulat ko ang mga mata ko sabay alis sa ilalim niya. "I guess it's a no," sabi niya sabay tayo at dumirecho sa wardrobe cabinet. Kumuha siya ng damit sa wardrobe cabinet sabay harap sa akin at tinanggal ang tali ng suot niyang bathrobe. Mabuti nalang at alerto ako kaya mabilis akong nakatalikod. "Let's go. I'll drop you off," aya niya sabay nanguna ng maglakad. Ramdam ko pa rin ang mga halik niya sa labi ko kaya naman wala ako sa sariling sumusunod sa kanya palabas ng bahay. "Payag na ako, Mr. Castellano," wala sa sariling sabi ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "You will now allow me to f**k you?" "Hindi ka ba nahihiya, Mr. Castellano? Nawawala ang pagkaprofessional mo." "You know I want you. I'm asking just to be clear." "Hindi ang pakikipagsex ang tinutukoy ko. Hindi ako makikipagsex sa taong hindi ko naman mahal. Kahit si Mr. Castellano ka pa ay hinding-hindi ko ibibigay ang katawan ko sayo." "Be specific, Miss Ortega." "Payag na akong maging instant mom ng anak mo," sabi ko pero tinalikuran niya lang ako at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang makalabas na kami sa bahay bakasyonan niya ay may maraming mga bangkay ang nakakalat sa daan. Hindi ko nasikmura na ituloy ang paglalakad kaya huminto ako. Napansin ni Mr. Castellano na hindi na ako nakasunod sa kanya kaya naglakad siya pabalik sa akin. Sinisipa niya isa-isa ang mga bangkay na nadadaan niya para itabi ang mga ito. "You look pale. Are you afraid of corpses?" tanong niya. Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Hinawakan niya ang kamay ko. "You can close your eyes if you want. I'll guide you," suhestyon niya kaya pinikit ko naman kaagad ang mga mata ko. Habang patuloy kami sa paglalakad ay napamulat ako ng mata. Nang mapatingin ako sa bandang balikat niya ay nakaramdam ako ng kaba. May pulang mantsa na kasi ang suot niyang t-shirt na puti. "Mr. Castellano, hubad ka," utos ko sa kanya. "You're so naughty, sweetheart. Of all the places, dito mo pa talaga naisipan? We are now in the garden. The three morons will see us," sabi niya pero hinubad niya naman ang damit niya. Natulala ako nang tumambad na sa akin ang six-packs abs niya, maganda, malinis, at mamuscle-muscle niyang katawan. "What now, sweetheart?" sabi niya sa boses niyang may halong excitement. Lumipat ako sa likuran niya. "Upo ka," utos ko sa kanya dahil hindi ko siya abot. Ang tangkad kasi niya. "Mr. Castellano, may daplis ka ng bala!" pagpapanic ko habang hinawakan ko ang sugat niya para pigilin ang pagdurugo. "I like it. You were touching me," sabi niya sa nakakaakit niyang boses. "Pwede ba, Mr. Castellano, itigil mo na ang kahornyhan mo. Mauubusan kana ng dugo ay horny ka parin," sermon ko sa kanya. "What can I do, Miss Ortega? You're making me horny." "Hindi ko alam na ganito pala kabastos ang isang Mr. Castellano." "Public loving-loving!" pang-aasar ni Damon na kakasulpot lang dito kasama ang dalawa sa bahagi ng garden kung nasaan kami. "Mauubosan na ng dugo si Mr. Castellano, pero inuna niyo pang mang-asar. Baka pwede niyo muna akong bigyan ng first aid kit?" "Wala kaming dalang first aid kit, Miss." Draco. "Oh, anong gagawin natin, hahayaan nalang natin mamatay si Mr. Castellano?" sabi ko kaya nagtawanan sina Boris at Damon. "Nagawa niyo pang tumawa, ha. Hindi ba kayo nag-aalala sa kanya?" "Bakit ka ba nag-aalala sa kanya, Miss Ortega? Dinukot ka nga niyan, eh." sabi ni Boris kaya tiningnan siya ng masama ni Mr. Castellano. "It's nothing, Miss Ortega, don't worry," sabi ni Mr. Castellano sabay tayo at sinuot ang t-shirt niya. "Anong "it's nothing" ka diyan. May sa-pusa ka ba? Siyam ba ang buhay mo?" sabi ko sa kanya habang hinahabol siya. Hinarangan ko siya kaya huminto siya sa paglalakad. "Pumunta muna tayo sa pinakamalapit na hospital, Mr. Castellano," pamimilit ko, pero tiningnan niya lang sabay nilagpasan. "Ang kulit ng pagkatao mo, Mr. Castellano. Bahala ka nga sa buhay mo." sabi ko habang nakasunod sa kanya. "ENJOY THE RIDE, BOSS A!" sigaw ni Boris at dahil green minded ako ay binato ko siya ng masamang tingin bago ako pumasok sa kotse ni Mr. Castellano, pero dahil nagpeace sign siya ay tama ang iniisip ko. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang mabilis niya itong pinapatakbo. "May balak ka bang magpakamatay?" tanong ko sa kanya nang makaramdam na ako ng takot. Para kasi siyang nakikipagkarera. "This is my normal speed." "Pwede mo po bang bagalan, Mr. Castellano? Naiwan na kasi ang kaluluwa ko. Hindi na makasunod sa bilis mo," sarkastiko kong pakiusap sa kanya kaya binagalan niya naman ang takbo ng kotse niya. "I'm much faster in bed, sweetheart. If you are like that, what will you do when I ride you like crazy?" pangdidirty talk niya. "It's a different story, Mr. Castellano," patol ko sa kanya. "Answering me like that, Miss Ortega, seems like you were looking forward to having s*x with me." "Hindi kaya. Ang ibig ko lang sabihin ay ibang usapan naman 'yon. Hindi ko naman sasabihin na naiiwan ang kaluluwa ko kapag nakikipagsex," sagot ko kaya bahagya siyang natawa. "That's good." "Mr. Castellano, ayon may hospital," sabi ko sabay turo doon. "Iba ang gusto kong gumamot at mag-alaga sa akin," sagot niya sabay nilagpasan ang nadaanan naming hospital. Nang makarating na kami sa bahay ay diredirecho rin siyang pumasok sa loob kahit hindi ko naman siya inimbitahan na pumasok. Prente siyang umupo sa sofa naming leather na tuklap-tuklap na. "Inimbitahan ba kitang pumasok, Mr. Castellano?" Tumayo siya kaya ang buong akala ko ay aalis na siya, pero nilibot nito ang buong bahay namin. "Kaya nga kusa nalang akong pumasok kasi alam kong hindi mo ako iimbitahan." "Pumirme ka nalang sa sofa. Huwag ka ng maghouse tour." "Your bathroom is too small. No space for extracurricular activities," sabi niya matapos niyang buksan ang comfort room/bathroom namin. "Wala naman kaming ibang ginagawa diyan bukod sa maligo, umihi at magbawas. Anong extracurricular activities ang pinagsasabi mo diyan?" "No space for bathroom s*x, Miss Ortega." "Bakit ba nangingialam ka, eh, wala naman akong balak na gumawa diyan ng kababalaghan." "Is this your room?" tanong niya habang turo ang isang pinto sa likuran niya. "Kay Lily 'yan," sagot ko kaya lumipat siya sa katabing pinto—pinto ng kwarto ko sabay binuksan ito. "Ano pa bang ginagawa mo rito, Mr. Castellano?" masungit kong tanong sa kanya matapos siyang umupo sa kama ko. "What do you think, Miss Ortega?" "Kailan pa naging sagot ang isa pang tanong, aber?" "Anong gagawin mo, Mr. Castellano?" kinakabahan kong tanong habang hinuhubad niya ang t-shirt niya. "Stop shaking, Miss Ortega. I will just ask you to treat me and not to have s*x with me," pang-aasar niya sabay dapa sa kama. Matapos kong kunin ang first aid namin ay umupo ako sa kama sa gilid niya. "Akala ko ba "it's nothing," Mr. Castellano?" pang-aasar ko rin sa kanya habang pinupunasan ng sinabonan kong basang tuwalya ang sugat niyang nagdudugo parin. "Yeah, it's nothing. I just want you to take care of me." "Gagamotin naman talaga kita kanina, ah. Ikaw lang 'tong umayaw." "Gusto ko ang ganito—tayong dalawa lang para walang istorbo." "Sus. Ang dami mo pang sinasabi. Ang sabihin mo nalang ay ayaw mong inaalagaan ka sa harap nila Boris, Damon, at Draco," pangbubuking ko sa kanya habang nililinis ang sugat niya. "Upo ka at pakitaas ng kaliwang kamay mo," utos ko sa kanya matapos kong linisin ang sugat niya. Lalagyan ko na kasi siya ng pressure bandage para makontrol ang pagdurugo at para hindi mainfect ang sugat niya. "Tumalikod ka lang sa akin, Mr. Castellano," suway ko sa kanya dahil paharap siyang umupo at isa pa ay naramdaman kong uminit ang pisnge ko nang makaharap ko ang malapad niyang dibdib. "Okay na," sabi ko matapos kong malagay ang pressure bandage. "I feel better now. Thank you, Miss Ortega." "Ayoko lang mamatay ka dito sa bahay namin dahil konsenya ko pa at baka kasi mapagbintangan pa akong minurder kita kaya walang anuman," sagot ko sa kanya kaya natawa naman siya. "I like your humor, Miss Ortega." "Kung hindi ka nagmamadali ay lalabhan ko lang itong damit mo tapos idryer ko nalang para may masuot ka ulit." "No need. May extra akong damit sa kotse," sabi niya kaya ibinalik ko nalang sa kanya ang damit niya. Tumunog ang cell phone ko na nakapatong sa side table sa tabi lang ng kama kaya napatingin siya doon. Biglang tumalim ang tingin niya kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Dadampotin ko na sana ang cell phone para sagotin si William, pero pinigilan niya ang kamay ko. "Anong bang problema mo, Mr. Castellano? Baka may emergency sa kapatid ko," sabi ko habang pinipilit na tanggalin ang kamay niya. "Do you like him?" tanong niya sa akin habang magkasalubong ang mga kilay niya. "Bakit ba ang chismoso mo?" "I don't like to share what's mine," sabi niya sabay bitaw sa kamay ko kaya nanguliglig ang tenga ko. "Mr. Castellano, hindi ako isang bagay na basta mo nalang angkinin. Hindi porque pumayag na akong maging mommy ni Blaze ay parang magiging asawa mo na rin ako. Hindi po tayo maglalaro ng bahay-bahayan." Hindi na tumunog ulit ang cell phone ko kaya binitawan na niya ang kamay ko. Tinext ko nalang si William kung bakit siya napatawag. "I think hindi na kita mahihintay." "Mas mabuti ngang umalis ka na. Hindi mo naman ako kailangan hintayin at wala namang nagsabi sayo na hintayin mo ako." "Do you hate me that much?" "Hindi ako makapag-impake kapag nandito ka. Ang gulo-gulo mo at kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo." "Teka nga pala, Mr. Castellano. Mukhang may nakakalimutan ka yata," pigil ko sa kanya nang nasa pinto na siya ng kwarto ko. Naglakad siya pabalik sa akin. Nang nakatayo na siya harapan ko ay hinawakan niya ang baba ko. Hahalikan niya sana ako, pero hinawi ko ang ulo niya sabay umalis ako sa harapan niya. "What's your problem? I thought you were asking for a goodbye kiss?" irita niyang tanong habang sinusundan ako ng tingin. Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi halik ang hinihingi ko sayo, Mr. Castellano, kundi paumanhin. Pinagbintangan mo ako na ako ang dumukot kay Blaze, pinagbantaan mo ang buhay ko, tapos ngayon naman ay dinukot mo ako, pero ni isang paumanhin ay wala akong narinig mula sayo." "Sorry," napipilitan niyang sabi. "Mukhang labas naman sa ilong 'yan, Mr. Castellano. Wala na bang ikasincere 'yan? Ayokong magtrabaho sayo na may sama ng loob kaya kailangan ko ng paumanhin mo." "Mali ako ng inisip tungkol sayo. Akala ko ay magagawa mo ang gano'ng bagay lalo na't sa kalagayan ng kapatid mo." "Kahit anong mangyari at gaano pa katindi ang pangangailangan ko ay hindi ako gagawa ng gano'ng bagay, Mr. Castellano." "I'm sorry sa pamimintang ko, Miss Ortega." "Kulang pa." "I promised Kate that I would give her the justice she deserved. Ayokong maging hadlang ka sa pangakong 'yon—I don't want you to stand in my way. That's why I thought of killing you." "May isang salita ako, Mr. Castellano. Sinabi ko sa inyo na hindi ako magsusumbong sa mga police kaya asahan mong safe sa akin ang sekreto niyo, even if it's not the right thing to do." "Frankly speaking, I don't want to apologize about the thought of killing you, but since I now trust your words, I am asking for your forgiveness, but if you stick your nose in our business, you already know the consequences." "Bakit ba nilalagay niyo sa kamay niyo ang batas? May proceso naman tayo dyan. Wala ba kayong tiwala sa batas natin? Bakit pa kailangan humantong sa paghihiganti?" "I see, you still believe in our rotten justice system. Six years had passed, Miss Ortega, but the justice that Kate and her family deserved still had not been served. So now tell me, should I still trust our justice system?" "What about asking for forgiveness for abducting me?" "I am deeply sorry for abducting you. I did that because, aside from the fact that I really needed to see you because I haven't slept even a wink since the day I met you, I also knew you needed a certain amount of money. Asking you to reconsider my proposition is my way of helping you." "Thank you for telling me the side of your story. Now, I slightly understand where you are coming from. Apologies accepted, Mr. Castellano." "I really need to go, Miss Ortega. Ipapasundo nalang kita." "Before you go, let me say thank you for protecting me earlier," pahabol ko pa, pero hindi na niya ako pinansin. Kasalanan niya kung bakit ako nadamay kanina sa pangbabaril sa kaniya, pero hindi ko naman inaalis ang katotohanang pinrotektahan niya ako ng walang pagdadalawang isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD