CHAPTER 5: UNCANNY RESEMBLANCE

3194 Words
KAILLE ORTEGA KANINA ko pa napapansing may nakasunod sa akin na kotse. Actually, simula noong umalis ako sa bahay ni Mr. Castellano ay pakiramdam ko palagi ng mayroong nakasunod sa akin. Kinabahan ako nang biglang sumulpot sa gilid ko ang kotseng kanina ko pa napapansing nakasunod sa akin. Mabuti nalang at binaba niya kaagad ang bintana ng kotse kaya hindi ko na tinuloy na tumakbo. "Kinabahan ako sayo. Ikaw lang pala 'yan!" reklamo ko kay William. "Sa hospital ka na pupunta?" "Oo." "Sumabay ka na," alok niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa kotse niya. Nananakit na rin kasi ang mga paa ko sa kakalakad. "Hanggang kailan pala tatagal ang chemo ni Lily?" tanong ko kay William habang nagmamaneho siya. "A year or two." "Then after ng chemo ay radiation naman?" "Yes. A month after her chemo." "Necessary ba talaga magparadiation therapy pa siya?" "It's an option. Did she changed her mind? Ayaw na ba niya magparadiation?" "Hindi naman. Naisipan ko lang itanong." "Don't be hesitant about her doing radiation therapy. Isa rin kasi itong treatment para patayin ang kahit na anong natitirang cancer cells niya. Isa pa, mataas ang risk na babalik ang cancer niya kapag hindi siya nagparadiation. Balewala lang ang ginawang chemo sa kanya kapag nagkataon," pangungumbinsi niya. Ang generous palagi ni William sa pagbibigay ng malinaw na impormasyon sa akin. Kapag may hindi ako naiintindihan tungkol sa mga gamotan ni Lily ay pinapaliwanagan niya ako sa paraang madali kong maintindihan. "Ilang percent ang survival rate at ilang years ang life expectancy ng mga pasyenteng katulad ni Lily?" "Lily and other patients with chronic lymphocytic leukemia have an eighty five percent chance of survival and can expect to live for five to ten years after diagnosis." "By the way, nagbreakfast ka na?" tanong niya nang manahimik na ako. "Nagkape na ako." Sinulyapan niya ako. "That does not count as breakfast," nakangiting sabi niya habang binabalik muli ang tingin niya sa daan. "Let's eat breakfast here," aya niya matapos niyang iliko ang kotse sa nadaanan naming restaurant. "Hindi na," tanggi ko kahit naghahanap na siya ng spot na mapagparkingan. "I insist," pilit niya kaya hindi na rin ako nakatanggi pa. "Good morning, Ma'am and Sir!" masayang bati ng waiter matapos naming makapasok sa loob ng restaurant. "Good morning!" nakangiting bati ko rin sa kanya. "Salamat," pasalamat ko kay William matapos niyang hilain ang upuan para sa akin. "Excuse me, Miss!" tawag niya sa waitress pagkatapos niyang buklatin ang menu book. "Yes, Sir?" kinikilig na tanong ng waitress kay William. Inabot muna sa akin ni William ang menu book bago siya sumagot. "I would like to order a club sandwich, a hot iced caramel macchiato, and a..." Tumingin siya sa akin para alamin kung anong order ko kaya kaagad kong binuklat ang menu book. Napapalunok ako sa mga presyo habang tinitingnan ang mga menu kaya medyo natagalan akong pumili. Kailangan ko kasing magtipid. Hindi ako mahilig dito pero ito lang ang pinakamura. "American waffle." "How about drinks?" tanong ni William sa akin. "Hindi na." "It's on me. Order whatever you like." "Hindi na talaga. Nagkape namana ako kanina." "What kind of smoothie do you prefer?" pamimilit ni William sa drinks na oorderin ko. "Berry smoothie na lang," sagot ko para matapos na. "We would like to order a club sandwich, a hot iced caramel macchiato, an American waffle, and a berry smoothie," ulit ni William sa oorderin namin kaya nilista naman ito ng waitress. Habang hinihintay namin na iserve ang mga inorder namin ay may naisipan nanaman akong itanong kay William. "William?" tawag ko sa kanya habang may tinitingnan siya sa cell phone niya. "May pahabol ka pang order?" "Wala naman, pero may tanong lang ako. Huwag mo sanang mamasamain." Matagal ko na itong gustong itanong sa kanya pero hindi ako makahanap ng tyempo. Binalik niya ang cell phone niya sa bulsa at binigay niya ang buong atensyon niya sa akin. "Ano 'yon?" "May gusto ka ba kay Lily?" Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya sa tanong ko. "Lily is just like a little sister to me. Bakit mo naman naitanong?" Bente siyete na ang edad ni William kaya mas matanda siya kumpara sa amin ni Lily. "Ang dami mo kasing ginagawang mabuti kay Lily. Una ay sinabihan mo kami na ikaw na ang bahala sa pagkamahal-mahal na hospital bills ni Lily." Pero hindi ako pumayag dahil ayokong ipasa ang obligasyon ko sa ibang tao. "Pangalawa ay nagvolunteer ka na ikaw nalang ang titingin-tingin kay Lily para makapaghanap ako ng trabaho at kapag wala ako at hindi mo naman siya matingnan-tingnan dahil hectic ang schedule mo ay nag-aassign ka ng nurse, exclusively, para bantayan si Lily kaya nagtataka lang ako kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito kung wala kang rason, or sadyang malisyosa lang talaga ako sa kabaitang pinapakita mo sa kanya/sa amin?" Bumalik na ang waitress kaya hindi na ako nasagot ni William. "Ma'am, Sir, Here's your order," sabi niya sabay lapag sa table ang mga inorder namin. "Enjoy your meal, Sir!" kinikilig ulit na sabi niya kay William sabay alis. Nagseserve siya sa ibang mga customer pero ang tingin niya ay hindi niya maalis-alis kay William. "Curious lang ako kaya ko tinatanong, pero wag mo na akong intindihin. Kumain nalang tayo," sabi ko nalang bago pa mapunta sa ilangan ang sitwasyon. Sinimulan ko na lantakin ang waffle ko pero si William ay hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya. Nakatingin lang siya sa akin at halatang nag-iba ang mood niya. "Wala akong gusto sa kapatid mo." "Pasensya ka na kung binigyan ko ng kahulugan ang lahat ng ginagawa mo para sa kapatid ko." "Tama ka, may rason ako kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. And that reason was you. Because of you. I'm doing it all for you," napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya. "Hindi ko nakukuha ang gusto mong iparating, William." "Ikaw ang gusto ko, Kai," walang paligoy-ligoy niyang sagot kaya nabilaukan ako. "Kailan pa?" Wala akong kahit na konting ideya na gusto niya ako kasi ang buong akala ko ay si Lily talaga ang gusto niya. "I don't know. Hindi ko rin alam kung kailan 'to nagsimula, but I'm sure with my feelings. Sigurado akong gusto kita." "Ano naman ang nagustuhan mo sa akin?" "I'm not supposed to feel this way towards you for certain reasons, but I find you attractive, beautiful, smart, fun to be with, and you carry yourself well. You're exactly my type." "Thank you for the compliments. I am flattered." "Can we go on a date starting tomorrow?" direchahan niyang tanong kaya bigla akong nailang. "I'm sorry, William, pero hindi ko pa kasi priority ang pagkakaroon ng boyfriend sa ngayon dahil sa lagay ni Lily," prangka ko sa kanya. "It's okay. I am more than willing to wait," sagot niya kaya pilit ko siyang nginitian. "Tapos ka na kumain?" tanong niya. Tinanguan ko siya bilang sagot. Inabotan ko siya ng pera para makihati sa bill ng mga inorder namin pero tinanggihan niya. Hindi na rin kami nagtagal pa sa loob ng restaurant. "Let's go?" tanong niya nang makasakay na ulit kami sa kotse niya. "Tara na," sagot ko matapos kong isuot ang seat belt kaya nagsimula na siyang magmaneho. "William," tawag ko sa pangalan niya dahil may naisipan nanaman ulit akong itanong. "Go ahead, I'm listening." "Naririnig ko lang naman ito, pero totoo ba, na ikaw daw ang may-ari ng hospital?" "Where did you hear that?" "Palagi ko lang naririnig sa hospital." Tumingin siya sa akin sabay ngumiti. "Do I need to answer that?" tanong niya habang hindi mawala-wala ang mga ngiti niya. "Hindi naman kailangan." "Yes, I am the CEO." "Kung gano'n ay bakit ka pa nagtatrabaho sa sarili mong hospital?" "Sayang naman ang license ko kung hindi ko gagamitin." Nang makarating na kami sa parking lot ay may pinakuha si William sa akin mula sa back seat. "Flowers?" tanong ko habang namimilog ang mga mata. Isang bouquet kasi ng puting tulips ang pinakuha niya sa akin mula sa back seat. "I just saw that on my way. As far as I remember, that was your favorite flower, so I bought one." Simula nang maadmit si Lily sa hospital ay naging malapit na sa amin si William kaya kahit papano ay may alam kami tungkol sa isa't-isa. "Thank you. It means a lot to me." "It perfectly suits the vibe right now." sabi niya habang may malapad na ngiting gumuguhit sa labi niya dahilan para lumabas ang dimples niya. "Good morning, Miss Kai," bati ng nurse pagpasok ko sa hospital room ni Lily. "Good morning and thank you, Nurse!" "Uuwi na rin po ako. Kanina pa kasi ako off duty. Ang bilin kasi ni Doc William ay wag ako aalis hangga't hindi pa siya bumabalik o ikaw. Nakatulog na nga ho ako rito sa kwarto ni Lily." "Pasensiya na kayo, ha. Wag kang mag-alala dahil maghahanap na ako ng magbabantay kay Lily para hindi na kayo madamay," paumanhin ko dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. "Wala namang problema, Miss Kai. Ayos lang naman sa amin at isa pa utos po 'yan ni Doc William." "Sorry talaga at salamat." "Sige po. Lily, aalis na ako." "Thank you, Nurse Jes!" pasalamat ni Lily sa kanya. "Nagbreakfast ka na?" tanong ko kay Lily na kinakalikot ang cell phone niya. "Tapos na, ate. Ikaw?" "Kumain na rin kami ni William." "Kaya pala umagang-umaga ay may flowers kang bitbit," sabi niya habang tinitingnan ako na may halong panunukso. "Hindi kami nagdate katulad ng iniisip mo. Nagbreakfast lang kami na magkasama saka may sinabi sa akin. Gusto niya raw ako." "Matagal ko nang halata si William, ate. Ikaw lang ang manhid." "Hindi ako manhid. Ang buong akala ko lang talaga ay ikaw ang gusto niya," depensa ko kaya natawa siya. "Halatang-halata naman na ginagawa niya 'tong lahat para sayo. Hindi para sa akin." "Ate, ipaalam ko lang pala sayo na tapos na ang third round ng chemo ko kaninang madaling araw." "Inupdate rin ako ni William tungkol diyan. Kumusta naman?" "Same pa rin. Through IV." "Ang ibig kong sabihin ay ikaw. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Ayos lang naman," sagot niya pero hindi niya matago ang lungkot sa mga mata niya. "Ano ka ba, ate! Magiging okay lang ang lahat. Wag ka na mag-alala. Ang dami mo na ngang inaalala, eh, wag mo ng dagdagan pa," sabi niya nang tingnan ko siya na may pag-aalala. Ganyan siya palagi. Siya ang nagpapalakas ng loob ko kahit na siya naman talaga ang may kailangan ng lakas ng loob. "Alam kong kakayanin mo. Strong ka kaya!" pagpapalakas ko rin ng loob niya habang pinipigilan ko ang luha ko na pumatak. Cancer din kasi ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang namin kaya ganito nalang ang pag-aalala ko kay Lily. "Gagaling ako kaya wag ka ng mag-alala masyado. Baka mamaya niyan sa sobrang dami mong inaalala ay katawan mo naman ang bumigay." "Lalabas lang ako saglit. Babalik din ako kaagad," paalam ko muna sa kanya dahil ayokong maging emosyonal sa harap niya. Dinala ako ng mga paa ko sa parking lot kung saan tahimik at walang nakakakita sa akin. Dito ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak. Habang pinupunasan ko ang mga luha ko ay may naririnig akong yabag ng paa na papalapit sa akin kaya naman nagmadali na akong maglakad para bumalik na sa loob ng hospital. Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaki na sumusunod sa akin. Nakasuot siya ng midnight blue na suit na katulad ng suot ng mga security sa CC. Nakasuot siya ng cap kaya hindi ko makita ang itsura niya. Ayaw kong isipin na sinusundan niya ako pero nang binilisan ko ang lakad ko na parang ay bumilis rin ang lakad niya. Lumingon ako ulit pero nang ilibot ko ang paningin ko sa parking lot ay hindi ko na siya makita. Kapos na ang hininga ko sa paglakad ng mabilis kaya huminto muna ako para habolin ang hininga ko. Nakayuko ako at hawak ko ang tuhod ko nang may biglang humawak sa balikat ko. Bago pa man ako makareact ay tinakpan na niya ng pwersahan ang ilong kasama na ang bibig ko ng panyo na may nakakahilong amoy. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nakatakip sa mukha ko pero nahihirapan akong kumawala. "Mmmm!!! Mmmm!!!" pilit kong sigaw dahil hindi ko na kaya ang amoy, pero diniin pa niya lalo ang panyo sa mukha ko dahilan para mawalan na ako ng malay. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng sobrang hilo kaya napahawak ako sa ulo ko. Kahit pumipitik-pitik ang mga ugat ko sa ulo ko at nanlalabo ang paningin ko ay pinilit ko paring maka-upo mula sa pagkakahiga nang makaramdam ako ng pagsusuka. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Kahit malabo ang paningin ko ay hindi ako nagkakamali na nasa isang kwarto ako at wala akong ibang makita kundi ang mga mamahaling kagamitan. "Mr. Castellano?" sambit ko nang mahagip siya ng paningin ko. Basa ang buhok niya at kitang-kita ang malapad niyang dibdib na sumisilip mula sa suot niyang puting bathrobe. "How's your sleep?" tanong niya habang tinatali ang bathrobe niya. Nang mapagtanto ko na nasa isang malambot na kama ako ay bigla akong kinabahan. Nakabalot ang katawan ko ng kumot kaya chineck ko kung may saplot pa ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na maayos pa naman ang kasuotan ko at wala naman akong nararamdamang kakaiba sa ibabang parte ng katawan ko. Umupo siya sa wingback chair na nasa dulo ng kama. "Don't worry, I won't do it without your permission." "Nasaan ako?" "You're at my vacation house." "Anong kailangan mo, Mr Castellano?" "Not "what" but "who". Ikaw ang kailangan ko, Miss Ortega." "Ano pa bang kailangan mo sa akin? Hindi ba't nagkalinawan na tayo na hindi ako ang dumukot sa anak mo? Hindi rin naman ako nagsumbong sa mga pulis. Hindi mo rin naman ako mapipilit kung ayaw kong magtrabaho sayo kasi wala naman tayong kontratang pinirmahan kaya wala kang habol sa akin." "I can't sleep even a wink thinking of you. You came out of nowhere, like a doppelganger out of a grave." "Ano bang pinag-sasasabi mo?" "You drop into my life bearing an uncanny resemblance to someone—someone who I love deeply." "Ang mommy ba ni Blaze ang tinutukoy mo?" tanong ko. Natatandaan ko kasi ang sinabi ni Blaze na kahawig ko ang mommy niya. "Yes. Her name was Kate." "Malaki ba talaga ang pagkakahawig ko sa kanya kaya hindi mo ako maalis sa isipan mo?" "Yes, it's strange," sagot niya naman habang mukhang hindi rin siya makapaniwala. Tinitigan niya ako na para bang binabasa niya ang nasa isip ko. "I'm just curious, Miss Ortega. Kate and I were not on good terms when she passed away. Are you not just pretending to not know me? I mean, you're not her, aren't you?" "Sorry to pop your bubble, Mr. Castellano, but I am not her. I only know you as the owner of Castellano Corporation, but I don't know you personally. I can't even feel any connection between us," natahimik siya sa sinabi ko. "If you don't mind, can I ask kung bakit siya namatay?" curious kong tanong, pero mukhang ayaw niya yata sa tanong ko dahil nakita ko ang paggalaw ng panga niya na para bang puno siya ng galit. "Someone arsonized their home." Kawawa naman pala si Kate. Namatay ng walang kalaban-laban. "Sino ang sumunog?" Kasabay ng pagtulis ng tingin niya ay ang siya ring pagkuyom ng kamao niya. "Black Hearts," sagot niya habang bakas sa mga mata niya ang malaking galit niya rito. "Black Hearts? Ano naman 'yon?" "It's a mafia organization." "Kriminal din ba si Kate na katulad mo?" "Can you stop calling us criminals, Miss Ortega?" "Anong gusto mong itawag ko sa inyo, eh, sa kriminal naman talaga kayo, Mr. Castellano," pangangatuwiran ko. "Kate is not one of us. She's pure as an angel." "Bakit siya pinatay ng organisasyon ng isang kriminal?" "That's beyond my knowledge yet, but I will make sure they will pay for what they did." Nararamdaman ko nanaman ngayon ang aura niya na katulad noong araw na tinutukan niya ako ng baril kaya hindi ko maiwasang hindi matakot sa kanya at mapalunok ng sarili kong laway. Tumayo siya sa kinauupuan niya. "Why are you shaking, Miss Ortega? Are you that afraid of me?" tanong niya habang humahakbang papalapit sa akin. "Bakit mo ako pinadukot? W-wala ka namang gagawin sa akin, hindi ba, Mr. Castellano?" tanong ko rin habang umaatras palayo sa kanya. Biglang nanginig ang tuhod ko sa pagngisi niya. "What do you think, Miss Ortega?" "Pangako, walang makakaalam sa totoong pagkatao niyo kaya w-wag mo na ulit guluhin ang buhay ko," sabi ko sa kanya nang maramdaman ko na ang malamig na pader mula sa likod ko. "That's not the reason why I abducted you, Miss Ortega." "Nangungulila ka lang kay Kate. Hindi ako siya kaya pakawalan mo na ako, Mr. Castellano. Kailangan pa ako ng kapatid ko," pakiusap ko sa kanya nang nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ang baba ko para iangat ang mukha ko. Malaki ang height difference namin kaya yumuko pa siya para mailapit ang mukha niya sa mukha. Para niya akong hinihipnotismo ng mga tingin niya. Nabibighani ako sa perpektong mukha niya kaya hindi ako makagalaw kahit gusto kong ilayo ang mukha ko sa kanya. Nilapit niya ang labi niya sa labi ko na para bang tinutukso niya ako. "You said earlier that you couldn't feel any connections between us. If we stay this close. Are you not still feeling it?" tanong niya sa nakakaakit at malalim niyang boses. "Kahit itali mo pa ako sayo wala akong nararamdamang koneksyon sa ating dalawa." "Really?" Gumapang ang kamay niya sa bewang ko at ipinalibot niya ang matipuno niyang braso. "Even if I do this?" tanong niya sabay bigla niya akong hinikit. Ngayon para na nga talagang nakatali ang katawan ko sa kanya. Nilapit niya ang labi niya sa tenga ko. "And this?" tanong niya sabay kagat sa earlobe ko dahilan para mapanganga ako ng bahagya. "Tumigil ka na, Mr. Castellano. Kahit anong gawin mong pang-aakit sa akin ay hindi ako bibigay sayo," pigil ko sa kanya dahil konti nalang ay madadala na ako sa pang-aakit niya. "Still not," disappointed niyang sabi sabay bitaw sa akin. "Don't you find me attractive, Miss Ortega?" "You're pleasing in the eyes, Mr. Castellano," pag-amin ko. "GET DOWN!!!" sigaw niya sabay mabilis niyang hinawakan ang bewang ko para ibaba ako sa sahig kasama siya nang may biglang sunod-sunod na tunog ng machine gun ang rumatrat sa bintana ng kwarto kung nasaan kami. Rinig na rinig ko ang mga balang naglalaglagan sa loob ng kwarto kaya dapat sa pagkakataong ito ay nakakaramdam na ako ng takot, pero kabaligtaran ngayon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay safe ako kahit magdamag pa kaming ulanin ng bala dahil kasama ko si Mr. Castellano. Nakaramdam ako ng seguridad sa taong presensiya palang niya ay kinakatakotan ko na. Nakaramdam ako ng seguridad sa taong pinagbantaan ang buhay ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng seguridad sa isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD