CHAPTER 4: WRONG ASSUMPTION

3146 Words
DAMON SCHEBEN TUMUTUNOG na ang mga kuliglig nang marating namin ang lungga ng mga kidnappers. Paano kasi ang layo nito. Malayo sa city at walang mga bahay na malapit dito. Sigurado akong private property ito na inabandona na kaya mas mataas pa sa tao ang mga talahib. Pinarking muna namin ang sasakyan naming apat sa hindi madaling makitang spot bago kami dahan-dahang pumuslit sa harapan ng building. Mukhang hindi nila inaasahan na may sasalakay sa kanila dahil imbes na magmanman ang mga ito ay nag-iinuman at nagsusugal pa. Kitang-kita sa reaksyon nila ang takot at gulat nang walang warning silang pinaulanan ni Boss A ng bala. Kahit sinasalubong din si Boss A ng mga armadong lalaki at pinapaulanan ng bala ay dire-direcho parin siyang pumasok sa loob ng building nang mag-isa kaya wala kaming magawa kundi ang back-upan nalang siya hanggang sa makapasok na siya sa loob. Nang makapasok na si Boss A ay naghiwa-hiwalay na rin kami nila Draco at Boris. Si Draco ay pumunta sa kaliwa ng building habang patuloy na nakikipagbarilan. Si Boris naman ay pumunta sa kanan ng building habang patuloy rin na nakikipagbarilan. Ako naman nanatili dito sa harapan dahil may mga lumalabas pang mga armadong lalaki mula sa loob. Hindi ko inaasahan na ganito pala sila kadami. Mukhang hindi nauubos ang mga ito sa sobrang dami at kung saan-saan pa sila sumusulpot. Pagkatapos ng mahabang oras na bakbakan ay naubos na namin sila. Tahimik na ang paligid at wala na akong naririnig na putok ng baril. Naglalakad na rin pabalik sina Draco at Boris dito sa puwesto ko. Wala na ring lumalabas mula sa loob ng building kaya sigurado akong natodas na rin sila Boss A. Nilibot ng paningin ko ang matataas na talahib at may isang lalaking nahagip ang mga mata ko na tumatakbo palayo kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at hinabol ko siya. Binigyan ko siya ng warning shot para tumigil na siya sa kakatakbo pero ang hayop na 'to, lumalaban. Pinaputukan niya ako pabalik. Magpasalamat siya may kailangan ako sa kanya dahil kung wala ay kanina ko pa siya inasinta. Malapit na ako sa kanya kaya naglakad nalang ako habang siya ay tumatakbo pa rin. "Titigil ka o tatamaan na kita?" pagpapapili ko sa kanya pero tuloy pa rin siya sa pagtakbo. Ang tangang 'to, binibigyan ko na nga ng option! Binaril ko ang kaliwang binti niya pero paika-ika parin siyang tumatakbo kaya binaril ko na rin ang kanang binti niya at napaluhod na nga siya. Babarilin niya sana ako pero nauna ko ng barilin ang kamay niya kaya nabitawan niya ang baril niya. May balak pa siyang dampotin ulit kaya patakbo na akong lumapit sa kanya at sinipa palayo sa kanya ang baril. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at pinatayo ko siya. "Lakad pabalik sa building," mahinahon kong utos sa kanya pero nagmatigas siya. Nilapat ko ang baril ko sa likod ng ulo niya. "Lakad." "Boss, pasensya na. Hindi ko alam na mga anak pala ni Mr. Castellano ang nakuha namin," paliwanag niya habang umiika-ika siyang nag-lalakad. "Mga anak?" pag-uulit ko. Si Blaze lang naman kasi ang anak ni Boss A. "Oo, boss. Dalawa silang nakuha namin. Isang dalagang babae at isang batang lalaki." Pinakita ko ang litrato ni Miss Ortega sa kanya. "Ito ba ang ang babaeng tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya. "Siya nga, boss. Mag-ama ba talaga sila ni Mr. Castellano? Mukhang magka-edad lang sila, eh." "Sino ba ang nagsabi sayong mag-ama sila?" "Tinatawag ng batang lalaki na "Ate" ang dalagang babae." Ang babaw naman ng logic ng hayop na 'to. "Sino ang boss niyo?" "Ako, boss. Pasensya na talaga. Hindi talaga namin alam na mga anak sila ni Mr. Castellano," paumanhin niya ulit pero hindi ko na siya pinansin. Tinulak ko ang lalaki sa harap nila Boris at Draco kaya napatingin sila sa kanya. Hindi ko alam kung lampa siya o talagang napalakas lang ang tulak ko sa kanya at sumubsob siya sa lupa. "Sino naman 'yan?" kunot-noong tanong ni Boris habang pinupunasan ang dugo na tumalsik sa damit niya. "Boss nila. Nagbalak pang tumakas." "Boss, huh!" sabi ni Boris sabay sinikmuraan niya ang lalaki kaya namilipit naman ito sa sakit. Kinasa ni Draco ang baril niya kaya pinigilan ko siya. "Alas ko 'yan kaya huwag niyo munang todasin. Hayaan niyo munang huminga. Paano ko mapapatunayan kay Boss A na hindi kasabwat si Miss Ortega kung bangkay na ang hayop na 'yan." "Ibig sabihin hindi nga nila kasabwat si Miss Ortega?" Boris. "Hindi. Akala pa nga ng hayop na 'yan ay magkapatid si Blaze at Miss Ortega." "Magkapatid ampucha!" komento ni Boris habang mamatay-matay sa kakatawa. "Iiwan ko na muna ang hayop na 'yan sa inyo. Pupuntahan ko lang si Boss A dahil delikado si Miss Ortega sa kanya. Kawawa naman yung tao. Biktima na nga ay napagbintangan pa ng masama." Habang binabaybay ko ang loob ng building ay madami akong bangkay na nadaanan. Mula rito sa dinadaanan ko ay malinaw kung naririnig ang echo ng mga boses ni Miss Ortega at ni Boss A na nagpapalitan ng salita. "Mali ka ng iniisip, Mr. Castellano. Hindi ako ang kumidnap sa anak mo," "Sinakay mo si Blaze sa van. Nakatali si Blaze habang ikaw ay malaya. How can you explain all of that, Miss Ortega?" "Paano ko sasagotin ang lahat ng tanong mo kung ayaw mo akong pakinggan?" "Pero kahit naman siguro ipagpilitan kong ipagtanggol ang sarili ko sayo ay wala rin namang silbi dahil sa bandang huli ang haka-haka mo rin lang naman ang paniniwalaan mo. Sarado na kasi 'yang utak mo." "Shoot me," rinig kong boses ni Miss Ortega kaya tumakbo na ako para hanapin kung saan nanggagaling ang mga boses nila. Mula sa malayo ay natanaw ko na ang pinaroroonan nila Boss A. Karga ni Boss A si Blaze na natutulog habang nakasampay ang ulo nito sa balikat ng ama niya. "s**t!" sambit ko sa sarili ko nang makita kong hawak ni Miss Ortega ang kamay ni Boss A na may baril at nilalapat niya ito sa noo niya. Ilang hakbang nalang ang layo ko nang may biglang sumulpot na lalaki sa likuran ni Boss A. Fucking s**t! This is not good. Ipuputok na ng lalaki ang baril niya pero hindi parin aware si Boss A sa presensya ng lalaki. Na kay Miss Ortega kasi ang buong atensyon niya. Mabilis kong kinasa ang baril ko pero naunahan na ako ni Boss A. Kasabay ng pagputok ng baril ni Boss A ay natumba rin Miss Ortega. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil bigla nalang siyang bumagsak. "PAPS! ATE KAI IS NICE!" sigaw ni Blaze matapos nitong magising sa putok ng baril ng ama niya. "Hindi si Miss Ortega ang kidnapper ni Blaze," sabi ko kay Boss A nang makalapit na ako sa kanila. "Uncle Damon!" masayang bati ni Blaze sa akin. Mukha na siyang gusgusin sa itsura niya ngayon. Madumi na ang uniform niya, nakapaa nalang siya, at nakatali pa. "Okay lang ba ang gwapong bata na mana kay Uncle Damon niya?" "I'm okay, but Ate Kai is not okay." "How sure are you that she's not one of them?" "We will going to talk about your Ate Kai later. Kami muna ni Paps mo ang mag-uusap. Okay ba, pogi naming Blaze?" sabi ko kay Blaze kaya tumango naman siya bilang sagot. "Nandoon kina Draco at Boris ang kumidnap sa anak mo. Ang totoo nga niyan pinagkamalan pa nilang anak mo si Miss Ortega." "What the f**k?" reaksyon ni Boss A kaya palihim ko siyang tinawanan. "Kung hindi ka parin kumbinsido tingnan mo naman. Mukha pa nga siyang nasaktan kumpara kay Blaze." "Don't hurt my Ate Kai, paps. She's nice. She saved me from those goons trying to hurt me." "Really?" tanong ni Boss A kay Blaze habang tinatanggal niya ang tali sa kamay at paa nito. "Yes, paps," sagot ni Blaze habang tumatango-tango. Matapos ibigay ni Boss A sa akin si Blaze ay binuhat naman niya si Miss Ortega ng pa-bridal style sabay nanguna na siyang lumabas sa building. "Mabuhay ang bagong kasal!" panggagago ni Boris kaya pinaulanan siya ni Boss A ng bala sa paa. Mukha tuloy siyang palaka na tumatalon-talon para hindi matamaan ng bala mga paa niya. "Uncle Boris! Uncle Draco!" tawag ni Blaze habang winawagayway ang kamay niya sa kanila. Kumaway naman pabalik ang dalawang unggoy. Napansin kong nakasleeveless lang na damit si Miss Ortega kaya naisipan kong kunin ang coat ko sa loob ng kotse ko. Gabi na kasi at medyo malamig na ang simoy ng hangin. Lumapit ako kay Boss A na buhat parin ang walang malay na si Miss Ortega para ilatag ang coat sa kanya. "What are you doing?" tanong ni Boss A habang matalim ang tingin niya sa akin nang ilagay ko ang daliri ko malapit sa butas ng ilong ni Miss Ortega. "Chineck ko lang naman kung humihinga pa siya pero kung makatingin ka ay parang sasaksakin mo naman ako, Boss A." Ang buong akala ko kasi ay may tama ng bala si Miss Ortega, pero as I checked, mukhang wala naman. Nawalan lang talaga siya ng malay kaya siya natumba. Dahan-dahang nilapag ni Boss A si Miss Ortega sa back seat ng kotse niya sabay tinatapon niya pabalik sa akin ang coat ko. Pinalitan niya ito ng coat niya. "Anong gagawin natin sa hayop na 'yon, Boss A?" tanong ko sa kanya habang kinuha niya si Blaze sa akin. Sinakay niya muna sa shotgun seat si Blaze bago niya ako sinagot. "Dispose of that trash already. He is not worthy of my time," sabi ni Boss A kaya senenyasan ko na si Draco na siya nalang ang dumespatsya dahil siya ang malapit sa lalaki. Pinaharurot na ni Boss A ang maserati niyang sasakyan kaya nagsipasukan na rin kami sa mga sasakyan namin. Sumunod naman na umalis ang Rolls-Royce Cullinan na sasakyan ni Draco na sinundan naman ng Lamborghini ni Boris. Pagkatapos ay pinaandar ko na rin ang dala kong Porsche Taycan. Nakarating na kami't lahat-lahat sa bahay ni Boss A pero hindi pa rin nagigising si Miss Ortega. "Go to your room first and wash yourself," utos ni Boss A kay Blaze na halos ayaw ng humiwalay sa tabi Miss Ortega. "I want to wait for ate Kai to be awake, paps," sagot naman ni Blaze sa ama niya habang nangangalumbaba ito at minamasdan ng husto ang mukha ni Miss Ortega. "She looks like my mommy in the picture. Look at her, paps," biglang sabi ni Blaze kaya nag-tinginan kaming tatlo nina Boss A, Draco, at Boris. Mukhang hindi alam ni Boss A kung ano ang isasagot niya sa anak niya kaya sasaluhin ko nalang. "Blaze, alam mo ba na sabi nila, ang bawat isa raw sa atin ay mayroon daw tayong tatlo o apat na kamukha kaya baka isa lang si ate Kai mo sa kamukha ng mommy Kate mo," pagtitrivia ko kay Blaze pero inisnob niya lang ang uncle pogi niya. "Boss A, pinapunta ko na ang mga tao natin doon para iligpit ang mga kalat natin." Draco. "Paps, Ate Kai is awake!" masayang balita ni Blaze kahit nakikita naman naming nakamulat na nga ang mga mata ni Miss Ortega. Bumangon si Miss Ortega mula sa pagkakahiga niya sa sofa sabay hinawakan niya ang ulo niya na tila ba'y nakaramdam siya ng matinding sakit. Maputi at makinis si Miss Ortega kaya kitang-kita rin ang mga galos at pasa niyang nagviolet na. "Nasaan ako? Hindi pa naman ito langit, hindi ba?" seryosong tanong ni Miss Ortega pero hindi namin napigilan ni Boris ang tawa namin. "You're in our house, Ate Kai," sagot ni Blaze sa tanong ni Miss Ortega habang nakayapos siya rito. Hinawakan ni Miss Ortega ang magkabilang pisnge ni Blaze. "Okay ka lang?" alalang tanong niya rito. "Okay ako, Ate Kai, ikaw ang hindi. Masakit ba ang ulo mo?" "Okay lang din ako, Blaze," nakangiting sagot ni Miss Kai kahit halata namang hindi siya ayos. "Paps and uncles, sasampalin dapat ako ng goons ng gun niya pero sinaved ako ni ate Kai. Siya ang nasampal ng goons kaya dumugo tuloy ang lips niya. Tingnan niyo may pasa na." Sinunod naming tatlo ang sinabi ni Blaze na tingnan ang lips ni Miss Ortega para makita ang pasa niya, pero isa-isa kaming tinitigan ng masama ni Boss A kaya nagpeace sign nalang ako habang ang dalawang unggoy ay nagpatay malisya. "It's already midnight, hindi pa ba kayo uuwi?" Sus. Gusto niya lang masolo si Miss Ortega, eh. "Binabawi ko na ang sagot ko sa offer mo, Mr. Castellano." "Let's go, Blaze. Wash ka muna dahil ang dirty na ng foot mo. You need to sleep na rin kasi midnight na," pagdadahilan ni Boris para ilayo si Blaze. "Goodnight, ate Kai," paalam ni Blaze kaya ngitian siya Miss Ortega. "You're backing out. This means you already knew about us." "Oo at ayokong magtrabaho sa kriminal na katulad ninyo." "We kill for a reason, Miss," sabat naman ni Draco. Totoo naman na hindi kami basta-basta pumapatay lang na walang dahilan. Tiningnan ni Miss Ortega si Boss A ng masama sabay sarkastiko siyang ngumiti. "Mafia boss pala, ha. Kaya pala gano'n nalang kadali sayo ang pagbantaan at tutukan ako ng baril kasi gawain mo na. Para sa kaalaman mo, Mr. Castellano, aksidente ko lang nameet ang anak mo. Sinundan ako ng bata kasi kamukha ko raw ang mommy niya." "You don't need to explain, Miss Ortega. I admit I was wrong—my assumptions were all wrong." "Hindi, Mr. Castellano! Hayaan mo akong mag-explain para maituwid ko 'yang baluktot mong pag-iisip tungkol sa akin." "Okay, go ahead. I will listen," sabi nalang ni Boss A para kumalma si Miss Ortega. "Hahanapin na sana namin ang sinasabi ni Blaze na driver niya pero bigla nalang may huminto na van sa harap namin saka tinutukan kami ng baril ng kidnapper. Mukha bang may laban ako, hindi ba wala? Kaya wala rin akong choice kundi sundin ang sinabi niya tapos pagbibintangan mo akong sinakay ko sa van ang anak mo? Magkaiba ang sinakay sa napilitang sumakay dahil may bumabanta sa buhay namin." "Isa pa ang sabi mo kung bakit ako malaya habang si Blaze ay nakatali? Tinalian din ako, Mr. Castellano, pero nakiusap lang akong kalasin dahil naawa ako sa anak mong nababali na ang ulo habang natutulog. Nakiusap lang ako na tanggalin ang nakatali sa akin para maihiga ko ang anak mo sa lap ko at makatulog siya ng komportable." Sa pagkakataong 'to ay may namumuo ng luha sa mga mata niya. "Tinutukan mo ako ng baril kahit hindi mo pa naririnig ang side ko. Ayaw mo muna akong pakinggan, grabe ka!" sabi niya sabay tayo sa sofa. Mukhang nahihilo pa siya kasi muntik na siyang matumba. Mabuti nalang ay mabilis si Boss A at inalalayan siya pero tinulak niya rin Boss A. "You're not leaving, Miss Ortega." mariing sabi ni Boss A nang magsimula ng maglakad si Miss Ortega. Huminto si Miss Ortega sa paglalakad at tiningnan si Boss A. "At bakit?" "You already know about us. So you choose. It's either you'll stay here the rest of your life or you'll lose your life this instant." "Wag kang mag-alala, Mr. Castellano. Hindi ko ipagsasabi sa kahit na sino ang tungkol sa pagiging kriminal ninyo. Ituturing ko ang nangyari na parang isang bangungot kaya makakasiguro kang ibabaon ko 'to sa limot," rhyming na sabi ni Miss Ortega kaya palihim akong natawa. Akala ko kasi tumutula siya. "How can I trust you?" "Kailangan mo akong pagkatiwalaan, Mr Castellano, katulad ng pagtitiwala mo sa akin nang alokin mo akong maging isang ina ng anak mo." "I'll be watching you, Miss Ortega. Once you broke my trust in you, you had no future other than death," bilin ni Boss A. "Dito ka na magpalipas ng gabi," pigil ko kay Miss Ortega. Malalim na kasi ang gabi atsaka hindi niya kabisado ang lugar dito baka mapano pa siya sa labas. "Ayokong manatili sa poder ng taong pinagbantaan ang buhay ko dahil sa bawat segundo na mananatili ako rito ay wala akong ibang gagawin kundi ang matakot para sa buhay ko." "Lalakad ka ng mga bente minuto bago ka makalabas ng village na 'to tapos paglabas mo ng village ay wala ka ng masakyan kapag ganitong oras." "Problema ko na 'yan. Basta gusto ko ng makaalis dito." "Ganyan ka na ba katakot kay Boss A? May iniingatan lang 'yon na pangako pero hindi naman siya kasingsama katulad ng iniisip mo." "Matapos niyang bantaan ang buhay ko sa tingin mo hindi pa ako matatakot sa kanya? Maramdaman ko nga lang saglit ang presensya niya ay nanginginig na ako sa takot tapos gusto mo pang magpalipas ako ng gabi rito?" "Kung ayaw mo magstay ay ihahatid nalang kita," offer ko sa kaniya pero nag-isip pa siya. "Ako nalang ang maghahatid sayo, Miss," biglang singit ni Draco. Malamang palihim na inutusan ni Boss A ang unggoy na 'to. "Sige, kung ayos lang sayo." Nang ako ang nag-alok nag-isip pa siya pero nang si Draco na ay ang bilis pumayag. Hindi naman halata na favoritism ka, Miss Ortega. Una nang naglakad si Draco at sumunod naman si Miss Ortega sa kanya. Nang mawala na sila sa paningin ko ay pinuntahan ko kaagad si Boss A. "Alak ang sagot sa pusong wasak," pang-aasar ko kay Boss A. Kaya pala bigla nalang siya naglaho sa sala kasi nandito na pala siya sa wet bar sa basement, nagwawalwal mag-isa. "Shut up, Scheben," sagot niya sa akin kaya tinawanan ko siya. "Paano ka na didiskarte niyan kay Miss Ortega kung tinakot mo ng husto. Alam mo ba na ang sabi niya sa akin ay maramdaman niya lang saglit ang presensya mo ay nanginginig na siya sa takot?" Lalagyan niya sana ulit ng wine ang wine glass niya pero inagaw ko ang bote ng wine para ako na ang maglagay para sa kanya. "Isa lang ang ibig sabihin niyan Mr. Castellano. She does not feel safe with you." "I said, shut up, Scheben!" pikon niyang saway sa akin sabay lagok ng wine niyang tinagay ko para sa kanya. "Alam mo ba na ang gusto ng mga babae ay dapat maramdaman nilang secure sila sa isang tao? Pero dahil sa ginawa mo ay mukhang ekis ka na kay Miss Ortega, Mr. Castellano," pang-bubwiset ko lalo sa kaya tumayo na siya at naglakad sa kung saan nakalagay ang mga baril. Bago pa man siya makadampot ng baril ay tumakbo na ako papasok sa elevator habang humahalakhak. Umakyat ako sa third floor dahil nandito ang mga guest rooms na inangkin ko na ang isa sa mga kwarto dito bilang sarili ko na talagang kwarto. Natuyo na ang dugong tumalsik sa damit kaya naligo muna ako at nagbihis bago humimlay. Paglapat ng katawan ko sa kama ay kaagad na bumikat ang talukap ko gawa ng pagod sa biyahe at sa pakikipagbakbakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD