KAILLE ORTEGA
♤BEFORE THE KIDNAPPING♤
"Ginupit mo na ang mga natirang buhok mo?" tanong ko kay Lily dahil kaninang madaling araw ay may konting mga buhok pa naman siyang natitira pero ngayon ay wala na akong makita.
"Hindi ko ginupit. Nalagas na ng tuluyan," sagot niya habang may pilit na ngiting gumuguhit sa labi niya.
"Maganda ka parin naman," pagpapagaan ko ng loob niya.
"Eh, bakit ka naluluha? Okay lang ako ano ka ba, ate!" Matanda ako kay Lily ng limang taon. Bente siya habang ako ay bente singko.
"Sus. Alam kong hindi ka okay." Alam kong nahihirapan na siya pero hindi niya lang ito pinapakita dahil ayaw niyang mag-alala ako.
"Ano pala ang nangyari sa interview mo?"
"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Si Mr. Castellano mismo ang nag-interview sa akin," exciting kong pag-kuwento sa kanya.
"As in yung may-ari ng Castellano Corporation?" nanlalaking mata niyang tanong.
"Mismo. Si Mr. Castellano na crush mo, na palagi mong tinitilian kapag lumalabas sa mga balita."
"Gwapo? I mean mas gwapo siya sa personal?" kinikilig niyang tanong.
"Sobra. Mas attractive siya sa personal kaysa sa tv at mga magazines. Ang lakas ng dating niya at nakakatakot ang aura niya. Ang bango-bango pa."
"Tapos anong nangyari noong iniinterview ka niya?" kinikilig parin niyang usisa sa akin.
"Maayos naman ang takbo ng interview, pero may sasabihin ako. Huwag kang mabibigla, ha. Kumalma ka." Natatakot kasi ako baka magulantang siya sa desisyong ginawa ko tapos makasama pa sa kalagayan niya.
"Okay, ate."
"Hindi ako tanggap bilang isang receptionist, pero inofferan niya ako na maging nanay ng anak niya."
"MAY ANAK NA SIYA?!" napalakas ang boses niya sa gulat.
"Oo. Nagulat nga rin ako, eh."
"Nasaan daw ba ang nanay ng anak niya?"
"Hindi ko rin alam. Hindi ko na tinanong. Baka kasi sabihin ni Mr. Castellano ay chismosa ako," natatawa kong sabi.
"Pumayag ka?" tanong niya habang bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Malaki kasi ang offer, five times ng sahod ng mga receptionist na nagtatrabaho sa kompanya niya. Katumbas na ng sampung buwan 'yan ng salary ko bilang isang guro, sobra pa nga, eh, kaya ang hirap tanggihan."
"Dahil nanaman sa akin. Una nagresign ka sa dream job mo tapos ngayon naman tumanggap ka ng ganyang kalaking responsibilid dahil sa akin," paninisi niya sa sarili niya.
"Wag ka nga mag-isip ng ganyan. Ako ang matanda sa ating dalawa at magkapatid tayo kaya responsibilidad kita. Ang dapat mong alalahanin ay ang sarili mo."
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Kapag gumaling ako babawi talaga ako sayo ng sobra, Ate. Ang dami-dami mong sinasakripisyo para sa akin kaya sobrang salamat," naluluha niyang pasalamat.
"Gagaling ka pa panigurado 'yan. Ang tapang mo kaya."
Bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon ni Lily.
"Nandito ka na pala," sabi ni William habang naglalakad papalapit sa amin. Siya ang doctor ni Lily at siya rin ang tinutukoy kong pansamantalang palagiang tumitingin-tingin kay Lily kapag wala ako.
"I already discussed the other treatment with Lily aside from the chemotherapy. Has she mentioned it to you?"
Tiningnan ko si Lily ng masama kaya yumuko siya at nilaro ang kuko niya. "Hindi pa or wala talaga siyang balak na sabihin sa akin?"
"Lily is an adult and capable of making her own medical decisions concerning her treatment kaya sinabi ko na sa kanya."
"Ano 'yon, Lily?"
"I'll leave so you two can talk privately," paalam ni William kaya tinanguan ko siya.
"Hindi ba nga nakaplano na ang chemotherapy ko tapos may nirerekomenda silang isa pang gagawing treatment pagkatapos ng chemo, ang radiation therapy."
"Tapos?" tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Sabi ko pag-iisipan ko," nakayuko niyang sagot.
"Iniisip mo nanaman siguro ang pambayad, 'no?"
"Sobrang mahal ng treatment, ate! Sa chemotherapy pa nga lang hindi na natin kaya bayaran tapos dadagdag pa yan. Paano natin babayaran lahat 'yan?"
"May trabaho na ulit ako kaya wag mo na alalahanin ang pera. Kahit ilang treatment pa ang gawin sayo kailangan mo lahat subukan, Lily, hanggang sa gumaling ka."
"Okay, ate."
Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya. "Huwag mo ng alalahanin ang pera, ha. Ako na ang bahala. Gagawa si ate ng paraan, okay?" paninigurado ko sa kanya kaya tumango naman siya bilang sagot.
"Uuwi muna ako para mag-impake. Babalik ako mamaya," paalam ko sabay naglakad na papunta sa pinto.
"Ingat ka, ate," sabi niya habang kumakaway bago ko isarado ang pinto.
"Sorry po, kuya," paumanhin ko sa lalaking nakabangga ko sa pinto ng convenience store. Dumaan kasi ako rito dahil bigla akong nagcrave sa ice cream.
"Sa susunod tumingin naman ho kayo sa dinadaanan niyo, Ma'am," masungit niyang sabi sabay tinalikuran ako. Kinakalkal ko kasi ang wallet ko kanina sa shoulder bag kaya hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.
Habang tahimik akong naglalakad sa may eskinita papunta sa sakayan ng jeep, nararamdaman ko na parang may sumusunod sa akin, pero hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglalakad ko.
"Ouch!" daing ko habang hinihimas-himas ang likod ko na tinamaan ng matigas na bagay.
Paglingon ko ay may batang nakatayo na malapit lang sa akin. Pinulot ko ang maliit na kanang sapatos niya na binato niya sa akin at linapitan ko siya.
Yumuko ako para ipantay ang height ko sa kanya. "Hello, baby boy! Bakit mo ako binato ng sapatos mo?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"You resemble my mommy kaya I follow you, pero hindi kita maabotan kaya I threw you my shoes nalang para magstop ka sa paglalakad."
"But that's not good, ha. You should have just called me to get my attention instead of throwing your shoes at me."
"Sorry," paumanhin niya habang parang paiyak na siya.
"Hindi ako galit, baby boy, ha. Nasaan ba ang mommy mo?"
"She's in heaven. I didn't see her personally because she died when I was just a little baby. I only saw her in the picture, and you resemble her."
"Sorry to hear that, baby boy. I'm sure you miss her."
"Very much. Can I hug you nalang?" tanong niya habang ngumunguso. Ang cute niya.
Nilahad ko ang kamay ko. "Come here," sabi ko sa kanya kaya mabilis naman siyang yumakap.
"It's cold!" reklamo niya. Natuluan yata siya ng ice cream ko.
"Nasaan ang kasama mo, baby boy?" tanong ko sa kanya matapos siyang bumitaw sa yakap.
"My driver, Cesar, buys me ice cream. He left the car door unlocked, so I decided to follow him, but I got lost and then I saw you."
"That's not good also. Umalis ka ng walang paalam. Dapat nagstay ka lang sa car. Sumunod ka pa sa stranger."
"Sobrang tagal kasi ni Cesar kaya I decided to follow him," pagdadahilan niya.
"Huwag mo na ulit gawin, ha. Delikado," bilin ko habang sinusuot sa kanya ang sapatos niyang binato sa akin.
Pagkatapos kong isuot sa kanya ang sapatos niya ay hinawakan ko siya sa kamay para siguradong hindi na siya maligaw. "Let's go. Let's find your kuya driver."
"Para hindi na ako stranger, I will tell you my name. You can call me "Ate Kai" nalang," pakilala ko sa kanya habang hawak-kamay kaming naglalakad.
"My name naman is Axel Blaze Castellano. Six years old. Call me "Blaze" nalang kasi Axel Blaze is too long," pakilala niya habang tinitingala ako.
"How are you related to Mr. Alexandre Castellano?"
"He's my paps."
"Paps? as in your papa?"
"Correct!"
What a small world!
♤TIME OF KIDNAPPING♤
Habang naglalakad kami ni Blaze ay may bigla na lamang van na puti ang huminto sa harap namin.
"Miss, sumakay nalang kayo ng maayos kung ayaw niyong masaktan," pananakot ng lalaki habang tinututukan niya kami ng baril mula sa loob ng van.
Walang katao-tao rito kaya wala kaming mahingian ng tulong. Binabalak kong tumakbo, pero kapag tumakbo kami ay sigurado akong babarilin niya kami. Masama na ang tingin ng lalaki kaya wala na akong choice kundi sundin nalang ang sinabi niyang sumakay.
Matapos namin pumasok sa van ay kaagad nila itong mabilis na pinatakbo.
"It looks like they are bad guys," sabi ni Blaze sabay masama niyang tinitigan isa-isa ang limang lalaki.
"Mga kuya, kung kailangan niyo ng pera wala kayong mapapala sa akin dahil mas nangangailangan ako," sabi ko pero walang pumansin sa akin.
"Don't worry, Ate Kai, my paps and my uncles will definitely save us."
"Ako nalang ang isama niyo. Huwag na ang bata," pakiusap ko sa kanila dahil mukhang hindi sila gagawa ng tama. Ayos nang ako nalang para hindi na madamay si Blaze sa kung ano man ang binabalak nilang gawin.
"Kaya nga kayo ang tinarget namin dahil sa kasama mong bata tapos sasabihin mong pakawalan namin?" sabi ng isa sa kanila kaya nagtawanan silang lima.
"Mahal pa nga yata ang mga gamit niya kaysa sa mga buhay namin," dagdag pa ng isa kanila.
Agaw pansin din naman talaga sa mata ng mga masasama ang mga gamit ni Blaze dahil branded ang sapatos, bag, at relo niya sabay ang uniform niyang suot ay uniform sa kilalang school na kung saan doon din ako nagturo dati. Hindi biro ang tuition fee doon.
Nagtakip ng ilong si Blaze gamit ang kamay niya. "Stop laughing! Your breath stinks!" suway ni Blaze sa kanila habang bakas sa mukha niya ang pandidiri.
"Y'all look like goons with no ligo. Yuck!"
"Y'all are pangit."
Sunod-sunod na pang-iinsulto ni Blaze. Ang kaninang tawang-tawa na mga goons, ngayon ay pikon na pikon na.
"Patigilin mo na yang kapatid mo sa pang-iinsulto sa amin. Sumusobra na 'yan. Baka hindi na ako makapagtimpi!" sabi ng lalaki na tumutok ng baril sa amin kanina.
"Blaze, you should tell that to people in a nice way so that you might not hurt their feelings."
"But I'm just being honest, Ate Kai."
"Honesty is good, but sometimes you should consider other people's feelings too, okay?"
"Like this, Ate Kai?" Tiningnan niya ang limang lalaki kaya naghintay naman sila ng sasabihin ni Blaze. "Your breath stinks, Mr. Goons. Y'all should brush your teeth three times a day," seryosong sabi ni Blaze pero palihim parin akong natawa kasi ang sarcastic ng dating.
"Blaze, what I mean is that instead of telling people their breath stinks, you could recommend toothpaste or offer them a mint. In that way, hindi mo mahu-hurt ang feelings ni—" pinutol ko ang pagsasalita ko at mabilis kong hinarangan si Blaze nang makita kong inangat ng lalaki ang kamay niyang may hawak na baril. Napahawak ako sa pisnge ko nang maramdaman ko ang sakit ng sampal niya.
Tumayo si Blaze sabay tiningnan ang mukha ko. "Ate Kai, there's blood in your mouth!" pasigaw niyang sabi. Kumuha siya ng panyo sa bag niya sabay pinunasan niya ang gilid ng labi ko.
Bumaba kami sa harapan ng isang abandonang building. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, pero bukod sa maraming mga armadong lalaki na nakakalat sa paligid ay puro matataas na talahib lang ang nakikita ko.
Matapos namin pumasok sa loob ng building ay kaagad nila kaming pwersahang pinaupo ni Blaze sa sahig.
"Talian niyo ang mga 'yan," utos ng lalaki na tumutok at sumampal ng baril sa akin kanina.
"Okay, boss," sagot ng dalawang lalaki. Siya pala ang leader nila.
"Ano ba ang kailangan niyo?!" galit kong tanong habang tinatalian nila ang mga kamay at ang mga paa namin.
"Pera," sagot ng boss nila.
"Hindi ba't sinabi ko na sa inyong wala kayong mapapala sa akin?"
"Tawagan mo na ang dapat mong tawagan para may pang tubos sa inyo."
"Sino naman ang tatawagan ko, aber? Ang kapatid kong nakaratay sa hospital?"
"Mga wala naman pala kayong silbi!" galit na sabi ng boss habang nanlilisik ang mga mata niya.
"Hoy, mga gunggong! Taposin niyo na ang mga 'to. Kunin niyo lahat ng gamit nila na mapapakinabangan," utos ulit ng boss sa kanila kaya mabilis naman nilang kinuha ang shoulder bag ko, ang relo, sapatos, at bag ni Blaze.
Pumasok sa isip ko si Mr. Castellano. Sigurado ako na kapag malaman niya ang nangyari sa anak niya ay hindi siya magdadalawang isip na magbigay ng pera para iligtas ang anak niya. Kahit si Blaze na lang ang maligtas ay okay na ako.
"Teka lang!" pigil ko sa lalaki nang tutukan niya ng baril si Blaze na inaantok na. Hindi ko talaga siya nakikitaan ng takot kaya hanga rin talaga ako sa kanya. Kung ibang bata siguro 'to ay malamang kanina pa 'to iyak nang iyak.
"May tatawagan ako kaya tanggalin mo ang tali ko."
"Tanggalin mo," utos ng boss sa lalaking tumututok ng baril kay Blaze.
Matapos matanggal ng tali sa mga kamay ko ay kinuha ko ang papel sa bulsa ko na binigay ni Tracy sa akin kanina kung saan nakasulat ang address at cell phone number ni Mr. Castellano.
"Isusulat ko ang mga sasabihin mo. Wag na wag kang magkakamali..." Hinila niya si Blaze na natutulog na saka isinandal sa plastic na upuan na inuupuan niya at tinutukan ng baril si Blaze sa ulo. "kundi pasasabogin ko ang bungo ng kapatid mo," banta ng boss.
Habang dinadial ko ang cell phone number ni Mr. Castellano ay naglabas naman ang boss nila ng stylus pen at ipad para doon isulat ang mga ipapasabi niya sa akin.
♤ON THE PHONE♤
Alec: "Who are you?!" galit na tanong niya.
Kai: "Si Kaille Ortega 'to," pakilala ko naman.
Alec: "Miss Ortega."
Kai: "Ako ang in-interview mo at inalok na maging nanay ng anak mo kanina. Kasama ko si Blaze ngayon."
Alec: "I know, Miss Ortega, and if something happens to Blaze, I swear, I will kill you! You don't know who I am really, Miss Ortega."
Kai: "Pinagbibintangan mo ba ako?" tanong ko sa kanya pero tahimik lang siya sa kabilang linya.
Nagsimula na magsulat ang lalaki ng sasabihin ko at pagkatapos niyang sumulat ay hinarap niya ito sa akin.
Kai: "Limang million kapalit ng buhay ng mga anak mo," basa ko sa sulat ng boss matapos niya akong senyasan na basahin na.
Alec: "Five million? So, it's kidnap and ransom, huh? Okay, tell me the address." Sa tono ng boses niya ako talaga ang pinag-bibintangan niya kaya kailangan kong magpaliwanag sa kaniya na hindi ako katulad ng iniisip niya.
Kai: "Alam ko kung ano ang iniisip mo sa akin pero—" Hindi ko na natuloy ang pagpapaliwanag dahil pinutol niya ang pagsasalita ko.
Alec: "I don't need your f*****g explanation. Everything is clear to me. Just tell me the f*****g address already."
Masama na ang tingin ng boss sa akin habang pinapakita niya na hihilahin na niya ang gatilyo kaya hindi na ako nagpumilit na mag-paliwanag pa.
[End of Call]
"Address daw!" sigaw ko sa boss kasabay ng paghagis ko ng cell phone niya sa kanya.
"Talian niyo ulit 'yan," utos niya habang nagtatype sa cell phone kaya mabilis naman siyang sinunod ng mga kasamahan niya.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na matiis na makita ang kalagayan ni Blaze. Ako kasi ang nahihirapan sa posisyon niya. Nakasandal siya sa paa ng upuan na inuupuan ng boss habang tulog tapos nababali-bali ang ulo.
"Pwede bang tanggalin mo nalang ang nakatali sa akin? Hindi naman ako makakatakas sa sobrang dami niyo," pakiusap ko sa boss. Gusto ko kasi ihiga si Blaze sa lap ko para maging komportable ang pagtulog niya.
"Siguraduhin mo lang hindi ka gagawa ng kalokohan. Sige, tanggalin niyo ang tali niya."
Matapos nilang tanggalin ang tali sa kamay at paa ko ay binuhat ko si Blaze palayo doon sa boss at bumalik ako dito sa pwesto ko.
"Wag mong tanggalin yan. Makulit 'yang batang 'yan baka magtatakbo kapag gumising na," pigil ng boss nang akma kong tanggalin ang tali na nakatali kay Blaze.
Sinuklay-suklay ko ang buhok ni Blaze gamit ang kamay ko habang tinititigan siya. Ngayon ko lang napansin na hindi maipagkakaila na mag-ama nga sila ni Mr. Castellano kasi para silang pinag-biyak na bunga.
Makalipas ang ilang oras ay may naririnig akong mga putok ng baril na nagmumula sa labas. Sunod-sunod ang mga putok at walang tigil na para bang may giyerang nagaganap.
"Boss!" takot na takot na tawag ng lalaking duguan.
"Anong nangyayari?" tanong ng boss.
"Nagkamali tayo ng binangga," sagot ng lalaki habang nanginginig ang kamay niyang may hawak na baril.
Binuhat ko si Blaze na natutulog parin sabay dahan-dahan akong naglakad palayo dahil papalapit na ng papalapit na dito ang tunog ng putukan.
"Sino ba ang binangga natin?"
"Boss ng Blue Aces."
"s**t!" pagmumura ng boss sabay lingon niya sa akin. Nagkatinginan kami ng boss habang pasimpleng tumatakas kaya tumakbo na ako.
"HOY, SAAN KA PUPUNTA?!" sigaw niya habang hinahabol ako.
"Aray!" reklamo ko nang hilain niya ang buhok ko.
"Bakit hindi mo sinabi na si Mr. Castellano ang tatay niyo, ha?!" galit niyang tanong at mas lalo niyang hinila ang buhok ko. Napapadaing ako sa sakit at pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko.
"Bakit ba kayo natatakot sa kanya? Sino ba siya?" tanong ko rin pabalik.
"Hindi mo ba alam na boss ng Blue Aces ang tatay mo?"
"Hindi niya ako anak, pero ano ang Blue Aces?"
"Isa sa pinakakinakatakotang mafia organization." Nanigas ang buong katawan ko. Kung si Mr. Castellano ay isang mafia boss, ibig sabihin ay isa siyang kriminal.
"Kailangan na natin tumakas, boss. Nakapasok na si Mr. Castellano dito sa loob ng building," sabi ng lalaki kaya kaagad na binitawan ng boss ang buhok ko.
Tinulak pa ako ng boss bago siya tumakbo dahilan para mawalan ako ng balanse at lumagapak sa semento. Mabuti nalang ang likod ko ang bumagsak sa semento habang si Blaze ay yakap-yakap ko.
Pag-tayo ko ay muntik pa ulit akong matumba dahil biglang umikot ang paningin ko. Tumama rin kasi sa semento ang ulo ko kaya nakaramdam ako ng hilo.
"I told you. I will kill you," sabi ng boses mula sa likuran ko kaya humarap ako sa kanya.
"Mr. Castellano," hinang-hina kong banggit sa pangalan niya habang nanginginig. Natural na nakakatakot ang aura ni Mr. Castellano, pero mas nakakatakot ang Mr. Castellano na nasa harap ko ngayon tapos idagdag pa ang katotohanang tinututukan niya ako ng baril.
"Give me back my son," sabi niya sa maawtoridad niyang boses kaya wala sa sarili kong binigay si Blaze sa kanya.
"Mali ka ng iniisip, Mr. Castellano. Hindi ako ang kumidnap sa anak mo," pag-tuwid ko sa maling pag-iisip niya sa akin habang nanginginig parin sa takot.
"Isinakay mo si Blaze sa van. Nakatali si Blaze habang ikaw ay malaya. How can you explain all of that, Miss Ortega?" sabi niya habang parang sinasaksak niya ako ng tingin niya.
"Paano ko sasagotin ang lahat ng tanong mo kung ayaw mo akong pakinggan?" sabi ko habang nagka-crack na ang boses ko.
Ngumiti ako. "Pero kahit naman siguro ipagpilitan kong ipagtanggol ang sarili ko sayo ay wala rin namang silbi dahil sa bandang huli ang haka-haka mo rin lang naman ang paniniwalaan mo. Sarado na kasi 'yang utak mo!"
Hinawakan ko ang kamay niyang may baril at nilapat ito sa noo ko sabay pumikit ako. "Shoot me," sabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
Pagkatapos kong marinig ang putok ng baril ay naramdaman ko nalang ang sarili kong bumagsak sa semento.
"PAPS, ATE KAI IS NICE!" Rinig ko pang sigaw ni Blaze bago tuluyang dumilim ang paningin ko.