CHAPTER 19: WHO'S WHO

3441 Words
KAI'S POV Pagmulat ng mga mata ko ay mag-isa nalang ako sa kama. Wala na si Alec dito at hindi ko namalayan kung anong oras siya umalis. Napangiti ako habang tinatanggal ang kumot na nakatatakip sa'kin dahil suot ko na ang damit ko. Suot ko na ang undies, bra, at daster ko at sigurado akong si Alec ang may pakana nito. Baka bago siya umalis at habang tulog ako ay doon niya 'to binalik. Mahimbing ang tulog ko kaya hindi ko 'to naramdaman. "Siya ang nagtanggal kaya dapat lang na siya ang nagbalik." Nakangiting sambit ko sa aking sarili habang naglalakad patungong bathroom. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng aking sarili ay agad kong hinanap si Alec sa kwarto at home office niya para makapagpaalam pero hindi ko siya nakita doon kaya naman nagpasya na lamang akong puntahan si Lily sa hospital dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay. Nasa pintuan palang ako ng hospital room ni Lily ay masama na agad ang mga tingin nito sa'kin. Anong problema ng batang 'to? "Ano yang mga tingin na yan, Lilibeth?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya. "Akala ko ba aalis ka na dun? Nasaan na maleta mo?" Pagtataray nito sa'kin habang nakahalukipkip. "Hindi pa ako nakapagpaalam kaya hindi ko pa dinala ang maleta ko." Sagot ko sa kanya pero tiningnan niya ako ng may pagdududa. Hindi ko makontak si Alec kaya naman si Tracy ang tinext ko kung nasa Castellano Corporation ba si Alec kasi pupuntahan ko dapat siya para makapagpaalam pero ang sabi ni Tracy ay nasa Japan sila ngayon para sa isang business event. "May itatanong pala ako sayo, Lils." Paglilihis ko sa usapan. Seryoso ako kaya mukhang kinabahan siya. Alam ko kung ano ang pinag-aalala niya kaya naman inunahan ko na siya. "Wag kang mag-alala hindi 'to math question o pang miss universe kaya wag kang kabahan." "Ayy, akala ko math question e alam mo namang I hate math 'diba. Saka hindi pa ako tuluyang magaling kaya hindi pa nagfufunction ang utak ko." "Gurl, ipaalala ko lang sayo na leukemia ang sakit mo hindi sa utak ha." Pagbibiro ko kaya nagtawanan kaming dalawa. "Seryoso na tayo. Ampon ba ako or may kambal ba ako?" Pangbabasag ko sa tawanan naming dalawa. "Bakit mo naman naitanong yan, ate?" Nagtataka niyang tanong. "Kasi nagkainteres sa'kin si Alec dahil sa kamukha ko si Kate at yung Kate na kasama namin sa bahay ni Alec ay kamukhang-kamukha ko siya noong nagdadalaga palang ako. " Sa tuwing magkasama at magkasalubong kami ni Kate sa bahay ay naiilang parin ako dahil parang nananalamin yung teenager self ko, kaya naman hindi ko na naiwasang magtanong kay Lily dahil baka may kaugnayan kami ni Kate at baka may alam siya. "Weh? Seryoso?" Hindi makapaniwalang reaksyon niya. Tinanguan ko siya bilang sagot. "Sigurado akong wala kang kambal, ate, dahil sabi nina nanay at tatay nag-iisa ka lang nilang anak." Naguluhan ako sa sinabi niya. "Nag-iisa akong anak, eh, ano ka?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. "Ang totoo niyan ako talaga ang ampon sa pamilya. Pitong taon palang ako ay ulila na ako kaya lumaki ako sa bahay ampunan." "Seryoso na kasi, Lilibeth." Suway ko sa kanya. "Seryoso ako, ate." Biglang lumungkot ang mukha niya kaya pinakinggan ko na lamang siya. "Sa bahay ampunan na kinalakihan ko may patakaran na kapag tumuntong ka sa edad na dise sais tapos wala paring umaampon sayo ay automatic ikikick-out kana. Bibigyan ka lang nila ng pera para pangsimula mo." Nangilid ang luha niya kaya naniniwala na ako na totoo ang sinasabi niya. "Yan ang nangyari sa'kin, ate. Sixteen years old ako that time at oras ko na para umalis sa bahay ampunan. Bagong cook si nanay sa bahay ampunan noong panahong yun. Si tatay naman ay bago ring hardinero. Nakikita ko sila doon ilang araw bago ako kinick-out pero hindi ko sila nakakausap." Yan nga ang trabaho nina nanay at tatay. "Oras na ng uwi nila nun nang makita nila ako sa labas ng bahay ampunan na dala ang mga gamit ko. Kinausap nila ako at sinabihan na kung wala akong mapuntahan ay pwede akong sumama sa kanila at sila nalang ang kukupkop sa'kin." "Pumayag ako dahil choosy pa ba ako? For the first time may mga taong gusto akong kupkopin kahit unang beses lang naman nila ako nakita." "Bakit hindi ko alam 'to?" Ngayon ko lang narinig ang kwentong 'to. "Kasi noong araw na inampon ako nina nanay at tatay ay comatose ka sa hospital." Wala akong maalala na nacomatose ako. "Ganito yun, ate, kaya hindi mo alam." Umayos ito ng upo bago magsalita ulit. "Una akong dinala nina nanay at tatay sa hospital at doon kita unang nakita. Wala kang malay nun. Ang sabi ni nanay ay nacomatose ka dahil sa isang car accident." "Sabi ni nanay at tatay anak ka nila kaya ituring kitang kapatid kaya sobrang saya ko nun at simula nun ay lagi na akong nasa tabi mo dahil hinihintay kitang magising pero mahigit isang buwan ka pa bago nagising." "Nakwento namin sayo yang nacomatose ka kaya alam mo yan." "Hindi ko matandaan na nacomatose ako at wala rin akong natatandaan na kinwento niyo sa'kin yan kaya ngayon ko lang yan nalaman." Sagot ko naman sa kanya kasi wala naman talaga. "Luh? Meron kaya. Ang hindi mo lang alam ay ang tungkol sa pagiging ampon ko pero the rest alam mo na. Bente singko ka palang, ate, pero ulianin kana?" Natatawa niyang sabi. "Kung hindi mo naaalala ay ganito kasi yan. Diba nga comatose ka mahigit isang buwan? Tapos paggising mo ay nagtanong ka kung bakit nasa hospital ka and then ayun na sinabi nila nanay at tatay sayo na dahil sa car accident ay nacomatose ka." Kumukunot parin ang noo ko dahil naguguluhan ako kaya ipinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag. "Tinanong mo pa nga kung sino kami. Naintindihan ko na ako hindi mo kilala kasi nga inampon lang ako nina nanay at tatay at yun ang unang beses na nakita mo ako pagmulat mo pero nasaktan ako para kina nanay at tatay kasi hindi mo sila kilala. Pamilya mo yun e." "Ibig sabihin nagka amnesia ako pagkatapos kong macomatose?" Taka kong tanong sa kanya. "Kung tama ang pagkakatanda ko dalawang beses kang nadiagnosed na may amnesia. Una, pagkatapos mong nacomatose at pangalawa matapos bumalik ang alaala mo, kinabukasan ay wala kana ulit maalala kaya dinala ka ulit sa hospital pero hindi ko na matandaan kung anu-ano ang tawag sa mga amnesia na yun. Nasabi namin lahat yan sayo e, baka part parin yan ng amnesia mo kaya hindi mo maalala?" Gulong-gulong na ako sa totoo lang. "Kaya nga hiyang-hiya ako sayo nang malaman ko na may leukemia ako dahil inampon na nga ako ng pamilya mo tapos papahirapan ko pa ang anak nila." "Sana hindi magbago ang turing mo sa'kin, ate. Hindi ko na sinabi sayo na ampon ako kasi kahit kailan hindi naman pinaramdam ng pamilya mo na ampon ako kaya tinuring ko na rin kayong totoong pamilya." Tuluyan ng sunod-sunod na luha ang pumatak mula sa mga nito. "Ano kaba! Syempre hindi. Kapatid kita at walang magbabago dun, ampon ka man o hindi." Sabi ko at niyakap ko siya. "Pero, ate, magpatingin ka kaya kay William para alam mo ang nangyayari sayo. Nashock ako sayo ha. Ang pagkakaalam ko alam mo ang lahat maliban lang sa pagiging ampon ko. Paano mo nakalimutan lahat yun?" Mukhang kailangan ko na nga magpatingin dahil wala talaga akong natatandaan. "I'm glad you're here." Nakakagulat naman 'to si William bigla-bigla nalang sumusulpot. "May kailangan ka sa'kin?" Tanong ko sa kanya habang tumatayo sa kinauupuan ko. "Meron." Sabi niya habang naglalakad papalapit sa'kin pero nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang bumaba ang tingin nito sa leeg ko. Nagulat ako at nakiliti nang ilapat niya ang palad niya sa leeg ko sabay hinahaplos ng hinlalaki niya ang isang pwesto lang sa kanang bahagi ng leeg ko. "Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong sa kanya. Biglang pumasok sa isip ko ang paulit-ulit na paghalik ni Alec sa leeg ko kaya sigurado ako kung ano ang nasa leeg ko; hickey. Kung hindi napansin ni William wala akong ideya na may hickey pala ako dahil hindi ko naman napansin 'to kanina. Mabilis kong winaksi ang palad ni William mula rito kaya nagulat 'to sa naging reaksyon ko. "I'm sorry, I thought it was a dirt kaya sinubukan kong tanggalin." Nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya. "Hindi ka parin ba aalis sa bahay ni Castellano? I mean, si Lily lang naman ang dahilan mo kaya ka nandoon. Maayos na ang lagay ni Lily ngayon at paid na ang hospital bills niya." "Ano yung kailangan mo sa'kin?" Pag-iiba ko sa usapan kaya binigyan ako nito ng buntong-hininga. Matagal muna ako nitong tinitigan na para bang may iniisip siyang masama tungkol sa'kin bago 'to nagsalita. "Can you lend me your flash drive again? Kung meron kang dala ha. I can't find mine and I badly needed one today buti nalang nandito ka." Sanay na ako sa panghihiram ni William sa'kin ng flash drive kahit hindi niya naibabalik dahil daw namimisplace niya at hindi niya na alam kung saan hahanapin. Siya itong mayaman pero flash drive lang hindi makabili. Ako tuloy ang bili nang bili pero ayos lang naman dahil afford ko naman kahit papano. Sa birthday nga niya balak ko iregalo sa kanya ay sampung flash drive para hindi na siya hiram nang hiram sa'kin. "Maswerte ka may dala ako ngayon." Hindi pa ako nakakabili ng bagong flash drive pagkatapos niyang huling manghiram sa'kin pero mabuti nalang at nang mag-impake ako ay may nakita akong flash drive sa luma kong jacket. Madalas kong suotin 'yong jacket na yun noong nag-aaral pa ako sa college pero nito ko lang nalaman na may siniksik pala akong flash drive sa bulsa nun. Mahilig kasi akong magsiksik ng flash drive sa mga gamit ko dahil 'must-have' na bagay yan noong college days para sa mga lesson plan kong kailangan iprint sa computer shop dahil wala kaming sariling printer at computer. Paborito ko rin ang jacket na yun kaya kahit gutay-gutay na ay hindi ko magawang itapon. Alam kong walang nagtatanong pero share ko lang naman sa inyo. "Wala na akong oras para bumili dahil sunod-sunod yung mga pasyenteng dumating sa ER simula kaninang umaga. May nagcollapse kasing building gawa ng lindol." Napanuod ko ang balitang yan kanina bago ako umalis sa bahay ni Alec. Hindi ko pa naman kailangan ng flash drive ngayon dahil wala pa naman akong paggagamitan kaya ipapahiram ko nalang muna sa kanya pero sisiguraduhin kong ibabalik na niya 'to dahil hindi ko pa nachecheck ang laman nitong flash drive. Baka may important files ako rito na kakailanganin ko balang araw kapag bumalik na ako sa pagtuturo. Agad kong pinuntahan ang shoulder bag ko na ipinatong ko sa couch kanina pagdating ko para kuhanin ang flashdrive pero hindi na niya ako nahintay dahil pagtingin ko ay nasa pinto na ito palabas sa kwarto. "May nakaschedule pa ako na gagawing surgery ngayon na kaya kailangan ko ng umalis. Kapag hindi pa ako nakakabalik dito at aalis ka na iwan mo nalang kay Lily para hindi ko mamisplace ulit." "Dadaanan ko nalang mamaya, Salamat." Pahabol pa niya sabay isinara na ng tuluyan ang pinto. Kawawa naman si William. Sa tingin ko ay hindi na siya nakakapagpahinga ng maayos. Halata na rin sa mukha niya ang pagod at puyat. Narinig kong nagriring ang cellphone ko kaya naman mabilis ko 'tong sinagot. 《On the Phone》 Kai: "Oh, bakit?" Tanong ko kay Alec. Alec: "Tracy said you were looking for me? Sorry, my phone is off earlier kaya ngayon ko lang nakita ang missed calls mo." Paliwanag niya. Kai: "May sasabihin sana dapat ako sayo pero saka nalang kapag may free time ka na." Alec: "Is it important?" Kai: "Hindi naman masyado." Alec: "I'll come back right now. Are you at home?" Kai: "Wala ako sa bahay ngayon nasa hospital ako at gabi pa ako uuwi." Pagkatapos kong sabihin yan ay bigla niya nalang akong binabaan ng tawag. ~~~ TRACY'S POV Nasa Tokyo, Japan pa rin kami ngayon ni Mr. Castellano. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa cellphone dahil malayo ako sa kanya pero nang makita kong ibinaba na niya ang tawag ay agad ko siyang nilapitan para madaliin na dahil malalate na kami sa susunod na event na pupuntahan namin. "Sir, naka-landing na po ang chopper, hinihintay na po tayo" Kanina pa naghihintay si Mr. Rey, ang piloto ng private chopper niya. "What's my next schedule?" Tanong niya nang makapasok na kami sa loob ng elevator paakyat ng rooftop ng building kung saan ginanap ang event dito sa Tokyo. "May two events pa po kayong pupuntahan. After po nitong sa Bangkok, mamayang 6:00-7:00 pm meron pa kayo sa Vietnam." Paalala ko sa kanya ng mga schedules niya pagkatapos ko itong tingnan sa appointment app ko sa ipad. "Let's go back to the Philippines." "Opo, sir, babalik po agad tayo sa pilipinas pagkatapos ng event sa Vietnam." Sagot ko sa kanya dahil hindi naman talaga kami magsstay sa Vietnam after ng event, uuwi kami agad. "I mean, this instant." Napahigpit ang hawak ko sa ipad ko dahil kahit hindi niya diretsong sabihin ay alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin, nagpapakansel nanaman siya ng mga schedules niya. Mai-stress nanaman ako sa pagpapaliwanag sa mga business partners niya sa biglaan niyang pagkansel. Okay lang sana kung english magsalita pero sariling lingguwahe nila yung ginagamit nila. "But, Sir, Mr. Pui in Bangkok and Mr. Hoâng in Vietnam are looking forward to seeing you at their events. Actually hinahanap na po kayo ni Mr. Pui pero sinabi ko sa sekretarya niya na malalate lang tayo ng konti." Special guest pa naman din siya ulit sa dalawang events na pupuntahan namin. "Tell Rey to land on the Northern Care Hospital rooftop." May sakit ba siya kaya siya nagmamadaling bumalik sa pilipinas? "But, Sir--" Pipilitin ko sana siya pero pinigil niya ako. "Tracy, just do what I told you to do. Don't worry about Mr. Pui and Mr. Hoâng. I will talk to them later." Minsan niya lang banggitin ang pangalan ko kapag kausap niya ako kaya kapag binanggit niya na ang pangalan ko ay dapat na akong kabahan at matakot. Ayoko pa mawalan ng trabaho kaya hindi ko na siya pipilitin. "Okay, Sir, but as far as I know wala po kayong schedule ngayon sa hospital. May sakit po ba kayo?" Nag-aalala kong tanong bilang sekretarya niya. Biglang bumukas ang elevator nang nasa rooftop na kami kaya dumiretso na itong sumakay sa chopper at hindi na ako sinagot. Pagkatapos kong kausapin si Mr. Rey ay sumakay na rin ako sa chopper. May mga kinausap muna si Mr. Rey sa two-way radio bago niya paliparin ang chopper. Hindi ko naintindihan kung ano ang mga sinabi niya kasi parang mga codes ang ginamit niya pero ang naintindihan ko lang ay parang nag-inform siya na lalanding kami sa hospital na sinasabi ni Mr. Castellano. 《Northern Care Hospital》 After four hours ay narating na namin ang hospital na sinasabi ni Mr. Castellano. Mabilis itong bumaba sa chopper kaya naman sinundan ko agad siya. "You can go home." Sabi niya sa malakas niyang boses dahil maingay ang chopper. "I will accompany you, Sir." Pasigaw kong sagot dahil sa ingay ng chopper. Baka kung ano ang mangyari sa kanya, mabuti na't alalayanan ko siya bilang parte pa naman 'to ng trabaho ko. "Hindi na. I'm not sick, susunduin ko lang si Kai." Jusko! Akala ko pa naman may sakit siya kaya siya nagmamadaling umuwi. "May nangyari po ba kay Miss Kai?" Usisa ko dahil wala akong ideya kung bakit nasa hospital si Miss Kai. Hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy ang paglalakad. Si Miss Kai na nga lang ang tatanungin ko mamaya sa text para matanong kung okay lang siya. "Magpapahintay pa po kayo kay Mr. Rey, Sir?" Sunod kong tanong habang sinusundan siya ng patakbong-lakad dahil mabilis itong maglakad. Pumasok muna ito sa elevator bago magsalita. "You two can go home, work is over." Pagkatapos niyang sabihin 'to ay sumara na ang pinto ng elevator. Pinapauwi niya na ako kaya sa tingin ko ay hindi na siya pupunta sa Castellano Corporation. Napapansin ko rin na napapadalas na ang pagwork from home niya. Dati kahit madaling araw na nasa Castellano Corporation pa siya. Sa tagal kong naging sekretarya ni Mr. Castellano, ngayon ko lang siya nakitang nainlove. Ganito pala mainlove ang isang Mr. Castellano, willing magkansel ng mga important schedules niya para sunduin ka lang. Knowing Mr. Castellano, business first siya palagi, never pa siya nagkansel ng mga schedules niya before kahit anong mangyari, kahit may sakit siya, at umaraw man o bumagyo. Ganyan siya ka-workaholic na tao kaya naman hindi ko maiwasang hindi kiligin para kay Miss Kai. Sana all nalang talaga, Miss Kai! KAI'S POV Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang pinto ng hospital room ni Lily at iniluwa dito si Alec. "Anong ginagawa mo dito, 'diba nasa Japan kayo?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay dumiretso ito sa couch at may parang kinakapa siya sa ilalim nun. "Someone is eavesdropping on your conversations." Sabi nito habang tinataas ang hintuturo niyang may nakadikit na sobrang liit na bagay, mas maliit pa sa butones. "Ano ba yan?" Taka kong tanong. "Bugs. It's a listening device used for spying. Whoever installed this already heard your multiple real-time conversations." Sabi niya habang dinudurog ng daliri niya ang sinasabi niyang 'bugs' "Sino naman ang nageespiya saamin?" Wala naman kaming kaaway ni Lily. "That's what I want to ask. Sinu-sino ba ang nakakalabas at pumapasok dito?" Sabi niya habang naglalakad papalapit sa pwesto ko. "Mga nurse at doctor, si manang na Janitor, si manang na nagpapalit ng bedsheets ko, si ateng na naghahatid ng pagkain ko, si William, si ate Nicole, at kami lang naman po ni Ate." Sagot naman ni Lily sa kanya. "Pero, ate, naalala mo nung nagmadaling umalis si ate Nicole dahil sabi niya may emergency, bumalik pa siya rito nung araw na yun. Hindi ko siya pinagbibintangan ha, pero galing ako sa labas nun tapos pagbalik ko nakita ko siyang inaangat ang couch tapos nang makita niya ako ay bigla itong nabalisa sabay tumakbo na palabas na hindi na ako pinansin." Dagdag pa ni Lily. Wala naman akong makitang dahilan para espiyahan kami ni Nicole, baka nagkataon lang yung nakita ni Lily. Baka may hinanap lang siya nung time na yun. "Paano mo pala nalaman na may nakikinig sa usapan namin? Tsaka alam na alam mo pa kung saan eksaktong nakalagay ang bugs na yun sa dinami-rami ng gamit dito." Tanong ko kay Alec at binigyan siya ng may pagdududang tingin. Alam kong expert si Alec sa mga ganito kaya madali lang sa kanyang tukuyin yang bugs na yan pero diko parin maiwasang pagdudahan siya dahil baka ineespiyahan niya ako. Hindi naman sa pagiging assuming pero baka binabantayan niya ang usapan namin ni William. "Are you suspecting me?" Nagsalubong ang mga kilay nito. "Oo nga, ate, bakit naman gagawin yan ni Mr. Castellano?" Wala lang, bigla lang talaga pumasok sa isip ko. "When we were talking on the phone earlier, I heard a weird buzzing, and I knew it came from the bugs. When I entered here, since the floor was shiny, I saw a refraction of light coming from that bugs under the couch, so I immediately knew where it was." Hindi ko naiwasang mapahanga lalo sa kanya dahil biruin mo sa cellphone niya lang narinig ang kakaibang ugong na yun pero natukoy niya agad na sa bugs galing yun kahit pwede niya namang isipin na vibrate lang yun ng phone o tunog ng mini-fridge ni Lily tapos idagdag mo pa ang ingay ng mga medical devices dito. Mahirap tukuyin yun ha kaya hindi ko siya maiwasang pagdudahan, e. "Tsaka, ate, pangalawang beses palang si Mr. Castellano nagpunta rito. Unang punta niya ay marami tayo dito. Andito ka, ako, sina Draco, Blaze, pati si ate Nicole at William nandito rin, so, paano niya inilagay yun nang hindi natin siya nakita?" Pagtatanggol niya kay Alec. Lily, kung alam mo lang, sisiw lang ang mga ganyan kay Alec. "Tapos ngayon palang ang pangalawang punta niya, so, paanong siya ang naglagay ng bugs na yun?" Dagdag pa niya. "Yeah, right. And based on my expertise, the bugs were just installed a few weeks ago." Pagsuporta ni Alec sa sinabi ni Lily. Pinagtutulungan ako ng dalawang 'to ha. Sino kaya ang possibleng maglagay ng bugs na yun at ano naman ang mahihita niya sa pakikinig ng usapan namin ni Lily?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD