CHAPTER 20: HER PROPOSITION

3714 Words
KAI'S POV Hatak-hatak ko ngayon ang maleta ko sa hallway papunta sa home office ni Alec para makapagpaalam na. Nang marating ko ang pinto ng opisina niya agad ko itong binuksan na hindi na kumatok dahil nasanay na akong gawin 'to. Wala sa sariling nabitawan ko ang maleta ko nang makita ko na magkalapat ang mga labi nina Alec at Kate. Nakatayo sila, si Alec ay nakaharap sa direksyon ko at si Kate naman ay nakatalikod sa'kin habang nakahawak 'to sa magkabilang braso ni Alec at nakatingkayad. "S-sorry, hindi ko alam." Paumanhin ko sabay tarantang dinampot ang maleta ko at sinarado ang pinto nang magtama ang mga mata namin ni Alec. Paalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Kate. Nakaayos ito kaya sa tingin ko ay ngayon ang alis niya para sa health check niya sa black house. "Aalis kana?" Tanong ni Kate sa'kin habang tinititigan ako nito ng taas-baba. May nagawa ba ako sa kanya kaya ganito nalang siya makatingin sa'kin? "Oo. Ngayon health check mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya pero hindi niya ako sinagot at umalis na. Pagpasok ko sa loob ng opisina ni Alec ay katahimikan ang namayani sa'ming dalawa. Nakapako ang mga tingin nito sa bitbit kong maleta. "Aalis na ako." Pagbasag ko sa katahimikan. "Where are you going?" Tanong nito habang naglalakad papalapit sa'kin. "Sabi mo malaya akong makakaalis kung kailan ko gusto, ngayon na ako aalis. Magreresign na ako." "You're not leaving, Kai." Mariin nitong sambit. "No, whether you like it or not, I will leave, Alec." Mariin ko ring sambit sa kanya. "Wag mo na rin akong guluhin pagkatapos nito." Dagdag ko pa. Ano ba 'tong sinasabi ko? Wala naman 'to sa plano. Nakita ko lang sina Kate at Alec ay pakiramdam ko ay umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo. "Are you suggesting I forget about you?" Salubong na salubong ang mga kilay nito. "Hangga't maaari, oo." Hindi ko makatinging sagot sa kanya. "What the f**k, Kai! Ayaw nga kitang paalisin tapos sasabihin mong kalimutan pa kita?" Tumaas ang tono ng boses niya kaya naman napatalon ako ng bahagya sa gulat. Bigla niya akong niyakap sabay hinahaplos ang buhok ko bago magsalita. "I'm sorry for yelling, but what's the problem, really? I thought we were okay. Why are you acting this way?" Mahinahon niyang sambit habang nakayakap parin sa'kin. "We're okay, but I have a proposition for you." Sabi ko habang tinatanggal ang pagkakayap niya sa'kin sabay sumandal ako sa office desk niya. Kitang-kita ko sa mukha nito ang pagtataka kaya naman itinuloy ko na ang sasabihin ko. "How would you like if I give you a chance to think?" Diretsahan kong tanong sa kanya. Deja vu ba, mga mare? Actually ginaya ko talaga si Alec noon sa proposition rin niya sa'kin dati. We started with a proposition, so I want this to end with a proposition also. "Think about what?" Taka naman niyang tanong. "Hindi naman pwedeng dalawa kami ni Kate ang ibabahay mo, ayoko ng ganung set-up, Alec." "What the hell are you talking about, Kai?" Hindi makapaniwalang reaksyon nito sa sinabi ko. "I already told you I would send Kate to her relatives. Just give me time, sweetheart." Sabi nito sa mahinahong boses. "Noong tinanong kita na baka naman nalilito ka lang. Baka nasanay ka lang sa presensya ko at naninibago ka lang kay Kate kaya nasabi mong ako ang hindi mo kayang i-let go, hindi ka nakasagot nun." "Ayokong magsisi ka sa huli, Alec, kaya bibigyan kita ng oras na makapag-isip kung sino ba talaga saamin ni Kate ang gusto mong manatili sa buhay mo." "Bibigyan kita ng limang buwan para makapag-isip, Alec. Gusto kitang i-test kung willing ka parin bang piliin ako at i-let go si Kate kapag hindi mo na palagi nararamdaman ang presensya ko. Sa loob ng limang buwan hindi ako magpapakita sayo kaya dapat huwag na wag mo rin akong puntahan sa hospital, sa trabaho ko, at sa bahay dahil kapag ginawa mo yan tuluyan na akong lalayo sa'yo." Strikto kong paalala sa kanya. Sarkastikong ngumiti ito bago magsalita. "What the f*****g nonsense is that, Kai? I won't buy your nonsense, sweetheart, so better stop it." "Hindi nonsense yan, Alec. Importante sa'kin yan. Gusto kong malaman kung willing ka parin bang piliin ako kahit wala na ako sa buhay mo habang si Kate lang ang palaging nasa tabi mo. Dyan ko malalaman kung talagang seryoso ka sa'kin at kung talagang totoo ngang handa mo akong piliin over Kate." "And then what?" Naiinis nitong tanong. Mukhang pinipilit niya nalang ang sarili niyang pakinggan ang mga sinasabi ko. "I will come to where you are after five months to know your decision. Kung si Kate ang pipiliin mo buong puso kong tatanggapin at kalimutan na natin ang isa't isa para sa ikaaayos ng lahat. Kung ako naman ang pipiliin mo, you can have me. I will be your woman. You can own me. I will live with you." Pangangako ko sa kanya. "Why would I wait for five f*****g months just to be with my girlfriend?" His girlfriend? Ako? Kailan pa? "Just listen to me, Alec." Inis kong sabi sa kanya. "No, I won't wait that long. If brute force is the only way you will stay with me, I will. If I have to lock you up so that you won't leave by my side, I will." Salubong kilay niyang sabi. Alam kong kaya niyang totohanin ang sinabi niya dahil kung gugustuhin niya ay ngayon palang siguradong hindi na ako makakalabas sa poder niya kaya hindi ko maiwasang matakot pero kailangan kong manindigan para sa kaayusan naming dalawa. "Sure, you're capable of doing that pero wag na wag mo akong daanin sa dahas mo, Alec, dahil kapag ginawa mo yan lalayo lang ang loob ko sayo." Buong tapang kong sagot sa kanya kahit nakaramdam na ako ng panginginig ng kamay ko. "Gusto kita pero kapag ginawa mo yan hindi ako magdadalawang isip na kalimutan ang nararamdaman ko para sayo. Kapag ginawa mo yan baka imbes na mahalin kita ay puro galit nalang ang matitirang mararamdaman ko para sayo." Ayokong sasama ang loob ko sa kanya kaya pinipigilan ko siyang wag niyang gawin ang binabalak niyang gawin sa'kin. "I swear, hindi ako mapapasayo sa dahas na paraan, Alec. Kaya please lang naman kung may pakialam ka pa sa mga sinasabi ko, please lang, pakinggan mo ako dahil ayokong magkasira tayong dalawa. Gustong-gusto kita mahalin, Alec. Gustong-gusto rin kitang mapasaakin kaya ayokong mapalitan lahat yan ng galit." "Okay, if you're not yet ready to live with me, you can leave this house now. I will let you do so, but at least allow me to see you often. Forget about your five-f*****g-month thing." "I already told you the purpose of those five months, Alec-to let you think. And I already explained why you're not allowed to see me in a span of five months. Hindi mo ba nagegets yung mga points ko o ayaw mo lang talaga akong pakinggan at gusto mo yung gusto mo lang ang masusunod?" "Tsaka ipaalala ko lang sayo, Alec, I am not your girlfriend yet, kaya wag kang masyadong mapag-angkin. Hindi ako easy to get 'no, kaya kung ayaw mo tanggapin ang proposition ko wag kanang umasa na magiging girlfriend mo pa ako. Hinding-hindi ako mapapasayo, Alec, kahit anong gawin mo kapag pinalagpas mo 'tong pagkakataong binibigay ko sayo. " Pagbabanta ko sa kanya. "And you're threatening me now! You really knew my weakness, huh. I can't believe you're doing this to me, Kai." Umiiling-iling pa niyang sabi. "Alam mo bang binabalak kong magpakalayo-layo at hindi na magpakita sayo habang buhay pagkatapos nito para hindi na ako makagulo sa inyo ni Kate? At alam mo bang kahit gustong-gusto kita ay willing ako ipaubaya ka kay Kate? I bet you don't know that, kasi wala naman akong balak na ipaalam pa dapat sayo yan. Pero dahil gusto kong bigyan ng chance yung 'tayo', imbes na igive-up nalang kita basta-basta ay mas pinili kong bigyan pa kita ng chance. Mas pinili kong bigyan ka muna ng panahon na makapag-isip at iklaro mo muna ang nararamdaman mo dahil tinuruan mo akong ipagdamot ka, Alec." "Tinuruan mo akong maging selfish pagdating sayo kaya naman binibigyan kita ng panahon na makapag-isip pa at pumili dahil kung maging akin ka man ayokong may kaagaw. Ayokong dalawa kami ni Kate ang nasa puso mo. Gusto ko ako lang, gusto ko akin ka lang." Pagtutuloy ko ng sinabi ko. "My woman has just unleashed her inner possessiveness towards me. I like that." Nakangiti nitong sabi. "Sinabi ko ng hindi mo pa ako girlfriend, e, ang kulit mo ha. I am not your woman yet, Alec." Pagtataray ko sa kanya. Lumapit ito sa'kin at ipinulupot ang isa niyang braso sa bewang ko sabay hinikit ako papalapit sa kanya. Nilagay niya ang hintuturo niya sa ilalalim ng baba ko para gamitin pang-angat sa ulo ko sabay lapit ng labi nito sa labi ko bago magsalita. Our lips is just centimeters away. "When you gave yourself to me that night, you were already mine, sweetheart. So, don't you dare date anyone else until our deal is over. Got it?" Sabi niya sa malalim at nakakaakit niyang boses. Binigyan muna ako nito ng peck kiss bago ako bitawan at naglakad patungong office chair. "I will f*****g kill every damn man who tries to date you, so behave yourself, sweetheart, while I'm not around if you don't want me to kill innocent people." Seryoso niyang paalala sa'kin habang umuupo sa office chair niya. Humarap ako sa kanya saka ipinatong ang kamay ko sa desk niya bago magsalita. "Ibig sabihin pumapayag ka na?" Masaya kong tanong sa kanya. "If that's what makes you happy, then yes. I will consider your proposition." Sabi niya habang binubuksan ang laptop niya. Malakas ang kutob ko na hindi niya senesersoyo ang proposition ko sa kanya. Pakiramdam ko ay pinagbibigyan niya lang ako sa gusto ko. "Okay, dahil madali kang kausap at nahahabaan ka sa five months, babawasan ko nalang ng two months. I will come to where you are after three months to know your decision. Take it or leave it?" "Five months or three months. There's no difference between them. Both will feel like forever to me if I have to wait for you, sweetheart. So, whatever your decision is, I'm fine with it. Just make sure you come back to me." Ito nanaman ang pisnge kong parang sinisilaban. "Okay, final na, three months. And whatever happens, Alec, I promise I will comeback just to know your decision." Paninigurado ko sa kanya. "Ngayon ka na ba aalis? Ihahatid na kita." Sabi niya habang sinasara ang laptop niya. "Kakausapin ko pa si Blaze, magpapaalam pa ako sa kanya." Kinuha niya ang maleta ko sabay siya na ang nagbitbit nito patungo sa kwarto ni Blaze. "Mommy Kai and Paps, saan kayo pupunta?" Tanong nito nang makita ang maleta ko. "Anong ginagawa mo, bakit parang problemado ka dyan?" Tanong ko kay Blaze habang umuupo sa tabi niya na parang namomroblema sa assignment niya. "We are ask po to name the animals in zoophonics alphabet and naguguluhan po ako sa letter V dahil ang nakalagay sa picture sa letter V is paniki." Kahit hindi na magexplain si Blaze ay alam ko na ang itatanong niya dahil yan din ang madalas na itanong ng mga students ko dati. Naguguluhan sila sa part na yan. "'Diba po paniki is Bat? BAT is for letter B. But why po nasa letter V siya? Wrong naman po kapag VAT kasi look at the picture, mommy, 'diba paniki po yan? It should be BAT not VAT." Kunot-noo niyang tanong. "Yes, baby, you're right, it's BAT, not VAT, but in zoophonics, the name of that bat is called VINCENT VAMPIRE BAT kaya nasa V siya nakalagay hindi sa B." Paliwanag ko sa kanya. "Ahhh, the Bat's name is VINCENT kaya nasa V siya. Gets ko na, mommy. And mommy can you give me a technique to memorize it faster? Hindi po kasi ako magaling sa memorization and tatawagin kami bukas isa-isa to recite it in front of the class." "You know what, para madali mong makabisado, you should sing it with actions." "How po, mommy?" Curious niyang tanong. "Like this, baby..." Sabi ko pagkatapos kong tumayo. I cleared my throat first bago ako magsimulang kumanta with actions. "Allie, Bubba, Catina Cat, Deedee Deer and Elephant, Francy Fish and Gordo, too. They all live at the zoo~" "Stand up, baby, gayahin mo si mommy." Pagaakay ko kay Blaze kaya mabilis naman itong tumayo sa kama niya. "Honey Horse and Inny-who? Jellyfish and Kangaroo, Lizzy, Missy, Nigel, too. They all live at the zoo~" "Olive Octopus is sweet. Peewee Penguin's tux is neat. Queeny Quail, her babies,too. They all live at the zoo~" "This is so fun, mommy!" Masayang sambit niya kahit minsan hindi niya ako masundan sa actions na ginagawa ko. "Yeah, right. Keep copying me, baby." Masaya kong sabi sa kanya. "Robby Rabbit in no stew. Sammy Snake and Timmy, too. Umber,Vincent, what a crew. They all live at the zoo~" "Letter W to Z...Let's go, baby!" Pang-aakay ko ulit kay Blaze dahil nalito na siya kung anong sunod na letter at nahihirapan na siyang sumabay sa pagkanta at sa actions. "Willy Weasel, Xavier Fox, Yancy Yak just talks and talks. Zeke the Zebra welcomes you. Come meet us at the zoo~" "Mommy, I'm shy na, pinagtatawanan tayo ni Paps." Sabi ni Blaze nang makita niya si Alec na nagpipigil ng tawa habang nakasandal 'to sa pinto na nakahalukipkip. "Hayaan mo siya. Last line, baby...sing with me." "Zeke the Zebra welcomes you. Come meet us at the zoo~" "Ang saya, mommy!" Sabi niya habang tumatalon-talon sa kama niya. "You can search that on youtube para masabayan mo." Bilin ko sa kanya. "Sayo nalang po ako sasabay, mommy. Sleep over ka dito sa room ko, mommy." Paglalambing niya. Tumingin ako kay Alec sabay sambit ng walang tunog na 'tulungan mo ako' pero binigyan lang ako nito ng kibit-balikat. Pinandidilatan ko na siya ng mata at masama na ang tingin ko sa kanya pero nginingitian lang niya ako. Ayaw niya talaga akong tulungan magpaalam sa anak niya ha. May araw ka rin sa'kin, Alec. "Blaze...hindi ba alam mo naman na hinired lang ako ni paps mo para maging mommy mo?" Panimula kong paliwanag sa kanya. "Opo, mommy." "Tapos 'diba sinabi ko rin sayo na pumayag lang ako kasi need ni mommy ng big amount of money para kay tita Lily kasi 'diba she's sick?" "Yes po, mommy. Natatandaan ko po." Napakamaintindihin ng batang 'to. Hindi manlang siya nagalit o nagtampo sa'kin nung sinabi ko sa kanya yan. "Ngayon medyo okay na si tita Lily, she's getting well, kaya naman nagreresign na si mommy ngayon. Kailangan na ni mommy bumalik sa dati kong buhay." "Pero, mommy, you said pwede kitang maging mommy for a lifetime. Kapag umalis ka dito wala na akong mommy Kai." Nangilid ang luha nito kaya naman nakaramdam rin ako ng init sa mga mata ko. "Baby, aalis lang ako dito sa bahay niyo pero pwede mo pa rin naman akong maging mommy. Tsaka 'diba sinabi ko sayo na teacher rin ako sa learning center na pinapasukan mo? Magkikita naman tayo dun kasi magwowork na ulit dun si mommy. Isa pa may mommy Kate ka pa naman na nandito. Hindi kasi pwedeng dalawa kaming mommy mo ang titira dito." Paliwanag ko habang hinahawakan ang magkabilang kamay niya. "Really? Can I still call you 'mommy' even at school?" Humihikbi nitong sambit. "Oo naman. Kahit saang lugar pa yan kung gusto mo akong tawaging 'mommy' ay okay lang sa'kin kasi parang totoong anak na rin ang turing ko sayo." "And Blaze, please know and always remember that I may be just your fake mom, but my love and care for you as I became your instant mom was all real. Mommy loves you sooo much with no pretensions, and not just because it was my job." Sabi ko kay Blaze habang pinupunasan ang luha niya. "I love you too so much, mommy." Sabi niya sabay yakap sa'kin. "Thank you, Blaze, for being such a wonderful son to me. Thank you for being mommy's knight every time someone tries to hurt me and looks down on me. You filled my heart with overflowing happiness the moment I became your instant mom." "Thank you rin, mommy. Sobrang saya ko po na naging mommy ko kayo. I love mommy Kate pero sana kayo nalang po ang naging mommy ko for real. Mas masarap po ikaw magluto kaysa kay mommy Kate, mas magaling po ikaw mag-alaga kaysa kay mommy Kate." "Blaze, that's not good ha, na pinagko-compare mo kami ni mommy Kate mo. Magkaiba kami ng skills ng mommy Kate mo kaya iba ang paraan ko ng pag-alaga sayo, iba rin ang paraan ng mommy Kate mo. And tsaka 'diba si mommy Kate ay originally hindi talaga marunong magluto? Pero dahil gusto niyang paglutuan kayo, pinag-aaralan niyang magluto." "She's trying her best kaya don't disregard your mommy's Kate effort ha and appreciate it kaya don't forget to thank her also." Nakangiti kong sambit sa kanya. "Okay, mommy." Sabi nito sabay bitaw ng yakap niya sa'kin. "Masaya akong malaman na gusto mo akong maging real mommy at gusto ko ring malaman mo na gusto rin kitang maging real son pero dahil son ka na ni mommy Kate mo at nag-iisa ka lang, sana ay kapag nagkaanak si mommy ay katulad mo na lang na mabait, matalino, pogi, cute, at matapang." "Sana makilala ko rin mommy ang magiging anak mo someday." Sabi nito habang hinahawakan ang mukha ko. "Of course, son, because that was definitely your brother or your sister." Singit ni Alec kaya kita ko sa mukha ni Blaze na naguluhan 'to. Epal talaga 'tong lalaki na 'to, ginugulo yung isip ng anak niya. "Ang ibig sabihin ng paps mo ay 'diba nga ay totoong anak na ang turing ko sayo? So, ang magiging anak ni mommy in the future ay para mo na rin yun kapatid." Pagiiba ko sa sinabi ni Alec. "Yey! Gusto ko po may kapatid, mommy. Gusto ko po little sister." Masaya nitong sambit. "Don't worry, Blaze, ipapakilala ko sayo ang magiging anak ni mommy pati ang magiging husband ni mommy. Gagawin rin kitang ring bearer sa wedding ko tapos iinvite ko rin ang paps mo. Gusto mo ba yun?" Sabi ko habang nakatingin kay Alec para asarin siya kaya naman masama ang tingin nito sa'kin. Kulang nalang ay may lumabas na usok sa tenga at ilong niya. Hindi niya ako tinulungan magpaliwag kanina sa anak niya ha, yan bagay sa kanya. "Sabi mo yan mommy ha. I want to see in you in your wedding dress kaya don't forget to invite us mommy ha. For sure sobrang ganda mo mommy." Sabi nito sabay tumalon-talon ulit sa kama niya. "Osya, sige na, Blaze. Aalis na si mommy. Behave ka always ha at sundin mo ang mga sinasabi sayo ng mommy Kate mo." Paalam ko sa kanya dahil nanguna nang umalis si Alec. "Bye, mommy." Paalam niya sabay halik sa pisnge ako. "Babye, baby." Paalam ko ulit sabay hinalikan rin siya sa pisnge. "Take care always, mommy! See you again soon!" Pahabol niysng sigaw bago ko tuluyang isara ang pinto ng kwarto niya. Nakabukas na ang pinto ng shotgun seat habang si Alec ay nakaupo na sa driver's seat kaya naman pumasok na rin agad ako sa kotse niya sabay isinara ko na yun. "Ay kabayo!" Gulat kong sambit dahil pagkaupo na pagkaupo ko ay dahan-dahang bumababa ang sandalan ng car seat na inuupuan ko at natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa pahigang posisyon na. Nagulat ako nang biglang pumaibabaw sa'kin si Alec habang nakatukod ang isa niyang kamay sa sandalan ng car seat sabay gamit ang isa pa niyang kamay ay pwersahan niyang ibinaba ang pang-ibabang kasuotan ko at ibinuka ang mga hita ko. "A-nong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong habang tinatakpan ko ng kamay ko ang p********e ko na nakabalandra sa harapan niya. "I will make you pregnant right here, right now, to make sure the child that you were talking about is mine." Seryosong sabi nito habang tinatanggal ang butones ng pantalon niya. "H-hindi pa ako ready magkaanak. Madami pa akong gustong gawin sa buhay. J-joke lang yun. Nagbibiro lang ako." Kinakabahan kong paliwanag sa kanya dahil mukhang totohanin niya talaga yung sinasabi niya. Binababa niya na ang zipper ng pantalon niya kaya naman mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay namumutla na ako. Mabilis kong inabot ang butones ng pantalon niya sabay sinara yun ulit. "Sige na sige na. Oo na, anak na natin yung tinutukoy ko at ikaw yung sinasabi kong magiging asawa ko." Pang-uuto ko sa kanya sabay yakap sa bewang niya para hindi na niya ibaba ang pantalon niya. "Good girl, but I was just joking also. Remember? I don't want my cannon to be inside you without your permission and without you asking for it." Ngumiti ito ng nakakaloko. Si Mr. Castellano pa ba 'to? Marunong na siyang magbiro ha. "Pangit mo magjoke! Hindi nakakatawa." Sabi ko sabay bitaw ko sa pagkakayakap ko sa bewang niya. Tumunog ang cellphone niya kaya naman mabilis na 'tong umalis mula sa pagkaibabaw sa'kin at bumalik na siyang umupo sa driver's seat sabay isinara ang zipper niya. May pinindot siya tapos dahan-dahang umangat ulit ang car seat na inuupuan ko kaya habang umaangat 'to ay mabilis ko ring inangat at isinuot ulit ang pang-ibabang kasuotan ko. "Speak." Sabi nito sa maawtoridad niyang boses nang sagotin niya ang tumawag sa cellphone niya. "Just keep tailing her." Sabi ulit nito sabay baba ng tawag. Hindi ako chismosa at usyusera kaya hindi ko na itatanong kung sino ang kausap niya at pinapasundan niya. Bigla nanaman itong tumagilid sakin sabay hawak sa magkabilang bewang ko at nilapit pa ang mukha niya sa mukha ko kaya naman nakaramdam nanaman ako ulit ng kaba. Mabilis akong tumagilid para iiwas ang mukha ko sa mukha niya. "Relax, sweetheart. I'm just going to fasten your seatbelt." Kitang-kita ko sa peripheral vision ko kung paano ngumiti ng nakakaasar ang loko. Masyado na siyang nag-eenjoy sa pang-aasar sa'kin. Makakabawi din ako sa kanya balang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD