CHAPTER 11: PROTECT HER AT ALL COST

3173 Words
DRACO RUSCO HABANG hinahack ko ang lahat ng twitter accounts at f******k pages na nag-repost ng video, pati na ang youtube channels na nag-upload at gumawa ng content tungkol sa nangyaring iskandalo rito kanina sa CC ay nakikinig lang ako sa walang tigil na panenermon ni Boss A sa mga empleyado niya. "I'll fire all of you kung walang kahit isang aaminin sa inyo." Ito raw yung mga empleyado niya na nakanuod sa iskandalong nangyari kanina. "P-Pero, Mr. Castellano, wala talaga sa amin ang nag-upload ng video," nakayukong sagot ng isa sa kanila. "Kahit nga po paglabas ng cell phone namin kanina ay hindi namin ginawa, Mr. Castellano, kaya imposibleng isa sa amin ang nag-upload kasi hindi naman kami nag-video. Nanuod lang po talaga kami kanina," nakayukong paliwanag naman ng isa pa sa kanila. "Nakalimutan ko palang sabihin sayo, Boss A, naka-iPhone 11 Pro Max ang may hawak ng original video at nag-upload nito," sabi ko kaya nagsimulang magtanungan ang mga empleyado kung ano ang mga cell phone nila. "Did you tell that to Rain?" Kasalukuyan din kasing pinipigilan nila Rain sa ground floor ang kahit na isang tao na makalabas dito sa silid ng CC. "Oo, Boss A, sayo ko lang nakaligtaang sabihin." "Can't you pinpoint the location of the uploader?" "Kanina ko pa sinusubukan, Boss A, pero hindi naka-on ang GPS niya." "Wala rin pong naka-iPhone 11 Pro Max sa amin, Mr. Castellano," sabay-sabay na sabi nila. Bumukas ang pinto ng conference room kaya napatingin kami dito. "Nahanap na namin, Boss A," sabi ni Rain habang hawak ang braso ng isang babaeng nakapako lang ang tingin sa sahig. Senenyasan naman ni Boss A si Rain na paupuin ang babae. "Leave." Nagmadali namang umalis ang mga empleyado niya. "Babalik na rin ako sa baba, Boss A," paalam ni Rain saka lumabas ng conference room. "You put my family in danger by uploading that damn video without my consent, so tell me, what did you gain from it?" seryosong tanong ni Boss A sa babae habang umuupo sa upuan niya dito sa conference room. Nagtaas ng tingin ang babae at ngumisi na parang isang baliw. "Maraming nagalit sa asawa mo." "I am now thinking about where I should put you. Should I put you in jail or in a mental hospital?" Kumuha si Boss A ng baril at pinunas-punasan niya ito gamit ng kamay niya sa harap ng babae. "But I think it's much better if I just kill you instead," seryosong sabi niya sabay biglang tinutok ang baril sa babae na ikinaputla naman nito. "H-Hindi ko naman inasahang may gano'ng eksenang mangyayari." Nilapag ni Boss A ang baril niya sa mahabang lamesa nitong conference room. "You're not one of my employees, aren't you?" "Andito lang ako kasi nag-apply ako. Gusto kong makapasok dito sa kompanya mo para araw-araw kitang makita, pero hindi ako natanggap. Alam kong magva-viral ang videong kuha ko dahil sino ba naman ang hindi magugulat kung ang isang Mr. Castellano ay pamilyadong tao na pala? Kaya in-upload ko nalang ang video na 'yon para mapansin mo. At ito na nga, napansin mo ako." Tumawa ang babae na parang isang baliw. "At isa pa, ang pinaka-purpose ko talaga sa pag-upload ng video na 'yon ay para maraming magalit sa asawa mo." "Are you that obsessed with me to the extent that you want her to be hated by the world just because she's my wife?" "Ang kapal kasi ng mukha niyang agawain ka sa amin!" inis na sagot ng babae. "Give me your phone." "Nabura na ng security niyong nagdala sa akin dito yung video sa gallery ko. Matapos din ma-hacked ang f******k account ko ay nawala na yung videong in-upload ko." Lumapit si Boss A sa likuran ng babae. Madiin niyang hinawakan ang baba ng babae na para bang pinipiga iyon. Kulang nalang ay sakalin ni Boss A ang babae, pero mukhang naaarouse pa ito dahil hinahawakan siya ni Boss A. "You will give your phone to me, or we will upload that filthy scandal video of yours?" pananakot ni Boss A sabay pwersahang inilingon ang ulo ng babae sa projector screen kaya mabilis ko namang pinlay ang malaswang video ng babae. "Whew! May pa-porn showing ka pala, Boss A, hindi mo naman ako ininform," biglang salita ni Damon. Ganyan siya kamanyak. Biglang gumigising ang diwa. "PLEASE HUWAG!" gulat na sigaw ng babae. Hindi niya siguro inaasahan. Ako ang nag-hacked sa f******k account niya kanina at naka-upload 'yan, pero naka-private. Bumalik si Boss A sa upuan niya. "Why? Are you ashamed? Are you not proud? It seems like you were enjoying touching yourself," sarkastikong sagot ni Boss A sa kanya. Mukhang hiyang-hiya na ang babae sa ginagawa niyang pagsasariling-sikap sa video kaya pinause ko na 'to. "Based on the expert's eyes, I will rate it three over ten. Very poor performance, Miss. You should practice more." Siraulo talaga 'tong si Damon. Alam niyang makakaoffend siya, pero hindi niya talaga kayang lagyan ng preno ang bunganga niya. "Magpapa-kamatay ako kapag nakita ng maraming tao 'yan. Lalo lang nila akong pagtatawanan, lalaitin, at tatawagin ng kung ano-ano," naluluhang sabi ng babae. Senenyasan ako ni Boss A na i-upload na. "Die," seryosong sabi ni Boss A kasabay ng pag-upload ko ng video sa mismong f******k account ng babae. "You're so f*****g self-centered. Ayaw mong makatanggap ng masasakit na salita galing sa ibang tao, pero ang asawa ko ay gusto mong maraming magalit sa kanya?" dagdag pang sabi ni Boss A. "Nagawa ko lang naman 'yon dahil naiinsecure at nagseselos ako sa kanya." "Well, I can't blame you. Dapat ka naman talagang mainsecure at magselos sa kanya. Want to know why? Because she's way far better than any woman, especially in you." "Sino ang hindi maiinsecure at magseselos sa kanya kung bukod sa natural niyang ganda, mukhang mabait pa. Higit sa lahat ang lalaking pinapangarap namin ay nasa kanya. Mukhang marami pang tao ang may gusto sa kanya, pero ako, I'm all alone. No friends, no family, and especially walang isang Mr. Castellano. She's my complete opposite. Masyado na siyang pinagpala kaya kahit manlang sa pangha-hate sa kanya ay magkaroon ako ng kakampi at ng kasama," pagpapaawa ng babae. Lumapit ulit si Boss A sa babae saka hinawakan niya ito sa braso at sapilitang itinayo. "I get it. Your life is so f*****g miserable, that's why you want my wife to be miserable also, but I'm sorry, she has me, and I will protect her at all cost..." sabi ni Boss A habang kinakapa ang mga bulsa ng babae kaya nagsisimula nanaman itong maarouse. "This is why I'm wasting my time on you," dagdag pang sabi ni Boss A sabay patulak na pinaupo ulit ang babae nang mahanap na niya ang cell phone nito. Hinagis ni Boss A sa akin ang cell phone. "Check her phone. See if she secured a backup copies." Habang kinakalikot ko ang cellphone ng babae ay marami pa akong nakitang hindi kaaya-ayang mga litrato ng mga bahagi ng katawan niya na hindi ko dapat makita at s*x videos. Katulad ng sinabi niya ay binura na ni Rain ang video sa gallery niya, pero may mga kopya pa siya nito na nakalagay sa iba't-ibang apps na pwedeng paglagyan ng video. "Clear na, Boss A," sabi ko saka iniabot pabalik sa babae ang cellphone niya. "Leave," sabi ni Boss A sa babae kaya mabilis naman itong tumayo sa kinauupuan niya. "Wait, Miss," pigil ni Damon sa babae kahit nagmamadali na itong umalis. "Check yourself down there." Tinanggal niya ang malong niyang nakapulupot sa leeg niya at inabot ito sa babae. "Sa tingin ko ay kailangan mo 'to. You're soaking wet." Ngayon ko lang din napansin na basang-basa na ang jeans nito. "S-Salamat," nahihiyang sabi ng babae habang kinukuha ang malong kay Damon. Mabilis din kaagad siyang tumakbo palabas. "Isa nanamang babae ang nabasa ang panty dahil sa kagagawan ng isang Mr. Castellano. Not to mention, hindi lang pala panty dahil pati na rin ang makapal niyang jeans ay nabasa rin. Partida hinawak-hawakan lang siya ni Boss A, ha. Iba talaga ang s*x appeal ng nag-iisang Mr. Castellano. Sana kay Miss Ortega ay umubra din ang s*x appeal na 'yan," panggagago ni Damon kay Boss A, pero hindi siya pinansin nito. "Are you done?" tukoy ni Boss A sa pagbubura ko ng video sa mga social media. "Yes, Boss A, burado na lahat. Hindi lang ang mismong video ang binura ko kundi ang mismong pages na, groups, yt accounts, twitter accounts, group chats at mga personal accounts sa f******k na nagsend at nakatanggap ng video sa mga messengger accounts nila. Sinigurado kong hindi na nila marerecover ang mga accounts and pages nila para talagang sigurado na hindi na kumalat ulit ang video." Nahirapan ako sa ibang accounts kasi naka two-factor authentication at ang iba ay verified pages pa, pero mabuti at nagawan ko pa rin ng paraan. Para nanaman akong nang-mass hack dahil sa ginawa ko kaya hindi na ako magtataka kung ibabalita, at magte-trending ang ginawa ko at tatawagin nanaman akong "Mysterious Mass Hacker." "Good," sabi niya sabay nagmadaling lumabas sa conference room. Andoon pa si Miss Kai at si Blaze sa opisina niya at pinabantayan niya lang ang mga ito kay Boris kasi baka raw tumakas ang dalawa at pumunta sa hospital kaya siguro nagmamadali siya. Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa opisina ni Boss A ay may narinig kaming malalakas na mga boses na pinag-uusapan si Miss Ortega. "Siya na 'yon? Final na talaga? Siya na ang asawa ni Mr. Castellano?" "Ano kayang gayuma ang ginamit niya para makuha si Mr. Castellano?" "Siraan kaya natin siya kay Mr. Castellano para maghiwalay sila. Nanggigil ako sa babaeng 'yon, eh. Ang sarap sabunutan!" "Baka yaya lang siya ng anak ni Mr. Castellano tapos mommy lang ang tawag ng bata sa kanya. Siguradong anak ni Mr. Castellano ang bata, pero ang babae? Hindi niya kamukha ang bata." "O baka naman hindi talaga siya mahal ni Mr. Castellano tapos siya lang 'tong habol nang habol hanggang sa aksidente siyang nabuntis ni Mr. Castellano kaya siya pinakasalan." "Desperadang bitch." "Oo nga, eh, mukhang si ate mo girl ang in love na in love kay Mr. Castellano, eh." "Ako, sa tingin ko, si Mr. Castellano ang in love na in love," sali ni Damon sa usapan nila. Nakatalikod sila at sa sobrang focused nila na pag-usapan si Miss Ortega ay hindi nila kami napansin na kanina pa kami nandito sa likuran nila. Sabay-sabay silang lumingon. "Mr. Castellano/Sir Damon/Sir Draco," kanya-kanya silang sambit sa mga pangalan namin habang nanlalaki ang mga mata nang makita kami. Yumuko sila ng sabay-sabay kay Boss A na matalim ang tingin sa kanila. "Mr. Castellano, pasensya na po." "I'll never let each of you bully my wife behind her back in my company premises ever again. Y'all are fired," sabi ni Boss A saka ipinag-patuloy na namin ang paglalakad. May pito nanamang miyembro ng society ang madadagdag sa listahan ng mga walang trabaho. Pagkarating namin sa opisina ni Boss A ay naabotan namin na nanunuod ng tv sina Miss Ortega. "Wassup, Miss Ortega! Poging Blaze! Long time no see!" Masayang bati ni Damon pagkapasok na pagkapasok namin, pero si Miss Ortega lang ang pumansin sa kanya. Si Blaze kasi ay abala sa paglalaro sa ipad niya. "Uy! Hello! Huwag niyo na ako tawaging "Miss Ortega" masyado kasing pormal. "Kai" nalang," nakangiti niyang sabi sa amin habang kumakaway pa. "Bakit hindi mo kami inimbitahan sa kasal niyo ni Boss A?" pagbibiro ni Damon at nagkunwaring nagtatampo pa ito. Puta! Kadiri magtampo si gago! "Huh?! Kailan ba kami kinasal?" takang-taka at naguguluhan namang tanong ni Kai habang nakakunot ang noo. "Ilang beses ko na kasing narinig sa bibig ni Mr. Castellano na "wife" ka daw niya," panloloko ni Damon kay Kai. Alam niya naman kasing sinasakyan lang ni Boss A ang kung anong alam ng mga tao tungkol kay Kai. "Kailan mo naman narinig na sinabi niya 'yan?" Patol na patol naman si Kai sa kagaguhan nito ni Damon. "Kanina lang sa conference room at sa hallway," natatawang sagot ni Damon. Pinatulan kasi ni Kai ang panggagago niya kaya nag-eenjoy naman siya. "Alec, naman! Imbes na itama mo ang maling impormasyon ng mga tao tungkol sa atin ay ginagatungan mo pa talaga. Gusto mo talaga akong sugudin ng mga obsessed fangirls mo, 'no?" sermon ni Kai kay Boss A. "Kapag nalaman nilang trabaho lang ang pagiging mommy mo kay Blaze, sa tingin mo ba tatantanan ka pa nila na batuhin ng mga mas masasakit pa na salita? I think no. Mas lalo ka lang nilang mamaliitin at lalaitin. Just let them be jealous of you for being my wife. It's way better," sabi ni Boss A habang halos ibuhos na ang lahat ng alcohol sa kamay niya. "Hahayaan ko silang magselos sa akin tapos kapag sinugod ako ng mga obsessed fangirls mo ay ako pa rin ang kawawa sa bandang huli. Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin nila sa akin. Basta sabihin mo nalang sa kanila ang totoo. Ayoko lang na pag-initan nila ako nang dahil sayo." "Tsk." tanging sagot nalang ni Boss A. "Iba ka talaga, Kai! Natatanggal kasi ang angas ng nag-iisang Mr. Castellano pagdating sayo," pang-aasar ni Boris kay Boss A. "Wanna die?" tanong ni Boss A kay Boris habang walang tigil ito sa pag-aalcohol. "Ayoko, Boss A," natatawang sagot naman ni Boris. "Anong nangyari sa Boss A niyo? Maawa naman kayo, kung may alcohol pa kayo ay bigyan niyo naman. Mukha kasing kulang pa ang alcohol niya, eh," sabi ni Kai sa amin nang mapansin niya ang ginagawa ni Boss A. "May hinawakang babae yan, Kai," sumbong ni Damon. "Talaga? Nakahawak naman pala ng babae, pero bakit imbes na matuwa siya ay kulang na lang putulin niya ang kamay niya?" Biglang tinakpan ni Kai ang bibig niya habang nanlalaki ang mga mata. "May virus ba yung babaeng nahawakan niya?" sabi niya kaya humagalpak sa tawa sina Boris at Damon. "Walang virus ang babae, loyal lang talaga 'yan kay Kate. Nawala nga lang ang loyalty niya simula no'ng pumasok ka sa buhay niya. Ngayon loyal na siya sa dalawa; sayo at kay Kate," natatawa sabi ni Boris. Hinawakan ni Kai ang mukha niya at ibinaling ang tingin sa tv. Mestisa siya kaya halata ang pamumula niya sa pisngi dahil sa sinabi ni Boris. ■TELEVISION NEWS■ "May kakapasok lamang na balita. Patay na ang leader ng Black Cartels na si Don Juancho pati na rin ang mga kasamang tauhan nito. Alamin natin ang buong detalye sa pag-uulat ni Marie Chu." News Anchor. "Natagpuan ang bangkay ni Don Juancho na leader ng Black Cartels at ng mga tauhan niya dito sa isang port sa batangas kung saan isinagawa nila ang pag-transport ng mga illegal na droga. Ambush ang itinuturong dahilan ng kanilang pagkamatay. Ang sinasabing organisasyon ay ang pareho ring organisasyon na sunod-sunod na naingkwentro ng mga pulis sa sinagawang buy bust operation nitong mga nagdaang araw na nagdulot ng pagkawala ng buhay ng marami nating kapulisan." Field Reporter. "Marie, may idea ka ba kung sino ang mga hero na gumawa nito sa Black Cartels? Tawagin na natin silang "hero" kasi matagal nang sakit sa ulo ng ating mga kapulisan ang organisasyon ng drug syndicate na 'yan. Hindi mahuli-huli kahit na lantad na lantad na ang mga ebidensya at may mga inosenteng mamamayan pa ang nadadamay sa kasamaan nila." News Anchor. "Miss Pia, walang sino mang witness ang makakapagsabi o makakapagturo kung sino itong mga bayaning tumapos sa kasamaan ng Black Cartels." Field Reporter. "Ano itong kuha sa CCTV, Marie?" tukoy ng News Anchor sa CCTV footage na nakaflash sa tv screen. "Ang CCTV footage na iyan ay kuha mula sa lighthouse, Miss Pia. Makikita niyo na ang nakuhanan lamang ay ang ginawang pag-transport ng Black Cartels ng mga illegal na droga sa isang ship at bago magblack out ang CCTV ay makikita sa reaksyon ng mga miyembro ng Black Cartels na mukhang hindi nila inaasahan ang sorpresang pag-atake sa kanila. Ayon sa mga puli at iba pang imbestigador na nagpunta rito ay wala rin silang makuha na malinaw na ebidensya na makakapagturo kung sino ang umambush sa Black Cartels." Field Reporter. "So, wala talaga, Marie? Hindi na talaga natin sila makikilala?" News Anchor. "Miss Pia, sa tingin ko ang gumawa ng kabayanihang ito ay ang misteryosong organisasyon na ang tanging ebidensya lang na sadyang iniiwan ay itong barahang ace of spades na kulay bughaw. Nakatusok ang bughaw na barahang ito sa malaking sugat sa dibdib ni Don Juancho at katulad rin ng dati ay wala itong naiwang finger print kaya hindi rin natin matukoy kung sino ang mga ito." Field reporter. "Sa madaling sabi ang mga bayaning ito ay sila pa rin, Marie?" News Anchor. "Gano'n na nga, Miss Pia." "Madaming beses nang nangyari itong mga kabayanihan na ginawa nila, ano? Tinutulungan nila ang ating mga kapulisan na sugpuin ang mga kriminal na may mga malalaking pangalan na hindi mahuli-huli." ■End■ Ilang linggo na naming binalak na ambushin rin ang Black Cartels katulad ng pag-ambush nila kay Boss A, pero nagkaroon kaming tatlo nila Boris at Damon ng biglaang business trips at naging busy rin si Boss A dito sa CC, kaya mabuti ay naisagawa na rin namin ang plano kagabi. "Hero my ass," reklamo ni Boss A. Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag ang organisasyon namin na isang bayani. "Fake news nanaman sila sa part na ginagawa natin ito para tulungan ang mga pulis," komento naman ni Damon. "Malamang magkakamali talaga sila. Wala naman kasi silang ideya na ginagawa niyo ang pagsugpo sa katulad niyo ring kriminal dahil sa kagustuhan niyong makapag-higanti," sabat naman ni Kai habang masamang tinitingnan si Boss A. "What do you want?" iritang tanong ni Boss A kay Kai nang makita niya ito na masama siyang tinititigan. "Wala! Hindi ko lang masikmura na alam ko kung sino ang pumatay sa kanila at kasama ko pa. Sana hindi ko nalang pala nalaman ang tungkol sa madilim niyong mundo at pagkatao," may halong lungkot ang boses niya. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Kai. Bago lang sa kanya ang mga ganitong bagay kaya nahihirapan pa siyang mag-adjust sa amin. "Too late, nalaman mo na. You need to brace yourself while you are with us. Marami ka pang malalaman at makikita na mas mahihirapan kang sikmurain," seryosong sabi ni Damon kay Kai. "Gago ka talaga, pandak! Huwag mo ngang takotin," saway naman ni Boris. "Binibigyan ko lang siya ng babala para hindi na maging ganyan ang reaksyon niya sa susunod." "Pasensya ka na, ha, kung naging gano'n ang reaksyon ko. Hindi ko naman kasi kasalanan na hindi ako sanay na kasama ang mga kriminal na katulad ninyo," sarkastikong sagot ni Kai kay Damon. "Apology accepted," sarkastiko ring sagot ni Damon at kinindatan pa si Kai kaya inirapan naman siya nito. Matapos ang bangayan nilang dalawa ay naging kapansin-pansin ang pananahimik ni Kai sa isang sulok habang tulala lang na nakatingin sa tanawin ng mga nagtataasang building na makikita dito mula sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD