CHAPTER 10: KATE AND KAI

3191 Words
KAILLE ORTEGA KANINA lang umaga ay nakatanggap na ako ng email mula sa bangko na natransfer na ni Alec ang salary ko sa account ko. Ang bilis ng panahon, isang buwan na kaagad ako rito. Fifty thousand pesos ang salary ng mga receptionist sa CC per month kaya ang perang nasa account ko ngayon na sinend ni Alec ay two hundred fifty thousand pesos at parehong halaga rin ang sasahorin ko sa mga susunod pang mga buwan. Tugma ito sa amount na nakalagay sa kontrata at tugma rin ito sa una naming napagkasunduang times five ng salary ng receptionist sa CC ang salary ko. Sa laki ng sahod ko ay ayokong maguilty kapag hindi ko magagampanan ng maayos ang trabaho ko kaya naman pagkatapos kong nagawa ang mga gawaing bahay ay naisipan ko namang magbasa ng libro tungkol sa kung paano maging mabuting ina. Napatigil ako sa pagbabasa nang makita ko si Alec. "May niluto na akong umagahan. Gusto mo bang hainan kita?" panunuyo ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin, pero matagal-tagal na niya rin kasi akong hindi pinapansin at dinadaan-daanan na para bang hindi niya ako nakikita. Minsan ay iniiwasan pa niya ako. "Kape? Gusto mo ng kape?" tanong ko sa kanya matapos niyang ilapag sa sofa ang leather hand bag niya, pero hindi parin niya ako pinansin. Dumirecho lang siya sa may stand ng tv at naghalukay sa drawer no'n. "Hintayin mo ako dito, ha. Titimplahan lang kita ng kape," pangungulit ko sa kanya sabay takbo sa kusina. Pagbalik ko sa sala na dala ang kape niya ay wala na siya rito kaya nagmadali ulit akong bumalik sa kusina para kunin ang lunch box na ginawa ko para sa kanya. Sa kakamadali ko patakbo sa parking area para maabotan ko siya ay hindi na ako nakapagsuot ng tsinelas. Malakas siyang napapreno nang harangan ko ang daanan niya. Kitang-kita ko mula rito ang iritado niyang mukha. Umikot ako papunta sa side ng driver's seat sabay kinatok ko ang bintana nito. Mabuti naman at pinagbuksan niya ako. "Ayaw mong mag-umagahan kaya baonin mo nalang 'to," nakangiting sabi ko habang inaabot ang lunch box sa kanya, pero imbes na kunin ay salubong pa ang mga kilay niya habang tinitingnan ito. "Please be professional. This is not part of your job," seryosong sabi niya kaya dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. "Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at bigla nalang nagbago ang pakikitungo mo sa akin, pero hindi mo ba kayang magkunwari na tanggapin ang mga binibigay ko sayo? Ang dali-dali lang tanggapin. Kukunin mo lang sa akin pero bakit hirap na hirap ka?" "Give that to me so that I can leave already." "Hindi na! Nag-eeffort ako tapos irereject mo lang. Nakakasakit ka na ng damdamin," pagtatampo ko sabay nagmarcha pabalik sa loob ng bahay. "Good morning, mommy!" bati ni Blaze sa akin habang kumakain. Natutuwa ako sa kanya kasi napaka-independent niyang bata. Kumukuha siya ng kakainin niya na siya lang. "Good morning, baby! Wala kang school today, right? Anong gusto mong gawin natin? Gusto mo bang mamasyal tayo?" "Laro tayo ng hide and seek, mommy." "Okay, but let's set a rule. Malaki ang bahay niyo kaya mahihirapan tayong magkahanapan kaya mamimili ka kung saan lang tayong floor maglalaro. Okay lang ba sayo?" "Let's play nalang sa first floor, mommy." "Finish your food first." "Okay, mommy," sagot niya sabay subo. "Baby, alam mo ba kung bakit ang sungit ng paps mo lately?" "Palagi naman po siyang masungit." "Hindi, eh. Iba ang sungit niya nitong mga nakaraan. Hindi niya ako kinakausap at pinapansin." "Baka busy lang si paps, mommy. Minsan kasi kapag pinupuntahan ko siya sa room niya ay wala siya doon tapos kinabukasan ay nadadatnan ko siya sa home office niya. Sa tingin ko hindi na yata natutulog si paps sa sobrang dami niyang work." "Baka nga talagang busy lang siya na kahit pagpansin sa akin ay wala na siyang oras." "Mommy, noong mga nakaraan ay palagi rin siya nasa bahay nila Gino kaya sa tingin ko ay nagplano sila para sa misyon nila kaya busy talaga si paps. At last night lang ay nakita ko siyang papasok sa room niya na maraming talsik ng dugo ang damit at puno rin ng dugo ang kamay niya." Hindi ko nakita si Alec kagabi kaya hindi ko 'yan alam. "Alam mo na ba, baby, kung bakit umuuwi minsan ang paps mo na may mga dugo?" "Boss siya ng Blue Aces, mommy." "Hindi ka nagagalit sa paps mo?" "Inexplain na ni paps sa akin ang lahat at naiintindihan ko naman sila, mommy. Sa tuwing may kumikidnap sa akin ay sinisave nila ako at hindi naman kasing bad guys sina paps katulad ng iba." Binuhat niya ang plato niya at nilagay sa sink. "Tapos na ako kumain, mommy. Laro na tayo," sabi niya kaya matapos kung hugasan ang pinagkainan niya ay umakyat na kami kaagad sa first floor. "Ako nalang ang taya. Magbibilang si mommy ng one to one hundred. Dapat nakatago kana bago mag-one hundred, ha." "Okay, mommy. Close your eyes na," sabi niya sabay takbo. Pagkatapos kong magbilang ay una kong pinuntahan ang kwarto niya at sunod ang playroom niya, pero parehong wala siya doon. Sa kwarto ko at sa kwarto ni Alec ay wala rin siya doon. Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto ng isang kwarto na hindi binuksan dati ni Alec noong hinouse tour niya ako. "Blaze?" tawag ko sa kanya habang kinakapa ang pader kung may switch ba ng ilaw. Nang may makapa ako ay kaagad ko itong pinindot. Mukhang columbarium ang kwarto kaya nanayo ang balahibo ko. Limang vintage cremation urns ang nandito, pero ang mas nakapukaw ng atensyon ko ay ang urns na may litrato sa tabi nito ng isang batang babae kaya naman nilapitan ko ito at pinagmasdan ng maigi. Bumalik kay Blaze ang isip ko nang marinig ko siyang humatching. "Huli ka!" panggugulat ko sa kanya at gulat na gulat naman siya. "Paano mo ako nahanap, mommy?" "Bukod sa pag hatching mo ay nakalimutan mo ring isara ng maigi ang pinto." "Hindi ko ba naisara, mommy?" tanong niya habang lumalabas sa pinagtataguan niya. "Hindi, baby. Tara na't lumabas na tayo rito baka magalit lalo ang paps mo sa akin kapag nalaman niyang pumasok ako rito." "Bawal ka ba daw dito sabi ni paps, mommy?" "Hindi naman niya ako pinagbawalan. Noong tinour kasi ako ng paps mo dito sa bahay niyo ay hindi niya ako dinala rito." Hinawakan niya ang kamay ko sabay lakad papunta sa mga cremation urns kaya nagpatangay nalang ako sa kanya. "Ipakilala kita kay Mommy Kate ko pati sa mga grandpa at sa mga grandma ko." "Sinu-sino sila, baby?" Tinuro niya ang litrato ng babae na umagaw ng atensyon ko kanina. "She's my Mommy Kate." "Siya ang Mommy Kate mo?" "Yes, mommy. Look at her closely. You two have a resemblance. Sabi ni paps ay binigay ni Mommy Kate sa kanya ang litratong 'yan. Fifteen years old lang dyan si Mommy Kate at ayan ang litrato na kinakausap palagi ni paps kapag lonely siya." "Ang ganda at ang charming pala ng Mommy Kate mo noong kabataan niya." "Sabi ni paps mas maganda raw si Mommy Kate noong dalaga na siya. Walang litrato si paps noong dalaga na si Mommy Kate at wala rin silang litrato together kaya hindi ko alam ang face ni Mommy Kate before she died." "Kaninong mga abo naman ang nasa itaas?" tukoy ko sa dalawang urns na walang litratong nakalagay. "The two urns above Mommy Kate's urns belong to her parents. They are my grandpa and grandma on my maternal side." "Ang abo na nasa ibaba, baby, kanino naman ang mga 'yan?" tukoy ko naman dalawang urns na may litratong halatang pinaglumaan na ng panahon. "The two urns beneath Mommy Kate's urns belong to my pap's parents. They are my grandpa and grandma on my paternal side." Kay Don Miguel namana ni Alec ang itsura niya. Pareho sila ng mga mata na kapag tiningnan ka ay manginginig ka sa takot lalong-lalo na kapag sinabayan pa nila ito ng kakila-kilabot na ngisi. "Hello, mommy Kate, grandpas, and grandmas ni Blaze! Ako naman si Kai," nakangiti kong pakilala sa mga abo nila. "Mommy Kai is nice and caring. That's why I love her so much," kausap din ni Blaze sa mga abo nila. "Dahil pinakilala mo ako sa family mo, gusto mo ba puntahan din natin ang kapatid ko para magkita na kayo?" tanong ko. Kinukwento ko lang kasi si Lily sa kanya. "Oo, mommy. Gusto ko! Matagal ko ng gustong mameet si Tita Lily," natutuwa niyang sabi. "Baby, kapag older sayo ang kausap mo gumamit ka ng salitang "po at opo," ha. Tapos tawagin mo rin na "kuya" ang mga tauhan ng paps mo, okay?" "Okay po, mommy." "Very good!" "Magbibihis na ako, mommy." "Sandali lang, baby. Tatawagan ko lang muna ang paps mo. Kailangan natin magpaalam sa kanya," sabi ko sabay kuha ng cell phone ko sa bulsa. "Hindi sinasagot ng paps mo ang tawag ko, baby," sumbong ko kay Blaze. "Puntaha nalang natin siya, mommy. Hindi pa rin po kasi ako nakakapunta doon." "Ha? Bakit naman?" "Ayaw ko po kasi baka maistorbo ko si paps kapag nandoon ako." "Okay lang ba sa kanya na dalhin kita doon?" "Opo naman. Hindi naman sinabi ni paps na bawal ako pumunta doon. Ako lang ang may ayaw." "Sige, magbihis ka na. Pupuntahan ko lang ang Kuya Gino mo para ipagdrive niya tayo." "Paps told me early in the morning that if I needed Kuya Gino, he'd not be in their house today. His other men are out on a mission too today." Ayaw ko na sanang umalis, pero nagpumilit si Blaze kaya naman nagcommute na lang kami. Kaya ito ngayon, pinupunasan ko muna ang tagaktak niyang pawis bago kami pumasok sa CC. "Boss Blaze at Miss Kai, anong ginagawa niyo rito?" tanong ng isang security na miyembro rin ng Blue Aces. "Pupuntahan namin ni mommy si paps, Kuya Rain," sabi niya sabay takbo kaya hinabol ko siya. Hinayaan nalang din kami ng mga security at hindi na sinundan. "Blaze, stop running!" mahinang saway ko sa kanya dahil pinagtitinginan na siya ng mga empleyado rito, pero tuloy pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa may nakabangga siyang babaeng empleyado at natapon pa ang hawak na kape nito sa damit niya. "What the?! Kaninong anak ka ba?! Bakit nakapasok ka dito?!" pasigaw niyang tanong kay Blaze. "Baby, magsorry ka sa kanya." "Ayaw, mommy. Siya naman ang may kasalanan," pagmamatigas ni Blaze. "Sorry, Miss," paumanhin ko nalang sa babae. "Why are you apologizing to her, mommy? As I said, she's at fault. Siya ang hindi tumitingin sa dinadaan niya kasi nakafixed ang eyes niya sa phone niya." "Sa susunod disiplinahin mo 'yang anak mo, ha. Hindi playground ang CC. Atsaka dito ka ba talaga nagtatrabaho? Alam mo namang bawal magdala ng bata dito, hindi ba, o talagang tanga ka lang kasi hindi ka marunong sumunod sa rules and regulations ng kompanya." "Miss, first of all, nagpakumbaba't humingi na ako ng tawad sayo kahit tama ang anak ko na ikaw ang mali kaya imbes na mag-iskandalo ay magsorry ka nalang din. Pangalawa, hindi ako nagtatrabaho dito kaya wag mo akong matawag-tawag na tanga dahil hindi ko naman alam ang mga rules niyo dito." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kung hindi ka empleyado rito ay lumabas ka na dahil bawal ang pulubi dito," pagmamataray niya. Ang kapal ng mukha niya kasing kapal ng makeup niya na tawagin akong pulubi, eh, maayos naman kasi ang pananamit at itsura ko. "Humingi ka nalang ng tawad sa anak ko, Miss, para matapos na. Huwag mo ng habaan ang eksena mo," sabi ko nang mapansin ang dami ng tao na nakapalibot na sa amin ngayon. Para kasing nakamega phone ang bunganga ng babaeng 'to kaya nakakaagaw siya ng atensyon. Dinuro-duro niya ako sa bandang dibdib. "Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo? May magagawa ka ba?" sabi niya habang tinataasan rin ako ng kilay. Sa sobrang taas ay konti nalang aabot na sa hairline niya ang kilay niya. "Wala," sagot ko sa kanya kaya nagtawanan ang mga taong nakapalibot sa amin. Wala naman kasi talaga akong magagawa kung ayaw niya humingi ng tawad. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin kaya hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinagot ko. Biglang tumigil ang tawanan. "Mr. Castellano," rinig kong sunod-sunod na pagbanggit ng mga tao sa pangalan ni Alec kaya napalingon ako. Naggi-give way ang mga tao para kay Alec habang naglalakad siya sa direksyon namin ni Blaze. "Wala siyang magagawa, pero ako meron. You're fired," walang kaemo-emosyon niyang sabi sa babae. "Paps!" bati ni Blaze kay Alec kaya nagulat sila at nagsimulang magbulong-bulungan. "Paps as in papa?" "May anak na pala si Mr. Castellano?" "Siya ba ang asawa niya? Mas maganda pa ako kaysa sa kanya." Kung sino ka man ay sige na, ikaw na ang maganda! "Sorry, baby. Hindi ko alam na anak ka pala ni Mr. Castellano," bait-baitan ng babae. "Apology unaccepted. You called my mommy stupid and a beggar." "Let's talk to my office," mahinahong bulong ni Alec sa akin, pero pakiramdam ko ay galit siya kaya hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nang mapansin niyang hindi ako sumunod sa kanya ay bumalik siya sabay hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit ko ring hinawakan ang kamay ni Blaze gamit ang isa ko pang kamay kasi natatakot ako kay Alec. "The show is over. Magsibalik na kayo sa trabaho niyo kung ayaw niyong mawalan ng trabaho katulad ng babaeng ito," rinig ko pang sabi ni Tracy. Pagkarating namin sa opisina ay binitawan kaagad ni Alec ang kamay ko. "What are you two doing here?" pagalit niyang tanong kaya hinigpitan ko lalo ang kamay ni Blaze. "Kung sinagot mo sana ang mga tawag ko, edi, sana wala kami dito ngayon," paninisi ko sa kanya kahit ang totoo ay natatakot ako sa mood niya ngayon. "Paano kayo nakarating dito?" "We rode a jeepney, paps. It's fun, but it's dusty and crowded. Not to mention, sobrang init rin pala." Tiningnan ako ni Alec ng masama kaya yumuko nalang ako. "It's my fault, paps. Don't blame her, dahil pinilit ko lang si mommy," tanggol ni Blaze sa akin nang makita niya ang tingin sa akin ng ama niya. "Anong kailangan niyong dalawa sa akin?" "Gusto ko lang sanang ipaalam si Blaze kung pwede ko siya isama. Pupuntahan namin si Lily, yung kapatid ko." "I can't drive you two there. I have many important things to do." "Hindi naman kami nagpapahatid sayo. Nagpapaalam lang," sagot ko kaya binato niya ulit ako ng masamang tingin. "Just stay here," mariin niyang sabi. "But I want to meet my Tita Lily, paps." May kumatok sa pinto at biglang bumukas iyon. "Mr. Castellano, you need to see this," sabi ni Tracy sabay dire-direchong pinuntahan si Alec habang hawak ang ipad niya Binigay niya kay Alec ang ipad. "Kalat na sa mga social media platforms ang nangyari ngayon. Pinagkakamalang asawa mo si Miss Kaille at ang mga komento sa kanya ay hindi kaaya-aya," sabi ni Tracy kaya lumapit ako kay Alec at nakisilip sa ipad. Sakto namang nasa comment section na siya kaya nakibasa na rin ako. Habang nagbabasa ay hindi ko maiwasan na hindi masaktan sa mga komento nila sa akin. Nilalait nila ako, minumura, at ang iba ay pinagbabantaan pa ang buhay ko. Ang mas masakit pa ay puro kapwa babae ko mismo ang mga nagkokomento ng masama sa akin. Hindi ko na kinayang magpatuloy pa sa pagbabasa kaya nanahimik nalang akong umupo sa sofa. Binitawan ni Alec ang ipad at salubong ang kilay niyang idinial ang cell phone niya. "Rain, don't let a single person leave this building now. I'll send you the video. Hanapin niyo kung sino ang nag-upload," utos niya sabay baba sa tawag. "Gather all the employees in the conference room, especially the ones who were in on the commotion earlier. I'll go there in a minute," utos niya kay Tracy habang binabalik niya ang ipad nito. "Mr. Castellano, I will also send a message to the f******k pages and the accounts on the other social media platforms that reposted the video, but it will take weeks to completely take down all of it. Kalat na kasi talaga." "Just do what I told you to do, Tracy. Rusco will take care of the problem online." "Mr. Castellano, the woman you got fired from earlier is one of our sommeliers and she's one of our valuable employees." "So?" "Siya po ang laging hinahanap ng mga business partners mo at ng mga bisita natin para magserve sa kanila ng mga wine products natin." "Attitude and skills should be intertwined. You know that, Tracy. That's one of our basic rules and regulations here. And after she treated my family like that in vulgarity, do you think I'll just sit back just because she’s a valuable employee?" "Yes, Mr. Castellano, I know that very well. Nanghihinayang lang talaga ako sa kanya. Tatawagin ko nalang po kayo kapag nasa conference room na lahat ng mga empleyado natin." "Kung ayaw mo payagan si Blaze na sumama sa akin na dalawin si Lily ay ako nalang ang aalis. Dito nalang muna si Blaze. Siguro naman okay lang sayo?" "You're not going anywhere, Kai." "I have three days off a week, remember? Hindi pa ako nakakadalaw sa kapatid ko ngayong week. At isa pa ay anong gagawin ko rito sa opisina mo? Tumunganga?" "Can't you read the situation? You're in danger. Stay here with us." "Kung tungkol 'to sa mga nabasa mong threats sa akin sa comment section kanina ay huwag kang mag-alala dahil kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga obsessed fangirls mo." "What if someone from the underworld kidnaps you and uses you against me? Do you plan to kill me for worrying about you? That's why you're insisting?" "Nag-aalala ka pala sa akin kaya pala wala kang pakialam kahit nasaktan mo ang damdamin ko sa pangrereject mo sa mga efforts ko para sayo. Kaya pala ayos lang sayo na hindi ako pansinin at nagawa mo akong daan-daanan lang na parang hangin kasi nag-aalala ka sa akin. Kakaiba pala mag-alala ang isang Mr. Castellano, parang ayaw ko nalang tuloy mag-alala siya," sarkastiko kong sagot sa kanya. "I'm just securing your safety, pero kung magpupumilit kang umalis, sige, umalis ka. Baka kasi sisisihin mo pa ako kapag naudlot ang pagkikita niyo ng doctor ng kapatid mo." "Oo, sisisihin talaga kita kasi hindi na ako aalis," pang-aasar ko sa kanya kaya para nanaman niya akong sinasaksak ng tingin. Tama siya baka maisip pa akong gamitin ng mga taga-underworld laban sa kanya. Konsensya ko pa kapag ililigtas nanaman niya ako. Wala na sa akin ang atensyon niya dahil bumalik na siya sa pagpirma ng mga papeles. Natural na attractive si Alec, pero mas lalo siyang nagiging attractive kapag nagtatrabaho siya. Nginitian ko muna siya bago ko tarantang inalis ang tingin ko sa kanya sabay nagkunwari akong nakikipindot sa nilalaro ni Blaze nang mahuli niya akong tinititigan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD