CHAPTER 23: SIBLINGS DEAL

3686 Words
NICOLE'S POV 《Back Story》 Northern Care Hospital was originally owned by Mrs. Syco, William's late mother. Alam kong si William na ang nagmamay-ari nito kaya nang sabihin sa'kin na nasa NCH ang aalagaan ko ay mabilis akong tumanggi pero dahil si Mr. Castellano ang kliyente, itong agency ko ay pinagbantaan akong tanggalin sa trabaho kapag hindi ko inalagaan ang pinapaalagaan ni Mr. Castellano, at ito nga ay si Lily. Importante sa'kin ang trabaho ko dahil ito ang unang trabaho ko pagkatapos ng lahat ng ginawa saamin ng pamilya ni William. Ito ang unang trabaho ko simula ng makaramdam ako ng kalayaan mula sa demonyong daddy ni William. Isa pa, nasa promotion list na ako kaya sayang naman ang lahat ng pinaghirapan ko kung matatanggal lang ako. Walong taon na ang nakalipas pero nandito parin ang sugat na iniwan ng pamilya ni William saamin ng mama ko. Sariwa-sariwang parin ito sa isipan ko. Nang malaman ng mommy ni William ang tungkol saamin ni mama ay sinugod niya kami sa bahay na kung saan kami pinatira ng daddy ni William. Hindi ko alam na anak ako sa labas at hindi rin alam ni mama na kabit lang pala siya kaya inosente kami pero sinaktan ng mommy ni William si mama at pinahiya hanggang sa bigla nalang itong inatake sa puso na dahilan ng pagkamatay niya. Nakipaghiwalay si mama sa daddy ni William kaya ginawa niyang miserable ang buhay namin ni mama. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko na siya tinuturing bilang ama ko. Marami itong koneksyon kaya lahat ng inaapplyan namin ni mama, maliit man o malaking kompanya ay hinaharang niya. Hindi niya kami hinayaan na magkaroon ng trabaho para lang bumalik kami sa kanya. Matagal kaming jobless ni mama. Tumira na nga kami sa kalsada dahil pati ang mga kamag-anak namin ay pinamudmudan niya ng pera para wag kaming tanggapin at patirahin ng mga 'to sa bahay nila. Hindi lang yan ang ginawa niya para bumalik kami sa kanya. Lahat ng nagiging step father ko ay pinapapatay niya. Nang hindi parin kami bumalik sa kanya ay sapilitan na niya kaming ibinalik sa poder niya. Nalaman namin ni mama ang tungkol sa pagiging kriminal niya kaya kinulong niya kami ni mama. Para kaming mga kriminal sa isang selda. Saksi mismo ang dalawang mata at tenga ko sa lahat ng mga kademonyohan niya. Noong hindi pa nalaman ng mommy ni William ang tungkol saamin ni mama ay naging mabuting ama naman siya sa'kin at inalagaan niya naman si mama kaya hindi namin akalain na magagawa niya kaming ikulong dahil ramdam kong mahal niya naman kami. Hindi pa siya nakuntento sa pagiging demonyo niya dahil pati ako ay idadamay pa niya sa kawalanghiyaan niya. Ako na sarili niyang anak ay ipinakakasal pa niya sa anak rin ng isang kriminal para sa pansarili niyang interes pero dahil kay William ay hindi natuloy ang kasal. Noong una ay hindi ko alam na kapatid ko siya dahil hindi ko naman 'to nakikita sa tinagal-tagal naming nakakulong sa poder ng daddy niya. Ang sabi sa usap-usapan ng mga kasambahay nila ay nag-aral daw ito abroad pero nang malaman niya ang nangyari sa mama niya ay bumalik 'to. Nalaman niya ang tungkol saamin at nalaman rin niya kung paano namatay ang mama niya kaya simula noon ay kami na ang sinisi niya. He treated us coldly na parang hindi kami ni mama nag-eexist sa mansion nila tapos ang unang beses pa na kinausap niya kami ay kung anu-ano pang masasakit na salita ang bitawan niya saamin. Hindi niya kami sinaktan physically pero yung mga salita niya ay parang mga pana na tumagos sa mga puso namin ni mama. Noong mismong araw na ikakasal na ako sa anak ng kriminal na hindi ko naman gusto ay laking gulat ko na lamang nang tulungan kami ni William na makatakas. Ramdam ko na malaki ang galit ni William saamin kaya hindi ko inasahan na tutulungan niya kami. Ang buong akala ko ay concern siya sa'kin bilang kapatid niya kaya malaki ang pasasalamat ko sa ginawa niya pero mali pala ako dahil ginawa niya lang yun para mawala na kami sa paningin niya. Sinabihan niya kaming magpakalayo-layo, magtago at hindi na magpapakita ulit sa kanya dahil ayaw niyang magkrus ulit ang mga landas namin. Nanumpa pa siya na kapag nagkrus ulit ang mga landas namin ay siguradong sisingilin niya kami sa ginawa niyang pagtulong saamin. Nang makalaya kami ay nagtungo kami sa mga police ngunit dahil sa maimpluwensyang tao ang daddy ni William ay wala ring nangyari kaya sinunod nalang namin ang sinabi ni William na magpakalayo-layo at magtago dahil hindi kami tinigilang hanapin ng daddy niya. Ilang buwan lang ang lumipas nang tulungan kami ni William na makatakas ay nabalitaan nalang namin ang pagkamatay ng daddy niya dahil sa matinding karamdaman. Karma na niya siguro yun sa lahat ng kademonyohan niya. Para kaming nabunutan ng malaking tinik ni mama dahil sa wakas ay tuluyan na kaming malaya mula sa mga kamay ng demonyong daddy ni William. Ang pagkamatay niya ay ang pinakamasayang nangyari sa buhay namin ni mama. Walong taon na ang nakalipas simula ng araw ng kalayaan namin at kahit sariwa parin sa alaala ko ang lahat ng nangyari ay mas pinili nalang namin na enjoyin ang kalayaan na ipinagkaloob ni William saamin pero hindi ko inakala na siya rin pala ang babawi ng kalayaan na 'to dahil lang sa isang deal na hindi na kinaya dalhin ng konsensya ko. Deal na trumigger sa trauma ko. Bago ko tanggapin ang trabaho na aalagaan ko si Lily, ang nasa isip ko ay malaki at malawak ang NCH kaya naman impossible na magkrus ang mga landas namin ni William pero sadyang maliit ang mundo para saamin. Nagulat ako nang una ko siyang makita na nakasuot ng lab coat dahil wala akong alam na doctor rin pala siya sa sarili niyang hospital. Ang buong akala ko ay minamanage niya lang 'to kaya inisip ko na hindi magkukrus ang mga landas namin sa NCH ngunit sadyang pinaglaruan ako ng tadhana dahil bukod pala na siya ang doctor ni Lily ay malapit rin pala siya sa magkapatid. Noong hinila niya ako sa harap nila Miss Kai palabas sa hospital room ni Lily para kausapin, wala akong ibang naramdaman kundi trauma at takot. Mas lalong sumiklab ang trauma at takot na naramdaman ko nang makipagdeal ito sa'kin. Hindi ko inakala na totohanin ni William ang sinabi niyang sisingilin niya kami sa tulong na binigay niya saamin dahil ang inakala ko ay hindi siya magiging katulad ng daddy niya pero wala rin pala siyang pinagkaiba dito. Minana niya ang kademonyohan ng daddy niya. 《Flashback》 "Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko ayokong magkrus ulit ang mga landas natin?" Nag-uumigting ang panga niya sa galit pagpasok namin sa opisina niya sabay binitawan ang braso ko na namula na sa sobrang higpit ng hawak niya rito. "Caregiver ang trabaho ko at hinire ako ni Mr. Castellano na alagaan ang kapatid ng asawa niya." Hindi ko pa kilala ang pangalan ng babae na kapatid ng aalagaan ko kaya tinawag ko nalang 'to na asawa ni Mr. Castellano dahil napunuod ko iyong viral video na nangyari sa Castellano Corporation. "She is not his wife." May diin ang pagkakasabi niya na para bang tutol siya na tawaging mag-asawa ang dalawa kaya nagtaka ako sa naging reaksyon niya. "Pasensya na kung nagkrus ulit ang mga landas natin pero andito lang ako para magtrabaho. Hindi naman kita guguluhin. Kung ayaw mo malaman nila na magkapatid tayo, wag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na ipagsabi yun." "Do you remember what I said? Maniningil ako kapag nagkrus ulit ang mga landas natin. Ngayon ako maniningil, Nicole." "Pero dahil kapatid parin kita, hindi kita basta-basta sisingilin dahil bibigyan pa kita ng chance na bayaran ako sa pamamagitan ng isang deal." May masama akong nararamdaman tungkol sa deal na sinasabi niya kaya nagsimula ng mangatog ang mga kalamnan ko. "Sige, gawin mo ang trabaho mo pero wag na wag kang magsasalita ng masama tungkol sa akin at sa pamilya ko sa aalagaan mo, lalong lalo na sa kapatid niya, kay Kai." Para akong nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan dahil madali lang naman pala ang pinapagawa niya. Wala naman kasi akong balak isiwalat ang kademonyohan ng pamilya niya dahil gusto ko na rin mag-move on. "Bawat isang salita mo ng masama tungkol sa akin o sa pamilya ko na pwedeng ikakawala ng tiwala nila sa'kin ang kapalit ng isang salitang yun ay buhay ng isa ring miyembro ng pamilya mo." "Kaya kung ayaw mo madamay ang tatay-tatayan mo at ang kapatid mo sa kamalasan niyong mag-ina ay mag-ingat ka sa mga sasabihin mo." Hindi ko alam na sobrang updated pala siya sa buhay ko. Alam niyang nagka-step father ako at nagkaroon ng kapatid kaya malamang ay binabantayan niya rin ang bawat galaw namin ni mama. Dahil sa mga sinabi niya ay napagtanto ko na na-minana niya ang kademonyohan ng ama niya. Minana niya ang pagkautak at ugaling kriminal ng daddy niya. Akala ko ay nilihis niya ang landas niya. "Isa ka rin palang kampon ng demonyo. Akala ko iba ka sa daddy mo." "Mabuti nga't hindi ko kayo ng mama mo basta-basta kitilan nalang ng buhay , Nicole, at binibigyan pa kita ng chance. Basta itikom mo lang ang bibig mo wala tayong magiging problema." Wow. Parang gusto niya ay magpasalamat pa ako sa kanya. Palabas na ako ng opisina niya nang may pahabol pa siyang salita. "Ah. Muntik ko na makalimutang sabihin. Gusto lang kitang iinform para hindi ka naman mabigla kapag bigla nalang mawalan ng buhay ang isa sa pamilya mo. Magpapadala ako ng tatlong sniper para sundan ang pamilya mo araw-araw kahit saan man sila magpunta." "Isa para sa mama mo, isa para sa cute mong kapatid, at isa para sa tatay-tatayan mo. I will monitor your mouth, Nicole. Oras na marinig kong may lumabas diyan sa bibig mo na hindi ko magugustuhan, hindi ako magdadalawang isip na bigyan ng go signal ang sniper ko." Wala akong ideya kung bakit importante sa kanya ang tiwala ng magkapatid sa kanya pero kahit ayokong pumayag sa deal ay wala naman akong choice. ~~~ Matagal kaming nakulong ni mama sa mansyon nina William kaya kahit papaano ay may alam ako tungkol sa ugali nito. Ang William na kilala ko ay walang pakialam sa ibang tao kaya malaki ang pagtataka ko nang malaman ko na nagtatrabaho siya bilang doctor sa sarili niyang hospital. Ang mas ipinagtataka ko ay ibang-iba ang trato niya sa magkapatid lalong-lalo na kay Miss Kai. Kahit ang mga kasamahan nila sa mansion dati ay hindi ko nakitaan na trinato niya ang mga 'to na katulad ng trato niya kina Miss Kai. Ang buong akala ko ay ayaw niyang malaman nila Miss Kai na magkapatid kami pero siya pala mismo ang nagsabi dito. Nang simulan namin pag-usapan si William, dala na rin ng emosyon ko ay hindi ko na nakontrol ang mga lumabas sa bibig ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko na warningan sila tungkol kay William. Hindi ko alam kung genuine ba ang lahat ng pinapakitang kabaitan ni William sa kanila o hindi pero gusto ko lang silang balaan, na possibleng may gawin si William sa kanila ngunit mukhang malaki ang tiwala ng magkapatid sa kanya at hindi binigdeal ang warning ko. Nang tawagan ako ni mama na nabaril ang step father ko habang pauwi galing sa palengke ay agad akong nagpaalam kina Miss Kai at sinabi kong may emergency. Sigurado akong si William ang nagpabaril sa step father ko dahil naalala ko ang sinabi niya na araw-araw niyang pasusundan ang pamilya ko sa sniper at aware naman ako na lumabag ako sa usapan namin pero ang ipinagtataka ko ay kung paano niya nalaman. Kaya nga ako confident na warningan sila Miss Kai, dahil ang buong akala ko ay hindi niya naman malalaman. Lingid sa kaalaman ko ay may ininstalled pala itong bugging device sa hospital room ni Lily kaya namomonitor niya ang lahat ng mga lumalabas mula sa bibig ko. 《Flashback》 Pagpasok ko sa opisina niya ay may nakakalat na mga bubog sa buong silid pero hindi ko na inalinta yun kung maapakan ko man o hindi dahil sa sobrang galit ng nararamdaman ko. Prente itong nakaupo sa office chair niya na ipinatong pa ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. Mukhang inaasahan niya ang pagsugod ko sa kanya dahil wala manlang itong reaksyon kahit padabog kong isinara ang pinto at tinumba ko pa ang ilan sa mga kagamitan niya sa opisina. "Walang hiya kang demonyo ka! Mana ka talaga sa tatay mong kampon ng demonyo! Pamilya talaga kayo ng demonyo!" Namamaos kong sigaw habang nanginginig sa galit pero nginisihan lang niya ako ng nakakaloko. "May usapan tayo hindi ba? Hindi ka marunong tumupad sa usapan. Mabuti nga't may awa pa ako kaya ang tatay-tatayan mo lang ang inuna ko." Nakangisi niyang sambit na parang wala lang sa kanya na pinapatay niya ang step father ko. Well, ano pa bang aasahan kong reaksyon sa isang demonyo! "Paano mo nalamang may sinabi ako sa kanya?" Hindi niya ako sinagot bagkus gamit ang daliri ay itinuro lamang niya ang wireless earphone na nakasalampak sa magkabilang tenga niya. Hindi ko nagets kung ano ang tinuturo niya sa tenga niya hanggang sa narealized ko na may pinapakinggan siya mula rito. Pumasok agad sa isip ko na nakikinig siya mula sa isang listening device. "Kailan pa?" "A week ago, after our deal, I had no idea you were this slow-witted. You didn't get me when I said I would monitor your mouth. Poor you." "Narinig mo naman siguro na pinagtanggol ka pa ni Lily. Ibig sabihin hindi nila ang binigdeal ang sinabi ko. Bakit kailangan mo pang patayin ang step father ko?!" Napakabait ng step father ko at marami pa siyang pangarap para saamin. Yung step father ko na mas naging ama pa sa'kin kaysa sa demonyo kong tunay na ama. "A deal is a deal, Nicole." "Demonyo ka talaga! Wala kang konsensya!" Sigaw ko habang may sunod-sunod na luha ang pumatak mula sa mga mata ko. Nilapitan niya ako at bigla nalang sinakal dahilan para mahirapan akong huminga. Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya pero mas lalo pa niya hinigpitan ang pagsakal sa'kin. "Yes, I'm a demon. Kaya kung ayaw mong isunod ko ang pinakamamahal mong kapatid, ang nanay mo, at ikaw, itikom mo yang bibig mo!" Nang tanggalin niya ang pagkakasakal sa akin ay sunod-sunod na ubo ang binitawan ako habang hinahabol ang aking hininga. Muntik na akong sumama sa liwanag kung hindi pa niya ako binitawan kaya naman nakaramdam ako ng ginhawa nung hindi niya ako tinuluyan. "I see, you're scared to death. Don't worry, it's not your time to die yet, my little sister." Sino ba namang hindi matatakot kay kamatayan. Humalakhak siya na parang isa nga siyang tunay na demonyo. Pinaninindigan na niya talaga ang pagiging demonyo. "Kaya ba ayaw mong mawala ang tiwala nila sayo kasi may binabalak kang gawing masama sa kanila?" Napatigil ito sa pagtawa dahil sa sinabi ko. "I am in love with that woman, so do you think she'd still trust me if she knew the real me? I am planning to get her in a good way kaya wag mong sirain ang imahe ko sa kanya!" Bulyaw nito sa'kin. "Ah. Kaya ka pala nagbabait-baitan para magustuhan ka niya pero ang balita ko may gusto rin si Mr. Castellano sa kanya at higit sa lahat bilang babae ramdam kong may nararamdaman rin si Miss Kai sa kanya." "Mawala man ang tiwala niya sayo o hindi, sa tingin ko hindi pa rin siya mapapasayo dahil kahit na sino mang babae ang nasa posisyon ni Miss Kai ay sigurado akong si Mr. Castellano ang pipiliin kaysa sa demonyong katulad mo!" " So, paano ka na? Ano nang gagawin mo, my big brother?" Pangpo-provoke ko sa kanya. Inaasahan kong magagalit siya sabay sasakalin niya ulit ako or worst ay barilin niya nalang ako bigla pero ngumisi pa ito. "They said siblings should be open to each other. Since you're my sister, I will tell you my plan. If I can't get her in a good way, I will get her by force." "By force? Anong binabalak mong gawin kay Miss Kai, William, ha?!" "Her sister is doing better now. So, I will now start to court her, kaya mas itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong mangyari sa kanila ang nangyari sa inyo ng mama mo eight years ago." Napukaw ang trauma ko na gawa ng demonyong daddy niya saamin ni mama dahil sa sinabi niya kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni William ay nawala ako sa sarili at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa loob na ng hospital room ni Lily kaya naisipan kong hanapin ang bugging device na ininstalled ni William. Mabuti nalang at wala si Lily kaya nagkaroon ako ng oras na hanapin yun. Lahat ng mga gamit ay inisa-isa kong tiningnan at inangat. Habang inaangat ko ang couch ay naramdaman kong may bumukas ng pinto kaya naman binitawan ko ito kaagad. Sa sobrang balisa ko ay nablanko ang isip ko na kahit tinitingnan ko na ang taong pumasok ay hindi ko siya makilala kaya tumakbo nalang ako palabas at hindi na pinansin kung sino man ang pumasok. ~~~ 《The Day She Got Shot》 Pagkatapos namin ilibing ang step father ko ay hindi agad ako bumalik sa trabaho dahil inasikaso ko ang pag-alis nina mama at ng kapatid ko papunta sa Amerika para hindi na sila madamay sa gagawin ko. Hindi ako pinatulog ng konsensya ko matapos kong malaman ang binabalak na gawin ni William kay Miss Kai. Dapat niyang malaman ang binabalak ni William sa kanila bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko nahanap ang bugs sa hospital room ni Lily kaya siguradong nandoon pa yun kaya pagkatapos kong ihatid sina mama sa airport ay tinext ko Miss Kai na kitain niya nalang ako sa parke. Binabalak ko na pagkatapos kong masabi ang lahat kay Miss Kai ay susunod ako kina mama. "Kumusta ka, Nicole? May problema ba?" Bungad na tanong ni Miss Kai. Biglang bumalik sa memorya ko ang lahat ng nangyari saamin ni mama eight years ago ng makita ko si Miss Kai kaya bigla akong nawala sa reyalidad. Nakayuko lang ako habang tuloy na umuulit-ulit sa utak ko ang trauma na yun. "Bakit hindi ka nalang dumirecho sa hospital? Gusto ka rin makita ni Lily, hinihintay ka na niya bumalik." Naririnig ko ang mga sinasabi ni Miss Kai pero hindi ko siya magawang sagotin dahil pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. "Nicole, alam kong si Alec ang naghired sayo pero pasensya kana at tinatanggal na kita ngayon. Ako na kasi ang magbabantay at mag-aalaga kay Lily. Itatransfer ko nalang sa bank account mo yung service fee mo. Salamat sa pag-alaga at pagbabantay mo kay Lily." Ayokong mangyari sa kanila ang nangyari saamin ni mama kaya kailangan kong makapagsalita. Tumingin ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang luha ko na pumatak. "Nicole, okay ka lang? Alam kong napalapit ka na kay Lily kaya pasensya kana talaga ha. Kahit gustuhin ko man na magtrabaho ka pa sa'min hanggang sa tuluyang gumaling si Lily ay wala akong pangbayad sayo dahil nagresign na rin ako sa trabaho ko kay Alec at matatagalan pa akong makakabalik sa dati kong trabaho kaya hindi pa talaga kaya ng budget namin para bayaran ang serbisyo mo." Hindi. Dapat siyang bumalik kay Mr. Castellano. Kung nasa poder sila ni Mr. Castellano hindi na maitutuloy ni William ang balak niya sa kanya. Hindi ko man lubos na kilala si Mr. Castellano pero alam kong hindi siya demonyo na katulad ni William at alam kong kaya niyang protektahan ang magkapatid. "Hindi, Miss Kai. Bumalik ka kay Mr. Castellano, isama mo si Lily. Mas safe kayo kapag nasa poder niya kayo. Mapoprotektahan niya kayo laban kay W---" Naramdaman kong may biglang tumama sa bandang dibdib ko na dahilan ng panghihina ng katawan ko at ikinabagsak ko sa lupa. "NICOLE!!!" Rinig ko pa sa malakas na sigaw ni Miss Kai kahit nakikipag-agawan na ako kay kamatayan para sa buhay ko. "Nicole? Nicole?!" Gusto ko pang magsalita pero wala ng ibang lumalabas sa bibig ko kundi puro nalang dugo habang bumibigat na rin ang talukap ko. Sinusundo na ako ng liwanag. WILLIAM'S POV Kitang-kita ang kabuuan ng parke mula dito sa bodega ng hospital na nasa fifth floor kaya naman ipwenesto ko ang sniper rifle sa bintana dito at itinutok ko ito kay Nicole. Pinapakinggan ko ang usapan nila mula sa bugs na nilagay ko sa kwelyo ng polo ni Kai kamakailan lang. "Hindi, Miss Kai. Bumalik ka kay Mr. Castellano, isama mo si Lily. Mas safe kayo kapag nasa poder niya kayo. Mapoprotektahan niya kayo laban kay W---" I shoot her right away bago pa niya masabi ang pangalan ko. She really can't seal her mouth! Kaagad kong ibinalik ang sniper rifle sa lalagyan nito sabay itinago ko na ulit 'to sa bodega. Mabilis akong bumaba patungo sa parking lot ng hospital. Habang binubuksan ko ang pinto ng kotse ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. I knew it, she will call me. "W-William, magpadala ka ng ambulansya dito sa parke. S-si Nicole may bumaril sa kanya." Sabi niya sabay baba ng tawag. Kai's voice is shaking kaya matapos kong tawagan ang nurse na magpadala ng ambulansya sa park ay pinaharurot ko na rin ang sasakyan ko para puntahan siya. Habang nasa sasakyan kami ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Wala akong makitang espesyal sa kanya pero sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Walang babae ang nakakuha ng atensyon ko, tanging siya lang. Falling in love with her was not part of my plan. I'm not supposed to feel this way towards her, but I'm really in love with her. I can't stop myself from desiring her. I want her so badly kaya hindi ako papayag na hindi siya mapunta saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD