CHAPTER 22: ANOTHER MAFIA BOSS

4329 Words
KAI'S POV Gabi na ng makatanggap ako ng text mula kay Nicole na kitain ko raw siya sa parke na malapit lang dito sa hospital dahil may sasabihin daw kasi siya sa'kin. "Lils, lalabas lang ako saglit. Kikitain ko lang ang ate Nicole mo sa park." Paalam ko kay Lily. "Salamat naman at okay si ate Nicole pero bakit sa park, ate? Bakit hindi nalang dito?" Nag-alala kasi kami ni Lily sa kanya dahil matagal siyang hindi nagparamdam. "Hindi ko rin alam. Alis na ako ha. Wag kana lumabas dito sa kwarto mo ha. Matulog ka na, alas siyete na." Habilin ko sa kanya. "Okay, ate. Ingat kayo ni ate Nicole sa labas." Nagmamadali na akong lumabas ng hospital pero ito namang si William nang makasalubong niya ako sa lobby ay hinarang ako. Sa tingin ko galing rin siya sa labas dahil may bitbit itong bulaklak tapos ay nakaporma ito. May date yata siya. "Where are you going?" "Kikitain ko lang si Nicole dyan lang sa parke." "Samahan na kita, gabi na." "Hindi na. May date ka yata baka malate ka pa. Goodluck!" Paalis na ako nang bigla niya akong hawakan sa braso para pigilan. "Sorry for the late invitation but can I ask you out for a romantic dinner tonight?" Tanong ni William habang inaabot sa'kin ang bouquet ng bulaklak. "Sorry, William, pero kumain na ako." Tinanggihan ko siya pero ngumiti pa ito sabay inayos pa ang kwelyo ng suot kong polo shirt. "Okay, hindi nalang dinner. Can you spend the rest of the night with me instead?" Pagbago niya sa tanong niya. "Of course, I will spend the rest of the night with you as a friend." Alam ko kung gaano ka-stress si William these past few weeks kaya baka gusto niya ng kausap at bilang kaibigan niya gusto ko siyang damayan. "Can you stop with your 'friend' card, Kai? I'm asking you out as a man here." Irita nitong sabi. "Kung ayaw mo ng as a friend, I'm sorry, but I have to say no, William. Kanina pa ako hinihintay ni Nicole kaya kailangan ko na talaga umalis." Paalam ko na sa kanya sabay alis na hindi tinanggap ang bulaklak niya. Walang masyadong tao dito sa parke kaya mabilis kong nakita si Nicole na nakatayo malapit sa fountain. "Kumusta ka, Nicole? May problema ba?" Tanong ko kaagad sa kanya dahil simula nung nagpaalam ito na may emergency sa kanila ay hindi na ito bumalik sa hospital at hindi ko rin siya makontak nung mga araw na yun. "Bakit hindi ka nalang dumirecho sa hospital? Gusto ka rin makita ni Lily, hinihintay ka na niya bumalik." Kausap ko sa kanya kasi parang ayaw nito magsalita. Hinintay ko siyang magsalita pero tahimik parin ito at nakayuko lang kaya naman ako nalang ang nagsalita ulit dahil may sasabihin rin talaga ako sa kanya kaya hinihintay ko rin itong bumalik sa hospital. "Nicole, alam kong si Alec ang naghired sayo pero pasensya kana at tinatanggal na kita ngayon. Ako na kasi ang magbabantay at mag-aalaga kay Lily. Itatransfer ko nalang sa bank account mo yung service fee mo. Salamat sa pag-alaga at pagbabantay mo kay Lily." Hindi ko alam kung may masama ba akong nasabi pero bigla itong tumingin sa'kin at napaluha kaya naman kailangan kong ipaliwanag sa kanya kung bakit bigla ko siyang tinatanggalan ng trabaho. "Nicole, okay ka lang? Alam kong napalapit ka na kay Lily kaya pasensya kana talaga ha. Kahit gustuhin ko man na magtrabaho ka pa sa'min hanggang sa tuluyang gumaling si Lily ay wala akong pangbayad sayo dahil nagresign na rin ako sa trabaho ko kay Alec at matatagalan pa akong makakabalik sa dati kong trabaho kaya hindi pa talaga kaya ng budget namin para bayaran ang serbisyo mo." Paliwanag ko sa kanya pero lalo lang nagtuloy-tuloy ang luha niya. Wala naman akong masamang sinabi ah. Bakit siya ganyan? Hindi ko na tuloy alam kung ano pa ang paliwanag na gagawin ko sa kanya. "Hindi, Miss Kai. Bumalik ka kay Mr. Castellano, isama mo si Lily. Mas safe kayo kapag nasa poder niya kayo. Mapoprotektahan niya kayo laban kay W---" "NICOLE!!!" Malakas na sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata sa gulat nang bigla na lamang itong natumba. Kitang-kita ng mga mata ko ang pagtama ng bala sa bandang dibdib niya bago ito bumagsak sa lupa. Katabi lang ng highway ang parke kaya naman nang sumigaw ako ay nakaagaw iyon ng atensyon. Nagsilapitan saamin ang mga tao sabay nagbulong-bulungan imbes na tumulong. Mabilis akong lumuhod sa tabi niya at kahit nanginginig ang kamay ko ay ginamit ko parin itong pangtakip sa tama ng bala para pigilan ang walang pigil na pagdurugo. "Nicole? Nicole?!" Tawag ko sa pangalan niya dahil pumipikit na ito. Marami na rin ang lumalabas na dugo mula sa bibig niya. Meron pa siyang heartbeat kaya naman hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tinanggal ko ang isang kamay ko na nakatakip sa tama ng bala niya sabay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan si William. Ilang minuto lang pagkatapos kong tawagan si William ay may dumating na agad na ambulansya. Pagkatapos isakay ng mga nurse si Nicole sa ambulansya ay pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko. Hindi na ako makatayo mula sa pagkaluhod ko kaya naman nanatili ako sa ganitong posisyon hanggang sa dumating din si William at inalalayan akong tumayo. Tulala lang ako habang tinitingnan ang ambulansya na malayo na mula sa parke. May sinasabi si William pero wala akong maintindihan. Tanging ang tunog lang ng ambulansya ang malinaw sa pandinig ko. Pinaupo ako ni William sa bench dahil nanginginig at naninigas ang buong katawan ko, hindi dahil sa malamig na simoy ng hangin kundi dahil sa nangyari. Maya-maya pa ay may dumating pang mga police at patagal nang patagal parami nang parami na rin ang mga tao. Lumapit ang isang police sa pinaroroonan namin ni William pagkatapos nitong kumausap ng ilang tao. "Sir, kukuhanan lang po namin ng statement si Ma'am. Ang sabi kasi siya ang kasama ng biktima nang binaril 'to." Paalam ng police kay William. "She's now experiencing acute trauma, so I don't think kaya na niyang magbigay ng statement." sabi naman ni William sa police. "Sige, sir, magbibigay po ako ng statement." Nahihirapan akong magsalita pero pinilit ko ang sarili ko para kay Nicole. Para kahit papano ay makatulong ako sa kanya. "Are you sure? You're not okay, Kai. Don't push yourself." Pag-aalala ni William. "Okay na ako." Nakangiti kong sagot kay William para hindi na siya mag-alala. Pagkatapos kong magbigay ng statement sa mga police ay pinasakay na ako ni William sa kotse niya. Pagkatapos kong hugasan ang mga kamay kong may dugo ay pinaandar na niya ang kotse. Habang nakatanaw ako sa labas ay iniisip ko ang sinabi ni Nicole. Wala naman akong maisip na pwedeng magtangka sa buhay namin ni Lily kaya naguguluhan ako sa sinabi niya. Sana ay maging okay siya. "Water?" Alok ni William kaya kinuha ko naman 'to at ininom dahil kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko. "May balita kana ba kay Nicole?" Tanong ko kay William habang binabalik ang takip ng tumbler. "The nurse called me a while ago, she's dead upon arrival." Naramdaman kong uminit ang mga mata ko kaya ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa labas ng bintana. "William, lumagpas na tayo sa hospital." Nakikita ko ang reflection niya sa bintana ng kotse na panay ang sulyap nito sa'kin kaya baka hindi niya napansin na lumagpas na kami. "I know, Kai." Mahinahon niyang sambit. Hinayaan ko nalang baka may pupuntahan lang siya saglit. "Nahihilo ako, William. Ihinto mo muna, nasusuka ako." Uminom lang ako ng tubig tapos nahilo at nasusuka na ako. Palala nang palala na ang pagkahilo ko. Blurred na rin ang vision ko. "I'm sorry, Kai, but you pushed me to do this." "Anong ibig mong sabihin?" Pagkatapos kong sabihin 'to ay tuluyan ng dumilim ang paligid. 《Black House Island》 Pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa malambot na upuan habang kaharap si William na nakaupo rin sa kabilang side sa bilog na table. Sa gitna ng table ay may mga mamahaling kandilang nakalagay habang ang bulaklak na ibinibigay niya sa'kin kanina ay nasa harapan ko. May mga nakakalat rin na pulang petals sa taas ng table sabay meron ding wine at wineglass. Sa sahig ay may mga nakakalat ring petals at nakapalibot samin na mga mamahaling kandila. Sa madaling salita ay pang romantic couple date ang set-up. "I'm sorry if this isn't fancy. This is not the date I've planned." Eh, mukhang planadong-planado nga. Kung hindi 'to ang pinlano niya ano pa kaya ang itsura ng naplano na niya? "Nilagyan mo ng kung ano ang ininom kong tubig para lang dito?" Inis kong sabi sa kanya dahil sigurado akong may nilagay siya sa tubig na ininom ko kaya ako nawalan ng malay. "Didn't I asked you nicely to have a date with me? So don't blame me for doing this to you." Pwenersa na nga niya akong makipagdate sa kanya tapos siya pa ang galit. "Ayoko ngang makipagdate. Bakit namimilit?" Sana hindi 'to malaman ni Alec. Ayokong ipahamak si William dahil lang sa date na 'to. "I don't accept 'no' as an answer, Kai." "What can I do? Kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo. Can't we just remain friends?" "Ito na po yung mga pinaluto niyo." Sabi ng babae na nakapang chef na suot tapos may kasama pa itong tatlong babae na may hawak ring pagkain. "Total andito namana tayo. Sayang naman ang effort mo at mukhang masasarap ang pagkain, sige, let's date as a friend." Nagulat kami ng bigla niya nalang hawiin ang mga kakalapag lang na babasaging plato na may lamang pagkain. Kumalat sa sahig ang mga basag na plato. Ito pa ba ang William na kilala ko? Ibang-iba ang William na kaharap ko ngayon. "Kaibigan. Friends. I'm sick of hearing that from you. I want us to be more than that, Kai. Mahirap ba yan intindihin?" Salubong na salubong ang mga kilay nito habang matalim ang mga titig niya sa'kin kaya naman nakaramdam ako ng takot. "Leave!" Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang sigawan niya ang mga babae kaya nagmadaling lumabas naman ang mga ito kahit na hindi pa nila tapos dampotin ang mga basag na plato sa sahig. "W-William, pwede bang kumalma ka? Tinatakot mo ako. Pwede bang mag-usap tayo ng maayos? Yung hindi sumisigaw." "Tell me, Kai. Why can't you love me?" "Mahal naman kita, William, pero bilang kaibigan lang. Sorry, kung hindi ko kayang ibigay ang gusto mo." "I did everything just to make you love me, Kai." "Did you know that if it weren't for me, your sister would have died a long time ago? Stage four leukemia is rarely curable, Kai. That's why I am giving her special treatment. I'm taking care of her personally because I know how important she is to you and I don't want you to be lonely." Napailing nalang ako sa mga naririnig ko mula sa kanya habang nagsisimulang mangilid ang mga luha ko. "She is on the verge of death just as her chemotherapy is coming to an end. That's why I immediately think of alternative treatments just to save her. I didn't mind how many sleepless nights I had. All I thought was to formulate a treatment that could save your sister." Hindi ko na napigilang sumunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. "Do you want to know what drives me to save her? It was you, Kai, dahil naalala ko ang sinabi mo sa'kin dati na hindi mo priority ang pumasok sa isang relasyon dahil sa kondisyon ng kapatid mo at kung hahayaan ko lang siyang mamatay mas lalong hindi mo iisipin ang sarili mo at mas lalong mapapatagal ang paghihintay ko sayo." "I said I'd wait, and I was still patiently waiting for your sister to be fully recovered so that I could court you, Kai, but seeing you slowly fall in love with him over again made me lose my patience." "Fall in love with him over again?" Pag-uulit ko sa sinabi niya dahil naguguluhan ako. Ngayon lang naman ako nainlove kay Alec pero parang sa tono ng pananalita niya ay dati na akong nainlove kay Alec. "Yes, Kai. You heard it right at ayokong bumalik ka ulit sa kanya, because you are mine now." "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo pero hindi mo ako pagmamay-ari, William." Tumayo ako sa kinauupuan ko sabay naglakad palabas sa pinto. Mabuti naman at hindi niya ako sinundan. Akala ko sa restaurant niya ako dinala pero mukhang isang bahay naman 'to. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay ni William kaya hindi ko alam kung bahay ba niya 'to o ano. Habang naglalakad-lakad ako para hanapin ang exit ay may humarang sa'kin na dalawang armadong lalaki kaya naman nagtaka ako. "Anong problema niyo, mga kuya?" Hindi nila ako sinagot bagkus ay hinawakan nila ako sa magkabilang baso at pakaladkad na tinatangay. "Bitawan niyo ako!" Sigaw ko sa kanila habang nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak nila sa magkabilang braso ko. Siniko ko sa sikmura ang isang armadong lalaki na nakahawak sa'kin kaya binitawan niya ako sabay kinagat ko naman ang kamay ng isa pang lalaki kaya binitawan niya rin ako. Kumaripas na ako ng takbo pero agad din nila akong sinundan. Para kaming naglalaro ng habulan. "Ngayon ka pa talaga nasira!" Sambit ko sa sarili ko nang mabigtas ang tsinelas ko. Hinubad ko nalang ang magkabilang tsinelas ko sabay ibinato ko iyon sa kanila pero hindi naman sila natamaan dahil mabilis umilag ang mga ito. Ang daming pasikot-sikot sa bahay na 'to kaya takbo dito, takbo doon ang ginawa ko pero hindi ko parin mahanap kung nasaan ang exit. Tumigil ako sa kakatakbo ng napunta na ako sa dead end. Wala na akong matakbuhan dahil pader na ang kaharap ko ngayon. "Letse kang babae ka! Ang sakit ng sikmura ko!" Sigaw ng lalaki na sinikmuraan ko. Nang makalapit na ito sa'kin ay hinila nito ang buhok ko. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko sa paghila niya rito. Ang lalaki naman na kinagat ko ay tinutukan ako ng baril sa sentido. "Ano bang kailangan niyo sa'kin?" "Hoy! Mga tanga! Anong ginagawa niyo? Ang sabi ni boss hanapin niyo lang ang babae!" Sigaw ng babae sa hindi kalayuan na mukhang hinihingal. Sunod-sunod na nagsisulputan ang iba pang armadong lalaki na mukhang hinihingal rin. Mga nasa pito sila. Ilang segundo pa ay sumulpot rin si William. Kilala ba niya ang mga armado na 'to? "Did I told you to hurt her?" Tanong ni William sa armadong lalaki na kasalukuyan pa ring nakahila sa buhok ko. "Hindi, Boss." Sagot ng armadong lalaki sabay bitaw sa buhok ko. "Boss?" Taka kong tanong pero walang pumansin sa'kin. Kinuha ni William ang baril ng lalaki na nakatutok sa'kin. "Did I tell you to point your gun at her?" Tanong ni William sa armadong lalaki na tumutok sa'kin ng baril. "Hindi rin, Bo--." Hindi pa tapos magsalita ang lalaki pero binaril na 'to ni William kaya nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Napatalon ako sa gulat ng walang sabi-sabi ay bigla nalang rin niya binaril ang armadong lalaki na katabi ko na siyang humila sa buhok ko. Ngayon dalawa na sila ang nakabulagta sa sahig. Nakapaa lang ako kaya ramdam ko ang dugo na umaagos sa paanan ko. Hindi ito ang William na kilala ko. Nang hahawakan nito ang kamay ko ay umatras ako papalayo sa kanya. "Our date is not yet over, Kai. Let's go back." Sabi nito habang sinusubukan niyang lumapit sa'kin. Habang humahakbang siya papalapit sakin ay umaatras rin ako palayo sa kanya. Pagkatapos ng ilang atras ko ay tumakbo ulit ako. Naramdaman ko naman ang mga yabag ng paa na tumatakbo rin para sundan ako. "Let her be. Open the door for her." Rinig kong pigil ni William sa mga sumusunod sa'kin. Nang makita kong may bumukas na pinto ay agad akong lumiko papunta doon. Paglabas ko ng pinto ay hindi parin ako tumigil sa kakatakbo. Hindi ko na ininda ang sobrang lamig ng hangin kahit giniginaw na ako. Tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw ko kaya naman hindi ko alam kung nasaan na ako. Tumigil ako sa kakatakbo ng marinig ko ang mga hampas ng malalakas na alon. Nang ibaba ko ang tingin ko ay nalula ako sa taas nito. Dito ko lang namalayan na nasa tuktok ako ng batong bangin at sa ilalim nito ay dagat. Nakakatakot ang hampas ng malalaking alon na tumatama sa higanting bato na kinatatayuan ko. Kinapa ko ang cellphone ko para tawagan si Alec ngunit wala akong signal. Itinaas-taas ko pa ang cellphone ko at naglakad-lakad para humanap ng signal pero wala parin. "Don't waste your energy, Kai. You can't get out of here kahit anong takbo pa ang gawin mo kaya bumalik na tayo." Hindi ko namalayan ang pagdating ni William kaya naman napalingon ako sa direksyon niya nang magsalita siya. "Wag kang lumapit, William. Tatalon ako kapag lumapit ka." Pananakot ko sa kanya habang umaatras pero hindi ito tumigil sa paglalakad papalapit sa'kin. "You're hurting my feelings, Kai. You're choosing death over me. Pati pala si kamatayan ay magiging kaagaw ko pa sayo." Sarkastiko nitong sabi. "Too bad, Kai, dahil kahit kay kamatayan man o kay Castellano, hindi kita ibibigay." Dagdag pa niya habang tuloy pa rin sa paglalakad patungo sa akin. "Sinabing wag kang lalapit, eh!" Sigaw ko sa kanya nang mag-iilang hakbang nalang ang layo sa'kin. Hindi siya tumigil sa paglalakad kaya naman mabilis akong tumalikod sa kanya at humarap sa dagat. Tatakotin ko lang dapat siya na tatalon ako pero bigla akong nadulas pero bago pa man ako mahulog ay nahawakan na niya ang kamay ko "f**k. You scared me to death!" Rinig ko pang sabi niya sabay biglaan akong hinila papalapit sa kanya at niyakap ako. Pakiramdam ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa lakas at bilis ng paghila niya sakin. Nagpupumiglas ako para makawala ako sa pagkakayakap niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkapulot ng braso niya sa bewang ko habang hinihikit ako lalo papalapit sa kanya. The William I know is a gentleman kaya ito ang unang pagkakataon na nagkadikit ng ganito ang mga katawan namin na wala ng space. He never done this to me before, not even once. Pwersahan niyang kinuha sa kamay ko ang hawak kong cellphone nang makita niya ito sabay hinagis sa dagat. Tinitigan ko siya ng masama habang pumipiglas parin sa pagkakayakap niya pero ayaw niya talaga akong bitawan at ngumisi pa itong nakipagtitigan sa akin. Ang dami kong importanteng bagay na naka-save dun sa cellphone ko tapos ay itatapon niya lang! Bumaba ang tingin niya sa labi ko. He's about to kiss me pero nilayo ko ang mukha ko sa kanya para ilayo ang labi ko sa labi niya na ilang inches nalang ang pagitan. "Who are you? Sino ka ba talaga William? Bakit 'Boss' ang tawag nila sayo? Bakit ganun nalang kadali sayo ang pumatay?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "You're a doctor, William. You should be saving lives, not the other way around!" Trabaho niya ang bumuhay ng tao hindi ang pumatay. "Hindi ka ba curious sa sinabi ni Nicole bago siya binaril?" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman ang sinabi niya?" Ngumiti ito sabay parang may kinuha siya sa kwelyo ng polo shirt ko. "Bugs? Kailan pa 'to nandito sa polo ko?" Nanlalaki ang mata ko ng makita 'to dahil katulad na katulad ito sa nakita ni Alec sa ilalim ng couch sa hospital room ni Lily. "Don't tell me... ikaw rin ang naglagay ng ganyan sa hospital room ni Lily?" Tanong ko sa kanya habang dinudurog niya ang bugs gamit ang daliri niya. "Yes, Kai. It was me." Sabi niya sabay tanggal ng braso niya na nakapulupot sa bewang ko kaya agad akong dumistansya sa kanya. "Pero bakit? Ano naman ang makukuha mo sa pakikinig sa usapan namin ni Lily?" "Actually hindi para sa inyo ni Lily ang bugs na yun. I secretly installed it to monitor my sister's mouth." "Yung nasa kwelyo ko, kailan mo pa nilagay yun?" "Kanina lang. When you told me that you were going to meet her." "May ayaw kang sabihin ni Nicole sa saamin kaya mo minomonitor ang bawat salita niya." Panghuhula ko. Bigla kong naalala ulit ang sinabi ni Nicole bago ito binaril. Siya ba ang tinutukoy ni Nicole? "Sagotin mo ako, William. Sino ka ba talaga?" Nagdadalawang isip pa ito kung sasagot ba siya o hindi. "William!" Galit ko ng sigaw sa kanya dahil ayaw niya talaga sagotin ang tanong ko. "I am no different from Castellano, Kai! And that's what I'm trying to hide from you!" Sigaw rin nito pabalik sa'kin. "What do you mean?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ibig sabihin ba nito alam niya kung sino talaga si Alec? At katulad rin siya ni Alec na isang Mafia? "I know you know who Castellano's really is, Kai, and you're a smart woman, so I'm certain that you understand what I'm talking about." "You mean you're also a Mafia boss?" Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa past life ko at lapitin ako ng mga kriminal na tao? At hindi lang basta mga kriminal, mga boss pa ng mga kriminal. Lumapit ito sa'kin at lumuhod sa harapan ko sabay lapag ng tsinelas na pansin kong kanina pa niya bitbit. "Here. Put this on." Sabi niya habang sinusubukan isuot ang tsinelas sa paa ko pero hindi ko sinuot 'to kaya ginamitan na niya ito ng pwersa para angatin ang paa ko. Muntik pa ako ma-out of balance kaya bigla akong napasabunot sa buhok niya. "May mga sugat ka sa talampakan. Let's go back to my vacation house, I will treat your wounds." Sabi nito habang tumatayo mula sa pagkakaluhod. "You're also shivering. You're going to freeze to death if we stay here." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako gumalaw kahit konti. "If you don't want me to hold your hand, wear this at least." Sabi niya habang tinatanggal ang jacket niyang suot. Inaabot niya ito saakin pero tinitigan ko lang yun kaya siya nalang ang nagpatong nito sa likuran ko pero tinanggal ko naman 'to at patapong ibinalik sa kanya. Nagsimula ng kumunot ang noo niya at magsalubong ang mga kilay niya. He's giving me a what's-your-problem? look. "You killed her. Ikaw ang pumatay kay Nicole, hindi ba? Ikaw ang pumatay sa sarili mong kapatid!" Sigurado akong siya ang pumatay sa kapatid niya para pigilan ang dapat na sasabihin ni Nicole sa'kin. Tumawa ito ng malakas na ikinainis ko. "Anong nakakatawa, William? Pinatay mo ang kapatid mo tapos nagagawa mo pang tumawa? You should be grieving now!" "Because it's funny, Kai! I killed her for nothing. I killed her because I was trying to hide my true identity from you, but in the end, I was the one who revealed it. Sounds funny, right?" Sabi nito sabay tawa ulit. "Hindi kita magets, William." Kunot noo kong sabi sa kanya. "She knows that our father is a criminal, and so do I. Alam niya na katulad rin ako ng daddy namin kaya kinausap ko siya and we have a deal. May usapan kaming wag siyang magsasalita sa inyo laban sa'kin na ikakawala ng tiwala mo sa'kin, because if she does, I will kill her and her family, but still she won't seal her big mouth." "Baliw ka ba? Hindi. Nababaliw ka na ngang talaga, William! Pinatay mo ang kapatid mo para lang hindi mawala ang tiwala ko sayo? Is that making sense?" "Yes, Kai. I'm truly, madly, crazily in love with you. Your trust in me does make sense, Kai. Your trust matters the most to me before because I planned to get you in a good way kaya ayokong mawala ang tiwala mo sa'kin." "Gusto kong maging akin ka dahil pinaghirapan kitang kunin pero paano ko yan gagawin kung wala ka ng tiwala sa'kin? Hirap na nga akong kunin ka kahit na malaki ang tiwala mo sa'kin, how much more kung nawala pa ang tiwala mo sa'kin dahil sa babaeng yun?" "You abducted me, William. So, sa tingin mo sa ginawa mong 'to hindi mawawala ang tiwala ko sayo?" "Yan nga ang problema, Kai, eh. May tiwala ka man sa'kin o wala hindi ka parin naman mapapasakin kaya ngayon, your trust doesn't matter to me anymore. I had just started to court you when I asked you to have a date with me, yet you ended it already. You rejected me without giving me even the slightest chance." "You had me reached my limit, Kai. That's why I'm doing this. That's why I abducted you, kasi hindi kita makuha sa maayos na paraan, kaya dadaanin nalang kita sa pwersahan." "At ito na nga ang ginagawa mo sa'kin ngayon, you were taking me by force. Sure, continue doing this and I will surely resent you for the rest of my life. Kakalimutan kong naging kaibigan kita, William." "I don't care if you're going to hate me, Kai. What matters most to me now is that you are here with me. Whether you like it or not, you're mine now, Kai. So, resent me all you want, because I won't let you go. You will spend the rest of your life with me, because I'm going to marry you." "I will not marry you, William, and I will not stay here with you." "You will, Kai." "Ayoko na makipagtalo sayo, William. Ibalik mo na lang ako sa hospital ngayon na. Kailangan ako ng kapatid ko." "Alam kong sasabihin mo yan kaya dinala ko rin siya dito. Your sister is also here, Kai." "What?! Anong ginawa mo sa kapatid ko, William?!" Hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyari kay Lily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD