"Son, you're awake! Excited ka ba sa date niyo ni Hagya?" Nakangiting sabi ni Dad nang makita akong papalapit sa dinning table. "That is not a date, dad. I just have something very important to tell to Hagya." Para bang walang gana kong sabi saka umupo. Dito ko kasi mas napiling umuwi kahapon kaysa doon sa unit ko. Habang naglalagay ng pagkain sa aking plato. May inilapag naman na gatas sa tapat ko si Manang Lucy. "Thank you, Manang!" Sambit ko. Para bang wala ako sa mood ngayong umaga dahil pag-uwing pag-uwi ko kahapon ay tinawagan ko agad si Raven pero kahit nagriring naman ang cellphone niya ay hindi niya ito sinasagot. Tinext ko rin siya kagabi pero wala rin naman akong natanggap na reply sa kaniya. May problema ba kami ni Raven? Kasi kahit kaninang paggising ko ay binati ko rin

