"Sir. Owen, may naghahanap po sa inyo sa labas." Sambit ng isa sa mga maids namin habang nandito ako sa living room nag-i-stress eating ng ice cream dahil kay Raven. It's already fvcking sunday and she really doesn't pick up my phone calls. Kung kailan maayos ang naging usapan namin ni Hagya kahapon dahil pumayag ito sa usapan namin na kausapin ang mga magulang namin tungkol sa ihinto ang pagplano sa mga susunod pang dates naming dalawa ay saka naman talaga hindi ako pinapansin ni Hagya. Nagpunta na rin ako sa bahay nila kahapon matapos ang pagkikita namin ni Hagya pero sabi ng mga guards ay wala raw doon si Raven. Nakita ko rin si Kuya Code na nandoon at sinabing wala nga raw si Raven. Iniimbitahan pa ako nitong pumasok sa bahay nila Raven pero tumanggi na lang ako dahil na rin sa hiya.

