Nang matapos kong magbihis at mag-ayos ng aking sarili, kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Raven ay imbis na contact lense ang suotin ko ay eyeglasses na lamang ang sinuot ko. Nagmadali rin akong naligo dahil wala pa akong ligo simula kaninang umaga. Nakakahiya naman sa mga taong makakasalubong namin ni Raven kung malaman nilang ang kasama niya ay hindi pa naliligo. Nang makitang okay na ang suot ko, nagmadali na akong lumabas ng kwarto at dali-daling nagtungo sa may hagdan para bumaba. Napangiti naman ako nang makita ang dalawang babaemg nakatalikod na nagkekwentuhan. Si Raven at Manang Lucy. "Mukhang ang saya nang pag-uusap ni— Oh, anong nangyari sa'yo, Manang?" Nag-aalala kong sabi dahil para bang kakatapos lang niya sa pag-iyak. Taranta naman itong tumayo at yumuko. "N

