"10 years from now... naiimagine mo ba ang sarili mo na may mapagmahal at maalagang asawa at may mababait na anak?" Tanong niya na medyo ikinataka ko. "Huh? Why do you asked?" Takang tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman itong nagkibit-balikat saka tumingila para ata tingnan ako. "Wala lang." Aniya saka ngumiti at muling ibinaling ang tingin niya sa ibaba, sa may lupa. Hindi ko siya maintindihan. Ilang sandali pa, muli na naman niyang binanggit ang pangalan ko. "Owen," aniya. "Bakit, Raven?" Tanong ko. Katulad kanina ay nakatingin pa rin siya sa lupa. "Sigurado ako ang swerte nang mapapangasawa mo." Aniya na ikinangisi ko. Oo naman, ikaw naman aasawahin ko, e. Kaya ang swerte mo ngayon pa lang. "Ha? Bakit?" Tanong ko habang nagpipigil ngiti. Muli naman itong tumingila kaya napi

