"Nandito na tayo." Saad ni Raven kaya naman nabaling sa kaniya ang tingin ko bago tumigin sa labas. Ang raming tao ang nagkakalat sa daan. Mayroon ring mga bata na may dalang laruan na nag-iiba-iba ang kulay ng ilaw. "Sure ka bang dito na 'yon, Raven?" Tanong ko nang muli kong ibaling sa kaniya ang tingin ko. Tumawa naman siya nang mahina saka tumango-tango. "Yeah, bakit? Mukhang labas ng bar na pinupuntahan natin 'no? Ang raming tao." Tumatawang aniya na ikinatawa ko rin. Dahil sa nabanggit niya iyon ay masasabi ko ngang para itong labas ng bar na nag-uunahan makapasok. Ang pinagkaina nga lang ay hindi nakasuot ng maayos na damit ang mga taong nandito at mayroong mga batang nagkakalat. "No, don't go outside yet." Sambit ko kay Raven nang akmang mauuna na siyang lumabas. Nagmamadal

