Kabanata 3

2756 Words
Kahapon, napagdesisyunan ko na munang tumambay sa field upang doon magpalipas ng oras sa pagbabasa hanggang hindi pa oras ng klase. Sinadya ko ring late na ako pumasok sa unang subject namin sa hapon para maiwasan ang pangbu-bully sa akin ni Ryan pero pagpasok ko ay masama itong nakatingin sa akin. Sa buong oras rin ng klase ay hindi na pumasok si Raven. Noong uwian naman, inunahan kong lumabas si Ryan dahil siguradong aabangan ako ng lalaking iyon kung papahuli pa ako sa paglabas. "Mukhang inaantok ka pa Sir. Owen, huh?" nakangising tanong ni Kuya Ed nang makita niya akong humikab. Hindi ako marunong mag-drive ng kotse at wala rin akong lisensya kaya nagpakuha na lamang ako ng personal driver kay Dad. Isa pa, hindi ako makatulog kagabi kaya nagpuyat na lamang ako sa pamamagitan nang pagbabasa at sa wakas naman natapos ko na 'yung librong binabasa ko. “Oo nga, Kuya Ed. Tinapos ko pa kasi 'yung librong binabasa ko kagabi kaya ako napuyat.” sagot ko na ikinabuntong hininga naman niya. "Naku, sir! Okay lang naman po ang magbasa ng libro pero huwag kayong masanay na nagpupuyat dahil baka magkasakit kayo," pagpapaalala niya na siya namang mahinang ikinatawa ko at ikinatango-tango. "Andito na po tayo, Sir." dagdag pa niya nang maihinto niya ang sasakyan sa tapat ng Valentino High. Lumabas na ako ng kotse habang nagpatuloy naman si Kuya Ed sa pagmamaneho patungo sa parking lot nitong school. Maliban sa paghatid at paghihintay niya sa akin hanggang sa pag-uwi ko ay wala na itong ibang ginagawa dahil ito lang naman ang trabaho ni Kuya Ed. "Owen!" rinig ko sa isang pamilyar na boses. Nakita ko namang tumatakbong papalapit sa akin si Canary kaya napatigil ako sa paglalakad. "Hey, good morning!" bati ko nang makalapit ito sa akin. Mukhang hinabol niya ata ako mula sa labas ng school. Binati naman niya ako pabalik at para naman itong batang nakipaglaro ng habol-habulan dahil sa grabe ang paghingal niya. "Ikaw ah! Trending kayong tatlo kahapon nina Zia at nung anak nitong may ari ng school. Iyong Raven Valentino?" parang mapang-usisa niyang sabi na ikinakunot ng aking noo. "Hindi ba yung Raven rin 'yung magandang babaeng pinagtanggol ka kay Ryan noong nakaraang araw?" dagdag pa ni Canary. Mukhang hindi nga masasabing pinagtanggol ako ng isang iyon kay Ryan dahil hindi naman ako dinepensahan ni Raven o kung ano pero kahapon talaga ang masasabi kong she saved me. "Ah... Ye-yeah, but I think she's too bored." sambit ko na mukhag ikinataka naman niya. "What do you mean?" "Well, that's what I always see. The way she talks, the way she looks. And, she's also like you ang pinagkaiba lang adik ka sa kpop artist siya adik sa kaniyang cellphone," sambit ko kaya naman marahan ako nitong sinuntok sa braso. “Heh! Idinamay mo pa mga asawa ko! Pero ang cool kaya ni Raven, hindi ba? 'Di ba? Biruin mo, on the spot na naipasara ni Raven 'yung business nina Zia,” para bang manghang sambit niya. I halt for a moment saka ito nagtatakang tiningnan. What does she mean na ipinasara ni Raven ang business nina Zia? "H-huh? W-what do you mean?" takang tanong ko pero kinunutan lang niya ako ng noo. "Aba! Akala ko ba nandoon ka sa nangyari kahapon?" kunot-noong tanong niya na agad ko namang ikinailing. "Uhm... Yeah, pero pinaalis rin ako ni Raven dahil magpalit raw ako ng damit," pagpapaliwanag ko rito na ikinatango-tango naman ni Canary. "Ay baka nung pagkaalis mo iyon nangyari? Ewan basta kinwento lang rin ito nung kaklase ko sa isang kaklase ko pa, e. Alam mo namang ayaw kong maging chismosa kaya naman hindi ko sila mismong tinatanong kung anong nangyari. Basta ito lang mga narinig ko," paninimula niya at para bang nag-iisip pa. Mahina akong tumawa at bahagyang ginulo ang buhok niya. She doesn't like to be a chismosa but she likes to listen on other peoples having a conversation tapos ikukuwento sa akin. "Basta sinabihan daw ni Raven si Zia na tingnan ang cellphone niya tapos bigla raw nag-ring yung phone ni Zia. Gulat na gulat nga raw si Zia tapos galit na galit pa raw kay Raven nang sagutin niya ‘yung tawag kasi raw parents daw ni Zia ang tumawag at sinabing pinasara raw ng pamilya Valentino ang business nila. Iyon pala, may malaking utang daw pala ang family ni Zia sa pamilya ni Raven," mahabang lintanya nito na ikinatango-tango ko naman na kunwareng naintindihan ko. I'm confused. Paano nila nalaman na parents nga ni Zia yung tumawag at paano rin nila nalaman na may malaking utang ang pamilya ni Zia sa pamilya ni Raven? “Hays! Mauna na ako, Owen. Nandito sa second floor ang classroom ko,” dagdag pa niya na ikinatango ko ulit na siya namang humiwalay na sa akin sa paglalakad. Nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa marating ko itong third floor kung asan ang strand ko. Naglakad ako patungo sa room. Pumasok ako ng classroom at laking gulat ko dahil walang kung anong kalokohang ginawa sa akin si Ryan kahit pa nakita niya akong pumasok. Nakatingin lamang ito sa kawalan at para bang wala siya sa kaniyang sarili. Habang naglalakad patungo sa aking silya, nakita ko si Raven na nakaupo sa katabing silya. Katulad kahapon, busy pa rin ito sa cellphone niya at mukhang hindi man lang niya napansin ang pagdating ko. Wala pa naman si Mrs. Jacqueline kaya napagdesisyunan kong kunin muna ang panibagong librong babasahin ko pero agad napakunot ang noo ko nang wala akong makitang libro sa loob ng aking bag. Tanging mga notebooks lang ang nasa loob. Sinara ko ang bag ko at akmang kukunin ang cellphone ko sa bulsa ko nang maalala kong naiwan ko pala iyon sa aking kama kanina. Hays! Ano klaseng kamalasan ba mayroon ang araw na ito? Anong gagawin ko rito sa school bukod sa mag-aral? Magpakaboring? Bigla akong napangiti nang maalalang may isang bagong book pa nga pala akong nakalagay sa locker ko. 'Jail and Life' ang title ng libro. Hindi ko pa iyon nababasa kaya kukunin ko iyon mamaya sa locker upang basahin. Hindi naman nagtagal at nagsimula na ang oras ng klase. Todo lang ako sa pakikinig pero minsan ay nababaling ang tingin ko sa katabi ko na seryosong iniintindi ang klase. Mukhang kapag oras lang ng klase ito titigil sa kakatutok niya sa cellphone niya. "Okay, let's have a quick short quiz," sambit ni Mrs. Marasigan nang matapos ang pag-discussed niya sa unahan. Umalma ang ilan dahil mukhang hindi nila inaasahan na magkakaroon ng quiz. Dapat kasi laging nakikinig sa oras ng klase para handa pa rin kung may surprise quiz pagkakatapos. Nagsimula at natapos naman namin ang quiz at ka-agad itong pinasa kay Mrs. Marasigan. Siya na raw ang bahalang mag-check ng mga iyon. Nagpaalam na rin ito dahil tapos na ang oras ng klase. Muling nabaling ang tingin ko sa katabi ko at as usual nakatutok na naman ito sa kaniyang cellphone. Mukhang matagal ang buhay ng battery ng cellphone niya. Ilang powerbanks kaya ang nasa loob ng bag ni Raven? Iling-iling na lamang akong naglakad papalabas ng classroom at katulad ng kanina, bago pa ako makalampas sa pinto, nakita ko na si Ryan na mukhang walang balak lumabas ng classroom at medyo tulala pa rin ito. Mukhang mas maganda ata kung ganito si Ryan dahil nagiging tahimik ang buhay ko. "OY! TANGINA RYAN!" "RYAN, BABAE 'YAN!" Rinig kong sigawan sa loob ng classroom namin. Mabuti na lamang at hindi pa ako nakakalayo kaya patakbo akong bumalik sa loob ng classroom para tingnan ang nangyayari. Nakita ko namang inaawat ng ilang kaklase ko si Ryan dahil kinekwelyuhan na nito s-si Raven. Kinekwelyuhan ni Ryan si Raven? Bakit? Halatang galit na galit si Ryan dahil halata naman sa itsura niya pero ako ang kinakabahan para kay Raven dahil as usual walang pakialam si Raven dahil nakatutok lang ito sa cellphone niya. Anong klase ba ang babaeng ito? Hindi ba siya nag-aalala na baka suntukin siya ni Ryan? Kinekwelyuhan na siya ni Ryan pero sa cellphone pa rin nakatutok ang atensyon niya. "Hoy pare, bitiwan mo 'yan si Raven. Baka magaya ka sa nangyari sa pamilya ng jowa m—" hindi na natapos ni Cobe ang sasabihin niya nang suntukin ito ni Ryan at binitawan si Raven. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko kung paano ngumisi si Raven habang inaayos ang kaniyang unipormeng nagusot dahil sa pagkakakwelyo sa kaniya ni Ryan. "Kung wala akong gagawin sa babaeng 'yan, hindi ko maigaganti si Zia! Naiintindihan mo, ha? Kaibigan kita ba't sa babaeng 'yan ka pa ata kumakampi?" pasigaw na sambit ni Ryan kay Cobe at muling binalingan si Raven na ngayon ay nakatutok ulit sa cellphone niya. Para wala talaga itong pakialam sa sarili niya na baka mapahamak siya. Parang walang kinatatakutan ang babaeng ito. "Uy! Si Ma'am Jacqueline paparating!" sigaw ng ilang kaklase namin kaya naman bahagya akong nagtungo sa gilid. "WHAT'S HAPPENING HERE, MR. RYAN COLARES?" galit na sigaw ni Mrs. Jacqueline kaya natahimik ang lahat nang nandirito sa loob ng classroom? Parang wala lang rin kay Ryan na nandito sa harap nila si Mrs Jacqueline dahil galit na galit itong nakatingin kay Raven at akmang susugurin niya na sana si Raven para kwelyuhan ulit ito nang walang kahirap-hirap na sinagi ito ng kanang kamay ni Raven kasabay nang pagtunog ng cellphone ni Ryan na para bang may nagtext. WOAH! How can she dodge that? Malakas si Ryan at kung hinayaan niya lang matamaan siya ng atake ni Ryan ay baka magkapasa si Raven. "You're just wasting your time, Mr. Corales. Hindi ba at may nag-text sa cellphone mo? Check it." walang kagana-ganang sambit ni Raven at naglakad na paalis dala ang kaniyang gamit at cellphone. Naiwan naman kaming nakatunganga pati na si Ma'am nang sinundan namin ito ng tingin papalabas. "f**k! MS. RAVEN VALENTINO, I'M SORRY! DAMN IT!" Mabilis nabalik ang tingin namin kay Ryan nang marinig namin ang isang kalabog dahil itinapon niya ang kaniyang cellphone. Nakaluhod na rin ito at parang galit na nagso-sorry sa babaeng umalis. Ano naman kaya ang na-received nitong message bakit ganito ang inasta niya? "MR. RYAN! RYAN CORALES!" pasigaw na pagtawag ni Mrs. Jacqueline kay Ryan nang tumakbo ito papalabas ng classroom. "Oy! Halika dali! Sundan natin!" Rinig ko sa ilang kaklase ko na nagtakbuhan rin upang sundan si Ryan. Nagkatingin na lang kami ni Mrs. Jacqueline nang pareho kaming maiwan rito sa classroom. "Care to explain what just happened?" tanong ni Mrs. Jacqueline na ikinagulat ko. Anong sasabihin ko sa kaniya? Mukhang mas mabuti na lang manahimik kaysa magsalita dahil baka kapag nagsumbong ako na si Ryan ang nauna, e baka saktan pa ako ni Ryan. "I-I don't know what exactly happened, ma'am. Late na po akong dumating sa scene," which is true na ikinabuntong hininga naman ni Ma'am bago ito umalis. Nabaling naman ang tingin ko sa isang pwesto kung saan inihagis ni Ryan ang cellphone niya pero wala na ito roon at tanging ilang pirasong basag na salamin na lamang ng screen ang nakikita ko. Ang bibilis naman talaga ng mga kaklase kong kumilos. Iling-iling na lang naman akong naglakad palabas ng classroom para magtungo sa cafeteria para kumain. "Oy! Andito ka lang pala! Hinanap kita sa classroom niyo. Grab—" si Canary. "I know what happened. You don't need to tell me," walang ganang sambit ko at nagpatuloy sa pagkain. Alam ko naman kasing iki-kuwento na naman nito sa akin ang balitang NARINIG niya na naman mula sa iba. "Really? Edi you know na ipinasara rin ni Raven-the-cool-beautiful-sexy-goddess ang family business nina Ryan? Grabe! I'm so envious of how powerful her family are," dagdag niya kaya sandaling natigilan ako. Gaano nga ba kayaman ang pamilya ni Raven para sa isang iglap lang ay napasara niya agad ang dalawang family business ng schoolmates namin? Natatakot tuloy akong magkamali sa harap niya dahil baka mamaya ay masagi ko lang ito, e makatanggap na ako agad ng text o tawag na nagsasabing bagsak na ang family business namin. ***** "Kuya Ed, punta muna tayo sa National Bookstore. Bibili lang ako ng mga bagong libro,” sambit ko kay Kuya Ed nang makapasok ako sa kotse. "Sige po, sir." sambit nito bago paandarin ang kotse. Wala naman masyadong nangyari sa classroom kaninang hapon, maliban sa hindi pumasok si Ryan. Himala rin dahil pumasok si Raven sa klase sa hapon pero as usual hindi ito nakikipag-usap sa aming mga kaklase niya dahil kapag wala pa ang subject teacher na papalit ay nakatutok lamang ito sa cellphone niya. Masyado itong busy sa cellphone. Itatago lang niya ang cellphone niya kapag may teacher na upang umintindi. "Andito na po tayo, sir. Sasamahan ko pa po ba kayo sa loob?" tanong ni Kuya Ed na ikinailing ko bago lumabas ng kotse. “No need, Kuya. I can handle myself. Bibili lang naman ako ng libro.” saad ko saka nagpatuloy na sa pagpasok sa mall at nagtungo sa floor kung nasaan ang NBS. Pumili lang ako ng ilang libro na sa palagay ko ay magandang basahin na ga nakalagay sa section ng Best Selling books para naman may stock pa ako sa mini book shelves ko sa bahay. Ayokong nauubusan ako ng libro at wala akong nababasa katulad kanina. Saka nakalimutan ko ring kunin yung librong nasa loob ng locker ko. Nang matapos kong makabili, lumabas na rin ako ng mall at nagtungo kung saan nakaparking ang aking kotse. "Kuya Ed, let's go home," saad ko at tumango naman si Kuya Ed at nagsimula nang magmaneho pauwi nang makasakay ako sa kotse. Kaninang umaga bago ako umalis sa bahay, naabutan ko si Daddy sa lamesa nag-aalmusal. May mahalaga raw itong sasabihin sa akin pagkauwi ko. "Hey, dad!" sambit ko nang maabutan itong nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo. "Owen, you're back! Come here,” nkangising sambit niya na animo'y excited. Itinabi rin niya ang diyaryong binabasa niya kanina lang. Itinuro rin niya ang couch na kaharap niya upang doon ako umupo. "Ginabi ka ata, Owen? Anyway, hindi mo kailangang pumasok sa school bukas,” kumunot ang noo ko. “Your fiance and you will having a date tomorrow. Kailangan mong mag-ayos, hindi 'yung... yung... g—ga— basta! Kailangan mong mag-ayos para sa date niyo bukas ng fiance mo,” dagdag niya pa na mas ikinakunot-noo ko. What is he talking about? Is he alright? Fiance? Kailan pa ako nagkaroon ng kasintahan? Eh, mga libro lang ang itinuturing kong girlfriends ko. Isa pa, bkod kay Canary, e wala ng ibang babae akong kaibigan "Dad, what are you talking about? I don't have a fiance. K-Kailan pa ako nagkaroon ng fiance, e wala pa naman akong kainte-interes sa mga babae maliban sa mga libro,” kunot-noong sambit ko. Nakakagulat kasi ang mga lumabas sa kaniyang bibig. "What?! Don't tell me, hindi mo naaalala si Hagya? ‘Yung childhood friend mo?" Hagya? “Who’s Hagya?” Takang tanong ko. “Your fiance.” Para akong gagong napakunot-noo lalo sa harap ni Daddy. What? I don't even know who's that Hagya is! Who the heck is that girl Hagya? Childhood friend? Childhood friend ko, e ang mga luma kong libro. "Dad, don't make a story. Hindi bagay sa'yo ang maging author. Huwag mo akong agawan sa gusto kong gawin. Isa pa, wala akong kilalang Hagya,” saad ko at akmang tatayo na nang magsalita ito. Napansin ko rin ang pagkunot ng kaniyang noo. "What the hell are you saying, Owen? Noong bata ka pa ay sinabi mo sa amin na you wanted to marry Hagya when you both turn 25 years old. Hagya and you wants that! Kaya noong pumayag kami sa sinabi niyo ay tuwang-tuwa kayong dalawa. Ever since, engaged na kayo. So, she’s your fiance,” pasigaw na sambit ni Daddy na mas lalo ko pang ikinagulat. Lasing ata ang tatay ko? Dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi. Pero sino ba si Hagya? Wala akong maalalang Hagya at wala pa akong fiance. "Let's end our conversation here. Pumasok ka na sa kwarto mo para makapagbihis ka, bumaba ka rin agad para makakain na. Huwag mong kalimutan na may date kayo ni Hagya bukas kaya hindi mo kailangan pumasok sa school," mahinahong sambit ni Daddy na ikinatango ko na lamang. Date! Date! Ni-hindi ko nga alam kung saan ang venue ng date namin saka anong klase ang date? Wala pa akong naide-date na babae sa buong buhay ko. And Hagya? Wala akong kilalang Hagya. Sino ang babaeng iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD