Kabanata 2

2389 Words
“Class! Class! Go back to your own seats. Bilis!” bungad ni Mrs. Jacqueline nang pumasok ito sa classroom. Mabilis namang nagsibalikan sa kaniya-kaniya nilang upuan ang ibang kaklase ko habang ako naman ay isinara at itinago na ang aking librong hawak ko. “So, I just got a report from our principal. Dito raw papasok sa strand ninyo ang may ari nitong Valentino High. Kaya raw pala hindi ito nakapasok kahapon dahil hindi niya mahanap ang ating classroom,” dagdag pa niya dahilan para magbulungan at mag-ingay ang aking mga kaklase. May ari ng Valentino High? Isang senior high school student? Pero bakit hindi na lang ito nagpasama sa principal kahapon upang ihatid sana siya rito sa classroom? Edi sana ay napasok pa siya kahapon. “Aba! Ma’am, baka mamaya i-spoil niyo ‘yan purque anak ng may ari nitong Valentino High? Baka mamaya kahit bagsak ‘yan ay ipasa niyo?” sambit ni Ryan na para bang nagpoprotesta na sinang-ayunan naman ng iba pa naming kaklase. “Kaya nga, ma’am. Don't be unfair!” “Oo nga, ma’am!” pagsang-ayon pa ng ilan. May point naman si Ryan. Dapat kasi ay pantay pa rin sa pagbibigay ng grades ang mga guro sa mga normal na estudyante at sa anak ng may ari ng school. Mukhang nainis naman si Mrs. Jacqueline sa pag-alma nila. Parang iniisip ata nito na ipino-point out ng mga kaklase ko na parang nagpapasuhol o kung ano ang mga guro kung ipapasa man nila ang anak ng may ari nitong Valentino High kung sakaling bagsak man ito. Akmang magsasalita na sana si Mrs. Jacqueline ng biglang pumasok ang isang babaeng may dala-dala ng skateboard. Siya... siya ‘yung babae kahapon! “Good morning!” parang walang ganang bati nito kay Mrs. Jacqueline. Parang wala rin ito sa mood kung bumati dahil walang kagana-gana ang kaniyang boses. Kitang-kita rin ang biglang pagkunot ng kaniyang noo nang tumingin ito sa gawi ni Ryan, na siyang nasa unahang parte lamang naka-upo. Ilang sandali pa at parang walang gana niya na lang itong tiningnan at nawala na rin ang pagkunot ng kaniyang noo. “Mukhang mali ang impormasyong nasa utak ninyo kaya sorry for being rude but I am the owner of Valentino High. Hindi ako anak ng may-ari nitong school kaya relax lang. Tanggap ko kung ano ang magiging resulta ng grades ko,” saad niya gamit ang walang ganang tono ng kaniyang boses pero kahit ganoon ay lumalabas ang pagka-astig niya sa paningin ko. Is she a lesbian? Heck! She's so cool! “Okay! Okay! E-Enough of that. Uhm... Ms. Valentino, please introduce yourself,” para bang kinakabahang utos ni Mrs. Jacqueline at itinuro pa ang gitna. Tumango naman ang babae bago naglakad papalapit sa gitna saka kami hinarap bago siya magpakilala. “Good morning! I’m Raven, Raven Valentino. I don’t want to befriends with all of you. That’s all,” muling walang gana nitong pagpapakilala kaya para akong natigilan. Bakit naman ayaw niya kaming maging kaibigan? Anong problema niya? Mayroon ba siyang trust issues? Napakamot naman sa batok si Mrs. Jacqueline at awkward pang tumawa dahil na rin siguro sa narinig niyang sinabi ni Raven. “Y-you know, having friends is also important in our life, ija. Anyway, pwede ka nang maupo sa bakanteng upuan kung saan mo gusto,” nakangiting sabi ni Mrs. Jacqueline pero blanko naman siyang tiningnan ni Raven. “I have friends. Hindi na ako maghahanap pa ng mga kaibigan. Kontento na ako sa kaunting taong masasaktan ko,” saad nito saka naglakad na lang ito papalapit sa gawi ko at umupo sa katabi kong upuan. Masyadong mahugot ang isang ito but she is sitting right beside me. Do I need to greet her? Or welcome her? Pero mukhang wala sa mood ang isang ito. Hindi siya katulad ni Canary na sobrang friendly. Hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko ito para makapagpasalamat sa kaniya tungkol sa ginawa niya kahapon. Nagsimula naman nang mag-discussed si Mrs. Jacqueline na siyang pinagtuunan ko na lamang ng atensyon. Nang matapos ang oras ng klase ni Mrs. Jacqueline, hindi nagtagal at may pumasok na namang sunod na guro. Nagpakilala lang ito at inutusan rin kaming magpakilala isa-isa sa harapan. Napansin ko nga rin na parang kinabahan ito nang makita at magpakilala si Raven at ganoon rin hanggang sa pag-discussed niya tungkol sa subject niya. Matapos iyon, may dalawang subject teachers pa ang sumunod na pumasok sa classroom upang magklase hanggang sa matapos ang oras ng klase ngayong umaga. Tatayo na sana ako upang lumabas ng classroom nang mabaling ang tingin ko sa babaeng katabi ko. Busy ito sa pagpindot-pindot sa kaniyang cellphone. Dapat ko ba itong kausapin tungkol sa nangyari kahapon? Gusto ko kasi itong pasalamatan dahil kung hindi dahil sa kaniya ay mukhang hindi ako titigilan ni Ryan kahapon. Parang iniligtas niya ako kaya gusto ko siyang pasalamatan. “HOY! LAMPA, PUPUNTA KA SA CAFETERIA, HINDI BA?” sigaw ni Ryan at naglakad papalapit sa puwesto ko saka ako hinila papaalis sa upuan ko. “O-oo, Ryan. Ba-bakit?” utal kong sabi dahil katulad kahapon ay kinekwelyuhan na naman niya ako. “Gago nito ni Ryan, pinagtitripan na naman ‘yan. Kapag iyan nagsumbong sa daddy niya, patay ka sigurado,” tumatawang saad ni Lito. Isa sa mga kaibigan ni Ryan. “Sus! Baka pag-umpugin ko pa ang ulo nilang dalawa,” mayabang at tumatawang sabi ni Ryan at tiningnan pa ako habang nakangisi. “Bilhan mo nga ako ng pagkain sa cafeteria. Bayarin mo na rin. Bilis! Mayaman naman ang tatay mo, ayos lang ‘yan,” natatawa niya pang sabi saka ako pabalibag na binitawan. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tumango at patakbong nagtungo sa cafeteria. Huwag na kayong magtaka kung bakit sinunod ko agad ang utos niya. Last year, noong hindi ko sinunod ang utos niyang bilhan ko siya ng pagkain rito sa cafeteria ay nag-alam akong punit-punit na ang bawat pahina ng mga dala kong libro at notebooks sa bag ko. Nang mabilhan ko ito ng pagkain, naglakad na ako pabalik sa classroom dala-dala ang isang plastic bag na naglalaman ng isang order ng kanin at ulam. Nakasalubong ko pa si Raven na naglalakad habang nakatutok pa rin sa cellphone niya. “H-here.” utal kong saad at iniabot kay Ryan ang binili ko nang makabalik sa classroom. Todo ngiti naman ito at tumayo pa para himasin ang ulo ko bago kinuha ang plastic. “Nice! Good dog, Owen!” nakangisi niyang sabi bago ako sinenyasang umalis na sa harap niya. Agad naman akong nagtungo sa upuan ko para kunin ang aking bag at agad na lumabas ng classroom dahil baka may kung ano na namang i-utos sa akin si Ryan. Kung hindi lang dahil kay Daddy na gusto akong pag-aralin rito sa eskwelahang ito ay matagal na akong lumipat. Nagtungo naman ulit ako sa cafeteria upang kumain na ng tanghalian. Dito ko na napagdesisyunang kumain dahil wala namang oras si Ryan para ibully ako dahil kumakain iyon sa classroom. Habang kumakain, kinuha ko na rin ang librong hindi ko pa tapos basahin dahil nasa Chapter 18 pa lamang ako sa binabasa ko. “Ay! Sis, sabi ng ilang student sa ABM, iyan daw si Raven Valentino. Iyan daw ang may ari nitong Valentino High na pinapasukan natin. Ang yabang daw niyan at ang pangit nang ipinakitang ugali kanina sa section nila,” rinig kong sabi ng isang babae sa bandang likuran ko. Iba talaga ang mga estudyante rito. May mas malala pa kayang school na may mga tsismosang estudyante kaysa rito? Second day of school pa lang pero nakakuha agad sila ng source nang pagtsi-tsismisan nila. Ibinalik ko na lang naman sa loob ng bag ko ang librong binabasa ko dahil hindi ako makapag-focus sa pagbabasa. Masyadong maingay rito sa loob ng cafeteria. Aakalain mo tuloy na hindi ito cafeteria ng school at isa itong palengke kaya mas gusto ko pang mag-isa ako sa isang lugar para nakakapag-focus ako sa pagbabasa. “OMG!” Halos mapatayo ako sa gulat ng may juice ang bumuhos sa ulo ko. “Oopps! OMG! I’m sorry! I didn’t see you naman kasi, e. Ibinuhos ko ‘yung juice kasi walang lasa. I didn’t know na nandiyan ka pala naka-puwesto. I’m sorry huhu!” rinig ko sa maarteng sambit ng isang babae. Sa boses pa lang nito ay kilala ko na siya. Si Zia. Alam ko namang sinadya niya akong buhusan dahil katulad rin ito ng boyfriend niyang si Ryan. They really want to bully me. Mabuti na lamang at nasa loob na ng bag ko ang librong kaninang binabasa ko kaya hindi ito nabasa. Nginitian ko na lamang si Zia pati na rin ang dalawa niya pang kasama. “I-It’s okay, Zia. I-I gotta go.” nagmamadaling sambit ko na ikinatawa ng mga ito. Mabilis kong kinuha ang bag kong nasa tabi ko lang at akmang aalis na sana nang may humila sa suot kong bag kaya hindi ako tuluyang nakaalis sa pwesto ko. “As the owner of this school, I won’t tolerate what you just did, miss,” dinig naming sambit ng babaeng walang gana ang tono ng boses na siyang nakahawak na pala sa bag ko. Si Raven! Nakatutok lang ito sa cellphone niya at ni-isa sa amin ni Zia ay hindi man lang niya tinitingnan dahil nasa cellphone niya lang nakatutok ang atensyon niya. “Are you kidding me? Owner of this school? Hmp! I can buy this f*****g entire school, you know!” nakangising sambit ni Zia na halatang ipinangangalandakan ang yaman ng kanilang pamilya. Hindi naman ito pinansin ni Raven dahil nakakatutok pa rin ang atensyon nito sa cellphone niya habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa aking bag. Nabaling ang tingin ko sa paligid at kitang-kitang nasa amin na ang atensyon ng mga nandito sa loob ng cafeteria. “How pity you are, miss, but you can’t buy this school,” saad ni Raven kaya nakita kong napataas ang kilay ni Zia. Namewang rin ito sa harap namin pero mukhang hindi ito makita ni Raven dahil nasa cellphone niya pa rin ang atensyon niya. “And why is that? My dad is a gove—” “Because this school is not for sale!” mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Raven. Parang nabasag niya kasi ang sinabi ni Zia. Natigil naman ako sa pagtawa nang masama akong tingnan ni Zia kaya yumuko na lamang ako at tumigil sa mahinang pagtawa. Napaangat na lamang ako ng tingin nang maramdaman ko ang pag-alog ni Raven sa bag ko. As usual, hindi na naman ito nakatingin sa amin dahil nakatutok pa rin ang kaniyang atensyon sa cellphone niya. “Get your juice,” utos sa akin ni Raven na ikinataka ko. “B-bakit, Raven?” utal kong tanong. “Spill it to her,” tipid pero seryosong utos ni Raven habang nakatutok pa rin sa kaniyang cellphone. Mukhang wala itong balak na tingnan ang isa sa amin. “Heh! You think that nerd has the guts to do it? Hmp! Takot lang niyan sa boyfriend ko,” nakangising saad ni Zia kaya muli akong napayuko. Totoo naman ang sinabi niya. Takot ako kay Ryan. “OH MY GOD! WHAT THE f*****g HECK?!” agad akong napaangat ng tingin dahil sa gulat nang marinig ang pagtili ni Zia. Basang-basa na ang uniform nito pati na rin ang mukha niya. W-who did that? “Ooops! OH MY GOSH! I didn't intend to do that. Hindi ko alam na nandiyan ka,” Raven said while imitating Zia’s voice. Fuck! She's good at imitating! Pero kahit lahat kami ay gulat, nakatuon pa rin ang atensyon niya sa kaniyang cellphone pero imbis na ang bag ko ang hawak niya ay iyon ng baso kong walang laman. Nakita ko ang marahang pagpatong ni Raven ng baso sa lamesa bago muling hinawakan ang bag ko saka marahan akong itinulak. “Go and change your uniform. You might catch a cold,” sambit niya na sa cellphone niya pa rin nakatingin. Para akong natigilan sa sinabi niya pero agad ko rin itong hinarap para pasalamatan. Hindi ko siya napasalamatan kahapon kaya kailangan ko siyang pasalamatan ngayon. “T-thank you, Raven!” saad ko. Nagulat naman ako nang umangat ito ng tingin kaya kami nagkatinginan. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o kung ano pero nakita ko ang pagngiti ni Raven na agad ring nagbago ang kaniyang ekspresyon at binigyan ako ng bored look. Hi-hindi ko inaasahang makukuha ko ang atensyon niya at umabot pa sa puntong nagkatinginan kaming dalawa. Mabilis namang bumalik ang atensyon niya sa kaniyang cellphone at akmang aalis na ako nang marinig ko itong muling magsalita. “Wait! What’s her name?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa kaniyang cellphone pero nakaturo ang kaniyang hintuturong daliri kay Zia. “Z-Zia” utal kong sabi at halos mapaawang ang labi dahil sa gulat nang muli niya akong tiningnan pero this time ay nakakunot na ang noo niya. This is the second time that she looked at me. Her eyes is beautiful! Pakiramdam ko ay malulunod rin ako sa tingin niya. “What about her surname?” kunot-noo niyang tanong. “O-Onarres. He-Her name is Zia Onarres.” utal kong sabi at muli naman na itong tumingin sa kaniyang cellphone. “Thank you! You can go now,” aniya kaya tumango ako at naglakad na paalis. Mabuti na lamang at binigyan daan ako ng mga estudyanteng nagkukumpulan kaya mabilis din akong nakalabas ng cafeteria. Ito ang pangalawang beses na iniligtas ako ni Raven at talagang sa magkasintahan pa. Nagtungo na ako sa locker area at kinuha na sa loob ng aking locker ang p.e uniform ko na nandito nakalagay. Bago ito pero kasama nito sa loob ang luma kong p.e uniform na binili ko last year kasama pa ang ilang libro ko rito. Mabilis akong nagpalit ng uniporme at hindi na bumalik pa roon sa cafeteria. Ano na kaya ang nangyayari doon? Kumusta na kaya siya? Gusto ko mang bumalik sa cafeteria upang tingnan sana ang nangyayari doon pero siguradong may nakapagsumbong na kay Ryan sa nangyari. Ayoko na munang magpakita kay Ryan dahil siguradong magagalit ito sa akin at alam kong sisisihin rin niya ako sa nangyaring pagbuhos ng juice ni Raven kay Zia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD