Kabanata 1

1230 Words
Isa akong nerd. Bukod sa mahilig akong magbasa ng mga libro ay hindi ko hilig ang sumama sa ibang tao upang gumala o mag-aliw. Lalaki ako pero hindi man lang sumasagi sa isip ko ang manigarilyo o tumikim man lamang ng alak. Isa rin akong boring na tao na walang ibang ginawa kung hindi ang magbasa kapag may libre akong oras. “Hoy! Lampa, alis diyan!” sabi nitong nakatayong lalaki sa harap ko kasabay nang pagsipa niya sa upuang inuupuan ko kaya naman nahulog rin sa sahig ang kaninang librong binabasa ko. Siya si Ryan Colares, ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang mambully kada nakikita ako. Simulang lumipat ako sa eskwelahang ito noong nakaraang taon, ako na ang palaging ginagawan niya ng mga kalokohan niya. Sabi nila ay ganoon na raw talaga itong si Ryan, madalas daw niyang target-in ang mga bagong lipat dito sa Valentino High. Napayuko na lamang ako at pinulot ang librong nahulog bago kinuha ang bag ko saka naglakad na paalis. Lumipat ako sa pinakadulong upuan sa gilid upang makalayo sa lalaking iyon. Narinig naman namin itong humalakhak na para bang nagwagi sa walang kwentang laban. “Napakaduwag mo talaga kahit kailan, Owen!” kantyaw niya habang tumatawa pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa ng libro. Isa akong grade 12 student at ito ang unang araw nang pasukan sa Valentino High. Panibagong taon ulit sa paaralang marami ang demonyong nag-aaral katulad na lamang ni Ryan. Habang wala pa ang aming guro, nilibang ko na lamang ang aking sarili sa pagbabasa ng kwento gamit itong librong hawak ko. Isa itong romcom na talaga namang nakakaaliw basahin dahil sa babaeng bidang iginuhit ang isang lalaking hindi naman niya kakilala pero malalaman niyang isa niya pala iyong taga-hanga. Lumipas ang ilang minuto, nagsidatingan na ang iba pa naming pamilyar na kaklase dahil ito rin ang mga kaklase namin noong nakaraang taon. Hindi nagtagal, dumating na rin ang bagong class adviser namin at hindi na rin ito nag-abala pang utusan kaming magpakilala sa harap isa-isa dahil alam naman na raw kasi niyang kami rin ang magkakaklase noong nakaraang taon at makikilala rin naman daw niya kaming mga estudyante niya sa mga susunod pang araw kaya pinanuod na lang namin itong bilangin kami bago tiningnan ang hawak niyang papel. “Eh? Out of thirty-three students dito sa strand ninyo, eh, thirty-two lang ang presents. Hays! Unang araw sa eskwela may isang absent agad,” para bang hindi makapaniwalang sambit ni Mrs. Jacqueline at napahilamos pa sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad. Ibig sabihin pala ay hawak niya ang papel na may lista ng mga pangalan naming mga estudyante niya? Saka thirty-three students? Last school year ay fourty-six kami. Ang alam ko naman ay lahat rin kami nakapasa last year. Siguro ay lumipat ng ibang eskwelahan ‘yung iba kaya kami kumunti ngayong taon. “Hay naku! Pasalamat ang absent na iyon at bukas pa ako magsisimulang mag-check ng attendance ninyo.” dagdag pa ni Mrs. Jacqueline habang umiiling na animo'y disappointed sa estudyanteng absent ngayong unang araw nang pasukan. Nang matapos ang buong oras ng klase, tanging si Mrs. Jacqueline lang ang gurong pumasok sa amin ngayong umaga. Sinabi rin niya na bukas pa raw magsisimula ang totoong klase kaya naman nakipagkwentuhan na lang muna ito sa amin tungkol sa mga nangyari noong bakasyon. Nabanggit din niya ang tungkol sa grading system na matagal naman na rin naming alam. “Uy, Owen!” rinig ko sa pamilyar na boses kaya lumingon ako sa aking likuran at nakita si Canary. Isa siya sa mga estudyanteng mas piniling makipag-kaibigan sa akin dito sa Valentino High kaysa ang ibully ako. Mabait ito at maganda pero masyado itong adik sa mga asawa niyang artista sa South Korea. “Balita ko binully ka na naman daw ni Ryan kanina?” tanong niya nang makalapit sa akin. “Hindi. Pinaalis lang niya ako sa upuan kanina,” sambit ko at inayos ang suot kong salamin sa mata. Iyon lang naman kasi talaga ang nangyari. Kung sabihin ko mang sinipa ni Ryan ang upuang inuupuan ko kanina ay paniguradong magagalit itong si Canary at pupunta na naman sa guidance office upang isumbong si Ryan. Ayoko namang mabugbog ulit ni Ryan katulad noong nakaraang taon dahil napagbintangan niya akong ako raw ang nagsumbong sa guidance. “Nga pala, Canary, akala ko ba gusto mo sa HUMSS? Bakit nagpalit ka ng strand? Saang strand ka lumipat?” tanong ko sa kaniya at nilingon ito. Napaawang na lamang ang aking labi nang makitang wala na ito sa tabi ko at prenteng nakikipagkwentuhan na pala sa isang grupo ng mga kababaihan. Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik na sa paglalakad. Balak kong pumunta sa cafeteria upang mag-order ng pagkain at dalhin ito sa rooftop ng building namin upang doon na kumain habang nagbabasa. Isa pa, baka makita ako ni Ryan at mapagtripan pa niya kaya mas mabuting sa rooftop na nga lang ako kumain. “Hoy! Owen, hintay naman!” rinig ko sa pasigaw na boses ni Canary kaya akmang lilingunin ko ito nang may mabangga ako. “PUTANGINA NAMAN, LAMPA! IKAW NA NAMAN?!” sigaw ni Ryan nang hindi ko ito sinasadyang mabangga. Napansin ko rin ang pagtingin sa amin ng ilang kapwa namin estudyante na nagkakalat rito sa hallway dahil sa pagsigaw ni Ryan na nakuha ang atensyon nila. Marahas na kinwelyuhan ako ni Ryan at parang kaunti na lamang ay hindi na sasayad sa semento ang mga paa ko. “Apat na nga ‘yang mata mo hindi mo pa rin makita kung may mababangga ka o wa—WHAT THE HELL?!” gulat na sigaw niya kasabay nang pagbitaw niya sa aking kwelyo dahil sa isang babaeng estudyanteng nakasakay sa isang skateboard. Dumaan kasi ito sa likod ni Ryan at parang sinadyang hilahin ang polo nito para mabitawan ako. Nakatayo lang ako sa gilid ni Ryan habang hinihintay na huminto ang babaeng nakasakay sa kaniyang skateboard. Nang huminto ito ay taas-kilay nitong tiningnan si Ryan. “Ha? May sinasabi ka?” sarkastikong sambit niya habang hawak na ang skateboard niya. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa kaloob-looban ko dahil sa inasta niya sa harap ni Ryan. Hindi ata niya alam na isang bully ang katapat niya? Baguhan lang ba siya rito? Maganda itong babae, maputi at halatang malinis rin ito sa katawan. Bagay na bagay rin sa kaniya ang suot niyang school uniform ng Valentino High pero mukhang ngayon ko lang ito nakita. Isa ata siyang transferee? Bahagya akong nagulat nang iduro ni Ryan ang babae at halata sa itsura niya ang galit. “Tangina! Pasalamat ka babae ka!” galit na sambit nito saka ako binalingan ng tingin. Naglakad ito papalapit. Akala ko ay susuntukin niya ako pero binangga lamang nito ang balikat ko nang malagpasan niya ako. “O-Owen, okay ka lang ba? P-pasensya na! Sorry! Kung hindi kita tinawag hindi mo sana mababangga ang gagong iyon. Hays! Gusto kong sapakin si Ryan! Argh!” usal ni Canary na halata rin sa boses niya ang pagkairita na para bang naiiyak na. “I’m fine, Canary. Walang masakit sa akin,” sagot ko at akmang papasalamatan sana ang babaeng may skateboard pero wala na ito roon sa pwesto niya. Hindi ko na rin siya makita rito sa palagid. Gusto ko pa naman sana siyang pasalamatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD