Chapter 13

1283 Words
Cassandra Pagkamulat ko ng aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Chester na nag aalala katabi niya si Joshua na hindi din umiimik. "Ayos ka lang ba Cass?" tanong ni Chester sa akin habang hawak niya ang kamay ko. "Okay na ako. Salamat." Sagot ko habang umuupo sa higaan. Inalalayan niya naman ako hanggang sa makaupo ako. Napatingin ako ng biglang magsalita si Joshua. "What happened to you? You got me worried sick Cassandra!" nag aalalang sabi niya "I don't know. It just happen. Bigla nalang sumakit yung ulo ko." "Are you okay now?" tanong niya "Tsk.." napatingin ako kay Chester na nakasimangot habang nakatingin ng masama kay Joshua. Napangiti naman ako sa nakita ko. Tumingin uli ako kay Joshua at sumagot. "I'm okay now. Thank you sa pagdala niyo sa akin." Sabi ko na ng nakangiti. Napatingin ako sa kanilang dalawa ng may maalala ako. "Sino nga pala ang nagbuhat sa akin papunta dito sa clinic?" tanong ko kasi curious ako. I've never felt so much secure for my entire life. Just this once kaya sobrang curious ako kung sino ang yumakap at nagbuhat sa akin papunta dito. "Ako ang nagbuhat at nagdala sayo dito Cass." Napalingon ako kay Chester nung sinabi niya yun. I don't know but I feel happy noong sinabi niyang siya ang nagbuhat sa akin. "Thank you Chester." Buong puso kong pasasalamat sa kanya. "Are you hungry Cassandra?" bigla namang singit na tanong ni Joshua na nakapagpalingon sa akin. "Yup, I'm hungry." Sabi ko at tumingin sa relong nakasabit sa dingding ng school clinic. Alas dos na pala ng hapon. So ganoon pala ako katagal nakatulog. Bumababa ako ng higaan at sinuot yung sapatos ko. Nakita ko namang nag unahan pa ang dalawa sa pag alalay sa akin. "Kaya ko na." sabi ko nalang para hindi na sila magtalo pa. "Sigurado ka Cass? Baka nanghihina ka pa. Dito ka na lang kaya at bibili nalang ako ng makakain mo." Sabi ni Chester. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Joshua. "He's right Cassandra. Magpahinga ka nalang muna. Ako nalang ang bibili ng pagkain mo." Sabi naman ni Joshua. "Hindi na pare ako nalang. Mas alam ko kung ano ang gusto niyang kainin." Sabad ni Chester "Ako na pare nakakahiya naman sayo." Sabi ni Joshua ulit habang nakatingin sa akin. Nakita ko namang nakasimangot na si Chester. Akala mo naman naagawan ng candy. Kaya napatawa nalang ako bigla na siyang nakapagpalingon sa kanya. "Kaya ko na ka huwag na kayong magtalo jan. Sa cafeteria nalang tayo." Sabi ko nalang sa kanila at hinila na silang pareho papuntang cafeteria. Pagdating namin doon sinabi ko na agad yung gusto kong kainin sa tindera. Baka pati kainin ko eh pagtalunan pa nila. Nakita ko naming umorder na din sila. Iaabot na sana sa akin ni ate tindera yung inorder ko ng biglang nagsabay silang dalawa na kunin ito. Magkabilaan nilang hawak yung tray ng pagkain ko. Nakita kong masama ang tingin nila sa isa't isa kaya napabuntong hininga nalang ako bago nagsalita. "Bibitaw kayong dalawa o iiwanan ko kayo dito at kakain nalang ako mag isa?" banta ko sa kanilang dalawa. Napatingin silang dalawa sa akin at ngumiti. "Ako nalang kasi magdadala pare. Baka mapagod ka pa." Chester "Ako na pare tsaka malapit lang naman yung uupuan niya. Kaya hindi ako mapapagod." Joshua "Bakit ba ang kulit mo! Sabing ako na ang magdadala diba. Kaya bitawan mo na!" mariing sabi ni Chester "Ikaw ang makulit! Hindi kaba nakakaintindi na ako na ang magdadala!" sagot ni Joshua kay Chester habang nakatingin ito ng masama. Mababaliw ata ako sa dalawang to. Bigla akong napahawak sa ulo ko kasi medyo sumasakit ito. Nagulat nalang ako ng binitawan nalang bigla ni Chester yung tray at lumapit sa akin at alalayan ako. "Ayos ka lang ba Cass? Masakit ba ulit ang ulo mo? Gusto mong bumalik nalang tayo ng clinic?" sunod sunod niyang tanong sa akin "Tsk.. Pabida!!" pabulong na sabi ni Joshua na narinig ko naman. "Anong sabi mo!?" tanong ni Chester sa kanya "Sabi ko dadalhin ko na ito sa mesa para makakain na si Cassandra." Sagot niya habang nakasimangot Hinayaan ko nang igiya ako ni Chester papuntang mesa. Pagkaupo ko palang iniabot na ni Joshua sa akin yung pagkain ko. Kumain na ako kasi talagang gutom na rin ako. Nakita ko namang kumain na din sila. Pagkatapos naming kumain. Nagpresinta yung dalawa na ihatid ako. Tinanggihan ko silang dalawa kasi baka mag away at magbangayan nanaman sila. Mas pinili ko nalang na tawagan si Daniel para maihatid ako. Kaysa sa dalawang ito na ayaw magpaawat sa bangayan nila. Mas lalo ata akong magkakasakit pag kasama ko tong dalawang to. Nilabas ko ang phone ko at nagtext jay Daniel. To: Daniel Can you take me home right now baby? Daniel Why ate? Is there anything wrong? Me Nope baby, It's just that my head is aching a while ago. I need some rest baby. Can you take me home? Ayaw kong mag alala siya ng sobra sa akin kaya hindi ko na sinabi yung tungkol sa nangyari sa akin kanina. Pupunta nalang ako kay Doctor Buenavista bukas ng umaga. Para magpakonsulta at malaman kung bakit ganoon nalang sumakit ang ulo ko kanina. Daniel Okay ate. Where are you? Me I'm at the parking area. I'll just gonna wait for you here. Daniel Okay ate, I'll be there in 5 minutes. Binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko at tumingin sa dalawa. Nagpapalitan sila ng masasamang tingin. Anong gagawin ko sa dalawang ito. Parang mas mapapagod ako kapag kasama ko silang dalawa eh. Ngayon palang sila nagkasama pero bangayan na sila agad. Daig pa nila ang aso't pusa. Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa may bench sa likod ko. Ilang minute lang ang nakalipas ng dumating na rin si Daniel. Nagulat pa siya nung makita niya yung dalawa na masamang nakatingin sa isa't isa. Nakita kong napailing nalang siya habang nakangiti. Pagkalapit niya sa akin tinanong ko agad siya. "Anong ningingiti mo jan?" nakakunot noo kong tanong "Wala naman ate. Anong nangyayari sa dalawang yan at bakit ang sama ng tingin nila sa isa't isa.?" Tanong niya sa akin na ikinabuntong hininga ko. "Ewan ko ba jan sa dalawang yan. Kanina pa yang mga yan nasa cafeteria palang kami ganyan na sila. Nakaka stress mas lalo." Sagot ko "Hahaha parang alam ko na kung bakit ate." Nanunuksong sabi niya habang tinitignan niya ako at nakangiti. "Tigil tigilan mo ako Daniel. Kunin mo nalang yung car at ihatid mo na ako. Bago ako tuluyang mabaliw sa dalawang ito." Saad ko Tumalima naman si Daniel. Kinuha niya agad yung sasakyan at huminto siya sa harapan namin. Naglakad ako papuntang sasakyan. Sasakay na sana ako at iwanan yung dalawa na hindi man lang namalayan ang pag alis ko sana. Kaso nakonsensya naman ako. Kaya nagpaalam nalang bako. "Chester, Joshua thank you sa inyo ha. Mauuna na muna ako sa inyo." Paalam ko sa kanila Nakita kong gulat sila noong nakita nila si Daniel na nakatayo sa tabi ko habang hawak ang pinto ng kotse. "Diba sabi ko ako na maghahatid sayo?" nakabawing sabi ni Chester "Sinabing ako na pare diba? Bat ba ang kulit mo!" biglang saad naman ni Joshua Grabe hayan nanaman sila. Pumasok na ako ng tuluyan sa kotse at di na sila pinansin pa. Nakakastress ang dalawang yun. Sumakay na si Daniel sa loob habang nakatingin siya ng nanunukso sa akin. Hindi ko na siya pinansin at ipinikit ko nalang ang mata ko. Medyo sumasakit nanaman kasi ang ulo ko. Kailangan kong magpahinga baka pagod ko lang ito. Ilang minute lang tuluyan ng nilamon ng antok ang sistema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD