Cassandra
Papasok na kami ngayon ng school. It's been a week since nakabalik na ako sa mansion ng aking mga magulang. Yup mansion lang nila di naman anak ang turing nila sa akin eh. Nalaman ko din na kaya pala ako pinapakasal ng magaling kong Daddy. Kasi para daw madagdagan pa yung mga branches ng mga companies nila.
Sa oras na natuloy na daw yung kasal namin is magmemerge yung mga company nila. Ginawa akong puhunan. bwisit!! Kung hindi lang talaga para kay Daniel nunca akong papayag.
"Ang lalim nanaman ng iniisip mo ate." sabi ni Daniel
Nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong sa akin. Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"I'm just hungry baby. Alam mo namang hindi kumakain si ate sa bahay niyo eh." sabi ko ng nakanguso
"It's our house ate," sabi niya,
"Only yours baby. Can you quit that topic." nababagot ko ng sabi. Ayoko na kasing humaba pa yung usapan eh.
"Diretso tayo ng cafeteria baby. I'm super hungry. Ang tagal mo kasing bumaba. Ayon tuloy nangpang abot nanaman kami ng demonyo nating daddy." nakasimangot kong sabi. Buti na nga lang at wala ako sa mood. Kaya umalis ako sa harap nila at lumabas. Doon ko nalang hinintay etong gwapo kong kapatid.
Nakarating na kami ng school at tulad ng sinabi ko dumiretso kami sa may cafeteria. Medyo madaming tao na kumakain. Nasa harap na ako ng mga pagkain at namimili na lang ako kung ano ang oorderin ko. Nang nakapagdecide na ako sinabi ko na sa tindera yung inorder ko. Nasa likod ko lang si Daniel at namimili pa. Nang makapili na siya sinabi niya na din ito tsaka binayaran sa cashier. Kinuha na namin yung inabot nung tindera tsaka naghanap ng mauupuan. Nakahanap kami sa may gilid na tabi lang nung entrance. Kaya lahat ng papasok makikita mo agad.
Nang matapos na kami sa pagkain. Hinatid niya na ako sa room ko. Sabi ko nga na ako din ang maghahatid sa kanya. Pero tinanggihan niya ako. Siya daw ang lalake kaya dapat siya daw ang maghahatid. Kaya hinayaan ko nalang sa gusto niya. Humalik muna siya sa pisngi ko tsaka siya nagpaalam na umalis.
Pumasok na ako ng room at dumiretso sa tabi ni Chester. Ang aga naman neto isang oras pa bago ang klase ah. Nang magtama yung mga mata namin napangiti siya ng sobrang lawak kaya napangiti na din ako. Ano bang meron sa lalaking ito at napapangiti niya ako ng ganito. Bukod kay Daniel siya lang ang may kakayahan magpangiti sa akin.
"How was your weekend?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Okay lang naman, Medyo boring lang kasi nagkulong lang ako sa kuwarto ko at nagbasa lang ng wattpad." sagot ko habang may hinahanap sa bag ko.
"Ganoon ba? Why don't you come with us this coming weekends?" tanong niya
"Ano bang meron?" balik tanong ko sa kanya
"Birthday ng kuya ni Dylan." sagot niya
"Eh bakit ikaw ang nag iimbita eh hindi mo naman pala kaano ano yung birthday celebrant. Dapat si Dylan ang nag iimbita." nakataas kilay kong sabi sa kanya. Nakita ko namang napakamot siya sa batok niya. Ang cute niya talaga hahaha.
"Eh kasi sabi niya ako na daw magsabi sayo. Ayaw mo ba?"
"Pag iisipan ko muna since sa sabado pa naman yung event." sabi ko nalang
"Sana makasama ka sa amin para mas masaya." nakangiting sabi niya
Nginitian ko nalang siya bilang sagot sa sinabi niya. Alam ko namang naintindihan niyang ayaw ko ng magsalita. Kaya inabala niya rin ang sarili niya sa ginagawa niya sa phone niya. Sinalpak ko na yung headset sa tenga ko at nakinig nalang ng music. Hindi namin namamalayang dumating na pala sina Chelsea kasunod yung prof namin. Kaya inalis ko na yung headset ko and binalik na sa bag ko kasama nung phone ko.
"Good morning class! We have a transferee here." anunsiyo ng teacher namin pero wala akong pakialam. Narinig ko pang sinabi ni teacher na magpakilala na yung transferee. Nag umpisa ng magpakilala yung transferee. Maririnig mo naman ang mga bulungan at kilig ng mga classmate naming mga haliparot.
"Hi everyone! Im Joshua Romualdez and nice meeting you all." pagpapakilala niya
Sa pagbigkas niya palang nung pangalan niya kanina nagulat na talaga ako. Tinignan ko kung tama ang hinala ko. At nanlumo ako sa nakita ko. Nakatitig lang siya sa akin at nakangiti. Sakit tuloy ng ulo ko. Why on earth na andito siya. Sa pagkakaalam ko nasa isa din siyang prestigious na school. Eh bakit lumipat siya dito. Makakatikim talaga sa akin to.
"You can have your seat Mr Romualdez." sabi ng teacher namin
"Thank you Sir." sagot niya tsaka naglakad papalapit sa akin. Pucha!! wag niyang sabihing tatabi siya sa akin. Bwiset na buhay to!! At tama yung hinala ko umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Iniusod niya pa ito para mas lalong makalapit sa akin. Nakita ko namang nakatingin lahat ng kaklase namin sa akin. Na para bang inggit na inggit.
Kung pwede lang ipamigay ko to sa inyo eh. Sabi ko nalang sa isip ko habang dinedeadma ang katabi ko. Alam ko naman na kagustuhan nanaman ng mga magulang namin ang paglipat niya dito. Wala na akong magagawa pa kasi andito na siya. Lumingon ako sa kanya. Nakita ko namang nakangiti siya sa akin. Siniko ko siya.
"What are you doing here Joshua!?" nakasalubong ang kilay kong tanong sa kanya.
"Ano pa bang gagawin ko dito Cassandra?" nakakalokong sagot niya sa akin
"Umayos ka Joshua!!" nanggigigil na sagot ko
"Okay" surrender niyang sabi habang pinapakawalan niya ang kanyang buntong hininga. Hindi pa rin ako umiimik kasi hinihintay ko pa yung susunod niyang sasabihin.
"Our parents sent me here. Sila ang nag ayos lahat ng kinailangan ko para makalipat agad dito. Dapat daw kung nasaan ang fiancee ko dapat andoon din ako." mahabang sagot niya. Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
"We'll talk later Joshua. I think we have a lot of things to discuss." sabi ko
"Yeah, your right. So lets have a lunch together then?" nag aalinlangang tanong niya
"Okay" sagot ko nalang. Kailangan naming pag usapan ang tungkol sa plano ng mga magulang namin. Alam ko sa sarili kong ayaw ko ng sitwasyon ko ngayon pero wala akong magawa. Baka pag kinausap ko siya eh matutulungan niya ako. I want this engagement thing erased!! Di pa ako handa na magpatali. Parang may gusto pa akong gawin sa buhay ko na hindi ko pa nagagawa. Yun bang feeling mo na may kulang sa pagkatao mo. Parehas na kaming nakinig sa tinuturo ng teacher namin.
Thirty minutes have passed. Pag titignan ako ng iba akala nila nakikinig ako pero hindi. Parang may sariling isip yung utak ko. Hindi ko alam kong ano itong nangyayari sa akin.
There were blurry pictures escaping and flashing in my mind. I keep on seeing things but it's all blurry. My head is starting to ache as if it will blow in an instant. I tightly hold my head to reduce the pain. But it's not working. I want to scream in pain. Blurry images are contineously flashing on my mind. I cant hold the pain anymore. I scream in pain as I tightly holding my head. Someone or rather many voices were asking me if what's happening to me. But I couldn't utter any words because of the pain I am experiencing. Ngayon ko lang ito naramdaman at hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit. Umiiyak na ako sa sakit. Someone was hugging me. That's for sure. Pero wala na akong pakialam. Niyakap ko din ang yumayakap sa akin at sinabing.
"I-i cant-t take it any-more. Its killi-ng m-e l-ike hell." halos pabulong at pautal utal kong sabi bago ako nawalan ng malay sa bisig ng kung sino man. I dont know the person who is hugging me but I feel safe in his arms.