PAGKAGISING ni Celestine kinabukasan, nasa
kuwarto na siya. Marahan siyang bumangon kasabay
ng kanyang pagngiwi nang kumirot ang leeg niya, kaya
kaagad niya iyong nasapo. Nanlaki ang mga mata niya
nang may makapa na kung ano doon.
Mabilis siyang umalis sa ibabaw ng kama at
patakbong pumunta sa harap ng salamin. Higit siyang
nagimbal nang makita kung ano ang nasa leeg niya.
Bilog iyon at halatang kagat ng isang hayop.
No! Nagtaas-baba ang dibdib niya nang
maalala ang lalaking tinulungan niya kagabi. Kung
tama ang pagkakatanda niya, Scoth ang binigay nitong
pangalan…
“As a thank you, I'll give you my mark…”
naalala niyang sabi nito na mariin niyang ikinapikit.
Mark... Muli niyang tiningnan ang kagat na
nasa pagitan ng leeg at balikat niya. So, this is the mark
he's talking about? Pero para saan ito at bakit siya
binigyan ng ganito ng Lycan na `yon?
Magulo ang isip niyang lumabas ng kuwarto.
Naabutan niyang nagkakape ang ama sa kusina. Nag-
angat ito sa kanya ng tingin nang mapansin ang
paglabas niya.
“Magandang umaga, `Pa.”
“Magandang umaga. Nagluto ako ng
umagahan. Kumain ka na lang kung gusto mo,” anito
at muling ibinalik ang mga mata sa binabasang
diyaryo.
“`Pa? Kayo ho ba ang naglipat sa `kin sa
kuwarto?" tanong niya rito.
Kunot ang noong nagtaas ito sa kanya ng
tingin. “Hindi.” Nakagat niya ang ibabang labi. Ibig
sabihin, si Scoth ang nagdala sa kanya sa kuwarto.
“May problema ba?”
Mabilis siyang umiling. Hindi nito dapat
malaman ang nangyari kagabi at ang kagat na nasa
kanya ngayon.
Mabilis siyang lumabas ng bahay para
puntahan si Rhoda, ang matalik niyang kaibigan.
Kailangan niyang sabihin dito ang bumabagabag sa
loob niya. Ito lang ang parating niyang nasasabihan ng
problema. Naabutan niya itong nagdidilig ng halaman.
Agad siya nitong nginitian nang makita siya. Mapait
siyang ngumiti at agad itong niyakap.
“Hoy! Ano'ng drama `yan?” anito na niyakap
din siya.
“I made a mistake,” she murmured.
“What mistake?”
Sandali siyang nag-alinlangang magsabi pero
sa huli, pinili niyang sabihin dito ang totoo. “Don't
hate me, please?”
“Bakit ko naman gagawin `yon? That will
never happen. Remember, I'm your best friend!”
Tumango siya at bumuntong-hininga muna bago
muling nagsalita. “Kagabi, may tinulungan ako.
Sugatan siya at malubha ang lagay niya…”
Nangunot ang noo nito. “Malaking kasalanan
ba `yan? Hindi ba dapat mo pa nga `yan ipagmalaki?
Maliban na lang kung isang Lycan ang niligtas
mo…`yan ang malaking kasalanan…” Tumawa ito
nang pagak, pero agad ding nawala ang ngiti nito sa
labi nang makita ang pagkabagabag sa mukha niya.
Hinila siya nito palayo sa bahay nito. “Don't tell
me…isang Lycan ang iniligtas mo?” Marahan siyang
tumango na ikinalaki ng mga mata nito. “Bakit mo siya
iniligtas kung alam mong isa siyang Lycan?!”
Bumagsak ang mga balikat niya at nahihiyang
nagbaba ng tingin. “I don't know… I don't know why I
helped him.” Kung alam lang niya'y hindi na sana siya
nalagay sa alanganin.
“Him? Isang lalaki ang niligtas mo! Are you
out of your mind?!” pag-uulit ni Rhoda.
Nanahimik lang siya dahil wala siyang
mahanap na tamang sagot kung bakit niya iniligtas ang
isang Lycan. Sising-sisi siya at iyon ang totoo.
“Did he hurt you? Or did he do something bad
to you?” she asked worriedly.
Marahan siyang umiling. “He like—kind of—
but he leave me this…” Marahan niyang hinawi ang
mahabang buhok na nakatakip sa leeg niya.
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ng
kaibigan nang makita ang kagat na nasa leeg niya. “W-
what is t-that?”
Nagkibit siya ng balikat. “When that Lycan
spoke, he said he'll give me a m-mark.”
“Mark? Naku baka kung ano `yan. Kailangan
natin itong sabihin kay Tito Fred,” anito na hinila siya
pauwi sa bahay nila. Pero mabilis niyang inagaw ang
kamay mula rito.
“Hindi niya puwedeng malaman!”
Nakunot ang noo nito. “Bakit hindi? Celestine,
kailangan niya itong malaman! Paano kung may
mangyaring masama sa `yo? Paano kung may
masamang epekto `yan sa katawan mo?”
Mariin niyang kinuyom ang kamay. Tiyak
kapag nalaman ng ama niya ang tungkol dito,
siguradong gagawa ito ng isang hakbang na maaari
nitong ikapahamak. Siguradong susugurin nito ang
kuta ng mga Lycan, iyon ang ayaw niyang mangyari.
“Kasalanan ko ito, kaya haharapin ko itong
mag-isa.”
“Celestine naman!”
“Please, Rhoda. Huwag mo itong sabihin kay
Papa. Ayokong may mangyari sa kanyang hindi
maganda.” Doon pumatak ang mga luha niya. Ngayon
lang niya napatunayan na mali ang nagawa niya.
Nagbuga si Rhoda ng hangin at pagkuwa'y
niyakap siya nito. “All right, I won't. Basta kapag
mayroon kang hindi magandang nararamdaman, just
tell me.”
Tango lang ang isinagot niya rito. This is the
right thing to do, kasama na doon ang kalimutan si
Scoth.
Six months later...
NAPAHINTO si Celestine sa pagkarga ng mga gamit
sa wrangler jeep nang umihip ang malakas na hangin.
Tumingala siya sa bughaw na kalangitan kung saan
natatakpan ng makapal na ulap ang araw. Hinuli niya
ang ilang hibla ng buhok na isinayaw ng malakas na
hangin at itinali iyon. Naipikit niya ang mga mata.
Heto na naman ang biglaang pagbilis ng t***k ng
kanyang puso. Tiyak magsisimula na naman siyang
makaramdam ng matinding kirot sa katawan. Humugot
siya ng hangin at mabagal iyong ibinuga. Paulit-ulit
niya iyong ginawa para pakalmahin ang dibdib.
Nagsimula ang ganoong pakiramdam niya
magmula nang iwanan siya ng marka ng Lycan na
tinulungan niya. Matapos din nang gabi iyon,
nakaramdam na siya ng pagbabago sa kanyang
pakiramdam tulad ng pagkabalisa at pananakit ng
buong katawan na hindi mawari kung saan nanggaling.
Hinawakan niya ang marka na nasa kanyang
kaliwang leeg. Hindi ko alam kung bakit at kung para
saan ang kagat na iyon. Maraming katanungan sa
kanyang isipan na hindi niya mabigyan ng kasagutan.
Dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng kasagutan
ang mga gumugulo sa isip ay napagdesisyunan niyang
pumunta sa Tierra Tribo kung saan naninirahan ang
mga tinawag nilang matandang bayok na si Ka Ipeng,
isang lalaking manggagamot, na maaaring may alam
tungkol sa mga Lycan.
“Are you okay?” pukaw sa kanya ng kaibigang
si Rhoda.
Tipid na nginitian niya ang kaibigan. “Yep.”
Nagbuntong-hininga ito. “Sigurado ka ba na
gusto mong pumunta sa Tierra Tribo?” Isinakay na din
nito ang mga gamit sa likod ng wrangler.
“Yes, kailangan kong gawin ito para sa
ikatatahimik ng buhay ko.”
Tinapik niya ang balikat nito at pagkuwa'y
sumakay na sa driver's seat. Si Rhoda naman ay
sumakay sa passenger's seat. Pagkasakay ay inilabas
nito ang lumang mapa ng lugar at inilapag sa pagitan
naming dalawa. May luntian, asul at kulay-kapeng mga
pulo. Kahit sa imahe ay namamangha pa rin siya sa
kabuuan ng Atheia. “Pagkalabas natin sa border ng
Atheia ay kakaliwa tayo sa Aphaea, at lalabas tayo sa
kabilang dulo niyon. Pagkalabas natin doon ay dire-
diretso na papunta sa Tierra Tribo,” aniya habang
itinuturo ang daan sa mapa.
Binuhay ng dalaga ang ignition at agad na
pinaandar ang sasakyan papalayo. Alam niyang
ikagagalit ng kanyang papa ang hindi niya pagpaalam
rito, pero hindi niya na lang puwedeng sabihin dito ang
tungkol sa kagat na iniwan ng isang Lycan. Kasalanan
niya naman kung bakit siya nagkaroon nito, kaya dapat
siya ang magresolba nito.
“Celestine, puwede ba akong magtanong?”
Maya'y tanong ni Rhoda.
“Tungkol saan?” Nakatuon ang mga mata niya
sa daan nang tumugon sa kaibigan.
“Bakit mo tinulungan ang Lycan na `yon
gayong alam mo na mapanganib siya at maaari ka
niyang saktan o patayin?”
Sandali niya itong sinulyapan at muling
ibinalik sa daan ang tingin. Sa totoo lang hindi niya
alam ang dahilan kung bakit niya tinulungan ang
Lycan na `yon. “But he didn't…” tangi niyang nasagot.
“Pero iniwanan ka niya ng kagat d’yan sa leeg
mo!” inis nitong wika. “Sumpa `ata `yan.”
Nagbuntong-hininga siya. Naiintindihan niya
kung bakit ganito na lang ang galit ni Rhoda sa mga
Lycan. Dahil Lycan ang pumatay sa tunay nitong mga
magulang. Hindi na lang siya sumagot para hindi na
humaba pa ang usapan. Kahit man siya ay hindi alam
kung ano'ng nangyari nang gabing iyon. Para bang
nahipnotismo siya na hindi maintindihan, dahil imbes
na patayin niya ang Lycan ay tinulungan niya pa itong
magpagaling at makatakas. Pero maliban kay Rhoda,
wala na siyang ibang pinagsabihan tungkol dito.
Mabilis na natapakan ni Celestine ang preno
nang biglang kumirot ang dibdib niya. Sumubsob siya
sa manibela habang mariing hawak ang dibdib.
Everyday is getting worse!
“C-Celestine?” nag-aalalang hinawakan siya ni
Rhoda. “A-are you okay?”
Hindi siya makahinga at napadilat. “M-
masakit...” Ramdam niya ang malamig na pawis na
namuo sa kanyang noo at kasabay niyon ang
panlalamig ang buo niyang katawan.
“N-nasa border pa lang naman tayo. Gusto mo,
bumalik na lang tayo? Humingi na tayo ng tulong kay
Tito Fred,” suhestiyon ni Rhoda na akmang tatawagan
sa cellphone ang anyang ama pero mabilis niya itong
pinigilan.
“H-hindi! Tutuloy tayo. Kailangan ko itong
gawin.” Naiiyak na kinagat niya ang ibabang labi.
Nagbuntong-hininga ito. “S-sige. Ako na ang
magmamaneho,” prisinta nito. Bumaba ito at umikot sa
gawi driver's seat at inalalayan siyang makalipat sa
kabila bago pumalit sa puwesto niya. Kumuha ito ng
bottled water at iniabot sa kanya.
“Salamat,” sabi niya at kaagad din iyong
ininom. Inihilig niya ang aking ulo sa headrest ng
upuan at mariin na pumikit.
Nagising siya sa mahinang yugyog sa kanyang
balikat at ang nag-aalalang mukha ni Rhoda ang
bumungad sa kanya. “Nandito na tayo. Naghihintay na
sa loob si Ka Ipeng. Nakausap ko na siya,” bungad
nito.
Nanginginig ang katawan na bumaba siya ng
sasakyan. Inalalayan naman siya ni Rhoda hanggang sa
makapasok sila sa isang lumang kubo. Agad siyang
inabutan ng balabal ng isang matandang babae.
“Maupo ka rito, ineng,” utos ng isang
matandang lalaki na ngangalang Ka Ipeng. Tinuro nito
ang bakanteng kaharap na upuan at tumalima naman
siya. “Puwede ko bang makita?” tanong nito. Marahil
alam na nito ang tungkol sa kanyang sugat sa leeg.
Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa
kanyang leeg para makita nito ang marka, pero agad
din nito iyong tinakpan gamit ang aking buhok.
Hindi makapaniwala ang mga mata nito na para
bang ngayon lang ito nakakita ng ganoon. “Bukod sa
akin, sino pa ang nakaaalam tungkol dito?” maya'y
tanong nito. Tumingin siya kay Rhoda at agad nito
iyong nakuha. “Hindi dapat ito malaman ng iba dahil
maari ka nilang gamitin laban sa Lycan na naglagay sa
`yo niyan.” babala nito.
“A-ano ho ba ang ibig sabihin ng kagat na ito?”
nahihiwagaan kong tanong.
“Mayroong tatlong uri ng kagat ang mga Lycan. Una,
ang kagat na ito ay intensyon nilang pumaslang.
Pangalawa, ang kagat na nais baguhin ang sinumang
nilalang at gagawing kauri nila. At ang panghuli ay
ang kagat na tanda ng kanilang pagmamay-ari.”
Doon siya nakaramdam ng kaba. “Pagmamay-
ari?”
Tumango ito. “Oo, hija. Pero ang hindi ko lang
maintindihan kung bakit ikaw? Bakit sa isang normal
na tao?”
“A-ano ba ang markang ito?”
“Ang markang iyan ay pangatlo sa aking
nabanggit. At ito ay karaniwang ginagawa ng isang
Lycan sa kapwa nila bilang pakikiisang-diwa sa kanya.
Kung ano ang nararamdaman niya ay iyon din ang
mararamdaman mo. At kung ano ang nararamdaman
mo ay iyon din ang mararamdaman niya.”
Hindi makapaniwalang hinawakan ni Celestine
ang marka. Bakit naman nito iyon gagawin? Kung
ganoon, ang mga nararamdaman niya ay ang mismong
nararamdaman ni Scoth? Pero bakit ito nakararamdam
ng ganoon? May nangyayari ba ritong hindi maganda?
“Ano ang puwede naming gawin para mawala
ang markang `yan?” sabat ni Rhoda mula sa
pananahimik.
Umiling ang matanda. “Wala kayong
magagawa, maliban na lang kung ang Lycan na iyon
mismo ang magpapawalang-bisa niyan.”
“Sa paanong paraang ho?” Si Rhoda ulit ang
nagtanong.
“Hindi ko alam kung paano. Pero nasisiguro
kong siya lang ang makakagawa niyon.”
Kung gano’n, kailangan ko itong puntahan,
para makausap ito… sabi niya sa kanyang isip.
“Alam ko na kung ano ang iniisip mo,
Celestine.” Nagulat siya sa muling pagsasalita ni
Rhoda. “Huwag mong sabihin sa `kin na pinaplano
mong puntahan ang halimaw na `yon?” Hinawakan
nito ang balikat niya at bahagyang pinaharap sa
kaibigan. “Hindi ka pupunta sa kanya!”
Nagbuga siya ng hangin at kinagat ang ibabang
labi. Heto na naman ang biglaang pagbilis ng t***k ng
kanyang puso. “Rhoda, I'm sorry. But I need to see
him again. Hindi puwedeng wala akong gawin. Kung
ang makaharap siyang muli ang tanging paraan para
muling maging maayos ang buhay ko, gagawin ko.”
Napahawak ito sa sentido. “Ewan ko lang, ha?
Hindi ako kumbinsido sa sinasabi mo. Paano kung
saktan ka na niya ngayon?”
“Kung sasaktan niya ako, sana noon pa…” giit
niya.
“Tama ang kaibigan mo, ineng. Hindi
magagawang saktan ng Lycan na iyon ang kabiyak
nito,” segunda ni Ka Ipeng na siguradong-sigurado sa
sinabi nito.
Kunot ang noong nilingon niya ito. “Ano hong
kabiyak?”
“Ikaw ay itinadhana para sa kanya, at siya ay
itinadhana para sa `yo. Naniniwala akong alam ng
Lycan na `yon kung sino ka sa buhay niya. Hindi niya
ibibigay ang marka nang walang dahilan.”
Ako…itinadhana sa isang Lycan? Itinadhana…
Nasapo niya ang kanyang sentido nang bahagya iyong
kumirot. May iilang imahe ang pumasok sa isip niya
na lalong nagbigay kaguluhan sa isipan niya.
“Celest…” nag-aalalang nag-angat untag ni
Rhoda.
“I'm fine. Please let me see him again. I need to
do this.” Hindi na muling nagsalita pa si Rhoda, at
kalaunan ay sumang-ayon na rin ito sa gusto niyang
mangyari. Walang kasiguraduhan sa puwedeng
mangyari sa oras na muli silang magkaharap ni Scoth,
pero sa kabila niyon ay hindi siya nakararamdam ng
kahit na anumang takot.
Muli niyang hinarap si Ka Ipeng. “Saang
distrito naninirahan ang mga Lycan?”
“Sa Alta Montaña lang ang tanging lugar ng
mga Lycan.”
MATAPOS ang ilang sandaling pananatili nila sa
Tierra Tribo ay nagpaalam na rin sila ni Rhoda kay Ka
Ipeng. Ibinigay nito sa kanila ang mapa papunta sa
Alta Montaña, kaya hindi rin sila nahirapan hanapin
ang tagong daan papunta roon. Habang palapit sila
nang palapit sa Alta Montaña ay mas lalong kumikirot
at bumibilis ang t***k ng dibdib niya. Napangiwi siya
habang sapo ito.
“Malapit na tayo, Celestine. Konting tiis na
lang,” nag-aalalang sabi sa kanya ni Rhoda habang
nagmamaneho. Kumulimlim ang kalangitan at
nagsiunahan ang kulog at kidlat sa pananakot sa itaas.
Kasabay niyon ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Maliban sa head light ng sasakyan ay lumiliwanag din
ang madilim na daan dahil sa panaka-nakang
pagkidlat.
“Ngayon pa umulan. `Pag minamalas ka nga
naman!” mahinang sabi ni Rhoda. “I hate
thunderstorms.”
Sumulyap siya sa kaibigan. “Sorry, Rhoda.
Naabala pa kita dahil sa problema ko…”
“`Yan na naman ba tayo sa sorry mo? Sinabi ko
na sa `yo na ginusto kong tulungan ka kaya wala ka
dapat ihingi ng tawad.”
Tipid niya itong nginitian. “Salamat. The best
ka talagang kaibigan.”
Ngumisi ito. “Nambola ka pa. Pero wala `yon.
Mabuti pa, magpahinga ka muna. Teka, nasaan na ba
tay—” Mabilis nitong natapakan ang preno, kasunod
niyon ay may kung ano ang tumama sa bumper ng
sasakyan.
“s**t!”
Muntikan na siyang sumubsob sa dashboard ng
sasakyan sa biglaang pagpreno ng kaibigan. “What
happened?” nagtatakang tanong niya habang sinundan
ang tingin nito sa harapan.
“I think I hit someone!” Takot ang rumehistro
sa mukha nito.
“Are you sure?” Sinuri niya ang madilim na
daan pero wala naman siyang nakitang tao.
“Sigurado ako—”
Katok sa bintana ang nagpatigil sa kanila.
Sabay sila ni Rhoda na napalingon sa bintana sa gawi
nito. Isang lalaking walang suot na pang-itaas ang
nakita nila sa labas. Hindi nila masyadong maaninag
ang mukha nito dahil sa dilim sa labas.
“Celestine, s-siya `yon,” natatakot na sabi ng
kanyang kaibigan.
Nangunot-noo siya. “Siya? Papaanong...”
Natigilan siya. Hindi kaya isa itong… “Rhoda,
patakbuhin mo ang sasakyan, ngayon na! Bilis!” sigaw
niya.
Natatarantang binuhay nito ang makina pero
bago pa mapaandar ang sasakyan ay marahas na
binuksan ng lalaki ang pinto ng driver seat kaya nasira
iyon. Wala itong pakialam na basta na lang itinapon
kung saan ang nasirang pintuan.
Napasigaw si Rhoda sa takot, lalo na nang
hilain siya ng lalaki palabas ng sasakyan. “Celestine!”
Kahit nanghihina pa siya ay pilit niyang
bumaba ng sasakyan at sinuong ang malakas na ulan.
Agad niyang tinalon ang likod ng lalaki at pinapapalo
ito. “Bitiwan mo ang kaibigan ko!” sigaw niya rito
habang patuloy na pinapalo ang likod nito.
Nanlilisik ang mga matang bumaling ito ng
tingin sa kanya. Umibis naman siya at paatras na
naglakas mula sa lalaki. Halos panghinaan na siya ng
mga tuhod sa takot, pero bago pa man siya tuluyang
bumagsak ay may mga matitipunong bisig na ang
sumalo sa kanya.
“Got you…” Natigilan siya at mabilis pumihit
paharap sa tao na nasa likuran niya. Nanlalaki ang
kanyang mga matang tumitig dito. Si Scoth. Agad
siyang sinalubong ng itim nitong mga mata na walang
kaemo-emosyon. Tila saglit din itong natigilan na para
bang ngayon lang siya nito nakilala.
Bakit ganito ang nararamdaman niya? Si Scoth
ang kaharap niya, pero bakit parang hindi ito ang
kaharap niya ngayon?
“Easy, Torch…” anito sa lalaking may hawak
kay Rhoda.
“They are tresspassing my land,” sagot naman
nito.
Muling bumaling ng tingin si Celestine kay
Rhoda na nanlalaban mula sa pagkakahawak ng
lalaking nangangalang Torch. Nakita niya ang
paggalaw ng mga panga nito habang nanlilisik ang
mga matang nakatuon kay Scoth.
“Next time, siguraduhin mong hindi dadaan sa
lugar ko ang mga taong ito, kung hindi ay papatayin ko
sila,” pagbabanta ni Torch.
“Wala naman kaming choice kundi ang
dumaan dito!” Si Rhoda ang nagsalita. Sandaling
tumitig kay Rhoda si Torch at hindi nagsalita. Nang
mairita ay nagsalitang muli ang kanyang kaibigan. “B-
bitiwan mo nga ako. Halimaw ka!”
May binulong ito kay Rhoda na nagpahinto
rito. Galit na binitiwan ni Torch si Rhoda bago mabilis
na umalis.
“We're just in time.” Napatingin ang dalaga sa
isang lalaki na bagong dating. Tulad ni Scoth ay wala
rin itong suot na pang-itaas. Matitipuno ang mga
katawan nito at may kayumangging balat.
“Cage…” tawag ni Scoth dito.
Muli siyang tumingin kay Scoth na nakatingin
pala sa kanya. Malamig ang titig na ibinigay nito sa
kanya. Ibang-iba sa tingin na ibinigay nito sa kanya
noong una silang nagkakilala. Ang paraan ng
paghawak nito sa kanya ay ibang-iba rin. Niyakap niya
ito at pilit na hinanap ang pakiramdam noong gabing
iyon, pero nabigo siya. Mariin niya na lang na ipinikit
ang mga mata at dinama ang mahigpit nitong yakap.