Jenyfer
"Mga manong please, ibaba niyo na kami. sinasayang niyo lang ang oras niyo sa 'min. Alam niyo ba na gutom na kami at dapat kumakain na kami ng hapunan ngayon, pero mga hinayupak kayo tinangay niyo kami na parang may nagawa kaming kasalanan sa inyo. Kapag kami namatay sa gutom. Ikaw ang una kong mumultuhin!" sabi ko nakaturo roon sa lalaki kumatok kanina sa taxi.
Aba't nagkatinginan pa sila ng katabi n'yang lalaki nagkakaintindihan ang kanilang mata. Pero wala akong mabasa kung anong ibig sabihin noon.
"Hindi ba kayo sasagot? Nagtatanong ako ng maayos kung saan niyo kami dadalhin? H'wag niyo akong tingnan na parang hindi niyo maintindihan."
"Pinag-utos lang ng boss," sa wakas sumagot din, pero iyon lang ang sinabi hindi na nasundan.
"Boss? Pakisabi sa boss niyo na wala siyang bayag at supot pa siya," lahat sila nasamid hindi lang nasamid dahil nagkanda-ubo-ubo pa sila siguro totoo ang sinabi ko kaya gano'n ang reaksyon nila.
Sa galit ko kaya nasabi ko iyon. Hindi ko naman dapat sasabhin kaya lang gagong boss nila, ang tanga noon dahil kami ang napili kidnapin wala naman siya mahihita sa 'min.
“Nay,” umiiyak na sabi ni Dawn, nang makita pumasok ang sinasakyan naming van sa isang malaking bahay. Naawa ako sa kapatid ko kasi naka suot pa siya ng toga niya galing sa graduation niya. Ito naman ang bungad agad sa ‘min kinidnap kami.
“Ako ang bahala sa inyo. Makaaalis tayo rito promise ni, ate,” bulong ko sa kanila ni Raysa na tahimik din umiiyak. Hinagod ko ang likuran ni Raysa para tumahan. “H'wag kayong matakot. Ligtas tayong lalabas dito,” dagdag ko para mabawasan ang takot nila. Pero ang totoo kahit ako natatakot din, ngunit ayaw ko lang ipakita sa kanila lalo na sa mga lalaki kumidnap sa 'min. Dapat nilang malaman na hindi ako basta pasisindak sa kanila kahit na may mga baril sila.
“Baba!” sabi nila binuksan ang malaking pinto ng van.
Kung nakamamatay lang ang titig ko, baka bumulagta itong apat na armadong lalaki.
“Ang babastos niyo!” asik ko madilim ang mukha tumitig sa kanila dahil walang ingat na pinababa si Tatay.
“Anong gagawin niyo sa amin? Sinabi ko na sa inyo hindi kami mayaman. Wala kayong mapapala dahil ni singko duling walang mag-aaksaya na tumubos sa ‘min,” galit kong sigaw sa kanila. Kakamot sila sa buhok nila. Para bang napikon na, ngunit nagtiyaga pa rin sila dedmahin ako.
Kanina pa kasi simula sa taxi hanggang dito sa bahay na pinagdalhan nila sa ‘min, talak na talak ako sa kanila. Malamang niyan bingi na sila ngunit ayaw lang nila ako pansinin.
“A-ate Jenyfer…huhhuu…anong gagawin natin? Ate Jen, natatakot na ako, huhuhu," saad ng humihikbi na si Raysa. "Ate. Makalalabas pa ba tayo ng buhay rito?” bulong ng bunso kong kapatid nagtatago sa likuran ko.
Tumingin din ako kay Nanay at Tatay. Napalunok ako ng makita ko takot din sila gano'n din si Dawn, na hanggang ngayon ay tahimik na umiiyak.
“Lakad!” Utos nila nang ayaw naming kumilos tinulak kami kaya sinamaan ko sila ng tingin. Ngunit wala lang silang reaction, pero napilitan kami lumakad dahil kinasa nila ang kanilang mga dalang baril.
Napalunok ako sa takot. Pero masama pa rin ang titig ko sa kanila napilitan kami lumakad.
Pumasok kami sa malawak na living room at pinaupo sa sofa. Noong una ayaw ko umupo, ngunit tumikhim iyong lalaki kumatok sa pinto ng taxi sabay pinakita ang baril niya napilitan akong galit na umupo.
“Manong kung ano man ang pangalan mong demunyo ka. May meeting ba tayo rito kaya rito tayo nag-ipon-ipon?” tanong ko kasi nakaupo kami sa sofa habang sila nakatayo pinalibutan kami.
Napansin ko parang may gusto s'yang sabihin ngunit nagpigil lang may isa rin akong napansin. Kapag hindi ako nakatingin parang ngumingiti sila iyong lalaki na kumatok sa taxi at kasama niya.
‘Mga baliw nga yata’ bubulong-bulong ko.'
“Anong inaantay niyo bakit nakaupo lang kami dito. Magsalita na kayo kung anong kailangan niyo sa 'min, para matapos na ang meeting kung mayroon nga!"
Maya-maya may naulinigan akong yabag na tila pababa sa baytang. Kumunot ang noo ko sabay lumingon na rin ako para tingnan kung may tao. Baka mamaya multo pala kasi malaki itong bahay o bahay nga ba talaga ito o hunted house? Wala kasi gaanong gamit maliban dito sa sofa pero halatang mamahalin itong sofa at mahabang dining table na kaya ang twenty na tao. Pero sobrang linis ng bahay tila maraming maid kasi malaki ito hindi kaya kung nag-iisa lang ang maid.
Nanlaki ang aking mata. Damn it! Siya iyon. Hindi ako maaring magkamali kahit isang taon na ang nakararaan kabisado ko pa anong hitsura niya.
Kaibahan lang ngayon wala s'yang tama sa tagiliran parang hari naglakad. Ngunit same pa rin walang emosyon ang kaniyang mata. Ang aura n'ya ay maawtoridad mapanganib ang paraan ng kaniyang titig na para bang walang sino man ang susuway sa kaniya sa bawat utos n'ya. Naka black maong pants siya at white t-shirt nakapaloob sa pants ang t-shirt niya ngunit naka suot siya ng coat.
Nang tuluyan itong makarating sa baba. Umuusok ang bunbunan ko sa galit.
"Siya ang boss niyo!?" naningkit ang aking mata na tanong ko sa kanila tumango sila kaya galit akong tumingin sa kaniya.
"Ikaw ba ang may pakana nitong gago ka ha!? Pauwiin mo na kami ngayon din—"
"Dalhin niyo ang pamilya niya sa basement!" malamig ang boses na sabi niya. Nanlaki ang aking mata ng mabilis na sumunod sa kanya ang mga tauhan niya.
"Hoy! Saglit nga anong pinagsasabi mo r'yan?!"
Tumayo ako para sugurin siya. Ngunit napahinto ako ng kinaladkad ang pamilya ko dahil ayaw nila umalis. Muli akong bumaling ng tingin sa kaniya.
"Ano ba ang kailangan mo sa amin. Kapal ng mukha mo dukutin kami wala kaming kasalanan sa iyo."
"Marami kang kasalanan,"
"Ano? Gago ka ba! Tahimik kami namumuhay pero ginulo mo!"
"Hindi mo sinauli ang pera—"
"Ikaw ang may-ari noon?" tanong ko kahit na may idea naman talaga ako na sa kaniya iyan.
"Ibabalik ko ang pera pauwiin mo lang kami. Kumpleto naman iyon pauwiin mo kami."
"Hindi iyan ang kailangan ko," malamig niyang sabi.
"Ang gulo mo naman kausap. Kasasabi mo lang hindi ko sinauli pera mo. FYI nag-antay kami ng pamilya ko na balikan mo iyon. Kaya hindi na namin kasalanan kung hindi nasauli. Aba malay namin kung saang lupalop ka nakatira gago ka. Ngayon ibabalik ko wala naman bawas iyon. Pakawalan mo lang kami."
"Pakakawalan ko sila pero sa isang kondisyon—"
"O-oo sige kahit ano gagawin ko sabihin mo lang pakawalan mo lang kami."
"You sure?"
"Sa tingin mo nagbibiro ako? Manong, pamilya ko ang pinag-uusapan dito kaya sure ako,"
"Pakakawalan ko kung magpapakasal ka sa 'kin,"