Chapter 08

1315 Words
Jenyfer Ngayon araw ang graduation ng grade 12 kong kapatid na si Dawn ang sumunod sa ‘kin. Buong pamilya kaming nag-attend dahil high honors si Down at siya rin ang top 1 buong batch ng grade 12, siya rin ang nagbigay ng speech. Nakasuot ako ng simpleng dress. May binili akong bouquet para sa kapatid ko para ibigay mamaya kapag matapos. Masaya kami sa achievement ni Dawn. Si Tatay nga nakita ko pa pa-simple pa nagpunas ng luha sa kaniyang mata. "Luh si Tatay, emotional yarn?" biro ko sabay bumungisngis ako kasi lalo s'yang umiyak. Buti na lang walang tunog. Kasi itong si Nanay mahiyain talaga. Nandoon sila ng bunso kong kapatid sa gilid nag-aantay lang matapos. Kasi dalawang upuan ang laan para sa magtatapos ayaw ni nanay edi ako ang umupo. Pero nakaupo rin naman sila roon ng kapatid ko kasi nga marami naman extrang upuan. "Dawn, congrats! Ang galing mo kanina," saad ko sabay bigay ng bouquet. "Salamat Ate," niyakap niya ako. Pagkatapos kay Tatay rin. "Sina Nanay at Raysa?" "Ayon nahihiya umupo si Nanay roon lang daw siya kaya ako na lang pumuwesto rito," "Ate, tawagin mo sina Nanay, picture taking muna tayo bago umuwi. Tama lang kakaunti na rin tao," "Nag-Ate pa huh, inutusan lang naman." "Sige na Ate ko maganda. Graduation ko naman ngayon kaya pagbigyan mo na ako," "Bakit kaya hindi na lang tayo ang lumapit kay Nanay at Raysa," suggestion ko tumango si Tatay. "Dawn, tama ang Ate mo, tara na lapitan ba lang natin sina Nanay mo," "Are, libre naman d'yan," parinig ni Dawn ng naglalakad na kami patungo sa p'westo nila Nanay. "Huli ka na sa balita. Mayroon na talaga ako plano. S'yempre naman proud ako sa iyo Sis. Kasi graduate ka na," "At ikaw naman Ate, second year college ka na sa pasukan," aniya. Napangiti ako. Totoo iyon nursing ang course ko. Ewan ko ba ng kinuha ko itong course ko iyong estranghero lalaki ang pumasok sa isip ko. Ang weird ko nga. Nang lumipat kami rito sa Daong. Nag-aral ulit ako. Sina Tatay at Nanay naman ang may gusto dahil maganda ang kita ng tindahan nila. Ang bilis nga ng panahon. Isang taon na rin pala ang nakalipas simula ng nag-krus ang landas namin ng estranghero iyon. Kung tutuusin malaki ang naitulong niya sa amin. Nasaan na kaya siya hindi na talaga nabigyan ng pagkakataon na magkita kami. "Last na lang 'nay itong selfie natin," sabi ni Dawn kasi kanina pa. Ang dami na namin picture. Mahilig talaga siya sa selfie dinaig ako nito sa iba-iba ang 'my day'. Pero kahit ganito siya updated sa face book. Hindi naman niya pinabayaan ang pag-aaral niya. "Tara na alas-siyete na," wika ko sa kanila. Malaking public school kasi ang pinapasukan nila Dawn Kaya talaga inabot ng gabi plus natagalan sa picture taking na gusto ng kapatid ko. "Ate sasakay ba tayo?" "Aba oo naman. Magta-taxi tayo patungo roon sa restaurant," saad ko. Medyo natagalan ng fifteen minutes pag-aantay namin pero kere lang wala na naman pasok bukas. Tahimik lang akong nakaupo sa taxi habang nakikinig ako sa kwento ni Nanay, tungkol sa handa namin sa bahay. Kasi baka raw gabihin kami masira sayang daw. "Nay, ma ref naman hindi iyan masayang," sabi ni Tatay sa kaniya. Nay at Tay tawagan kasi nila. “Mamaya mauubos po iyon ‘nay hindi iyon sayang. Ito pa naman si Raysa matakaw. Easy ka lang mader earth, uubusin po namin iyon. Isa pa may kapitbahay po tayo invite natin,” saad ko. “Oo nga po ‘nay. Kasi sa labas kapag kumain tayo. Hindi naman nakaka busog. Kaunti lang po ang kanin hindi po ako sanay,” sumagot si Raysa. “Kaya ka naging piglet kasi matakaw ka,” inaasar siya ni Dawn. “Tatay, si Ate Dawn po oh. Siya naman ay payatot kung makasabi sa akin na piglet akala mo naman sexy po siya.” Sinaway sila ni Nanay. Hanggang sa magulat kami lahat ng mayroon humarang na dalawang van sa taxi na sinasakyan namin. “Kuya ano po ang nangyari bakit po tayo tumigil?” kabado kong tanong kahit nakita ko ang pagbaba ng mga seryosong lalaki bumaba galing sa van. Kasi nasa highway na kami. May dumadaan naman na sasakyan ngunit hindi kami papansinin dahil mabilis lahat magpatakbo. “Anong problema?” tanong ni Tatay. Hindi pa nakasasagot ang driver ng taxi ng mayroon kumatok sa pinto sa labas. Napalunok ako ng nakalabas at hawak sa kamay ang baril ng lalaki kumatok sa pinto. “Kuya driver. Deresto na po tayo Hindi naman tayo babarilin niyan…ay! K-kuya h-hindi na po pala baka paulanan tayo ng bala,” saad ko ng ikasa ng lalaki nasa labas ang baril nito na hawak. “Tatay natatakot po ako,” sabi ng bunso kong kapatid. “Baba!” sabi sa labas napaigtad pa ako. Si Kuya driver naawa ako kasi parang mas matanda pa siya kay Tatay, kitang-kita ko natatakot siya Binuksan ni Kuya Driver ang pinto ng sasakyan n'ya. Napalunok ako ng makita ko marami sila. Ano ang kailangan nila. Wait, napagkamalan ba kami na contractor ang Tatay ko balak kami holdup-in o kidnappin. Naku po huhuhu Lord. Shitt baka naman sila ang puting van, na nangunguha ng bata? Exempted po dapat kami hindi na kami mga bata. Batang isip lang oo tama pero matanda na kami. “Ayyy gago!” nagulat ako ng paputukan ng lalaki kumatok ang gulong ng taxi. Mga siraulo pinalibutan pa ang taxi wala kaming kalaban-laban lahat sila may baril. Walang emosyon ang mga mata nila sino ba mga ito. Para silang mga kulto kasi mga itim damnit nila. Dahil bukas na ang pinto ni kuya Taxi driver sumilip isang lalaki. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nito. “Hoy! Gago mo ah!” paano hinila nila palabas ang si Kuya taxi driver. “Mga wala kayong awa sa matanda!” “Anak tahimik ka baka mapahamak tayo,” bulong ni Nanay nakita ko nanginig ang labi niya. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari kung bakit kami hinarang nitong mga pangit na lalaki. Pero may kutob ako may maitim silang balak sa amin. Binuksan nila ang pinto sa gilid ng dalawa kong kapatid. Pinalabas nila kaya nanlaki ang mata ko. Gano'n din si Nanay. Kay Tatay nagulat ako dahil basta lang nila hinila kaya nagalit ako. “Hoy! Bitiwan mo ang Tatay ko!” kasi hinila rin palabas. Maingat naman hila nila pero mariin ang hawak sa braso ni Tatay. Nataranta ako dahil dadalhin nila si Tatay at Nanay pati mga kapatid ko sa van. Mabilis akong bumaba ng taxi. Hinabol ko sa inis ko hinubad ko pa ang sapatos ko binato ko sa kanila. Mayroon tinamaan sapol sa ulo. Tumigil sila napalunok ako ngunit nang maisip na kidnap ito tatangayin nila ang pamilya ko. Tumapang ako. “Saan n'yo dadalhin ang pamilya ko?!” galit kong sabi naabutan ko na sila. Hindi nila ako pinansin patuloy akong nagtatalak. “Hoy mga pangit! Bitiwan niyo ang pamilya ko kundi ipapapulis ko kayo. This is kidnapping. Akala niyo makalulusot kayo sa batas!” Bwisit bingi lang. Hindi nakinig sapilitan nila pinasakay ang pamilya ko sa van nila. "Sakay!" sabi ng lalaki kanina kumatok sa taxi. "Sasakay ka o hindi mo na makikita ang pamilya mo," sabi nito't seryoso. Sa inis ko malakas na sapak ang pinadapo ko sa mukha ng hangal na ito. Bakal yata balat nito kasi hindi ininda ang pagsapak ko. Akala ko nga papatulan ako sasapakin din ako kasi malakas talaga ang pag sapak ko sa kaniya medyo natakot ako hindi lang ako nagpahalata. "Kapag nakatakas kami. Lahat kayo mananagot sa batas....ano ba! Bakit ka nanunulak!" bulyaw ko dahil tinulak ako para makapasok. Hindi ko na natalakan kasi agad sinarado ang pinto ng van. Muntik pa akong maipit. Kapag nagkaroon ako nga pagkakataon. May araw sa akin ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD