Jenyfer
“Jawo, 'wag mo na lang ipasok sa looban. Dito nalang ako salamat sa libre pamasahe ha, ingat ka kung babalik ka pa sa pasada," saad ko pagbaba ng tricycle n'ya. Tinapik ko pa sa balikat niya. Isang tipid na tango lang ang tugon niya sa 'kin at pagkatapos, umalis din si Jawo. Sabi n'ya uuwi na s'ya ang gulo naman nitong si Jawo. Kausap ko na lang sa king sarili. Pinanood ko siya umalis hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Pagdating ko sa bahay. Naroon na si Tatay. Magkatabi sila ni Nanay sa sala nanood ng favorite ni Nanay na palabas sa luma na naming TV.
"Sana all sweet," parinig ko sa kanila. Lumingon sila pareho. Tumawa lang si Nanay at Tatay niyaya akong sumama sa kanila.
“Nariyan ka na pala anak, halika nood ka rin," wika ng Nanay ko.
"Nah, hindi na po. Istorbo lang po ako sa inyong dalawa," naalala ko kung mayroon ng ulam. Kasi kung wala. Ako na lang bibili sa labas.
"Nay, mayroon na po ba tanghalian?"
"Oo anak, may pagkain doon sa mesa kung gutom ka na. Nagtira na ako ng ulam para sa mga kapatid mo," wika ng Nanay napangiti ako dahil nakaakbay si Tatay sa kaniya. Itong dalawang tanders parang teenager lang.
“Ayos po. Anong ulam ‘nay?” tanong ko. Masarap si Nanay magluto. Isa sa gusto kong matutunan sa kaniya ngunit hindi ko makuha ang timpla niya. Mabuti pa kapatid kong sumunod sa 'kin na si Dawn. Siya yata nakamana sa galing ni Nanay Magluto. Kasi masarap din iyon magluto.
“Pakbet anak may lahok na karne baboy,”
“Sige po kakain ako,” saad ko nilapitan sila para magmano bago ako magtungo sa kusina.
Nang naroon na ako. Nag-text si Katleen sa akin. Gala raw kami mamaya pagka-out niya. May alam daw siyang food court malapit lang sa lugar namin at bagong bukas daw iyon, na-curious lang daw siya kasi nakita nito sa face book na maraming tao. Mayroon din daw live band gusto n'yang manood.
Ako: Matutulog ako ng maaga puyat ako kagabi sa pag-aantay ko sa pagdating nila Nanay. Sorry, girl.
Iyon ang reply ko sa kaniya. Ngunit tinatamad lang ako kasi parang masakit ang puson ko parang darating ngayon araw ang period ko kaya gusto ko na lang humilata maghapon.
Katleen: Sige si Jawo na lang ayain ko. Pero sa sunod sama ka na ha? Bawal tumanggi!
Ako: Oo sige sasama ako.
Kagaya ng aking sabi sa kaibigan kong si Katleen. Alas-siyete ng gabi nakahiga na ako. Bigla kong naalala iyong strangherong lalaki.
Kumusta kaya siya? Sana naman okay lang s'ya kung nasaan man siya ngayon dahil may tama siya ng bala. Ang tapang niya hindi gano'n ininda ang tama nito sa tagiliran. Kung iba pa siguro lalaki. Baka hindi makabangon sa gano'n sitwasyon niya. Pero siya ang astig niya. Pakiwari ko nga hindi ito natatakot kahit anong harapin na laban. s**t bakit ko naman siya iniisip. Matutulog ako ng maaga hindi mag-isip sa kaniya. Pinilit kong makatulog. Nagtagumpay naman akong makatutulog. Nagising ako madaling araw na dahil maingay ang alarm ko. Pero ang init kahit madaling araw pa.
Hmm matagal pa summer biglang uminit ang panahon. Nagkibit balikat ako hinila ang towel ko. Gising na si Tatay at Nanay nasa sala nagkakape ang dalawa with matching music pa sa phone ni Tatay. Nakangti akong pinagmasdan sila. Ang ganda kasi nila pagmasdan habang nagkakape at nagkwentuhan sila tapos si Tatay, magjo-joke sa Nanay ko. Hahagikhik naman si Nanay. Ganito sila kahit hindi kami mayaman. Pero mahal nila ang isa't isa.
“Anak ayaw mo ba muna magkape?” naramdaman na nila pinanood ko sila.
“Hindi na po kasi mainit naman,” tugon ko.
“Oo nga anak. Iyan din ang sabi ko sa Tatay mo. Sabi ko ang aga naman magtag-init,” sagot ni Nanay.
Nagpaalam akong maliligo na. Medyo okay na nang makapag buhos ako. Pero naroon pa rin na tila mainit. Pero hindi ko na lamang pinansin basta natapos na ako maligo at magbihis. Kumain ako pagkatapos kong magbihis deretso nag-toothbrush na.
Nang tapos na ako sa morning routine ko. Nag-paalam na ako sa Nanay papasok na. Nasa Cr kasi kaya sinigaw ko lang ewan kung sumagot si Nanay basta nagtungo na ako sa pinto.
Kumunot ang noo nang tila mayroong nagtakbuhan sa labas. Hindi lang isang tao ang tumatakbo at maingay sila. Hindi yata narinig ni Tatay kasi naka-music pa rin siya. Mahilig talaga si Tatay pa sound madalas pa nga mga disco medley.
“Tay! Nay!” malakas kong sigaw ng paglabas ko sa pinto ng bahay namin bumungad sa ‘kin ang nasusunog na ang kalapit naming bahay. Medyo malapit lang kapag hindi naagapan damay kami. Wala pa akong narinig na bombero o baka patungo pa rito.
"Jenyfer! Hindi niyo na alam?" aniya ng kapitbahay namin na palabas na yata sila.
"Hindi po e, ngayon lang po pagbukas ko ng pinto,"
"Dalian niyo kasi malakas ang apoy," sabi pa nito tumango ako.
Papasok na sana ako sa trabaho ito naman ang bumungad sa akin. Nanginig ang katawan ko dahil natakot ako ngunit kailangan kong sabihan sina Nanay.
Kaya pala ramdam ko parang ang init. Iyon na pala iyon na pala nasunog. Marami na rin nagtakbuhan may kaniya-kaniya hakot ng gamit. Looban pa naman ito sa amin. Kailangan makalabas agad kundi litson ang aabutin namin. Last nangyari sunog nasa ten years old ako. Sa kabilang eskinita naman iyon. Malaki pasalamat namin hindi kami rito inabot.
“Anak? Tara na ihahatid na kita…ay gago,” nataranta si Tatay pareho kaming bumalik sa loob ng bahay. Ginising ko ang dalawa kong kapatid habang si Tatay kinuha ang envelope na pinaglagyan ng aming mga birth certificate.
si Nanay na nasa CR gulat na gulat dahil mainit daw.
“Allen ang alinsanagn ngayon,” sabi pa niya.
“Mia. Dalian mo kunin mo na ang importante mga gamit habang wala rito ang sunog. Malaki na ang sunog," saad ni Tatay. Same kami natatakot ngunit hindi lang pinakikita.
Napatda ako ng umingay ang mga bombero
“Tara na mga anak,” saad ni Tatay. Dala n'ya Isang backpack sa likuran n'ya naglalaman ng mga gamit. Habang bitbit sa isa niyang kamay ang bago pa naming electric fan sa sala.
“Saglit lang po Tatay,” saad ko
“Anak kailangan natin magmdali,” saaad niya.
“Wait lang po importante po iyon. Mabilis lang ako muana na po kayo sa labas susunod ako," pagkasabi ko sa Tatay. Tinakbo ko na patungo sa k'warto. Iyong pera na nakita ko sa ibabaw ng kama ang binalikan ko. Nang makuha ko bumalik agad ako sa Tatay ko. Hindi talaga sila lumabas inantay nila ako.
“Allen! Hindi pa ba kayo lalabas?” mayroon sa labas ng pinto namin, pagkatapos narinig namin ang yabag nito papalayo sa pinto.
“Dali mga anak, baka mahirapan tayo makalabs at sa ingay ng mga nagtakbuhan parang nandito na sunog sa atin."
Tama nga paglabas namin sa bahay malapit na talaga. Kaya Wala kaming inaksayang sandali. Tumakbo na kami nila Tatay, Nanay, at dalawa kong kapatid na naka pantulog pa bagong gising din. Pareho sila umiiyak pero ako paiyak na rin kasi natatakot ako. Si Nanay nga na hawak ko sa kamay manginig ang kamay niya kaya inakbayan ko na lang siya.
Pagdating sa labasan. Ang daming bombero. Ang laki ng sunog. Ganito noon sa kabilang eskinita. Talaga washout dahil nga looban at dikit-dikit mga bahay. Maraming nag-iiyakan ako nga hindi ko namalayan tumulo luha ko sa pisngi ko.
Dinala kami ng barangay captain sa gymnasium. Kaya lang sa dami namin siksikan ng p'westo. Hindi rin naman sariling lote kinatatayuan ng bahay namin. Kaya paglipas ng isang linggo. Nag-usap sina Nanay at Tatay, tinanong kami kung okay lang ba na umuwi na lamang kami sa Daong.
Noong una medyo nalungkot kami. Kasi nandito ang trabaho ko. Pati nag-aaral ang dalawa kong kapatid. Pero naisip ko, okay lang din naman doon kami may bahay ang Lolo at Lola. Kung gusto rin nila Nanayeat Tatay, magpagawa ng bahay mayroon lupa na tatayuan. Hindi rin naman malayo sa school, palengke at plaza.
Doon na pinagpatuloy ang pag-aral ng dalawa kong kapatid. Tapos pinagtapat ko sa Tatay at Nanay ko, na may pera ako at mayroon akong tinulungan na lalaki. Noong una gusto nilang hanapin ang may-ari. Pero sabi ko. Inantay ko rin siya hindi naman binalikan kung sakaling naiwan iyong pera. Nagtataka lamang ako kasi wala naman siyang dalang bag. Baril mayroon at iyon nga ang dahilan kaya ako'y napilitan papasukin sa loob ng bahay namin.
Pero pinagamit ko kina Tatay ang pera. At saka ko na lang isipin kapag nag-krus ulit ang landas namin ng lalaki. Kasi palagay ko kanya iyong pera. Nagpagawa si Taatay ng bahay at tindahan ng mga damit at gamit sa bahay. Iyon ang naging negosyo nila Nanay at Tatay. Malaki rin iyon at mabenta kaya hindi nagsara hanggang ngayon isang taon na ang nakalipas. Kilala na ang tindahan nila Nanay. At ang pera na ewan kung ang may-ari ay iyong estranghero lalaki. Ibabalk namin ng buo. Dahil may tindahan sila Nanay. Hindi yon nahalata ng ilagay nila sa banko. Kapag nagkita kami ng lalaki. Kukunin na lang ni Tatay para ibalik sa kaniya. Kumpleto na iyon walang labis walang kulang.