KABANATA 15

2478 Words
THIRD PERSON POV Kalalabas lang ni Kitten mula sa building ng company na kanyang pinagtatrabahuan nang may bumusinang kotse sa kanyang harapan na kanyang ikinagulat. Nanlalaki ang mga mata ni Kitten dahil pamilyar sa kanya ang kotseng nasa kanyang harapan ngayon. Ang kotse ng lalaking nakasagi sa siko ni Kitten sa mall noong isang araw na naging dahilan para tumapon sa kanyang suot ang iniinom na milk tea. Ang kotse ni Xavier Marciano. Agad na naningkit ang mga mata ni Kitten pagkakita sa mukha ni Xavier nang buksan nito ang bintana sa tabi ng passenger seat. Kitten: At ano ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako? Napakamot si Xavier ng sentido nito. Xavier: Itinanong ko kay Kuya Marcus kung saan ka nagwo-work. Kaya heto, sinusundo kita. Pambawi pa rin sa nagawa ko sa iyo sa mall noong nakaraan. Kumunot ang noo ni Kitten. Xavier: Nagmamadali pa akong pumunta rito rahil naisip kong baka hindi kita maabutan. Sumabay ka na, Kitten. Pupunta rin ako kay Ate Rowena ngayon. Nakangiti ang mukha ni Xavier na naging dahilan para mapagtuunan ng pansin ni Kitten ang kagwapuhan nito. Kung tutuusin ay pwedeng mag-artista si Xavier dahil sa gwapong mukha nito na may matangos na ilong at nangungusap na mga mata. Huwag nang idagdag pa ang kissable lips nito. Nanlaki ang mga mata ni Kitten dahil sa kanyang naisip. Talaga bang iniisip ni Kitten na kissable ang mga labi ni Xavier? Xavier: Hey, Kitten. Sumakay ka na. Baka mag-cause pa ako ng traffic dito? Nagulat pa si Kitten nang muling marinig ang tinig ng boses ni Xavier. Nakatulala na pala si Kitten sa nakangiting mukha ni Xavier. Humalukipkip si Kitten at nagtaas ng isang kilay. Kitten: Hindi na. Kaya kong umuwing mag-isa. Umalis ka na. At saka inihatid mo na ako noong nakaraang araw. Okay na 'yon. Nakabawi ka na. Nawala ang ngiti sa mukha ni Xavier at parang nakikiusap itong tumitig kay Kitten. Xavier: Sumabay ka na, Kitten. Please. Ipinagdikit pa ni Xavier ang dalawang palad at parang nagmamakaawa kay Kitten. Hindi napigilan ni Kitten ang mapangiti sa ginawa ni Xavier. Sa gwapo nito ay hindi bagay dito ang nagmamakaawa. Isa pa ay nakikita naman ni Kitten sa mukha ni Xavier na genuine ang kagustuhan nitong makabawi sa kanya. Malalim na nagbuntung-hininga si Kitten bago nagsalita. Kitten: Sige na nga. Mamaya makaabala ka pa sa mga sasakyan. Mahinang tumawa si Kitten dahil malabo namang mangyari iyon dahil napakalawak ng kalsada at hindi naman talaga nakaharang sa daan ang sasakyan ni Xavier. Bumalik ang sigla sa mukha ni Xavier at sobrang laking ngiti na ang nakapaskil sa mga labi nito. Akmang bubuksan na ni Kitten ang pinto ng passenger seat nang bigla siyang pigilan ni Xavier. Xavier: Hep! Diyan ka lang, Kitten. Hintayin mo ako. Bababa ako. Napakunot ang noo ni Kitten. Mabilis na bumaba ng kotse si Xavier at naglakad patungo sa tabi ng pinto ng passenger seat at binuksan ito. Pabirong yumukod si Xavier at inilahad ang kaliwang palad. Xavier: Sumakay na po kayo, Senyorita Kitten. Nagulat si Kitten sa ginawa ni Xavier at maya-maya ay malakas na tumawa. Tuwang-tuwa si Xavier sa nakikitang kagalakan sa mukha ni Kitten. Sinusubukan ni Xavier na umaktong seryoso habang nakahawak pa rin sa pinto sa tabi ng passenger seat pero rahil hindi matigil-tigil sa pagtawa si Kitten ay natatawa na rin si Xavier kahit subukan pa nitong pigilan iyon. Xavier: Ano ba, Kitten? Nangangalay na ako. Pinagtitinginan na rin tayo ng ibang tao. Napatingin si Kitten sa paligid at totoo ngang may iilang tao ang nakatingin na sa direksyon nila ni Xavier. Tumigil si Kitten sa pagtawa. Pulang-pula ang kanyang mukha. Tikom ang bibig ni Kitten habang pinipigilan ang sariling muling tumawa. Kasabay niyon ay pumasok na siya sa loob ng kotse ni Xavier. Si Xavier ay nakangiting umiling habang isinasara ang pinto sa tabi ng passenger seat at pagkatapos ay bumalik na sa driver seat. Habang sinisimulan na ni Xavier paandarin ang kotse ay nakikita pa rin nitong yumuyugyog ang balikat ni Kitten dahil sa pagtawa. Isang pagtawang hindi lumilikha ng tunog. Halatang sinusubukan ni Kitten na pigilan ang sariling bumunghalit ng tawa kaya namumula na ang kanyang mukha. Nakangiting nagsalita si Xavier habang nagmamaneho. Xavier: Hindi ba masyadong overacting 'yang pagtawa mo rahil lamang umasta akong parang isang alipin sa harap ng isang prinsesa? Nakangising nilingon ni Xavier si Kitten bago ibinalik ang focus nito sa pagmamaneho ng kotse. Tuluyan nang tumigil sa pagtawa si Kitten at inayos ang sarili bago malalim na nagbuntung-hininga. Nakangiti si Kitten nang magsimulang magsalita. Kitten: Eh, hindi naman dahil doon kaya ako tumawa nang tumawa. Pangisi-ngisi si Kitten habang pasulyap-sulyap kay Xavier. Xavier: So, bakit ka tumawa? Nakangisi pa rin si Kitten nang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Kitten: Sure ka bang gusto mong malaman? Sandaling sinulyapan ni Xavier si Kitten bago ibinalik ang tingin sa daan. Xavier: Sige lang. Sabihin mo lang. Huminga muna ng malalim si Kitten bago natatawang nagsalita. Kitten: I didn't know na mahilig ka sa bacon briefs. Matapos sabihin iyon ay muling tumawa ng malakas si Kitten. Natigilan si Xavier dahil sa sinabi ni Kitten at sandaling bumagal ang takbo ng sasakyan. Kitten: Noong yumukod ka, umangat 'yong damit mo sa likod kaya nakita kong sumilip 'yong bacon briefs sa loob ng pantalon mo. Tawa pa rin nang tawa si Kitten habang nagsasalita at nagulat na lang siya nang sumasabay na si Xavier sa kanyang pagtawa. Unti-unting humina ang tawa ni Kitten habang mabagal na nilingon si Xavier na tawa na rin nang tawa habang nagmamaneho. Kitten: Ba-bakit ka natatawa? Tumigil sa pagtawa si Xavier at isang ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito. Xavier: Eh, kasi nakakatawa naman talaga. Nakangiting nilingon ni Xavier si Kitten pagkatapos ay muling itinutok ang mata sa daan. Kitten: Tinatawanan mo ang sarili mo? Hindi ka ba nahihiya? Hindi makapaniwalang tinitigan ni Kitten si Xavier. Nagkibit-balikat si Xavier. Xavier: Sus. Parang 'yon lang. Hindi ko pa kasi nalabhan 'yong iba kong underwear. Wala akong magamit kanina kaya 'yon na lang ang isinuot ko. At saka favorite ko kaya 'yong bacon briefs na suot ko ngayon. Doon napunta ang ilan sa unang kita ko noon. Napabuka ang bibig ni Kitten dahil hindi siya makapaniwalang may sentimental value pala ang pinagtatawanan niyang bacon briefs. Xavier: Katas 'yon ng pagsisikap. Muling sinulyapan ni Xavier si Kitten at isang malaking ngiti ang nakita ni Kitten sa mukha nito. Nang ibalik ni Xavier ang tingin sa daan ay humingi ng paumanhin si Kitten. Kitten: I didn't know na may sentimental value pala sa 'yo 'yan. Nakangiting umiling si Xavier. Xavier: Okay lang 'yon, ano ka ba? Nakakatawa naman talaga. Mas okay nga na 'yon ang nakita mo kaysa naman 'yong pang-upo ko pa ang nakita mong sumilip. Napasinghap si Kitten sa sinabing iyon ni Xavier. Xavier: Bakit ba kasi roon nakatutok ang mga mata mo? Nanlaki ang mga mata ni Kitten at pakiramdam niya ay pulang-pula ang kanyang mukha nang mga sandaling iyon at hindi iyon dahil sa pagpipigil na tumawa katulad kanina. Nakakalokong sinulyapan ni Xavier ang namumulang si Kitten bago pangisi-ngising ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi makatingin ng diretso si Kitten kay Xavier dahil sa pagkapahiya. Hindi naman sinasadya ni Kitten na mapasulyap sa bacon briefs ni Xavier. Wala sa loob lang siyang napatingin doon kanina. Kitten: Feeling mo naman sinisilipan kita. Asa ka! Humalukipkip si Kitten at tumingin sa labas ng bintana sa kanyang tabi. Pinipilit pakalmahin ni Kitten ang sarili. Xavier: Wala naman akong sinabi. Masyado kang defensive. Nahihimigan ni Kitten ang pang-aasar sa tinig ng boses ni Xavier. Sasagot pa sana si Kitten pero baka mas lalo pa siyang mapahiya kapag ipinagpatuloy ang topic na iyon. Naisip ni Kitten na ibahin ang usapan. Nakatingin pa rin sa labas ng bintana si Kitten nang muling magsalita. Kitten: Bakit mo nga pala pupuntahan si Ate Rowena? Kagagaling mo lang doon noong isang araw, 'di ba? Sandaling nilingon ni Xavier si Kitten pero nakita nitong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ang babae. Xavier: Ah, oo. Inutusan ako ni Ate Rowena na ipa-dry-clean 'yong mga uniform niya sa pagpasok sa school. Masyado na kasi siyang busy sa school. Eh, may kakilala akong nagda-dry-clean na katabi lang ng nirerentahan kong apartment. Tapos ngayon ay ibabalik ko na kay Ate Rowena ang kanyang mga uniform. Tumingin si Xavier sa rear-view mirror para silipin ang paper bag na pinaglagyan nito ng mga uniform ng kapatid matapos pick-up-in sa dry-cleaning service kahapon. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Xavier nang hindi makita sa backseat ang paper bag na pinaglagyan nito ng mga uniform ng kapatid na si Rowena. Mabilis na nagpreno si Xavier at itinabi ang kotse sa gilid ng kalsada. Nagulat naman si Kitten nang biglang tumigil ang kotse. Nakakunot ang kanyang noo nang lingunin si Xavier. Xavier: Fudge. Nakalimutan ko sa apartment 'yong mga uniform ni Ate. Nahihiyang tumingin si Xavier kay Kitten. Alam na ni Kitten kung ano ang ibig sabihin ng tinging ipinupukol sa kanya ni Xavier. Bumuntung-hininga si Kitten. Kitten: So kailangan nating pumunta sa apartment mo para kunin ang mga uniform ni Ate Rowena, tama? Kumakamot ng batok na tumango si Xavier kay Kitten. Xavier: Okay lang ba sa 'yo, Kitten? Nag-eye-roll si Kitten bago muling nagsalita. Kitten: May choice ba ako? Ang layo na nito sa office ko. Mahihirapan na akong makasakay. Kaya, halika na. Kunin na natin ang mga uniform ni Ate Rowena. Nahihiyang ngumiti si Xavier kay Kitten. Xavier: Sure ka, ha? Pinandilatan ng mga mata ni Kitten si Xavier. Kitten: Oo nga. Muling napakamot sa batok nito si Xavier at pagkatapos ay sinimulan nang muling paandarin ang sasakyan at maya-maya ay tinatahak na ng kotse ang daan patungo sa apartment nito. ---------- Nahihiyang ngumiti si Marcus kay Yessa habang marahang isinasara ang pintuan ng opisina nito. Si Yessa ay nakasandal sa gilid ng mesa sa loob ng opisina nito paharap kay Marcus. Yessa: Nakauwi na ba silang lahat, Marcus? Tumango si Marcus kay Yessa. Yessa: Lock the door, Marcus. Ayoko ng istorbo. Napalunok si Marcus at dahan-dahang ini-lock ang pinto ng opisina ni Yessa. Marcus: Bakit naisipan niyong magsara ng bakeshop nang maaga, Miss Yessa? Malanding ngumiti si Yessa kay Marcus. Yessa: Treat ko for my staff. Masaya kasi ako ngayon kaya gusto kong pasayahin din ang aking mga tao. Tumango-tango si Marcus sa harapan ni Yessa. Yessa: Syempre hindi ka kasama rahil first day mo pa lang ngayon. Unfair naman sa kanila kung pati ikaw ay pauuwiin ko nang maaga. Lalo na at part-timer ka lang. Tumuwid ng tayo si Yessa at mabagal na naglakad palapit kay Marcus. Marcus: Okay lang naman. Wala namang kaso sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit pinapunta mo ako rito sa loob ng opisina mo. Maharot na tumawa si Yessa na ngayon ay nakatayo na sa mismong harapan ni Marcus. Idinikit ni Yessa ang malusog na hinaharap sa matikas na dibdib ni Marcus. Yessa: I need some company tonight, Marcus. Nanayo ang mga balahibo sa katawan ni Marcus nang marinig ang malamyos na tinig ng boses ni Yessa habang pinaglalandas nito ang kanang hintuturo sa kanyang kaliwang pisngi. Yessa: I just want to lay naked with you on top of my naked body. Is that okay with you, hmmm? Napalunok ng laway si Marcus. Yessa: Wala namang magagalit, 'di ba? And besides it's your fault. You made me wet, Marcus. Ikinuyom ni Marcus ang dalawang palad sa sobrang pagtitimpi na huwag patulan ang pang-aakit ni Yessa. Damang-dama ni Marcus ang lambot ng dalawang bola ni Yessa na kumikiskis sa kanyang malapad na dibdib. Tumatama na rin ang hininga ni Yessa sa mga labi ni Marcus habang nakatingala si Yessa sa kanya at mapang-akit siyang tinititigan. Yessa: Painit lang tayo. Pampawala ng stress. Nagdidilim ang paningin ni Marcus dahil sa init ng katawan na kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. ---------- Nanlilisik ang mga mata ni Martin habang nakatitig sa nakatalikod na si Kitten na ngayon ay nakatayo sa gitna ng sala ng nirerentahan nilang apartment ni Xavier. Hinihintay ni Kitten si Xavier na lumabas mula sa kwarto nito. Kukunin lamang daw nito ang paper bag na pinaglagyan ng uniform ng kapatid nito. Martin: Ikaw pala 'yong babaeng ikinuwento ni Xavier na nabunggo niya ang siko sa mall. Bakit kaya hindi ka pa napilayan? Marahas na napalingon si Kitten kay Martin, ang boyfriend ng kanyang kaibigang si Maureen. Hindi in-expect ni Kitten na si Xavier na pala ang bagong roommate ni Martin sa nirerentahan nitong apartment. Nagkagulatan pa silang dalawa kanina nang pagbuksan silang dalawa ni Xavier ng pintuan ni Martin. Kitten: Mapilayan talaga, Martin? Ang harsh, ah. Nakita ni Kitten na tumaas ang isang kilay ni Martin at humalukipkip ito. Hindi gustong manghusga ni Kitten pero parang umaasta si Martin na parang babaeng nagtataray. Kitten: Okay ka lang ba, Martin? Kasi parang sinusungitan mo ako. Biglang natauhan si Martin at ibinaba ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ng katawan nito at ibinaba ang nakataas na kilay. Kumunot ang noo ni Kitten. Nawi-weird-uhan siya sa inaasal ni Martin ngayon. Itinuturing niya rin itong kaibigan dahil boyfriend na ito ni Maureen since High School pa lamang sila. Martin: Uhm, pagod lang sa work, I guess. Anyway, nabanggit sa akin ni Maureen 'yong ginawa mong pag-alis sa mansyon ninyo. Ngiti lang ang isinagot ni Kitten kay Martin. Martin: Gwapo ba ang Daddy mo? Macho ba? Biglang nanlaki ang mga mata ni Kitten sa narinig mula kay Martin. Martin: I mean, good genes din ba tulad ni Tita Maxine? Nagdududang tiningnan ni Kitten si Martin ngunit tumango rin naman siya bilang sagot sa tanong nito. Hmmm... Bigla akong na-curious kung sino ang Daddy ni Kitten. Kasing-sarap din kaya ng asawa kong si Daddy Xavier? Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Martin habang nakaharap kay Kitten. Kitten: Uhm, Martin. Oo nga pala. Hi-hindi pa alam nina Maureen at Enrique kung saan ako tumutuloy ngayon. Si Mommy at ang stepfather ko lang ang nakakaalam, pero pinagsabihan ko na sila. Lumapit si Kitten kay Martin at hinawakan ang dalawang kamay nito. Kitten: Makikiusap sana ako sa iyong wala kang pagsasabihang kahit na sino na nagkita tayo ngayon. Hindi pa ako handang makipag-usap sa kanila rahil paniguradong uusisain lang nila ako kung bakit ako umalis ng mansyon. Umiling si Kitten. Kitten: Hi-hindi pa ako handang magpaliwanag sa kanila kung bakit. Sandaling nag-isip si Martin. Martin: Eh, Kitten, kahit hindi ko naman sabihin ay pwede ka nilang puntahan sa workplace mo. Ngumiti si Kitten kay Martin. Kitten: Huwag kang mag-alala. Ginawan ko na ng paraan ang bagay na iyon kung halimbawang may maghanap sa akin sa office. Ngumuso si Martin at maya-maya ay tumango. Martin: Sige. Papayag ako. Sa isang kondisyon. Biglang nabahiran ng kaba ang mukha ni Kitten. Kitten: A-anong kondisyon, Martin? Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Martin. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD