THIRD PERSON POV
Nagulat si Marcus nang may isang kamay na humaplos sa kanyang kanang braso mula sa kanyang likuran.
Agad na napalingon si Marcus sa kung sinuman ang nagmamay-ari ng kamay na iyon.
Nakahinga nang maluwang si Marcus nang makitang ang kanyang boss na si Yessa pala ang humimas sa kanyang braso. Ngunit naroon din sa kanyang mga mata ang pagtataka rahil hindi naman normal para sa isang boss ang himasin ang braso ng tauhan nito.
Yessa: I love your arms. They seem so strong.
Nakangiti si Yessa kay Marcus habang sinasabi iyon.
Magkaharap na ngayon sina Marcus at Yessa.
Nagsimulang mailang si Marcus kay Yessa nang muli na naman nitong haplusin ang kanyang kanang braso.
Yessa: Mukhang dahil sa iyong kasipagan kaya ganito kalaki ang mga braso mo, Marcus.
Ngayon ay dalawang kamay na ni Yessa ang humahaplos sa mga braso ni Marcus na minsan ay sinasamahan pa nito ng marahang pagpisil.
Yessa: Some women really love men who have strong arms and I'm one of them, Marcus.
Tumigil na si Yessa sa paghaplos sa dalawang braso ni Marcus at matamis na ngumiti sa lalaki.
Napakamot na lang si Marcus sa kanyang batok dahil hindi niya alam ang isasagot sa sinabi ni Yessa.
Pakiramdam ni Marcus ay parang may pahiwatig ang mga sinasabi ni Yessa sa kanya.
Sanay si Marcus sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya kaya naman malakas ang pakiramdam ni Marcus na itong si Yessa ay interesado sa kanya.
Dahil sa ginawang pagkamot ni Marcus sa kanyang batok ay nag-flex ang muscles sa kanyang kanang braso na hindi nakaligtas sa paningin ni Yessa.
Napakagat-labi si Yessa sa nakitang pag-umbok ng muscles ni Marcus sa sleeve ng kanyang suot na T-shirt.
Yessa: Are you doing it on purpose, Marcus? Ang takamin ako?
May mapanuksong ngisi sa mga labi ni Yessa nang tumingin kay Marcus.
Kumunot ang noo ni Marcus dahil sa sinabi ni Yessa.
Yessa: 'Yong pagkamot mo sa batok mo. Of course, you know na magpi-flex ang biceps mo. And because I already told you that I love men who have strong arms, you decided to tease me more.
Lalong kumunot ang noo ni Marcus.
Marcus: Ha?
Maharot na tumawa si Yessa na may kasama pang marahang paghampas sa kaliwang braso ni Marcus.
Yessa: Come on, Marcus. You know what you're doing. You're such a tease.
Matapos sabihin iyon ay pinaglandas ni Yessa ang kanang hintuturo nito sa malapad at matigas na dibdib ni Marcus.
Yessa: But I love it whenever men who have strong arms tease me like you did.
Tumitig lang si Marcus kay Yessa at hindi sumagot.
Yessa: Oh my. You're so cute. Okay, Marcus. Babalik na ako sa loob ng aking office. See you later, Mister Muscle Man.
Nakataas ang dalawang kilay ni Marcus habang sinusundan ng tanaw si Yessa na naglalakad na pabalik sa loob ng office nito.
Napailing na lang si Marcus at muling humarap sa counter ng Yessa's Sweets Shop habang hinihintay na mai-ready ng dalawang staff ang mga order na ide-deliver niya para sa araw na iyon.
Walang masyadong customer sa loob ng Yessa's Sweets Shop nang mga oras na iyon kaya naman nakipag-usap muna ang cashier ng Yessa's Sweets Shop na si Clara kay Marcus.
Nasa likod ng counter si Clara at ngumiti kay Marcus.
Clara: So, kumusta ang unang araw mo bilang bagong delivery boy, Marcus? Ayos ba?
Mahinang tumawa si Marcus bago sumagot.
Marcus: Ngayon pa lang ako bibiyahe kaya hindi ko pa masasabi. Ang masasabi ko lang sa ngayon ay mababait kayong mga kasama ko rito.
Matamis na ngumiti si Clara.
Clara: Oo. Mababait ang mga tao rito. Akala mo sobrang seryoso kapag nasa kitchen, pero kapag nag-umpukan na ay parang mga nakawala sa kwadra.
Sinundan pa ng malakas na tawa ni Clara ang sinabi nito.
Clara: Ang swerte mo nga, kasi kapag walang order na ide-deliver, eh, hayahay ang buhay mo.
Hindi napigilan ni Marcus ang mapatawa ng malakas dahil sa sinabi ni Clara.
Marcus: Naku. Hindi rin. Kasi hindi naman ako full-timer.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Clara rahil sa sinabi ni Marcus.
Clara: Hindi ka full-timer? So part-timer ka lang dito sa Yessa's Sweets Shop?
Mabagal na tumango si Marcus sa harapan ni Clara.
Marcus: Eh, sinabi ko naman kay Miss Yessa sa interview niya sa akin kahapon na kailangan ko lang talaga ng extra income kaya ako nag-a-apply bilang delivery boy. Na construction worker ako riyan sa itinatayong building sa tapat nitong bakeshop.
Nakatitig lang si Clara kay Marcus at matamang nakikinig sa sinasabi ng lalaki.
Marcus: Tapos ang kailangan pala ni Miss Yessa ay 'yong employee na kayang mag-full-time job, kaya hayun. Sabi ko, hindi ko kayang mag-full-time job. Pero nang akmang aalis na ako ay pinigilan niya ako.
Tumaas ang dalawang kilay ni Clara rahil sa sinabi ni Marcus.
Marcus: Ang sabi ni Miss Yessa, okay lang daw kahit mag-part-time job ako kasi kailangang-kailangan niya raw talaga ng delivery boy ngayon.
Lumingon muna si Marcus sa paligid bago nagpatuloy magsalita.
Marcus: S-in-uggest pa nga ni Miss Yessa na rito ako sa bakeshop mag-full-time job at sa construction site na lang mag-part-time job. Pero sinabi kong mas sanay ako sa trabaho sa construction.
Muling lumingon si Marcus sa paligid bago mahinang nagsalita sa harapan ni Clara.
Marcus: Tapos s-in-uggest pa nga ni Miss Yessa na mag-part-time job na lang din ako sa construction site. Sa construction site ako sa umaga, tapos dito sa bakeshop pagdating nang hapon. Pero ang sahod na makukuha ko rito ay 'yong sahod para sa full-time employee. S-in-uggest niya 'yon para hindi raw ako mapagod sa pagtatrabaho.
Napabuka ang bibig ni Clara sa gulat.
Marcus: Pero syempre tinanggihan ko ang offer na iyon dahil magiging unfair sa inyo 'yon. Nagpasalamat na lang ako kay Miss Yessa.
Tumango-tango si Clara sa harapan ni Marcus.
Marcus: Ngayon, buong araw ako rito sa bakeshop kasi in-orient ako ni Miss Clara kaninang umaga. Hindi muna ako pumasok sa construction site.
Biglang sumingit si Clara habang nagsasalita si Marcus.
Clara: Wait lang. 'Di ba mahigpit ang construction firm pagdating sa ganyan? Kasi may hinahabol na timeline, tapos mababawasan pa ng tao sa isang araw. Seryoso ka ba?
Nakataas pa ang isang kilay ni Clara habang hinihintay ang magiging sagot ni Marcus.
Marcus: Ngayon lang naman. Bukas papasok na ulit ako sa construction site. Mababait naman ang mga boss ko sa construction.
Tumigil sandali sa pagsasalita si Marcus at tumikhim.
Marcus: Actually, bago ako nag-apply kay Miss Yessa bilang delivery boy ay nagsabi ako sa foreman namin kung pwedeng mag-part time job ako. Ipinaalam niya sa supervisor namin at 'yon, pumayag naman. Salamat na lang talaga.
May pagdududang tiningnan ni Clara si Marcus.
Marcus: Ang sabi sa akin ng foreman namin, sabi raw ng supervisor ay okay naman daw na mag-part-time job ako basta hindi makakaapekto sa trabaho ko sa construction site.
May pagdududa pa ring tinitigan ni Clara si Marcus.
Clara: Eh bakit nga kasi ayaw mo pang tanggapin 'yong unang offer ni Miss Yessa na rito ka sa bakeshop mag-full-time job at sa construction site ka na lang mag-part-time job, eh mas malaki pa nga ang sasahurin mo kapag ganoon kaysa mag-part-time job ka rito sa bakeshop at full-time job naman sa construction site.
Sandaling natigilan si Marcus.
Marcus: Ahm, ang totoo talaga niyan ay may isa pa akong trabahong in-apply-an bilang part-timer. Inamin ko na ang tungkol sa bagay na 'yon kay Miss Yessa noong in-orient niya ako kanina.
Kitang-kita ni Marcus ang panlalaki ng mga mata ni Clara.
Marcus: Inamin ko na rin sa foreman namin sa construction noong tumawag ako rito kanina. Ipinaalam ng foreman sa supervisor namin at pumayag naman ito.
Hindi pa rin makapaniwala ang mukha ni Clara.
Marcus: Naiintindihan daw ng supervisor namin ang sitwasyon ko at hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa mga masisipag na construction worker sa site kaya siguro hindi ako tinanggal kahit magpa-part-time job na lang din ako roon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Marcus na napakabilis siyang pinayagan ng kanyang supervisor sa construction na mag-part-time job na lang sa site.
Clara: So tatlong part-time jobs? Grabe. Lagari naman 'yan, Marcus.
Nagkibit-balikat naman si Marcus.
Marcus: Kapag pinagsama-sama ko ang aking kita sa aking tatlong part-time jobs ay mas malaki ang aking kikitain. Need ko lang talaga ng extra income ngayon.
Iyon ang rason na sinabi ni Marcus kay Yessa at sa kanyang foreman sa construction site kung bakit kailangan niyang magtrabaho ng tatlong part-time jobs, ang extra income.
Well, ang plano naman talaga ni Marcus noong una ay mag-part-time job sa Yessa's Sweets Shop habang tuloy pa rin ang kanyang full-time job sa construction site para sa karagdagang income.
Pero bago pumasok si Marcus sa construction site kahapon nang umaga ay may isang pangyayari sa kanyang buhay ang hindi niya inaasahan.
Isang trabahong inialok kay Marcus ng isang misteryosong tao ang hindi niya kayang matanggihan. Napakalaking halaga ang kanyang matatanggap kung tatanggapin ang alok na iyon.
Pumasok sa isipan ni Marcus kahapon nang umaga ang pang-aalipustang naranasan niya mula kay Maxine, ang dati niyang asawa, rahil sa pagiging salat niya sa buhay.
Sigurado si Marcus na ang totoong dahilan kung bakit siya iniwan at hiniwalayan ni Maxine ay dahil hindi niya naibigay dito ang buhay na tinatamasa nito ngayon sa piling ng pangalawa nitong asawa na si Glenn.
Nang alukin si Marcus ng malaking halaga kapalit ng isang misyon kahapon ay pumasok din sa kanyang isipan ang anak na si Kitten.
Hindi man mapapantayan ni Marcus ang kayamanan ni Glenn ay alam naman niyang ang iniaalok na halaga sa kanya ay malaking tulong para mapaangat ang kanyang buhay at maging proud sa kanya ang anak na si Kitten.
At syempre, hindi pwedeng hindi pumasok sa isipan ni Marcus ang kanyang minamahal na si Rowena nang marinig kung magkano ang halagang iniaalok sa kanya kahapon nang umaga.
Sigurado si Marcus na oras na sagutin na ni Rowena ang kanyang panliligaw dito at magpakasal silang dalawa sa hinaharap ay magiging maalwan ang kanilang buhay kasama ang kanilang magiging anak o mga anak dahil sa napakalaking halagang iyon.
Naisip ni Marcus na magbabago ang kanyang buhay sa isang iglap dahil sa perang iyon.
At isang desisyon nga ang ginawa ni Marcus kahapon nang umaga.
Tinanggap ni Marcus ang isang misyon mula sa isang misteryosong tao kapalit ng malaking halagang binanggit sa kanya ng taong iyon.
Isang desisyon na tuluyang magpapabago ng takbo ng kwento ng buhay ni Marcus.
At iyon ang totoong dahilan kung bakit masayang-masayang sinundo ni Marcus si Rowena mula sa school kahapon at hindi rahil sa natanggap siya sa Yessa's Sweets Shop.
Hindi pa man hawak ni Marcus ang malaking halaga ng pera ay nangangarap na siya sa magiging buhay nila ni Rowena sa hinaharap.
Pwede nang hindi magtrabaho si Marcus dahil oras na matapos niya ang kanyang misyon ay limpak-limpak na salapi ang kanyang matatanggap.
Ngunit magiging kahina-hinala para sa mga taong nasa paligid ni Marcus kung makikita ng mga ito na hindi siya nagtatrabaho.
Kailangan pa ring ipakita ni Marcus sa mga tao na nagtatrabaho siya at kailangang-kailangan niya ng pera.
Kaya naman matapos gawin ang desisyong tanggapin ang hamon ng misteryosong tao ay napagdesisyunan din ni Marcus na mag-part-time job na lamang sa construction site dahil malaking oras ang kanyang kakailanganin para sa kanyang misyon.
Pwede naman sanang ipagpatuloy na lang ni Marcus na mag-full-time job sa construction site at huwag nang mag-apply bilang delivery boy sa Yessa's Sweets Shop, ngunit naalala niya ang nangyari sa loob ng apartment unit ni Rowena nang doon silang dalawa ni Kitten maghapunan kasama ang kapatid ni Rowena na si Xavier noong isang gabi.
Kitang-kita ni Marcus ang pagkabigla sa mukha ni Kitten nang banggitin niya rito na mag-a-apply siya sa Yessa's Sweets Shop. Napabuga pa ito sa kinakain nito.
Marcus: Kitten, bukas nga pala ay mag-a-apply ako ng bagong trabaho. Ipagdasal mong matanggap ako.
Tumango si Kitten sa sinabi ni Marcus, pero nakasulyap kay Xavier. Nang lumingon si Xavier sa gawi ni Kitten ay dali-daling umirap si Kitten sa lalaki.
Kitten: Uhm... Sa-saan po kayo mag-a-apply, Daddy?
Marcus: Sa Yessa's Sweets Shop.
Nagulat sina Marcus, Rowena, at Xavier nang biglang naibuga ni Kitten ang mga pagkaing nasa loob ng bibig nito.
Marcus: A-ayos ka lang ba, anak?
Nanlalaki ang mga mata ni Kitten na humarap kay Marcus.
Kitten: Sa-saan po ulit?
Kumunot ang noo ni Marcus at muling sinabi ang pangalan ng shop kung saan siya susubok na mag-apply ng trabaho.
Marcus: Yessa's Sweets Shop.
Marahas na napahugot ng malalim na paghinga si Kitten at dali-daling inabot ang isang basong tubig na nakalaan para rito. Inisang lagok iyon ni Kitten.
Maliban doon ay kung anu-ano pa ang mga sinasabi ni Kitten huwag lamang si Marcus mag-apply sa bakeshop na pagmamay-ari ni Yessa.
Kitten: Kailangan niyo pa po ba talaga ng isa pang trabaho, Daddy?
Ngumiti si Marcus kay Kitten.
Marcus: Mas mabuti na 'yong may dagdag income. Lalo na ngayon na kasama kita sa apartment. Kahit may sarili kang work, mas okay pa rin kung marami tayong source of income.
Ngumuso si Kitten.
Kitten: Naku, Daddy. May nabasa akong reviews about sa shop na 'yan. Hindi raw mabait 'yong owner. Masama ang ugali. Nagtataray sa mga tao niya. Naku, Daddy. Humanap ka na lang ng iba.
Kumunot ang noo ni Marcus at ilang sandali pa ay bumunghalit ng tawa. Napataas naman ang dalawang kilay ni Kitten.
Marcus: Naku, anak. Hindi mo pa lubusang kilala ang ama mo. Panigurado, bibigay sa charm ko ang owner ng bakeshop na iyon. Sobrang charming ko kaya. Tanungin mo pa si Ate Rowena mo.
Alam ni Marcus na may hindi sinasabi si Kitten na may kinalaman sa Yessa's Sweets Shop kaya naman itinuloy pa rin niya ang pag-a-apply sa bakeshop na iyon bilang delivery boy para alamin kung bakit ganoon na lamang ang pagkadisgusto ng kanyang anak sa bakeshop na iyon.
At nang umuwi nga si Marcus sa kanyang apartment at maabutan na hinihintay siya ni Kitten kagabi ay nasiguro ni Marcus sa sarili na tama lamang na itinuloy niya ang pag-a-apply ng trabaho sa Yessa's Sweets Shop.
Nahalata ni Marcus na kinabahan si Kitten nang malaman nitong natanggap siya bilang delivery boy sa bakeshop ni Yessa.
Kakaiba ang naging reaksyon ni Kitten na mas nagpatindi ng hinala ni Marcus na may hindi sinasabi si Kitten at kung ano iyon ay ang kanyang aalamin habang siya ay nagtatrabaho sa Yessa's Sweets Shop.
Hindi sana tatanggapin ni Marcus ang alok ng misteryosong tao rahil hindi naman siya ang tipo ng tao na basta na lamang magtitiwala sa kung sinu-sino.
Ngunit ang misteryosong taong nagpakita kay Marcus kahapon nang umaga ay hindi lamang kung sinu-sino.
Ang misteryosong taong iyon ay malaki ang naging bahagi sa buhay ni Marcus sa nakaraan.
Isang taong sobrang pinagkakatiwalaan ni Marcus.
----------
itutuloy...