THIRD PERSON POV Pasimpleng pinunasan ni Martin ang tumulong luha sa kanyang kanang pisngi habang nakatingin kay Xavier na nakaupo sa couch sa sala ng kanilang apartment unit at may tini-text ng kung sino sa phone nito habang may ngiting nakapaskil sa mukha nito. Tumaas ang isang kilay ni Martin at humalukipkip nang makita ang ngiting sumilay sa mga labi ni Xavier. Bigla siyang nakaramdam ng selos. Naisip ni Martin na baka nakikipag-flirt si Xavier sa kung sinumang ka-text nito sa phone para ngumiti ito ng ganoon. Parang gustong manibugho ni Martin sa kung sinumang dahilan ng ngiting iyon sa mga labi ni Xavier. Para kay Martin ay siya lang dapat ang maging dahilan ng mga ngiti ni Xavier at gusto niyang siya lamang ang nagpapasaya rito. Pagkatapos nang may nangyari kina Martin at Xavier

