THIRD PERSON POV Nagpalinga-linga si Maureen sa loob ng Yessa's Sweets Shop nang makapasok siya sa bakeshop na pagmamay-ari ng kanyang kaibigang si Yessa para hanapin ito. Ngunit mukha yatang wala sa loob ng bakeshop na iyon ang kanyang kaibigan. Naisipan ni Maureen na puntahan ang kanyang kaibigang si Yessa sa bakeshop na pagmamay-ari nito para kumbinsihin itong humingi ng kapatawaran sa isa pa niyang kaibigang si Kitten para sa ginawa ni Yessa na paghalik sa boyfriend ni Kitten na si Enrique. Hindi alam ni Maureen kung kailan muling magpapakita sa kanya ang lalaking kumupkop sa kanila ni Enrique para muli siyang tanungin kung ano na ang balita sa kanyang ginagawang pagpapabalik kay Kitten sa mansyon ng stepfather nito. At sa totoo lang ay wala pa ring maisip na epektibong paraan si Ma

