THIRD PERSON POV Ibinaba ni Glenn sa tabi ng tasang may lamang kape ang kaninang binabasa niyang newspaper at tiningnan ang asawang si Maxine na posturang-postura nang mga oras na iyon. Glenn: Mukhang may lakad ka ngayon, love. You look lovely and elegant as always. Muling pinasadahan ng tingin ni Glenn ang magandang mukha ng asawa. Light makeup lamang ang inilagay ni Maxine sa mukha nito at para sa araw na iyon ay nagsuot ito ng white maxi dress na may mataas na slit sa kaliwang bahagi showcasing Maxine's smooth leg. Marahang pinahid ni Maxine ang gilid ng bibig nito gamit ang table napkin. Tipid na ngumiti si Maxine kay Glenn at pagkatapos ay ibinaling ang tingin nito sa mga pagkaing nasa mesa. Breakfast time iyon at sabay na nag-aalmusal ang mag-asawang Silva bago pumasok sa traba

