KABANATA 19

2521 Words
THIRD PERSON POV Sumasakit ang ulo ni Maureen habang nakatingala sa kisame ng kanyang kwarto. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Maureen kung paanong mapababalik ang kanyang kaibigang si Kitten sa mansyon ng stepfather nitong si Glenn. Hindi pa rin kinokontak si Maureen ng kaibigang si Kitten tungkol sa whereabouts nito kaya hindi pa madali para sa kanya na puntahan ang kaibigan sa apartment unit ng ama nito. Frustrated na hinawi ni Maureen ang kanyang buhok at bumulong sa hangin. Maureen: Kung bigla naman akong susulpot sa apartment unit ni Kitten, paniguradong magtataka 'yon kung bakit alam ko kung nasaan siya ngayon. Baka malaman pa niyang nag-hire ako ng private investigator? Bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang kama si Maureen at malalim na nagbuntung-hininga. Kung wala lamang utang-na-loob si Maureen sa taong nag-uutos sa kanyang mapabalik si Kitten sa mansyon ng stepfather nito ay hindi sana siya namomroblema ngayon. Pero ano ang magagawa ni Maureen? Kung hindi rahil sa taong iyon ay baka sira na ang buhay ni Maureen ngayon o hindi kaya ay baka matagal na siyang kinuha ng langit. Ayon sa kwento ng taong pinagkakautangan ng loob ni Maureen ay napulot siya nito noong sanggol pa lamang siya sa tabi ng isang kalsadang kilala na laging pinag-iiwanan ng mga sanggol ng mga magulang sa iba't ibang kadahilanan. Iyon ang unang beses na napadaan sa kalsadang iyon ang taong nakapulot sa sanggol na si Maureen. Ang taong ito ang kumupkop sa kanya. Sa isang bahay dinala ang sanggol na si Maureen at doon ay inalagaan siya ng isang nanny na kinuha ng taong kumupkop sa kanya. Hindi katagalan ay isa pang sanggol ang nakasama ng sanggol na si Maureen sa bahay na iyon. Ang sanggol na iyon ay si Enrique. Linggo-linggo ay dinadalaw ng lalaking kumupkop kina Maureen at Enrique ang dalawang sanggol. Inayos ng taong ito ang lahat ng mga mahahalagang papeles para ito ang maging legal guardian ng dalawa sa tulong na rin ng malaking halaga ng pera. Pinakain at pinaaral ng taong pinagkakautangan ng loob ni Maureen silang dalawa ni Enrique hanggang maka-graduate sila ng College. Mga bata pa lamang sina Maureen at Enrique ay alam na nila ang katotohanang napulot lamang silang dalawa ng lalaki mula sa kalsada at nakatanin na sa kanilang isipan na malaki ang utang-na-loob nilang dalawa sa taong kumupkop sa kanila kaya naman marapat lamang na sundin nilang dalawa ang mga ipinag-uutos ng lalaki sa kanila. Iisang bagay lang naman ang gusto ng taong kumupkop kina Maureen at Enrique at iyon ay ang mapanatili nilang nasa mansyon ng stepfather nito ang babaeng nagngangalang Kitten. Nang unang makilala ni Maureen si Kitten noong High School ay naging magaan agad ang kanyang loob dito kaya naman kahit parte pa ng planong bantayan si Kitten ang pakikipaglapit dito ni Maureen ay bukal sa kanyang loob iyon. Madali namang pakisamahan si Kitten kaya hindi nahirapan si Maureen na maging ka-close ito at sa huli ay naging kaibigan din nila si Yessa. Hindi nagpahalata sina Maureen at Enrique na rati pa silang magkakilala kaya ilang buwan matapos ang unang pagkikita nina Maureen at Kitten ay saka pa lamang nakipag-close si Enrique sa magkakaibigang Maureen, Kitten, at Yessa. Nasa High School si Maureen nang maramdaman niyang nahuhulog na ang kanyang loob sa kaibigan at kaklase niyang si Martin. Sa huli ay ipinagtapat ni Maureen ang kanyang nararamdaman para kay Martin at ganoon na lamang ang kanyang saya nang malamang may katugon ang kanyang damdamin para rito. Nalaman ng taong kumupkop kina Maureen at Enrique ang pagkakaroon ng relasyon ni Maureen kay Martin at hindi nito iyon ikinatuwa. Sinabi nitong baka ma-distract si Maureen mula sa obligasyon nitong bantayan si Kitten dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Martin. Buong linggong ikinulong si Maureen ng taong kumupkop sa kanya sa loob ng isang bodega. Matapos ang isang linggong pagkakakulong sa loob ng bodega ay lumuhod si Maureen sa harapan ng taong kumupkop sa kanya at nangakong kahit may kasintahan na siya ay hindi pa rin siya makakalimot sa kanyang misyon. Hindi sana gustong pumayag ng taong kumupkop kina Maureen at Enrique na ipagpatuloy ni Maureen ang kanyang relasyon may Martin ngunit nangako si Maureen na sisiguraduhin niyang walang ibang lalaking makalalapit kay Kitten na posibleng maglayo rito mula sa mansyon ng stepfather nito. Doon ay napahinuhod ang lalaki at sinabing oras na may naging kasintahan si Kitten ay ititigil na nito ang pagpapaaral kay Maureen. Kaya naman ginawa ni Maureen ang lahat ng paraan para siraan kay Kitten ang lahat ng mga manliligaw nito upang wala itong magustuhan sa mga iyon na hindi naman naging mahirap para kay Maureen dahil napansin niyang ang hinahangaang tao ni Kitten ay isang tao lamang at iyon ay si Enrique na ang gusto naman ay ang kaibigan nilang si Yessa nang mga panahong iyon. Nang sagutin ni Yessa ang panliligaw ni Enrique nang araw ng kanilang High School graduation ay muling nagalit ang lalaking kumupkop kina Maureen at Enrique at sinabi nitong kailangan mas bantayan nilang dalawa si Kitten pagdating sa College dahil mas maraming lalaki ang magtatangkang ligawan ito at hindi nito gusto ang ideyang magpapakasal si Kitten at aalis ng mansyon ng stepfather nito. Ngunit si Enrique ay nagmatigas na naging sanhi para ipabugbog ito ng lalaking kumupkop dito sa dalawang tauhan nito. Nanlaban si Enrique sa dalawang tauhan ng lalaki ngunit wala itong laban sa mga tauhan ng lalaki. Dahil sa awa kay Enrique ay nakiusap si Maureen sa lalaking kumupkop sa kanya na huwag nang saktan si Enrique at siya na lamang ang sumalo sa kaparusahan nito. Pumayag ang lalaki at muli ay ikinulong si Maureen sa loob ng isang bodega na tumagal nang tatlong linggo. Awang-awa si Enrique kay Maureen ngunit nagpasalamat ito sa kanya rahil pinayagan na ito ng lalaking kumupkop sa kanila na makipagrelasyon ito kay Yessa sa kondisyong hindi mawawala sa paningin nito si Kitten na sinang-ayunan naman ni Enrique. Ngunit isang araw ay nabigla sina Maureen at Enrique nang sabihin ng lalaking kumupkop sa kanila na kailangang hiwalayan na ni Enrique si Yessa at makipagrelasyon ang lalaki kay Kitten. Sinabi ng lalaki kina Maureen at Enrique na mas mababantayan ng mga ito si Kitten kung magiging boyfriend na ni Kitten si Enrique. Ayon dito, sa ganoong paraan ay mas magkakaroon ng dahilan si Enrique para dikitan si Kitten. Ang sandaling pagkabigla ni Enrique ay agad ding napalitan ng ngiti na ikinagulat ni Maureen dahil ang akala niya ay magpoprotesta ito rahil mahal nito si Yessa. Nang makapag-usap nang sarilinan sina Maureen at Enrique ay sinabi ni Enrique na matagal nang nawala ang pagmamahal nito para kay Yessa at si Kitten na raw ang itinitibok ng puso nito ngunit nagtaka si Maureen nang hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata si Enrique habang sinasabi iyon. Nakiusap si Enrique kay Maureen na siya ang gumawa ng paraan para magkahiwalay ito at si Yessa rahil hindi raw nito kayang saktan ang babaeng kahit papaano ay minahal din naman nito. Napabuntung-hininga na lamang si Maureen sa kahilingang iyon ni Enrique. Dahil sigurado si Maureen na may lihim na pagtingin ang kanyang kaibigang si Kitten kay Enrique ay hindi na naging mahirap pa para sa kanya ang kumbinsihin itong gumawa ng paraan para magkahiwalay ang magkasintahang Enrique at Yessa lalo pa nga at mahusay na ginagampanan ni Enrique ang parte nito sa kanilang plano sa pamamagitan ng pagpaparamdam kay Kitten na may pagtingin din ang lalaki rito. Alam din ni Maureen na madaling mahikayat ang kanyang kaibigang si Kitten kaya inunti-unti niya ang pagtatanim sa utak ni Kitten na humahanga rin dito si Enrique at kayang-kaya nitong sirain ang relasyon nina Enrique at Yessa kung gugustuhin lamang ni Kitten. Tandang-tanda pa ni Maureen kung paano niyang paunti-unting kinumbinsi si Kitten na may pagtingin din dito si Enrique at tama lamang na paghiwalayin nito sina Enrique at Yessa. Maureen: Kitten, tingnan mo. Nakatingin sa iyo si Enrique kahit si Yessa ang kanyang kasama. OMG. Kikiligin na ba ako? Ipinakita ni Maureen kay Kitten na kahit siya ay napapansin niya ang mga lihim na pagsulyap ni Enrique rito para maisip ni Kitten na kung anuman ang napapansin nito kay Enrique ay hindi lamang likha ng imahinasyon nito. Maureen: OMG. Kinikilig ako! May crush ka kay Enrique, ano? Ayaw mo lang sabihin dahil boyfriend siya ng best friend natin. Nagpahaging si Maureen kay Kitten na kahit papaano ay may hinala na siyang may gusto ito kay Enrique para maisip ni Kitten na kung posibleng napapansin niya iyon ay malamang na napapansin na rin iyon ni Enrique. Maureen: Awww. Nalungkot si Enrique nang iniwasan mo ang titig niya. Kawawa naman siya, Kitten. Tingnan mo. Unti-unting ipina-realize ni Maureen kay Kitten ang posibilidad na may katugon ang lihim na damdamin nito para kay Enrique. Maureen: Grabe na ito! Para akong nanonood ng teleserye. Iyon bang may tema na mahal ng dalawang tao ang isa't isa pero hindi na pwedeng maging sila. Pero sa teleserye lang naman 'yon. Nasa totoong mundo tayo. Talaga bang hindi pwedeng maging kayo ni Enrique, Kitten? Ipinahiwatig ni Maureen kay Kitten na may pag-asang magkatuluyan ito at si Enrique. Maureen: Alam mo, kung pareho niyo namang gusto ni Enrique ang isa't isa, bakit hindi ninyo pagbigyan ang inyong mga sarili? Ay! Oo nga pala. Kaibigan natin si Yessa. Erase! Erase! Erase! Wala akong sinabi, Kitten, ah. Mamaya sundin mo pa ako. Pasimpleng inudyukan ni Maureen si Kitten na ipaglaban nito ang anumang nararamdaman nito para kay Enrique sa paraang hindi niya tahasang inuutusan ito na agawin ni Kitten si Enrique mula kay Yessa. Maureen: Grabe, Kitten. Nata-touch ako sa mga ginagawa ni Enrique. Imagine. Kaninang umaga pa tapos ang huling klase niya, pero nag-stay siya sa university hanggang gabi para lang hintaying matapos ang huling klase mo kasi gusto niyang magkausap kayong dalawa. Buti absent ngayon si Yessa rahil may lagnat. Ipinamukha ni Maureen kay Kitten ang ginagawang effort ni Enrique para rito. Maureen: Hanga ako sa effort ni Enrique. Ang haba ng hair mo kahit sa part mo ay wala kang effort for him. Hindi diretsahang ipinaramdam ni Maureen kay Kitten na hindi nito sinusuklian ang mga effort ni Enrique para rito para makaramdam si Kitten ng guilt. Maureen: Naaawa na nga ako roon sa tao. Nagsabi sa akin noong isang araw na gusto na niyang hiwalayan si Yessa, kaso 'yon nga, ayaw niyang makapanakit. Ang gusto pa yata ay si Yessa ang makasakit sa kanya para magkaroon siya ng dahilan na iwanan 'yong best friend natin. Marahang itinanim ni Maureen sa utak ni Kitten ang kaisipang makikipaghiwalay lamang si Enrique kay Yessa kung may gagawin si Yessa na isang bagay na ikagagalit ni Enrique na maaaring maging resulta ng paghihiwalay ng dalawa. Maureen: Uy, Kitten. Bakit ganyan ang hitsura mo? Huwag kang nakikinig sa mga sinasabi ko. Naisip ko lang naman 'yon kasi ayaw daw niyang makasakit. At sa bawat pasimpleng pang-uudyok ni Maureen kay Kitten ay sinisiguro niyang hindi iisipin ni Kitten na pasimple niyang inilalagay sa isip nito na gumawa ng paraan para paghiwalayin sina Enrique at Yessa. Maureen: Pero kilala natin 'yong si Yessa. Almost perfect 'yon. Kung gagawa iyon ng mali, malamang dahil s-in-etup siya. Eh, ako, hindi ko magagawa kay Yessa 'yon. Siguro naman, pati ikaw, 'di ba? Kaibigan natin siya, eh. At dahil sa setup na binanggit ni Maureen ay may kung anong pumitik sa isipan ni Kitten na nagtulak dito para gawin ang isang bagay na naging dahilan ng masalimuot na paghihiwalay nina Enrique at Yessa. Hindi katagalan matapos ng paghihiwalay nina Enrique at Yessa ay naging magkarelasyon sina Enrique at Kitten na labis na ikinatuwa ng lalaking kumupkop kina Maureen at Enrique. Maayos na sana ang lahat kung hindi lamang nahuli ni Kitten si Enrique na nakikipaghalikan kay Yessa na labis na ikinagalit ni Kitten dahil iyon ang pangalawang beses na nahuli nito si Enrique na may kahalikang ibang babae habang magkarelasyon sila. Napatawad ni Kitten si Enrique sa unang pagkakataong nagtaksil ito rahil lasing si Enrique nang unang beses itong makipaghalikan sa ibang babae habang sila pa ni Kitten. Ngunit ang pakikipaghalikan ni Enrique sa ex-girlfriend nitong si Yessa ang hindi napalampas ni Kitten dahil pati ang pride nito ay tinamaan lalo na nga at itinuring na nila Kitten at Yessa na mortal na magkaaaway ang bawat isa matapos maghiwalay nina Yessa at Enrique nang dahil kay Kitten. Nang umalis si Kitten ng mansyon ng stepfather nitong si Glenn, ang naisip ni Maureen na dahilan ni Kitten ay ang pagkakahuli nito sa kasintahang si Enrique na nakikipaghalikan kay Yessa. Ngunit hindi nawala sa isipan ni Maureen ang sinabi ni Enrique sa kanya na may kinalaman sa paglalayas ni Kitten. Malinaw pa sa isipan ni Maureen ang naging pag-uusap nilang iyon ni Enrique. Enrique: Sigurado ba tayong iyong paghalik ni Yessa sa akin ang dahilan kung bakit umalis si Kitten sa malaking bahay nila at maisipang tumira sa Daddy niya? Nagkibit-balikat si Maureen. Maureen: Wala akong naiisip na ibang dahilan kung bakit gusto munang lumayo ni Kitten. Though hindi naman ganoon kalayo rahil nasa malapit lang siya. More like umiwas siguro. Tumingin si Maureen kay Enrique. Maureen: At saka wala akong nababalitaang problema niya sa malaking bahay ng stepfather niya. Okay naman siya sa Mommy niya at sa stepfather niya. I should know dahil ako ang una niyang sinasabihan ng mga bagay tungkol sa kanya. Tumingin sa kawalan si Enrique. Enrique: Naisip ko lang kasi kung gusto talaga niya akong iwasan, pwede naman niya akong iwasan nang hindi umaalis ng malaking bahay nila. Kumunot ang noo ni Maureen. Na-realize niyang may point si Enrique. Niyuko niya si Enrique na nakaupo at tumingala naman ito sa kanya. Maureen: So, ano ang ibig mong sabihin? Nagkibit-balikat si Enrique. Enrique: I don't know. Hindi kaya may iniiwasan siya sa malaking bahay? Isa iyon sa mga iniisip ni Maureen ngayon. Kung totoo ang hinala ni Enrique na may iniiwasan si Kitten sa mansyon ng stepfather nito ay mas magiging mahirap para kay Maureen na makumbinsi si Kitten na bumalik ng malaking bahay. Ang isa pang gumugulo sa isipan ni Maureen ay ang nakita niyang blue jockstrap sa apartment unit ng kanyang boyfriend na si Martin. Sinabi ni Martin kay Maureen na hindi nito pag-aari ang jockstrap na iyon at maaari raw na sa roommate nitong si Xavier ang jockstrap na iyon. Pero napansin ni Maureen na parang naging kabado si Martin nang makita nitong hawak niya ang jockstrap na iyon at hindi rin makatingin ng diretso kay Maureen ang kanyang boyfriend habang nagsasalita ito. Mariing napapikit si Maureen. Sa rami ng kanyang iniisip ay sumasakit na ang kanyang ulo. Mabuti na lamang ay naroon ang anak ni Maureen na si Crisanto na nagpapagaan sa kanyang kalooban. Ang anak nila ni Marcus na ama ng kanyang kaibigang si Kitten. Muling sumakit ang ulo ni Maureen nang maalala ang sinabi ng lalaking kumupkop sa kanya na si Crisanto ang magiging kapalit kung hindi niya mapababalik si Kitten sa mansyon ng stepfather nito. Kaya naman kailangan nang makaisip ng paraan ni Maureen kung paanong makukumbinsi si Kitten na bumalik sa malaking bahay ng stepfather nito. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD