MARCUS' POV Bigla akong tumuwid ng pagkakaupo mula sa aking pagkakasandal sa sandalan ng driver seat na aking kinauupuan sa loob ng isang kotse nang makita kong lumabas na mula sa isang motel ang isang babae. Ito ang babaeng pinapamanmanan sa akin ng lalaking nangakong magbibigay ng malaking halaga sa akin kung matatapos ko ang aking misyon. Ang ginagamit kong kotse sa pagmamanman sa babaeng ito ay nagmula rin sa lalaking nagbigay sa akin ng misyong ito. Noong isang araw ay natanggap ko na ang paunang bayad sa akin ng lalaki katulad ng ipinangako nito at halos manginig ang aking kamay nang mahawakan ko ang ganoong kalaking halaga ng pera. Paunang bayad pa lamang iyon pero maaari ng maging puhunan para sa isang maliit na negosyo. Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking naramdaman nang

