THIRD PERSON POV Naniningkit ang mga matang tinitigan ni Maureen si Enrique nang pumasok ito sa main entrance door ng bahay kung saan sila lumaki nang sabay sa ilalim ng pangangalaga ng taong kumupkop sa kanilang dalawa. Kung umakto si Enrique ay parang wala silang dalawang kinakaharap na problema ngayon. Maureen: Really, Rick? Nakukuha mo pang mag-enjoy habang hindi na ako magkandaugaga rito para lang makausap si Kitten. Sana man lang tulungan mo ako kahit papaano, hindi ba? Napailing si Maureen nang pasalampak na umupo sa mahabang couch sa loob ng living room ang lalaking itinuturing na rin niyang kapatid sa nakalipas na mga taon. Maureen: Hindi ka ba naaawa sa anak ko? Para mo na ring pamangkin si Crisanto. Humalukipkip siya habang tinitingnan ang lalaking isinandal ang ulo sa lik

