Avery Pov "Yeah sure---sige salamat. Sasabihan ko sya." Rinig kong sabi ni Raven nang magmulat ako ng mata. Nakatalikod ito sa akin habang nakaharap sya sa bintana ng kwarto at may kausap sa kanyang cellphone. Umupo na muna ako habang nakasandal sa headboard ng kama. Mataman ko syang pinagmamasdan habang nakatalikod pa rin sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng lumingon ito sa pwesto ko. Naramdaman nya atang may nakatitig sa kanya. Medyo masakit pa ng kunti down there pero hindi na naman ako nilalagnat. Buti na lang wala akong photo shoot kahapon dahil kung meron, ewan ko na lang. Pero ipinagpapasalamat ko na lang din ang pagkakaroon ko ng lagnat kahapon dahil kung hindi dahil doon hindi ko pa malalaman ang mga masasakit na pinagdaanan ng girlfriend ko. Naiintindihan ko na ngayon

