Avery Pov "Kumusta naman ang pagiging girlfriend ng pinsan ko.?" Natatawang tanong ni Kathleen. Nandito kami ngayon sa bahay nila Raven. Pagkatapos kasi ng photo shoot ko ay dito na kami dumiretso dahil nga sa family dinner nila at kasama na ako doon. Her new family welcomed me warmly at alam na din ng mga ito ang tungkol sa aming dalawa ni Raven na hindi naman tinutulan ng mga ito. Masaya pa nga sila para sa aming dalawa at masasabi kong mahal talaga nila ang girlfriend ko na parang totoo nilang pamilya, and I'm happy for that. Pagkatapos naming kumain ay masayang nakikipag'kwentuhan sa akin ang mga magulang ni Kathleen. Hanggang sa ayain ako ng kaibigan ko dito sa may swimming pool area nila habang si Raven at Tito Marcus ay nasa loob ng bahay. Mukha atang may importanteng pinag'uu

