Avery Pov "So Miss Avery Monroe, totoo po ba ang bali-balita tungkol sa inyong dalawa ng babaeng nag-ngangalang Raven Griffin.?" Tanong sa akin ng isang paparazzi. Nandito ako ngayon sa isang press conference para sa aming mga modelo na sasabak sa fashion show sa Dubai at hindi nga maiwasang 'di maungkat ang isyu sa lovelife namin. Hindi na rin ako nagulat ng malaman nila ang pangalan ni Raven at ang tungkol sa aming dalawa. Maraming beses na din kasi kaming na'blind item lately. Mas lalo pang lumala ang isyu nang may nagpakalat ng video noong nagkasagutan kami ni Wendy at ang ginawa kong paghalik kay Raven. Well, salamat na lang doon sa taong nagpakalat ng video na iyon. Dahil sa ginawa nya napadali ang pagbakod ko sa mahal ko. "Yes, it's true." Maikli ngunit makatotohanan kong sagot

