Raven Pov
Nasaan ako.? Ba't ang dilim ng paligid.? Ang tahimik. Nakakabinging katahimikan. Hindi ako makahinga.
Nakakasakal. Nakakatakot. Nakakapangilabot.
"Sino ka.?" Tanong ko sa taong bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
"Huwag kang matakot. Kailangan mong maka-alis rito." Sabi nito na ipinagtaka ko.
Gusto ko syang tanungin kung sino sya dahil hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa dilim ng paligid. Pero parang pamilyar sa akin ang boses nya.
"Bakit.?" Tanong ko sa kanya.
Sasagot na sana ito nang may bumaril sa kanya. Gulat akong napatitig sa taong nakahandusay na ngayon sa harapan ko.
"U--umalis kana rito. Ta--tandaan mo, huwag kang magtitiwala kahit na kanino." Nahihirapang sabi nito bago malagutan ng hininga.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa aking nasaksihan. Lalo na nong lumapit na sa akin ang taong bumaril sa kanya. Bakit ganito.? Bakit hindi ko makita ang mukha ng taong ito.?
"Hindi kana makakatakas ngayon. Paalam na bata." Nakangising sabi nito bago itutok sa akin ang dala nyang baril.
"Huwaaaag.!!!!"
"Raven.! Okay ka lang.?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kathleen habang naka-upo ito sa gilid ng kama ko.
"Yeah, I'm ok. Masama lang ang napanaginipan ko." Sagot ko sa kanya bago bumangon sa higaan.
"An---ano ang napanaginipan mo.?" Tanong nito sa seryosong tono.
"Nah. It's not important. Baka pagod lang talaga ako kaya kung ano-ano na ang napapanaginipan ko." Sagot ko dahil ayoko nang isipin pa iyon. Napabuntong-hininga naman ito bago tumayo.
"If you say so. Anyway, mauuna na ako sayo. Kailangan ko ng pumunta sa hospital and by the way, huwag mo na lang akong sunduin mamaya. May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko." Sabi nito habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.
Ako kasi ang sumusundo rito lalo na kapag wala akong masyadong ginagawa.
"Okay. Pupunta rin naman ako mamaya sa gym." Maikli kong sagot sa kanya.
"Aalis na ako. And please huwag kang masyadong nagpapagod at nagpupuyat." Seryosong sabi nito na ikinangiti ko.
She's such a sweet cousin 'ayt.?
"I will." Sagot ko na lamang rito. Nginitian muna ako nito bago lumabas ng aking kwarto.
Habang naka-upo ako sa aking kama ay hindi parin mawala-wala sa aking isipan ang tungkol sa napanaginipan ko.
Palagi ko na lang kasing naririnig ang boses na iyon sa aking panaginip. Nakakapagtaka rin dahil paulit-ulit na lamang akong nananaginip ng mga ganoong pangyayari.
Saka kung totoo mang nangyari iyon, imposible namang hindi sasabihin sa akin ni Tito Marcus ang tungkol sa mga bagay na iyon.
Oo, alam kong nagka-amnesia ako dahil sa car accident at may mga bagay na hindi ko pa naaalala.
Katulad na lamang ng tungkol sa mga magulang ko na sabi ni Tito ay binawian ng buhay noong maaksidente kaming magpamilya. Sabi pa nito, ako lang ang nakaligtas ng dalhin nya ako sa hospital. Samantalang dead on arrival naman ang aking mga magulang.
Naaalala ko pa kung ano ang naging reaksyon ko noong magising ako sa pagkaka-coma ng dalawang buwan.
Flashback
3 years ago
Nagising akong masakit ang aking ulo at nauuhaw rin hanggang sa mapansin kong may benda ang aking ulo.
Ugh.! Ba't puti lahat ang nakikita ko.? Hindi pa naman siguro ako patay hindi ba.?
"Mabuti naman at gising kana. Pinag'alala mo kami." Sabi ng isang lalaki na nakatayo na ngayon sa gilid ng hospital bed kung saan ako nakahiga.
"Sino ka.? Nasaan ako.?" Sunod-sunod kong tanong rito.
Pansin kong natigilan ang lalaki pagkatapos kong itanong sa kanya ang bagay na iyon.
"Uhm. Ako ito. Si Tito Marcus mo. Kapatid ako ng ama mo." Nakangiting sabi nito.
"Sinungaling.! Hindi kita kilala.! Wala akong---wala akong maalala. Bakit wala akong maalala.?!" Nagpapanic kong tanong sa kanya at pilit na tumayo mula sa pagkakahiga.
"Calm down iha. Baka mabinat ka." Pagpigil nito sa akin.
"Huwag kang lalapit.!" Sigaw ko ulit kaya napatigil ito sa paghakbang palapit sana sa pwesto ko.
"Wala akong gagawing masama sa iyo. Mapagkakatiwalaan mo ako iha. Maniwala ka. Magtiwala ka sa akin." Nakiki-usap ang boses nito dahilan para mapatitig ako sa kanya.
"Sino ako.? Anong pangalan ko.? Bakit nandito ako sa hospital.? Anong nangyari sa akin.?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Ok. Sasagutin ko lahat ng tanong mong iyan pero bago ang lahat, uminom ka muna ng tubig. Alam kong nauuhaw ka." Sagot nito bago ako bigyan ng isang basong tubig.
Pagkatapos nito ay mahinahon itong umupo sa gilid ng aking higaan at isinalaysay ang nangyari sa akin at sa aking mga magulang.
End of flashback
"Geez. Ano ba itong pinag-iisip ko.? Imposible namang hindi sasabihin sa akin ni Tito ang lahat." Naiiling kong bulong sa aking sarili.
Saka wala namang dahilan para maglihim at magsinungaling si Tito Marcus sa akin kung sakali man.
*tok tok tok*
"Pasok.!" Sigaw ko sa taong kumakatok sa labas ng aking kwarto.
"Good morning. Kumusta naman ang tulog mo iha.?" Tanong ni Tita Carla habang hinahaplos ang magulo ko pang buhok.
"Ok naman Tita. Nakatulog nga ako ng maayos eh." Nakangiti kong sagot sakanya bago patagilid na yumakap sa kanyang bewang.
"Mukhang may batang naglalambing ah." Nang-aasar na sabi ni Tito na bigla na lang sumulpot sa aming likuran.
"Jealous.? Oh sorry, bawal ka rito." Balik kong asar sa kanya.
"Ouch.! Ang sakit naman. Bakit.? Ayaw mo na ba sa Tito mo.?" Pagda'drama nito na ikinatawa namin ni Tita.
"Hindi bagay sayo." Diretsa kong sabi.
Imbis na mainis ay ngumiti ito at ginulo pa ang magulo ko ng buhok habang tawa ng tawa silang dalawa ni Tita. Buti wala na rito si Kathleen. Dahil kung nagkataon, baka sumali pa ito sa akin sa pang'aasar sa kanyang mga magulang. Especially sa kanyang ama na si Tito Marcus.
Simula noong mawala ang aking mga magulang ay ang mga ito na ang tumayong nanay at tatay ko. At kahit kailan ay hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila, na hindi ako parte ng pamilyang ito.
Kaya walang dahilan para paghinalaan ko ang mga ito dahil nararamdaman at nakikita ko ang pagmamahal na ibinibigay ng mga ito sa akin.
Kahit kailan hindi ko narinig sa mga ito ang panunumbat sa pag-aalaga sa akin noong nagpapagaling pa lamang ako. Kaya kung ano man ang naiisip ko ay kailangan ko na itong iwaglit sa aking isipan dahil walang dahilan para pagdudahan sila.
----------
Avery Pov
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at walang ginagawa. Hays.! Nakakabored talaga kapag walang trabaho. Next week pa ang photo shoot ko para sa isang sikat na brand ng jeans.
Binigyan kasi nila ako ng isang linggong pahinga pagkatapos nong fashion show sa London. Kung ako lang ang papipiliin hindi ko na kailangan ng isang linggong pahinga. Wala rin naman akong gagawin sa condo unit ko kundi ang magmukmok at pumuntang gym.
Pero dahil sa masyadong concern ang manager ko kaya ayan, heto ako ngayon walang magawa kundi mag'check sa aking social media account.
Hmm. Ano kaya ang magandang gawin ngayon.?
*riing riiing riing*
"Hello.?"
"Good morning bestie.!" Hyper na bati ng taong tumawag sa akin. Sino pa nga ba.?
"Oh napatawag ka.?"
"Tatanungin ko lang sana kung meron kang gagawin ngayon.?"
"And why did you ask.?"
"Well, gusto ko sanang pumunta sa gym. Baka naman gusto mo akong samahan.?"
"Hmm. Wala naman akong gagawin ngayon so yeah, sasamahan kita. Feel ko ring mag-gym ngayon eh."
"That's good.! Doon na lang tayo magkita ok.? The usual place. Bye bestie."
"Yeah sure. Bye."
Hays.! Nakakatamad talaga ang araw na ito. Sana lang may magandang mangyari ngayong araw.
***
Nakarating na ako dito sa gym na pinupuntahan namin ni Sophia kaya agad kong hinanap ang lokaret kong bestfriend. Pero mukha atang hindi ko na sya kailangan pang hanapin dahil palapit na ito sa akin ngayon na may malaking ngiti sa kanyang labi.
Anong meron.?
"Ok ka lang.?" Tanong ko agad sa kanya pagkalapit nya sa akin. Nagtataka naman itong tumingin sa akin.
"Of course I am. Bakit mo naman natanong.?"
"Wala lang. Mukha ka kasing baliw tingnan. Ngumingiti ka mag-isa. Ang creepy tingnan." Sabi ko na ikinataas ng kanyang kilay.
"Seriously Avery.? Kapag ngumingiti mag-isa baliw na agad.? Hindi ba pwedeng kausap ko lang ang kuya Owen mo.? Like duh.?! It's our third anniversary today."
"Eh di kayo na ang sweet. Psh.!"
"Bitter ka lang kasi. Maghanap na kasi ng jowa bes." Natatawang sabi nito na ikina-ikot ng mata ko.
"Ewan ko sayo." Inis kong sagot bago sya iwan na natatawa pa. Bruha talaga.!
Pupunta na lang ako sa treadmill kesa makinig sa sasabihin ng bruha kong bestfriend. Pero kung minamalas ka nga naman.! May bumangga pa sa akin.
"I'm sorry. My fault." Rinig kong sabi nito habang tinutulungan akong tumayo. In fairness ang lambot ng kamay nya.
"It's ok. Hindi naman ako---ikaw.?!!" Sigaw ko ng makita ko kung sino ang taong bumangga sa akin.
Nagulat rin ito ng makita ako pero agad ding bumalik sa pagkaka-poker face ang kanyang mukha.
"Bakit.? May problema kaba sa akin.?" Walang ganang tanong nito na ikinatahimik ko.
Ano bang meron sa babaeng ito na every time na magsasalita sya ay hindi ako maka-imik.?
"Ba--bakit.? May sinabi ba ako.?" Mataray kong tanong sa kanya.
Magsasalita pa sana ito ng umeksena si Marco. Ang fitness instructor ko dito.
"Ohh. Mukhang nagkakilala na kayo ah.?" Sabi nito habang pasalit-salit ang tingin sa aming dalawa ng babaeng kaharap ko ngayon.
"No were not." Maikli nitong sabi habang nakatitig sa akin.
Ok.? Sa totoo lang, I'm starting to feel conscious sa hitsura ko ngayon. Para akong matutunaw sa mga titig nya. I don't know why.
"Ohh I see. Anyway, Avery this is Raven the o---" Hindi pa ito tapos magsalita ng sumingit ang babaeng ito.
"His friend. I'm his friend." Sabi nito at tumingin sa nakakunot-noo na ngayong si Marco.
"Uhh, yeah she's my friend. And Raven, this is Avery Monroe."
"Monroe.?" Kunot-noo nitong tanong.
"Yeah, the daughter of a business tycoon Mr. Oscar Monroe. She's also a famous model." Nakangiting sabi ni Marco kay Raven na ngayon ay nakatitig na naman sa akin.
"I see. So that's explain everything." Walang-ganang sabi nito na ikinapula ng mukha ko. Hays. Naaalala ko na naman yung nangyari sa condo.
"What do you mean.?" Asked Marco.
"Nothing, punta muna ako sa locker." Sagot lang nito bago umalis sa harapan namin.
"Pasensya kana Avery. Ganyan lang talaga si Raven. Hindi pala-imik pero mabait 'yan." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi naman ako nagtatanong."
"You didn't ask but you're facial expression says it all." Natatawang sabi nito.
"Sira ka talaga.!" Sagot ko na lamang sa kanya.
---------
Raven Pov
Monroe.? Oscar Monroe.? Bakit pamilyar sa akin ang pangalang iyon.? Bakit pakiramdam ko nakilala ko na ang taong ito.?
"Huwag kang mag-alala Arnold. Gagawin ko ang makakaya ko." Rinig kong sabi ng kausap ni Dad pagkapasok ko sa loob ng office nya.
"Hi Dad. Uhh, sorry I thought ikaw lang mag-isa. Sige po, lalabas muna ako."
"It's ok hija, anyway I wanted to introduce to you this successful man beside me. Hija meet your Tito Oscar, he's my friend. A close friend rather. And Oscar meet my unica hija, her name is Ghillian." Pakilala sa akin ng aking ama sa lalaking ka'edaran lang ata nya.
"Nice to meet you hija."
"Likewise sir."
"Naah. Just call me Tito."
That's it.! I already met him.! And wait---Raven is not my real name.?
Pe--pero bakit Raven ang sinabi ni Tito Marcus.?
May mga bagay ba syang hindi sinasabi sa akin.? Pero bakit.?
Bakit nya---ahhhh..! Shit.! Ang sakit ng ulo ko.
"I'm sorry I'm late Mom, Dad. Pero bat mo nga pala ako pinapunta dito Dad.? Pwede naman na sa office mo na lang tayo mag-usap."
"Importante itong sasabihin ko anak. Hindi ito dapat pinag-uusapan sa office dahil maraming tenga at mata doon." Makahulugang sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Ok.? And what is it.?"
"Ma--may na'diskubre kasi akong bagay na maaari kong ikapahamak at ng pamilya natin. Isang bagay na hindi ko dapat malaman."
"Ano ang ibig mong sabihin Dad.?"
"Hindi mo na ito kailangan pang malaman anak. Gusto ko lang sabihin sayo na huwag kang magtitiwala sa kahit na kanino. Kapag may nangyari sa akin---sa amin ng mommy mo. Umalis kana agad dito. Magpakalayo-layo ka. Kahit saan, huwag lang dito."
"Dad, hindi kita maintindihan. Please tell me kung ano ang nangyayari. Baka makatulong ako."
"Hindi kana dapat madamay dito. Aalis na kami ng mommy mo. Pupuntahan pa namin si Oscar dahil may sasabihin ako sa kanya. Mag'iingat ka anak. Mahal ka namin."
"Be safe hija. I love you." Sabi ni Mom sabay halik sa noo ko.
"Kayo din. Mag-iingat kayo ni Dad. I'm sorry hindi pa ako makakauwi sa bahay mamaya. May mission pa kaming tatapusin eh."
"I know. Bye."
Kumaway pa si Dad bago pumasok sa loob ng kotse kaya nginitian ko silang dalawa ni Mom.
Paalis na rin sana ako nang biglang may sumabog.
To be continued
---------