Raven Pov
Naaalala ko na ang lahat. Ang totoo kong pangalan. Kung sino at ano talaga ako, at yung tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko. My memories in the past were clear and clean. Para itong tubig na kusang dumadaloy sa utak ko.
Flashback
Paalis na sana ako ng may sumabog dahilan para mabuwal ako sa aking kinatatayuan dahil sa lakas ng impact nito. Kaya ng makabawi sa pagkakagulat ay bigla akong tumayo kahit na sumasakit pa ang ulo ko.
"Mom.! Dad.! No no no.! It can't be.! Hindi ito totoo." Naiiyak kong sigaw ng makita ang kotse ng mga magulang ko na nasusunog na ngayon.
Lalapit na sana ako sa pwesto kung nasaan ang mga magulang ko nang may humablot sa braso ko. Pagtingin ko ay isa sa mga kasamahan ni Dad sa Agency.
"Anong ginagawa nyo dito Tito Felipe.? Teka, saan tayo pupunta.?" Umiiyak kong tanong at pilit na humiwalay sa kanya ng hilahin ako nito sa kung saan na parang nagmamadali. "Kailangan kung puntahan ang mga magulang ko." Sabi ko sa kanya matapos kaming tumigil sa isang eskinita.
"Ghillian makinig ka. Kailangan mo ng umalis dito. Kami na ang bahala sa libing ng mga magulang mo. Ang kailangan mong gawin ngayon ay umalis na sa lugar na ito at magpakalayo-layo." Sabi nito na ikinalito ko.
"Magpakalayo-layo.? Paano ang mga magulang ko.? They are my parents Tito.! Those people who inside in that f*****g car are my parents.! Tapos ngayon gusto nyo akong umalis na hindi ko nakikita na ilibing ang mga magulang ko.? Sabihin nyo nga sa akin.! Ano ba talaga ang nangyayari.? Ano ba yung nalaman ni Dad na pati buhay nila ay kailangan kunin.?!" Galit na galit kong sigaw sa kanya dahil nalilito na ako sa mga nangyayari sa pamilya ko.
Parang kahapon lang ang saya naming nagku'kwentuhan tapos ngayon wala na sila.
"Hindi mo na ito kailangan pang malaman sa ngayon. May tamang panahon para dyan. Ang mahalaga ay maka-alis kana dito dahil baka ikaw ang isunod nila. Pumunta ka sa Russia, Spain o sa Pilipinas o kahit saan. Basta pumunta ka sa lugar na walang nakakakilala sayo. Ang mahalaga umalis kana dito ngayon din. Heto..nasa loob na ng bag na iyan ang mga kakailanganin mong passports at pera." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko habang nakatingin sa maliit na backpack na hawak nya.
"No.! Hindi ako aalis dahil lang sa natatakot kayo para sa kaligtasan ko. I appreciate your concerned Tito pero hindi ako aalis dito. Aalamin ko kung ano ang totoo at hahanapin ko ang taong pumatay sa mga magulang ko." Galit kong sabi na ikinabuntong'hininga nya.
What did he expect.? Na magtatago ako.? Nah.! Hindi ko gagawin yun. Hahanapin ko ang taong nag'utos na ipapatay ang mga magulang ko at ipapalasap ko sa kanya ang impyerno.
Paalis na ako sa pwesto kung saan kami nag-usap ng mahagip ng aking mga mata ang itim na kotse na paalis na ngayon. And since hindi masyadong tinted ang salamin nito ay kitang-kita ko ang taong naka'upo sa backseat. Hindi ako maaaring magkamali. Sya nga iyon.
Pero ano ang ginagawa nya dito.?
Sino kaba talaga.........
Oscar Monroe.
End of flashback
"Raven ayos ka lang.?" Tanong sa akin ni Marco ng makita nya akong nakahawak sa aking ulo.
"Yeah, I'm ok. Aalis muna ako, ikaw na muna ang bahala rito." Malamig kong sagot sa kanya at agad ng umalis sa harapan nya.
Alam kong nagulat sya sa inasta ko pero wala na akong pakialam doon dahil may kailangan akong komprontaheng tao ngayon.
---------
Avery Pov
Kanina pa ako nakatingin kay Raven. Nagda'dalawang-isip pa ako kung lalapitan ko ba sya o hindi para humingi ng tawad about doon sa nangyari sa condo. Inaamin ko namang kasalanan ko yung nangyari.
Ngayon ko lang din nalaman na sya pala yung pinsan ni Kathleen na lagi nyang ikinu'kwento sa amin. Nalaman ko rin na sya pala ang may'ari ng fitness gym na ito. Thanks to Marco dahil napilit ko syang magsalita tungkol kay Raven.
"Hi. Uhm. Pwede kabang makausap.? Kahit saglit lang sana." Alanganin kong sabi sa kanya ng mapadaan ito sa harapan ko.
Tumitig ito sa akin ng sabihin ko iyon. Hindi ko alam kung bat ako kinakabahan. Parang iba kasi ang aura nya ngayon kesa kanina. Saka yung mata nya parang puno ng galit at....lungkot.?
"Well, kung ok lang naman sayo." Sabi ko ulit habang nakangiti ng alanganin.
"Tungkol saan.?" Tanong nito habang nakatitig parin ng maigi sa akin.
"Uhm. Tungkol doon sa nangyari sa condo.?" Patanong kong sagot. "Look, I'm sorry ok.? Hi--hindi ko sinasadyang sabihin sayo ang mga bagay na iyon. Medyo paranoid lang talaga ako minsan but seriously I'm really, really sorry for what happened." Sincere ko ng sabi sa kanya.
Hindi naman kasi kakulangan sa atin kung aamin tayo sa ating kasalanan paminsan-minsan.
"It's ok. Naiintindihan ko Ms. Monroe." Sagot nito habang seryosong pa ding nakatitig sa akin.
Ako lang ba.? O talagang may diin ang pagkakabigkas nya sa apelyido ko.?
"Thank you then, and nice to meet you anyway Ms. Griffin." Alanganin kong sabi dahil naiilang ako sa pagkakatitig nya. Tumango naman ito bago umalis sa harapan ko. Weird.
---------
Raven Pov
"Nasaan si Tito Marcus Aling Berta.?" Agad kong tanong sa kasambahay namin pagdating ko sa loob ng bahay ng taong itinuring ko ng ama.
"Nasa loob ng office nya. Bakit iha.? May problema ba.?" Nagtatakang tanong nito nang makita ang galit na rumehistro sa mukha ko.
"Wala po. Sige po, pupuntahan ko muna sya." Magalang kong sabi bago umalis sa harapan nya.
Hindi naman kasi porke't galit ako, eh pwede ko ng idamay ang mga tao sa paligid ko. Wala rin naman silang kinalaman rito.
"Raven.? Ikaw pala iha. May kailangan kaba.?" Gulat na tanong nito ng marahas kong binuksan ang pintuan ng kanyang opisina at pumasok sa loob.
Isinarado ko muna ang pintuan para walang makarinig sa amin.
"Raven anak, may problema kaba.?" Pag'uulit nito na ikinalingon ko sa kanya.
"Anak.? Tsk.! Nagpapatawa kaba.?" Sarkastikong sabi ko na ikinakunot ng noo nya.
"Raven may problema ba.? May kailangan ba akong malaman.?" Mahinahon pa ding tanong nito.
"Diba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan.? May kailangan ba akong malaman Marcus.?" Madiin kong tanong sa kanya na ikinagulat nya.
"Ano ang ibig mong sabihin Raven.?" Sabi nito sa mahinahong tono pero halatang kinakabahan.
"Bullsh*t.! Huwag mo akong tatawagin sa pangalang hindi akin.!" Galit kong sigaw na mas lalo nyang ikinagulat. "Nakakagulat ba.? Nakakagulat bang alam ko na ngayon na hindi Raven ang totoo kong pangalan.? Huh.?"
"Pa--Paanong.?"
"Paanong ano.? Oh you mean, paano ko nalaman na ang totoo kong pangalan ay Ghillian Hendrix at hindi Raven Griffin.?!" Nagpupuyos sa galit kong sabi.
"Ghillian magpapaliwanag ako." Natatarantang sabi nito ng malamang naaalala ko na ang lahat.
"Stop it.! Gusto mong magpaliwanag.? Para saan pa.? Para ano pa.? Para bilugin na naman ang utak ko.?! Para mag-imbento na naman ng kasinungalingan huh.?"
"Ra---Ghillian please makinig ka sa akin. Hindi ko intensyong magsinungaling sayo at itago ang lahat ng nangyari. Pero ito lang kasi ang paraan para mailayo kita at ma'protektahan sa mga taong humahabol sayo."
"That's bullish*t.!" Sigaw ko sabay hampas sa kanyang office table na halatang ikinagulat nito. "Kaya ba sinamantala mo ang pagkakaroon ko ng temporary amnesia.? Three years Marcus.! Tatlong taon mo akong pinaniwala sa mga kasinungalingan mo.! Tatlong taon akong naging tanga at kinalimutan ang nangyari sa mga magulang ko.! Thinking that it was just a simple car accident. Tatlong taon mo akong niloko at ginawang tanga.!" I burst out habang nakakuyom na ngayon ang mga kamao.
"Ghillian, sa maniwala ka o hindi naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin sayo ang mga bagay na ito. Hindi ko naman talagang intensyong ilihim sayo 'to habangbuhay. Maniwala ka." Pagsusumamo nito na ikina'ingos ko.
"Tatlong taon Marcus. May tatlong taon ka para sabihin sana sa akin ang katotohanan pero hindi mo ginawa.!" Sigaw ko parin sa kanya.
I can't help it.! Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ngayon. Para akong mababaliw sa mga nalaman ko.
"Dahil ayokong mapahamak ka.!" Sigaw na rin nito.
"At sino ka para sabihin sa akin 'yan.? Baka nakakalimutan mong isa akong class S Agent. Alam ko kung paano protektahan ang sarili ko.! Alam ko kung paano ipagtanggol ang sarili ko kaya wala kang karapatan para sabihin sa akin ang bagay na iyan lalo pa't hindi kita kadugo.!" Sabi ko na ikinatigil nya.
"A--alam ko. Tama ka hindi mo nga ako kadugo. Pero itinuring na kitang anak. Itinuring na kitang sarili kong---Anyway, ginawa ko lang ang tama. Ginawa ko lang ang utos ng mga magulang mo bago sila mawala. Iyon ay ang protektahan ka at ilayo sa mga taong yon."
"Sino ang mga taong tinutukoy mo.?" Malamig kong tanong sa kanya.
"Ghillian huwag mo ng alamin. Kami na ang bahala ni Felipe doon."
"Ayaw mong sabihin sa akin.? Ok fine.! Pwes pupuntahan ko ang isang taong maaaring may alam sa nangyayari." Seryoso kong sabi na ikinakunot ng noo nya.
"Sino.?"
"Si Oscar Monroe." Sagot ko na ikinabuntong-hininga nya.
"Ghillian huwag mong idamay ang mga taong walang kinalaman dito."
"Talaga.? Paano ka nakakasiguro na wala nga syang kinalaman sa nangyari sa mga magulang ko.? Kung nakita mismo ng dalawa kong mata na nandoon sya sa mga oras na iyon nong mamatay ang mga magulang ko."
"Pero hindi kapa sigurado na may kinalaman talaga sya sa nangyari."
"Kaya nga pupuntahan ko sya diba.? Para tanungin kung ano ang nalalaman nya. Saka bakit ba parang hindi ka mapakali.? Natatakot kaba sa mangyayari sa akin kapag pumunta ako sa taong yon.? O baka naman natatakot ka sa pwede kong gawin sa kanya.? Sabihin mo nga sa akin. Kilala mo ba ang taong ito.?" Seryoso kong tanong sa kanya habang matamang nakatitig sa mga mata nya.
"O--Oo. Pero nagkakamali ka. Ang ikinatatakot ko ay baka may madamay na inosenteng tao dahil sa galit mo." Diretsang sagot nito habang nakatitig rin sa mga mata ko.
"Talaga.? Well, don't worry. Hindi pa naman ako ganon katanga para idamay ang mga inosenteng tao." Sabi ko bago naglakad papunta sa pintuan ng may maalala akong itanong sa kanya.
"Anyway, may gusto akong itanong at umaasa akong sa pagkakataong ito ay magsasabi kana ng totoo."
"Ano yun.?"
"Alam ba ni Kathleen at ni Tita Carla ang tunay kong identity.?" I seriously ask him.
"O--Oo. Pero wala silang kinalaman dito lalo na si Kathleen. Ghil, hindi kita pipiliting maniwala kung sasabihin ko sa iyong kahit kailan hindi ka iba sa amin. Oo, nagsinungaling kami sayo pero lahat ng ipinapakita naming pagmamahal at pag-aalaga sayo, lahat yun totoo. Lalo na si Kathleen dahil itinuring kana nyang kapatid. Matatanggap ko kung kamumuhian mo ako sa paglilihim ko sa iyo. Pero sana---sana huwag mo ng idamay dito si Kathleen at si Carla. Paki'usap." He said, almost pleading.
I closed my eyes because of what he said. Hindi ko inaasahang aabot kami sa ganitong sitwasyon. I sigh deeply before I opened my eyes.
"Mahirap gawin ang hinihingi mo dahil para sa akin, ginawa nyo lang katawa-tawa ang pagkatao ko." I answered him without trace of any emotions.
Walang lingon likod akong lumabas sa office nya. May bibisitahin pa akong not-so-important person.
----------
Langley, Virginia 10:47 pm
"Kailan mo ba mapapatay ang agent na yun.? Akala ko ba matitinik ang mga taong ipinapadala mo sa Pilipinas.? Bakit parang hindi na ata bumabalik rito ng buhay.?" Tanong ng isang lalaking naka-upo sa swivel chair at seryosong nakatingin sa taong kaharap nya ngayon.
"May nagbabantay sa kanyang agent rin Sir kaya hindi makahanap ng tyempo ang mga tauhan natin."
"Ganon ba.? Bakit hindi ka magpadala ng maraming tauhan doon para mapadali ang trabaho mong iyan. Alam mo namang magiging malaking banta ang babaeng 'yun kapag nalaman nyang tayo ang nagpapatay sa mga magulang nya."
"Hindi po iyon mangyayari Sir, sinisigurado ko po iyan sa inyo. Saka hindi po tayo basta-bastang makakapagpadala ng maraming tauhan sa Pilipinas dahil baka maghinala ang Board of Committee."
"Hmm. You have a point there. Pero nakalimutan mo atang isang magaling na agent ang pinag-uusapan natin dito. At alam kong alam mo kung paano magtrabaho ang babaeng ito. Anyway, balita ko may temporary amnesia ang subject nyo. So, I think ito ang tamang pagkakataon para ipatumba sya habang wala pa syang naaalala. Dahil kapag oras na bumalik ang mga alaala nya sigurado akong hahanap at hahanap sya ng paraan para malaman kung sino ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng mga mahal nyang mga magulang."
"Pero Sir, kailangan pa po natin sya. Baka alam nya kung saan itinago ng magaling nyang ama ang USB na naglalaman ng mga transactions natin."
"Oo maaaring alam nya. Pero hindi ba mas maganda kung papatayin na lang natin sya para wala ng ebidensya.?" Nakangising sabi nito na sinang'ayunan ng kausap.
"You're right Sir. Don't worry, gagawin ko po ang lahat para tapusin ang trabahong ito."
"You better be soldier. Dahil kapag nalaman nya ang lahat hindi lang ako ang babagsak. Pati rin ikaw at ang buong team mo. Maliwanag ba.?" Seryoso ng sabi nito.
"Yes Sir, I understand." Sagot nito sa kanyang amo.
"Mabuti naman kung ganon. Sana magawa nyo ito habang maaga pa bago pa may ibang maka-alam dahil kapag nagkataon, madadagdagan na naman ang problema natin."
"Yes Sir.! Permission to leave Sir."
"Ok, you may go now."
-----------