UeY-6

2507 Words
Flashback Istanbul 3 years ago "It is your last mission soldiers, kailangan nating maitumba ang grupong ito." Tukoy ng kanilang leader sa kanilang subject na halos dalawang linggo na nilang sinusubaybayan. Pero para kay Ghillian kahit papaano ay nakatulong ang trabaho nyang ito para ma-divert ang kanyang atensyon mula sa pumanaw nyang mga magulang. "Well, I hope na pwede na kaming magbakasyon pagkatapos nito Sir." Pabirong sabi ni Lucas. Isa sa mga kaibigan ni Ghillian. "Of course Mr. Ludwig. Pwede na kayong umuwi sa kanya-kanya nyong pamilya pagkatapos nito. And I hope also na matapos na ito ngayong gabi dahil wala na tayong ibang pagkakataon pagkatapos nito. Do you understand soldiers.?" "Yes Sir.!" Sabay-sabay nilang sagot rito. "Good, now let's kill those asshole.!" Sigaw nito bago pinangunahan ang pagsugod sa kampo ng kalaban. Wala pang dalawang oras nang matapos nila ang kanilang mission. Napatumba nila ang grupo na kilala sa pagbebenta ng droga at pag'kidnap sa mga babaeng teenagers para gawing mga prosti. Bumalik na sila sa kanilang kampo pero habang masayang nag-uusap ang mga agents ay may nagbabalak naman ng masama kay Ghillian. "Just make sure you will kill her soldier. Alam mo na kung ano ang mangyayari sa atin kapag pumalpak ka dito." "Huwag kang mag-alala Sir. Hindi ako papalpak." "Just make sure of it, bago pa nya malaman na tayo ang nagpapatay sa mga magulang nya." Sagot nito bago umalis sa lugar na iyon. Pero ang hindi nila alam ay kanina pa may nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig dahil alam nya kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Kahit na kinakabahan ay napagdesisyunan nyang sabihin ang kanyang narinig sa kanyang kaibigan. "Ghil." Hindi mapakaling tawag ni Lucas sa kanyang kaibigan pagdating nito sa pwesto kung saan naka-upo ang dalaga. "What.? You look bothered bud. What's wrong.?" Nagtatakang tanong nito sa kaibigan. "You need to get out of here, now." Nagmamadaling sabi nito habang palinga-linga sa paligid na para bang may nakatingin sa kanila. "What.? Why.?" Taka nyang tanong sa kaharap pati rin ang isa pa nilang kaibigan na si Elijah ay nagtataka rin sa ikinikilos ng kanilang kaibigan. Pero bago pa ito makapagsalita ulit ay may narinig na silang putok ng baril na nanggagaling sa kanilang likuran. At mas lalo silang nagulat ng bumulagta sa kanilang harapan ang kanilang kaibigan. "Lu--Lucas." Tawag nya sa kaibagan at pilit tinatakpan ang parte ng katawan na dumudugo habang si Elijah naman ay nakikipagbarilan sa tatlong tao na bumaril kay Lucas. "Ghil, listen to me." Nanghihinang sabi nito pero pinigilan sya ng dalaga. "No buddy, don't say anything. It's ok. Everything is going to be fine." Pampalakas nya ng loob rito. "No. Just please listen to me. Don--don't trust anyone around you, especially our agency." "What.? I--I don't understand." Naguguluhang tanong nya sa kanyang kaibigan pero bago pa ito makapagsalita ulit ay bumulagta na sa kanilang harapan si Elijah na wala ng malay at duguan. "Noooo.! Elijah.!" Sigaw nya at pupuntahan na sana ang huli ng pigilan sya ni Lucas sa braso. "Get o--out of here now.! Before they ca--can kill you too." Nanghihina ng sabi ni Lucas. "No.! I won't leave you here." Umiiyak na nyang sagot rito. She can't believe it.! Una ang mga magulang nya. Tapos ngayon ang mga kaibigan naman nya ang mawawala sa kanya. "You have to buddy, or else you won't know that truth who killed your parents." "Lucas." Nasambit na lamang nya. "It's ok buddy. Now go. I will do everything to stop them." Sabi nito kaya kahit na labag sa kalooban nya ay umalis sya sa lugar na iyon. Sa huling pagkakataon ay lumingon sya sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibagan na sakto namang may bumaril ulit kay Lucas dahilan para bumulagta ulit ito. Masakit mang iwanan ang kanyang mga kaibigan pero may punto naman ito. Tama ang sinabi nito na hindi sya pwedeng mamatay dahil kailangan nya pang hanapin ang mga walang-hiyang pumatay sa kanyang mga magulang at ngayon ay sa kanyang mga matatalik na kaibigan. Rinig pa nya ang iba pang sigawan pero hindi na nya iyon inalintana. Pinilit nyang maka'alis sa lugar na iyon. Habang nagmamaneho ay may bumabaril sa kanyang sasakyan at sigurado syang ang mga taong ito ang sya ring pumatay sa kanyang mga kaibigan. Nakikipagbarilan din sya sa mga ito habang nagmamaneho at pinilit nyang makalayo ngunit nabaril ng mga ito ang gulong ng kanyang kotse. Huli na nyang napagtanto na malapit na syang mahulog sa bangin. Malakas ang impact nito na kahit ang airbag ay hindi nakatulong sa kanya. Pero bago pa sya mawalan ng malay ay may tumulong na sakanya na ilabas sya sa umuusok na nyang sasakyan. End of flashback "I will avenge you buddies. I will make them pay big time. I will punish them sa pagpatay nila sa mga taong malalapit sa akin." Sabi ni Ghillian sa kanyang sarili habang papunta sa bahay ni Oscar Monroe. *** Kakauwi lang galing sa kanyang trabaho ni Oscar ngunit dumeretso na sya sa kanyang office sa loob ng kanyang bahay dahil mayroon pa syang tatapusing mga papeles. "Seems like you're a busy man huh.?" Komento ng isang malamig na boses na nanggagaling sa likod ng may pintuan na halos ikalundag nya dahil sa gulat. "And you seems shocked. Why.? Surprised to see me eh.?" Tanong ni Ghillian habang unti-unting lumalabas galing sa madilim na parte ng opisina ni Oscar. "Wh--what are you doing here.? How did you get in here.?" Sunod-sunod na tanong ng huli at pilit ipinapakalma ang sarili. Alam nya na sa mga oras na ito ay maaaring naaalala na ni Ghillian ang lahat ng nangyari. "Sabihin na nating may kailangan akong marinig mula sayo. And to answer your last question, I have my ways." Kibit-balikat nitong sagot habang nasa loob ng bulsa ng kanyang jacket ang dalawa nyang kamay. "Ok, what do you want from me.?" Tanong ni Oscar sa babaeng nasa harapan nya na mataman syang tinititigan ngayon. "Hmm. Tungkol ito sa pagkamatay ng mga magulang ko. Kung hindi ako nagkakamali ay may alam ka nga sa mga nangyayari sa pamilya ko." "Hindi mo na kailangang intindihin 'yon. Si Marcus na ang bahala doon at nangako akong tutulong ako sa paghuli sa mga taong pumatay sa mga magulang mo." "Really.? Masyado ata kayong close ng 'my-so-called Tito'?" Sarkastikong sagot nya rito na hindi nakalampas sa pandinig ng matanda. "He's my close friend aside from your father and Felipe." Sagot nito na ikinataas ng kilay nya. "Really.? And you think maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo knowing na nakita kita sa lugar kung saan napatay ang mga magulang ko.? Anyway, ano nga pala ang ginagawa mo doon.?" May pagdududa sa boses nya. Alam nyang kaibigan ito ng kanyang ama dahil ipinakilala na ito sa kanya noon. Pero hindi nya alam na close pala ang apat dahil ang lagi lang nyang nakikita ay ang katrabaho nito na si Felipe. Ayaw din naman nyang magtiwala kahit kanino lalo na't ito ang sinabi ng kanyang kaibigan bago ito namatay. "Maniwala ka o hindi, pumunta ako doon dahil nag text ang papa mo na ilayo ka sa lugar na 'yon. Kaya nga pinapunta ko din si Felipe nang mga oras na iyon." Paliwanag ni Oscar sa kaharap. Wala rin naman syang dahilan para magsinungaling sa anak ng matalik nyang kaibigan. "If you really mean it, then sinong pumatay sa kanila at sa mga kaibigan ko.?" Panghahamon nya rito. "Hindi pa namin alam sa ngayon. To be honest, may pinaghihinalaan na kaming tao pero hindi pa kami sigurado. Wala pa kaming ebidensya para idiin ang taong ito." "Who is it then.?" Malamig pa sa yelong tanong nya rito. "Hindi kana dapat mag-alala at makisali pa rito, cause as I've said earlier kami na ang bahala rito." Sagot nito na ikina-igting ng panga nya. "Are you f*****g serious about that.? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Mr. Monroe.? Mga magulang at kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito.! Tapos ngayon gusto mong hindi ako maki-alam.?! Seriously.?" Pigil ang galit nyang sigaw rito dahil baka may makarinig sa kanila. "Listen lady. Alam ko at naiintindihan kita. Pero nangako kami sa ama mo na poprotektahan ka namin kahit ano pa ang mangyari. Hindi namin hahayaan na malagay ulit sa panganib ang buhay mo. Oo, alam kong naduwag ako noon. Noong namatay ang mga magulang mo ay umalis ako at bumalik dito sa pilipinas instead na tulungan sina Felipe. Natakot lang ako na madamay ang pamilya ko kapag nalaman nilang may koneksyon kami ng ama mo. At hindi ko pinagsisisihan 'yon dahil seguridad na ng pamilya ko ang nakasalalay rito. Pero ngayon ay bumabawi na ako para mahuli ang pumatay sa mga magulang mo. Kaya sana maintindihan mo kami lalo na si Marcus kung bakit nya itinago sayo ang katotohanan." Mahabang paliwanag nito. "Pero hindi na nito mababago ang nangyari.! Sangkot na ako sa gulong ito at hindi ako tanga para hindi malaman na may mga taong humahabol sa akin." Galit paring sabi ng dalaga.  "So tell me, who are those bastards that killed my parents at pati kaibigan ko dinamay pa nila." Pagpapatuloy nito habang nakakuyom ang kamao at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Oscar. "I already told you. Hindi mo na kailangan pang mangi-alam rito." "Just give me the f*****g name of those people Mr. Monroe.! Gave it to me at sisiguraduhin kong wala akong gagawing masama sa iyo." Madiin na sabi ng dalaga. "Alam kong hindi mo iyon magagawa Ghillian." Mahinahong sabi ni Oscar na ikinangisi ng huli. "Really.? How about we started to your precious family.? That would be fun, right.?" Nakangising sabi ng dalaga na ikinagulat ng huli. "Don't do anything stupid Ghillian.! Huwag na huwag mong idadamay ang pamilya ko dahil wala silang kinalaman dito." May diin na pagkakasabi ni Oscar. "Well, I'm afraid they are already part of this s**t. So, now tell me sino ang taong pumatay sa mga magulang ko bago pa may mangyari sa pamilya mo." "I already told you, wala pa kaming ebidensya na sya nga ang nagpapatay sa mga magulang at kaibigan mo." "Tsk tsk. Wrong answer old man." Sagot ni Ghillian bago kinuha ang baril na nasa likuran nya na ikinatakot ni Oscar. "What do you think you're doing.?" Tanong ni Oscar sa dalaga na ngayon ay nakatutok na sa kanya ang baril. "Just answer my f*****g question at ipinapangako ko sayong walang mangyayaring masama sayo." "Don't do this Ghillian." "I won't, kung sasabihin mo sa akin ang totoo." Sabi nya na ikinabuntong-hininga ni Oscar. "Ok fine, let's have a deal." Sabi ni Oscar na ikinataas ng kanyang kilay. "Hmm. Quite smart eh.? But ok fine. Let me hear what's on your mind. So what's the deal then.?" "Be my daughter's personal bodyguard." Deritsahang sabi nito na mas lalong ikinataas ng kanyang kilay. "And what made you think na tatanggapin ko ang offer na iyan.? I'm not that stupid." "You wanted to know tha truth right.?" "Of course. But how about, I'll kill your family first then I ask you again.? How about that.?" Nakangising sagot nito na ikinalunok ng laway ni Oscar. "Alam mong hindi ito magugustuhan ng mga magulang mo." "Oh c'mon.! Don't give me that f*****g reason dahil wala na sila.! So now you had a choice, give me what I want or I will kill your entire family." Galit na nyang sabi rito at kahit natatakot ay pilit na pinapakalma ni Oscar ang kanyang sarili. "Kahit patayin mo ang pamilya ko o ako, wala kang makukuha sa akin. Kahit sina Marcus ay hindi pa alam kung sino ang taong yun dahil unang-una ako lang ang sinabihan ng ama mo tungkol sa mga taong nakabangga nya. Kaya wala kang choice kundi tanggapin ang alok ko." Pagsisinungaling nya rito dahil ang totoo ay silang tatlo ang sinabihan ng kanyang kaibigan tungkol rito bago ito mamatay. Though, may isa pa syang tao na pinagdududahan at silang dalawa lang ni Marcus ang nakaka'alam. Saka kailangan nya lang din talaga ang tulong ng dalaga ngayon para sa seguridad ng kanyang anak. Alam nya kasing may nagtatangka rin na manakit rito. Pansin nyang napapa'isip ang kaharap. Pero maya-maya lang ay nagsalita na ito. "Just make sure na sasabihin mo ang lahat ng nalalaman mo pagkatapos nito." "Really.? Pumapayag kana.?" Gulat na tanong ni Oscar sa kaharap. "You looked surprised. But anyway, siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari sa iyo. You know what I'm capable of doing, right.?" Malamig na sabi nito sa matanda. "O--of course." Sagot ni Oscar na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. "So tell me why I need to guard your daughter na kung tutuusin marami ka namang tauhan na magbabantay sakanya." Walang ganang tanong ng dalaga. "I don't trust anyone." "And you trust me.? Na kung tutuusin ay anytime pwede kong saktan ang anak mo at alam mo ring may mga taong humahabol sa akin." Poker face na sagot rito ng dalaga. "I know you wouldn't do that and beside, I have faith on you and I trust your skills. Kaya alam kung magiging ligtas ang anak ko sa kamay mo." "I take that as a compliment then." Naka-smirk nyang sabi. "Bantayan mo lang ang anak ko at hulihin yung taong nagpapadala ng mga creepy pictures sakanya. Then after that, sasabihin ko lahat ng nalalaman ko." Seryosong sabi ni Oscar bago ibigay ang folder kay Ghillian na agad naman nitong kinuha at tiningnan. Napataas naman ang kilay nito ng makita ang nilalaman ng folder. "Tsk. Obsessed fan, I guess." Poker face na sabi nito. Hindi na rin nagulat si Oscar ng sabihin nya iyon. Alam nyang matalino ang dalaga at sa pagkakataong ito alam na nya ang background ng bawat myembro ng pamilya nya. "Mag-ama nga sila. Parehong matalino at segurista."  He thought to himself habang tinitingnan si Ghillian na ini-eksamin ang laman ng hawak nyang folder. "So next week kana magsisimula. Bibigyan muna kita ng isang linggo para ayusin ang mga bagay-bagay lalo na sa pagitan ninyo ni Marcus." Sabi ni Oscar na ikinatigil ng kaharap. "Wala ng dapat pang ayusin." "Just give him a second chance. Alam mo ang dahilan nya sa pagtatago ng katotohanan same as mine, at alam kong masakit para sa kanya na galit sakanya ang taong itinuring na nyang anak." "Whatever, I'm outta here." Sagot lamang ng dalaga bago lumabas ng opisina ni Oscar. Hindi nag-alala ang matanda na mahuli ito o makita ng mga tauhan nya dahil alam nyang mabilis kumilos si Ghillian. "Tsk.! A class S agent indeed." He thought at naiiling na lamang dahil sa dami ng nangyari sa kanya ngayong araw. Alam naman nyang mabait na tao si Ghillian kahit na kabaliktaran ito ng pinapakita nyang ugali sa harap ng maraming tao. Pero alam nating lahat na nagiging halimaw ang isang tao kapag buhay na ng mga mahal nila ang pinag-uusapan. "Well, I hope she can handle my bipolar yet brat daughter." Oscar said to himself bago lumabas ng kanyang opisina na parang walang nangyari. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD