UeY-7

2232 Words
Ghillian/Raven Pov Isang linggo na akong nandito sa rest house ko sa Batanes. Gusto kong makapag-isip ng maayos at mag muni-muni ng walang istorbo. Marami na rin akong natatanggap na mensahe sa aking cellphone galing kay Killian, Marcus at lalo na kay Kathleen. Lahat sila ay nagtatanong kung nasaan ako pero hindi ko na lamang sinasagot. Pati ang tawag nila ay binalewala ko though alam ko namang may alam na si Marcus kung saang lupalop ako nagpunta. Alam kong hindi tama na idamay sina Tita Carla at Kathleen sa galit ko pero masyado akong nasaktan sa pagtatago nila ng katotohanan mula sa akin. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo iha." Komento ni Aling Martha na nasa likuran ko na pala. Hindi ko man lang namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko habang nakatanaw sa malawak na karagatan. "Wala lang po ito Manang." Pagsisinungaling ko sa matanda na ngayon ay tumatawa na. Sya nga pala ang caretaker ng resthouse na ito. Silang dalawa ng kanyang asawa na si Mang Cardo. Hmn. Iniisip ko tuloy kung sinabi ba sa kanila ni Marcus ang tungkol sa pagkatao ko since isa rin sila sa pinagkakatiwalaan nito. "Alam mo iha, kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong may itinatago ka. Bakit hindi mo sabihin at baka makatulong ako." May nahihimigan akong panghihikayat sa boses nito. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sakanya o hindi. Pero naalala kong wala namang point kung magsisinungaling ako sa matanda. Simula kasi noong dumating ako dito sa pilipinas isa ito sa nag-alaga sa akin. Kaya kahit mahirap ay sinabi ko sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni Marcus. Hindi naman ito nagulat sa sinabi ko, so I guess alam na nga nya ang tungkol sa akin. "Magagalit ka rin ba sa akin kung sasabihin ko sa iyong simula pa lang ay alam ko na ang totoo.?" Tanong nito na hindi ko na masyadong ikinagulat. "Aling Martha---" Pagsisimula ko pero agad din naman nyang pinutol. "Alam mo iha, may mga bagay na hindi na dapat sinasabi kung alam mo namang ikapapahamak ng taong mahalaga sa iyo." Panimula nito na ikinatahimik ko.  "Sa totoo lang ilang beses ko na ring sinabi kay Marcus na sabihin na sa iyo lahat bago mo pa malaman sa iba. Pero alam mo ba kung ano ang lagi nyang sinasabi.?" Nakangiti nya akong nilingon saglit bago itinuon ulit ang paningin sa malawak na karagatan. "Na kung maaari daw ay huwag na muna dahil ayaw ka nyang mapahamak. Pero alam kong may malalim pa syang dahilan. Hindi man nya sabihin ay alam kong napamahal kana sa kanila kaya mahirap sa kanya na sabihin sayo ang totoo. Alam nya kasi kung ano ang gagawin mo kapag nalaman mo ang katotohanan. At alam kung natatakot lamang syang baka mawala ka sa kanila." Paliwanag nito na ikinabuntong hininga ko. "Pero hindi po iyon sapat na dahilan para magsinungaling sya sa akin." "Maaaring tama ka. Pero nasa sa iyo parin ang desisyon iha. Sana ay bigyan mo pa sila ng isa pang pagkakataon para patunayan sa iyo na mahalaga ka talaga sa kanila, dahil iyon ang nakikita. Huwag sanang lamunin ng galit ang iyong puso. Huwag mo silang pagsarhan ng pintuan dahil lamang sa kadahilanang naglihim sila sa iyo." Payo nito bago ako tapikin sa balikat at pumasok na sa loob ng resthouse. Hindi ko maiwasang mapa-isip sa sinabi ng matanda at alam kong may point sya doon. Siguro nga kailangan ko silang bigyan ng isa pang pagkakataon dahil naging mabuting pamilya rin naman sila sa akin. *** Matapos ang isang linggong pag-iisip ay sa wakas naliwanagan na din ako, at yun ay ang patawarin sila. So I've decided na umuwi na sa Manila dahil alam kong nag-aalala na sila sa akin. "Raven.? Naku salamat naman at umuwi kana ditong bata ka.! Isang linggo ng nag-aalala sayo sina Marcus lalo na si Kathleen. Laging umiiyak ang batang iyon dahil sa labis na pag'aalala sa iyo. Baka daw may masama nang nangyari sayo." Bungad sa akin ni Aling Rosa pagkabukas nya ng gate. Isa sa mga kasambahay namin. "May pinuntahan lang po ako manang." Maikli kong sagot bago pumasok sa loob. "Nasaan po sina Tito Marcus.?" Tanong ko sa matanda ng wala akong maabutan sa salas. "Nandoon silang lahat sa may garden. Puntahan mo na lang doon iha." Nakangiting sabi ni Aling Rosa kaya agad akong pumunta doon. Hindi pa ako nakakalapit ng marinig ko ang usapan nila. "Dad, you have to find Raven. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya." Bakas ang lungkot at pag-aalala sa boses ni Kathleen. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma'guilty sa nangyari. "Huwag kang mag-alala anak. Raven is a strong person. Bigyan na muna natin sya ng panahon na makapag'isip. Alam kong masyado lang syang nasaktan sa nangyari pero naniniwala akong malalagpasan nya lahat ng ito." Mahinahong sabi ni Tita Carla that made me smile. She's really a good person. Bago pa nila ako mapansin ay nagsalita na ako. "I'm back." Maikli kong sabi na ikinalingon nilang lahat sa direksyon ko. Nagulat na lamang ako ng bigla akong yakapin ni Kathleen habang umiiyak. "Bwesit ka alam mo ba yun.?! Saan kaba galing huh.?! Alam mo bang pinag-alala mo kami.? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo.! Letse ka.!" Sunod-sunod na sigaw nito na ikinangiwi ko ng kunti pero napangiti rin kalaunan. She really know how to cuss sometimes. "I'm sorry cous. Hindi na mauulit." Nakangiti kong sabi sa kanya dahilan para makatanggap ako ng irap mula rito. "Dapat lang ano.!" Nakasimangot na sabi nito habang nanunuod lang sa amin sina Tita Carla. "Uhm. Tita, I'm sorry hindi ko po sinasadyang magalit sa inyo---" Panimula ko na agad din naman nyang pinutol. "It's ok iha. I really do understand your reason, and I'm sorry too for keeping a secret on you." Sabi nito bago ako niyakap. Pati si Kathleen ay nakiyakap na rin sa aming dalawa. "I really missed you guys. How about you old man.? Don't tell me hindi mo ako namimiss.?" Taas-kilay kong tanong kay Tito Marcus habang nakangiti. Agad din naman itong lumapit sa aming tatlo at niyakap kami. Geez.! Ano ba ang nagawa ko sa buong buhay ko't binigyan ako ng ganito kabait na mga tao.? Anyway, they are my family now. Kaya gagawin ko ang lahat ma'protektahan lang ang mga taong ito. "Uhh. I don't want to keep a secret on you guys kaya ngayon pa lang sasabihin ko na sa inyo na magtatrabaho ako kay Mr. Monroe. As a personal bodyguard of his daughter, starting tomorrow." Sabi ko na ikinagulat nila. "Ghillian--" Panimula ni Tito Marcus but I immediately cut him off. "I prefer to be called Raven Griffin." Sincere kong sabi na ikinangiti nilang tatlo pero agad din namang napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Kathleen. "Ven, she's a good friend of mine. Sana naman hindi sya madamay dito." Hopeful na sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Did she really think na gagawan ko ng masama ang brat na iyon.? Psh.! "Of course. May deal kami ng kanyang ama kaya huwag kang mag-alala dahil wala akong gagawin sa kanyang masama." Nakangiti kong sabi bago ikinuwento sa kanila ang napag'usapan naming dalawa ni Mr. Monroe. Para namang nabunutan ng tinik sa dibdib si Tito Marcus ng marinig nya iyon. Really.? Ganon na ba ako kasama sa paningin nila.? Tsk.! "It's good to hear that sweetie. Pero anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang totoo.?" Tanong ni Tita Carla that made me silent for a second. "I really don't know." Maikli ngunit makatotohanan kong sagot sa kanya. --------- Avery Pov Hindi ko alam kung ano itong importanteng sasabihin ni Dad dahil pinapunta nya ako dito sa office nya ng ganito ka'aga. Usually kasi natutulog pa ako ng ganitong oras. Pagdating ko sa loob ng building ay agad akong sinalubong ng isang hindi katangkaran ngunit magandang babae. "Good morning ma'am Avery. Kanina pa po kayo hinihintay ng Dad nyo." Magalang na sabi ni Camilla, secretary ni Dad. "Alam mo ba kung ano ang pag'uusapan namin.?" Tanong ko sa kanya habang papunta kami sa office ni Dad. "Pasensya na po pero hindi ko po talaga alam." Nagkakamot sa kilay na sagot nito kaya napatango na lamang ako. Pagdating namin sa tapat ng office ni Dad ay agad akong pumasok sa loob na hindi kasama si Camilla. "Good morning Dad." Bati ko sa aking ama na matamang nakatitig sa mga papeles. Umangat naman ang tingin nito bago ngumiti sa akin. "Good morning din sayo iha. Have a sit." "So, ano po iyong sasabihin nyo at ang aga-aga nyo naman ata akong pinapunta dito." Nagtatakang tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman ito bago sumagot. Ok.? "I just wanted to inform you, that you have a new personal bodyguard." Diretsahang sabi nito na ikinataas ng kilay ko. "Seriously Dad.? Your kidding right.?" Natatawa kong sabi kahit nagsisimula na rin akong kabahan. Pero mukhang hindi ata nagbibiro ang aking ama dahil seryoso parin ang mukha nito. Uh-oh. Not again.! "Well, I'm afraid I'm not." "Look Dad, I know your just concerned about my safety pero hindi ko kailangan ng personal bodyguard ok.? Saka hindi paba sapat na pumayag ako sa gusto mo na magkaroon ng PSG.?" Maktol ko sa kanya. "Oo meron ka ngang PSG pero anong ginagawa mo.? You threatened them at tinatawagan mo lang sila kapag kailangan mo lang. You really think I wouldn't know about it.?" He seriously said and I can't help but to bite my lower lip cause obviously, I am guilty. "Alam ko na rin na may taong nananakot sayo." Pahabol pa nito na hindi ko na ikinagulat. He has connection anyway. "Dad it was just an obsessed fan ok.? You had nothing to worry about it." "Exactly.! Obsessed fan of yours Jade. Who knows kung ano pa ang kayang gawin ng taong iyon.? At hindi tayo nakakasigurado kung isa ba talaga iyong obsessed fan mo." "What do you mean Dad.?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. "Alam mong may mga taong desperado na ibagsak ako dahil sa inggit sa kompanya natin. Kaya what if ang nag-utos sa taong 'yon ay isa sa mga rivalry natin sa kompanya.? Kaya nga gusto kong may magbabantay sa iyo kahit saan ka magpunta para naman mapanatag ang loob namin ng Mommy mo na ligtas ka lagi." "But Dad---" "No but's Avery. Malapit ng dumating ang taong hinihintay natin." Tukoy nito sa magiging personal bodyguard ko ata. Hays.! Ba't ba ako kinakabahan.? Ilang minuto pa ang lumipas nang may kumatok sa pintuan at sumilip sa loob si Camilla na nakangiti. "She's already here Sir." Sabi nito na lalong nagpakaba sa akin. Wait..she.? It means babae ang magiging bodyguard ko.? "Ok. Papasukin mo na." Nakangiting sagot ni Dad samantalang ako ay hindi na mapakali sa kinauupuan ko. Letse.! Ano ba ang nangyayari sa akin.? "Good morning Mr. Monroe." Rinig kong sabi ng isang malamig na boses sa aking likuran. Ba't parang pamilyar ata sa akin ang boses na iyon.? Instead na makipagtalo sa sarili ko ay dahan-dahan na lamang akong lumingon sa pinanggagalingan ng malamig na boses na iyon. Pakiramdam ko namutla ata ako nang makita ko kung sino ang taong ito. What the heck is happening here.?! "Good morning too iha. By the way, Avery gusto kong ipakilala sayo si Raven. Sya na ang magiging personal bodyguard mo and Raven, this is Avery, my daughter." Pakilala ni Dad sa aming dalawa. Pero itong kasama ko ay nakatitig lang sa akin. "Hi. Ni--nice meeting you again Raven." Sabi ko na nauutal pa bago ngumiti ng alanganin. "Likewise, Ms. Monroe." Malamig na sabi nito. As always. "You already know each other.?" Nagtatakang tanong ni Dad. "Guess so. Sya yung---yung pinsan ni Kathleen. One of my close friend and magkatabi lang din kasi ang unit namin." Paliwanag ko kay Dad. "That's good.! Dahil simula ngayon kasa-kasama mo na si Raven kahit saan kapa magpunta. At kapag sinabi kong kahit saan ay ibig-sabihin din non na sa unit mo na sya titira." Sabi ni Dad na nagpawindang sa akin. Who wouldn't be.?! "What.?! Dad no.!" Sigaw ko kaya napatingin silang dalawa sa akin. "Mukhang ayaw ata ng anak nyo Mr. Monroe. I guess wala na akong magagawa. Aalis na ako." Singit ni Raven at akma nang tatayo ng pigilan sya ni Dad. Ngayon ko lang ata sya narinig na nagsalita ng ganoon kahaba. "Wait Raven. Hindi iyon ang ibig'sabihin ng anak ko. Diba Avery.?" Seryosong sabi ni Dad habang nakatingin sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. Argh.! Nakakainis.! Ba't pakiramdam ko matagal na silang magkakilala.? "So, it settled then. I hope mabantayan mo ng maayos ang anak ko Raven. May tiwala ako sayo." Seryosong sabi ni Dad. "Of course, at umaasa rin akong tutupad ka sa usapan natin Mr. Monroe." Malamig na sagot nitong babaeng 'to.  Ok.? What's going on.? "Oo naman, makaka-asa ka. Oh sige na, umalis na kayo. I heard na may photo shoot ka ngayon Avery." Baling ni Dad sa akin na nagpabalik sa ulirat ko. "Uhh yeah. Sige dad, aalis na kami." "Ok. Be a good girl 'kay.?" Sabi pa nito na ikinasimangot ko. Ano ako bata.?! "Whatever." Sagot ko na lamang bago lumabas sa kanyang office. Ramdam kong nakasunod lang sa akin si Raven. Hays.! Parang noong isang araw lang ay pinagkamalan ko pa syang stalker ko tapos ngayon personal bodyguard ko na sya.?! Nakakaloka.! --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD