UeY-8

2421 Words
Avery Pov Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa suhestyon ni Dad na kailangang dito sa sarili kong condo unit mananatili si Raven. I wonder kung alam na kaya ito ni Kathleen.? Maka-usap nga ang babaeng 'yon mamaya. *Knock knock knock* "Come in.!" Sigaw ko sa taong kumakatok. "Matulog kana." Malamig na sabi ng taong nasa labas ng kwarto ko habang nakasilip sa may pintuan. Katatapos ko lang mag'shower dahil ang lagkit ng pakiramdam ko. Masyado kasing mainit sa shooting place kanina. Anyway, nasabi ko na bang nandito sya ngayon sa loob ng unit ko.? Well, obviously, she is. Since ito naman ang sinabi ni Dad kanina. Geez.! I'm not comfortable na kasama sya sa loob ng condo unit ko. Nahihiya kasi ako lalo na sa inasta ko noong first meeting namin. "I'm not sleepy yet." Nakangiti kong sabi sakanya habang nagsusuklay ng buhok ko. "If you say so." Sagot lamang nito before she close the door. Ang tipid nya talagang sumagot promise.! Parang every word na lumalabas sa bibig nya ay may bayad. Nang matapos ako sa aking ginagawa ay lumabas na muna ako ng kwarto dahil naalala kong may itatanong nga pala ako sa kanya. Sakto namang nadatnan ko sya sa sofa sa may living room na naka'upo ng tuwid at naka'cross arms habang nakapikit ang mga mata. Don't tell me dito sya matutulog.? At sa ganyang posisyon talaga.? Pero in fairness naman sa kanya, ang amo ng mukha nya kapag tulog. Malayo sa poker face nyang expression kapag gising. "May kailangan ka.?" Biglang tanong nito na ikinagulat ko. Magkaka'heart attack ata ako dahil sa babaeng ito. Pabigla-bigla na lang kung magsalita. Pero buti na lang hindi sya nagmulat ng mata dahil kung nagkataon, baka nakita nya akong nakatitig sa mukha nya. Nakakahiya.! "Uhh. May itatanong sana ako sayo. Kung ok lang.?" Nag'aalangang tanong ko rito. Dumilat naman ito at diretsang tumingin sa mga mata ko. "Tungkol saan.?" Seryosong sagot-tanong nito habang nakatitig parin sa akin. Ang hilig din nyang makipag'eye contact ano.? Ang awkward tuloy. "Uhm. Tungkol kay Dad.? Uh, matagal na ba kayong magkakilala.? Pansin ko lang kasi kanina parang matagal nyo ng kilala ang isa't-isa." I hesitantly ask na ikinataas ng kilay nito.  "Don't get me wrong ok.? It's just that, parang hindi lang kasi ito ang una nyong pagkikita." Paliwanag ko agad sa kanya. Kanina pa kasi bumabagabag sa isipan ko ang katanungang iyon. They seem close kanina sa office though parang may kakaiba. Hay, ewan.! "I meet your father three years ago. And the rest is history." Sagot nito bago pumikit ulit. Wow.! Ang ganda ng sagot nya.! Sa sobrang ganda mas lalo lang ako nalito. Peste.! "Paano kayo nagkakilala.?" Tanong ko ulit rito out of curiosity. Nagmulat naman ulit ito ng mata. Ba't kasi hindi na lang sagutin ang tanong ko eh. "Kung gusto mo talagang malaman ang totoo huwag ako ang tanungin mo, kundi ang magaling mong ama." Poker face na sagot nito at nakatitig na ngayon sa akin without any trace of emotion. Tumayo ito sa kinauupuan nya at dahan-dahang lumapit sa akin dahilan para mapa'atras ako. Oh gosh.! Anong ginagawa nya.?! "You seem scared." Cold na sabi nito ng huminto sa paghakbang palapit sa akin. Thanks god.! "I--I'm not.! And what do you think you're doing.?" Naiinis ko ng tanong sa kanya kahit na ang totoo ay gusto ng kumawala ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. "I just wanted you to know na ayoko ng maraming tanong Ms. Monroe. Lalo na kung tungkol sa mga walang kwentang bagay." Sabi nito bago humakbang pa'atras. "Matulog kana." Yun lang at iniwan na nya akong nakatulala rito. Ugh.! Nakakainis talaga ang babaeng yun.! Kung umasta akala mo kung sino. Makatulog na nga lang.! Bwesit sya.! *** Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pero agad ding napasimangot ng maalala ko ang nangyari sa pagitan namin ng babaeng yun kagabi. Naiinis parin ako sa kanya.! Wala tuloy akong maayos na tulog dahil sa bruhang iyon.! Lulugo-lugo akong bumangon sa kama and did my morning routine at inis na nag'toothbrush. Hindi ko talaga maiwasang hindi mainis ng ganito ka'aga dahil sa kanya. Paglabas ko ng kwarto ay agad akong pumunta sa kusina. Sakto namang nadatnan ko syang nagbabasa ng magazine habang nagka'kape sa may bar counter. Tumingin lang ito sa akin saglit at bumalik na naman sa ginagawa nya. At dahil naiinis pa rin ako sa kanya kaya... "Ipagluto mo ako ng breakfast." Mataray kong utos rito. Tumaas naman ang kilay nito bago tumingin sa akin pero inirapan ko lamang sya. Hindi ito umimik at bumalik na ulit sa kanyang ginagawa. Ah ganon.? Ok fine.! Ayaw mong magsalita hah. Tingnan natin. "Hindi mo ba ako naririnig.? Ang sabi ko ipagluto mo ako ng breakfast." Mataray ko paring utos sa kanya. Kita ko namang nagtangis ang bagang nito kaya ngiting tagumpay naman ako pero hindi ko pinahalata. Akala nya siguro matatakot ako sa kanya huh. Pwes, nagkakamali sya.! "Don't tell me hindi mo pa rin ako naririnig.? Bingi kaba.? Ang sabi ko ipag-----" "Naririnig kita Ms. Monroe at lalong-lalo ng hindi ako bingi." Malamig nyang sagot na hindi parin ako tinitingnan. "Kung hindi ka bingi, then do what I said." Nakahalukipkip kong utos sa kanya. Bitch na kung b***h. Sya ang nagtulak sa akin para gawin 'to.! "Ikaw ang kakain kaya ikaw ang gumawa." "You are my personal bodyguard kaya gagawin mo lahat ng gusto ko wether you like it or not.!" Inis kong sabi. I know I'm a spoiled brat na tingnan but who cares anyway.? Gusto kong bumawi sa ginawa nya kagabi. Hindi pa ako napahiya ng ganon sa tanang buhay ko. "You're right. I'm your personal bodyguard, but not your personal assistant." May diing sabi nito sa huling kataga.  "My duty is to protect you. To make sure that your safe at hindi para maging sunod-sunuran sa gusto mo Ms. Monroe" Dugtong pa nito bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Paalis na sana ito sa pwesto nya ng magsalita ako. "Hindi ko alam kung ano ang nakita sayo ni Dad para ikaw ang kunin nya bilang personal bodyguard ko. For me, you are just a weakling creature. Baka ako pa ang unang mapahamak kapag nagkataon." I rudely said that made her stop on her track. "You are already out of the line Ms. Monroe. Wala kang karapatan to question my skills dahil wala kang alam. Hindi mo pa ako kilala so you'd better shut your mouth." Malamig at walang emosyong sabi nito dahilan para matuod ako sa aking kinatatayuan. Pagkatapos non ay walang lingon nya akong iniwan dito. Rinig ko pa ang pagsarado ng guest room bago ako nanghihinang napa'upo sa upuan. Gosh.! Ano bang pumasok sa utak ko bakit ko iyon sinabi.?! Inis kong sinabunutan ang sarili ko ng may nag'doorbell sa pintuan. Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at pinagbuksan ang kung sino mang tao ang nasa labas ng unit ko. "Good morning Ms. Avery. Nagdala po ako ng pagkain nyo for breakfast. Pasensya na po ngayon lang ako nakarating, medyo ma'traffic po kasi." Nakangiting paumanhin sa akin ng taong nasa harapan ko ngayon. Buti pa ang isang 'to. "It's ok Claire. Pasok ka muna sa loob, and I already told you. Avery na lang ang itawag mo sa akin and please drop the po thingy. Magka'edad lang naman tayo eh. Anyway, nag'abala ka pa. I can cook naman for my breakfast." Nakangiti kong sabi sa kanya ng makapasok na kami sa loob. Claire is my friend and one of my personal bodyguard bago umeksina ang babaeng yun. Actually, sya ang pinaka'close ko sa lahat ng naging bodyguard ko. Masyado kasing palabiro ang babaeng ito at marunong makisama. No wonder kung bakit naging magkaibigan kami nito hindi katulad ni Raven na una palang hindi na kami magkasundo. "Ok Avery. Anyway, inutusan lang ako ng mommy mo na dalhin iyan dito. Baka daw kasi hindi kana naman kakain ng umagahan kaya ipinagluto kana nya para din daw may makain ang kasama mo." Sabi nito na ikina-taas ng kilay ko. So, alam na pala nila ang tungkol sa pagkakaroon ko ng bagong personal bodyguard. "Tsk.! Hayaan mo na ang babaeng yun. Tara kain na tayo. Sabayan mo ako." "Huh.? Paano ang kasama mo.? Nasa kabilang kwarto ba sya.? Tatawagin ko muna." Akma na sana itong pupunta sa guest room ng pigilan ko. "Pabayaan mo sya. Huwag mong tawagin, bahala sya magutom dyan." Inis kong sabi na ikina'kunot ng noo nya. "Hindi kayo magkasundo noh.?" Nakangising tanong nito. "Hindi talaga.! Masyado kasing antipatika." Nakasimangot kong sagot na tinawanan lang nya. "Anong nakakatawa.?" "Wala naman. Masyado ka kasing naiinis sa kanya. Hmm. Ano kaya ang hitsura nya.?" Hindi ko mapigilang pagtaasan sya ng kilay dahil sa huli nyang sinabi. Kung hindi ko lang sya kilala baka iisipin kong she's into girls. Well, boyish naman ang haircut nya but I'm definitely sure that she's straight. "Pangit." Maikli kong sagot kahit hindi naman totoo. "Eh.? Talaga.?" Sasagot na sana ako ng may tumikhim sa likuran namin. What the actual fuck.?! Kanina paba sya dyan.? Narinig nya kaya ang sinabi ko.? Huwag naman sana.! "May kasama ka pala." Plain lang na sabi nito habang nakatingin kay Claire na nakatulala na ngayon at hindi gumagalaw. Anyare sa babaeng ito.? "Pake mo.?" "Wala naman." Sagot lang nito bago pumunta sa ref at kumuha ng malamig na tubig. "Hi. I'm Claire Ortaleza. I'm her friend at dati nyang personal bodyguard. It's nice meeting you." Tuloy-tuloy at bibong sabi nitong katabi ko na ikinagulat ko. Kanina lang parang nakakita ng multo pero ngayon ang hyper ng bruha. "Raven. Nice meeting you too." Cold na sagot nito bago bumalik sa kwarto. Yung totoo.? Sya ba ang may'ari ng unit na ito.? Maka'asta akala mo pagmamay'ari nya eh. "Omg.! Ba't hindi mo sinabing may kasama ka palang isang maganda at hot na babae rito.? Nakakatomboy sya huh. In fairness." Natatawang sabi nitong katabi ko. Ano daw.?! "Gaga.! Sya ang bago kong personal bodyguard." "Talaga.?! Susmaryosep.! Ang ganda naman nya para sa ganitong trabaho. Teka, sabi mo kanina pangit sya.? Ikaw huh." Tukso nito na ikinakunot ng noo ko. "Ewan ko sayo." Sabi ko na lamang at inirapan sya. Manunukso pa eh. *Ding dong ding dong* "Claire paki'buksan naman yung pinto oh." Pakisuyo ko sa kanya habang nakatingin sa cp ko. Ka'text ko kasi ang manager ko. May photo shoot na naman kami bukas somewhere in Tagaytay. "Good morning bestie.!" Sigaw ng taong kararating pa lamang. Ang aga ata mambulahaw ng bruhang ito.? "Kailangan talagang sumigaw noh.?" "Ang killjoy mo. Saka, anyare bes.? Umagang-umaga pa lang lukot na iyang mukha mo. Anong meron.? Hindi ba maganda ang gising mo.?" Sunod-sunod na tanong nito na ikina'ikot ng mata ko pero itong si Claire, tumawa lang. "Hindi talaga." Inis kong sagot at akma ng kakain ng magsalita si Claire. "Hindi mo lang ba sya tatawagin.?" "At bakit naman aber.? Eh di magluto sya kung gusto nyang kumain. Duh.!" "Teka teka. Sinong sya.? May iba kabang kasama dito Avery.?" Nagdududang tanong ni Sophia. "Meron. Ang walanghiya kong personal bodyguard." "What.?! Kasama mo syang matulog dito.? Kelan kapa nagpapasok ng lalaki dito.?" Hysterical nitong tanong. Ang sarap sabunutan ng isang 'to. "Baliw.! Babae ang bago nyang personal bodyguard. Ang hot nga nya eh, promise." Sagot sa kanya ng isa naming kasama rito. Ay, ewan ko sa kanila. "Talaga.? Ba't hindi mo tawagin best. Ano nga pala ang pangalan nya.?" "Raven. Saka bat ako ang tatawag sa kanya.? Kayo na lang kaya." "Bakit naman kami.? Eh ikaw itong amo dito." Says my bitchy best friend. "Ayoko nga." "Sige na.! Para sabay-sabay na tayong kumain. May dala rin akong pagkain dito oh." Pangungulit pa ni Sophia. "Ayoko nga kasi.!" Pagmamatigas ko pa. "Sige ka. Kapag nagkasakit yun, kasalanan mo." Animal.! Tinakot pa talaga ako ng bruhang ito. "Oo na.! Ang kulit nyo. Mga hinayupak kayo.!" Inis kong sabi at padabog na nagtungo sa guest room. Ano ba 'yan.! Parang baliktad ata sitwasyon namin. Geez. Dahil sa inis ko ay agad kong binuksan ang pintuan na hindi man lang kumakatok since hindi naman naka'lock. Pero bigla ata akong nanlamig at na'estatwa sa aking kinatatayuan nang makita ko syang walang suot na t-shirt. Gulat naman itong humarap sa akin. Muntik na akong mapa'face palm dahil sa nangyari. Great.! Mas lalo lang akong hindi makagalaw dahil sa nakikita ko. Letse.! Hindi naman bago sa akin na makakita ng mga babae at lalaki na walang suot na t-shirt dahil na rin sa uri ng trabaho ko and probably more than that pa ang nakita ko. Pero holy cow.! Ang hot nyang tingnan lalo na't kitang-kita ko ang girl six pack abs niya.! Goodness.! Uminit ata bigla ang paligid. "Anong ginagawa mo dito.?" Tanong nito habang dahan-dahang nag'suot ng t-shirt na parang wala ako sa harapan nya.  "Ms. Monroe, tinatanong kita." "I--uhh. Kakain na." Utal kong sagot. Pansin kong nagulat ito sa sinabi ko pero agad ding bumalik ang blangkong expression ng mukha nya. "Mauna kana. Susunod na lamang ako." Aalis na sana ako ng magsalita sya ulit. "At sa susunod kumatok ka muna bago pumasok. Baka hindi lang iyon ang nakita mo kung sakali." She seriously said na ikina'init ng mukha ko. Dali-dali akong umalis sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. Nakakahiya ka Avery.! "Anong nangyari sayo.? Bat ang pula ng mukha mo.?" Kunot-noong tanong ni Sophia. Hindi talaga ako makakapagtago sa babaeng ito. "Huh.? Ano---wala lang 'to." Magsasalita pa sana sya ng sikuhin sya ni Claire at ngumuso sa likuran ko. Napalingon rin ako kung ano ang ibig nyang sabihin pero gulat lang na mukha ni Raven ang nakita ko. Oo nga pala. Si Claire lang pala ang nakita nya kanina nong lumabas sya ng kwarto. "O.M.G.!" Mahinang sabi nitong bestfriend ko na may halong...tili.? Seriously.? Anong nangyayari sa kanila.? "Hi. Ikaw pala ang bagong bodyguard ni Avery. By the way, I'm Sophia Lim. Bestfriend nya ako. Nice meeting you Raven." Nakangiting sabi nito at nakipag-kamay sa huli na tinanggap naman nito but her face remains stoic. "Nice meeting you too." Cold nitong sabi bago kami lagpasan dahil kanina pa tumutunog ang cellphone nya. "Geez.! She's cold and....hot." Komento ni Sophia habang nakatingin kay Raven na may kausap sa cellphone. Hindi ko rin maiwasan na mapatingin rito. Hindi ko alam kung sino ang kausap nya pero kita ko kung paano kumunot ang noo nito. Bumalik tuloy sa isip ko ang nakita ko kanina sa kanyang kwarto. Sophia's right. She's freaking hot.! ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD